41.The last minute Lush Miguel texted her was when he said he'd drive his grandmother back home. Ngayon ay alas diyes na ng umaga at tapos na ang coffee break. Nasa loob na siya ng C.R pero wala pa rin update.Hinihintay din niya iyon. isang malaking himala na hindi siya pinag-uusapan sa buong kumpanya ngayon dahil sa nangyari noong isang araw. Kahapon pa siya naghihintay na may marinig. Ikinuwento na nga niya kay Berna para di na iyon magugulat pa.So far, Montevez remained a peaceful environment for her, especially now that Dennis is no longer around.“Hoy.”Napaitlag siya at napatigil sa pagkuskos ng mop sa sahig nang maulingan si Berna.“Halika, dali. Nandiyan ang jowa mo may kasamang babae!” Paypay nito sa kanya kaya napakunot noo siya.Si Lush?Agad siyang naglakad papunta sa pinto at lumabas. Nakatipon ang mga janitors sa lobby, lahat nakatingin sa isang magandang babae. Hindi iyon matangkad pero ubod ng kinis. Chubby iyon at chinita, mahaba ang buhok na kulay blonde.Kaswal la
42.KAMPANTE pa si Lush Miguel na nakatunganga. Naka-de kwatro pa siya. Ruth was sleeping after four rounds. Nasa taas iyon at iniwan niya saglit. Bumaba siya at umiinom ng kape ngayon.Nangingiti siya dahil naaalala niya ang inis nito kanina nang ipakilala niya si Patricia sa lobby bilang supervisor.Nagseselos ito sa babae at natutuwa siya. May gusto na si Ruth sa kanya kaya lang ay ayaw umamin. Kakaibang saya ang naramdaman niya nang marinig niya na nagmamaktol ang dalaga sa banyo kanina.Ayaw niya noon ng may hahabol-habol sa kanya. Ayaw niya na may babakod-bakod pero ngayon ay proud na proud siya. To the point na hindi naman siya nito binabakuran at nagtatago nga. Buti na lang at narinig niya.Kinuha niya ang tasa ng kape at humihop, pero tumingin siya sa hagdan nang makita si Ruth na pababa.She was wearing his long sleeves and buttoning a few of the buttons.“Bakit nakatunganga ka pa?” Inaantok na tanong nito sa kanya at napamadali, walang tsinelas na suot.Nahagod niya ng ting
43.NAPALUNOK si Lush ng laway. Wala siyang maapuhap na salita na pwedeng isagot kay Ricky.Maluha-luha siyang napabaling ng tingin para itago ang mga mata niya. Did she lie to him? Did she hide her real status? Her profile said she was single. Did she fail to update it?Fuck!Gusto niyang hilamusan ang mukha niya. Parang hindi siya makahinga. Seryoso siya sa kanyang nararamdaman? Bakit naman ganito siya pinaglalaruan ng tadhana? Asawa ni Baron ang babaeng minamahal niya?Tang-ina!Halos maikuyom niya ang kamao. Gusto niyang umiyak at halos masabunutan niya ang sarili.“Wait, Rick,” dali-dali niyang paalam sa kaibigan saka siya naglakad nang malalaki papunta sa mesa ng mga iba't ibang mamahalin na alak.He stood in front of it. Mangiyak-ngiyak siya. May iba pa bang Ruth Eduardo sa mundo? Sino?Hindi niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman. Nagagalit siya. Bakit siya niloko ni Ruth? Kung iyon man?Dinampot niya ang isang wine glass at tinungga ang alak. Hindi pa siya nasiyahan ay ki
43.1GULAT si Ruth nang bumukas ang pintuan at malaking katawan ni Lush ang sumampay sa kanya.“Susko!” Tili niya saka pilit na inalalayan ang binatang sinilip siya at nginitian.Dinutdot nito ang ilong niya Gamit ang hintuturo nito.“S-Sandali,” aniya saka isinara ang pintuan.“Hindi tayo makakapanhik,” aniya rito.Matayog ang hagdan at baka gumulong sila parehas ni Lush. Napakalaking lalaki pa naman nito at kapag nadaganan siya ay baka daig pa niya ang sinagasaan ng pison.“Dito lang tayo matutulog sa baba. Sandali, kukunin ko ang sapin. Maupo ka,” humahangos na sabi niya saka ito inalalayan na makaupo sa sofa.Umungol ito at umiling pero nagmamadali ang dalaga sa itaas, kinuha ang makakapal na comforter na nakasapin sa kama.Bumaba siyang muli matapos na kunin ang mga iyon, kasama na rin ang pamalit ni Lush. Halos humandusay ito sa sofa at hindi makagulapay. Hawak pa nito sa kamay ang ebidensya ng kalasingan, ang bote ng alak.“Akin na ‘yan,” aniya saka kinuha ang bote mula rito.Na
44.TAPOS na.Humugot siya nang malalim na hininga nang tuluyan na lumiit si Ruth sa kanyang paningin. Nakaupo siya sa kanyang sasakyan, nag-aabang na parang isang magnanakaw. He watched her as she ran away, carrying Muse's cage.Iyon lang ang kaya niyang gawin, ang tanawin ang dalaga mula sa malayo dahil kahit galit siya, nagmamahal siya nang totoo. Kahit galit siya, hindi niya kayang insultuhin iyon at pagsalitaan ng masasakit.Mataas pa rin ang respeto niya kay Ruth sa kabila ng lahat, dahil alam niya na deserving iyon sa respeto niya. Ngayon lang siya nainggit sa tanan ng kanyang buhay. Naiinggit siya kay Baron. Napakabait ng asawa nun, at sana ay makahanap din siya ng isa pang Ruth, pero hindi pa sa ngayon.Lush badly needed so much time to heal, and the process will never be easy. Yun ang kanyang nasisiguro dahil sobra siyang nasaktan sa kauna-unahang pagkakataon na siya ay umibig.Tamad na binuhay ng binata ang makina ng sasakyan. Pinaandar niya iyon pero hindi siya papasok. Uu
45RUTH is facing her head, Patricia. Nasa kamay nito ang kanyang resignation letter, na alam niyang ia-akyat nito kay Lush Miguel. Binabasa iyon ng babae.“This is an urgent registration letter, Miss Eduardo. Nakalagay mo rito ay may aasikasuhin ka at matagal ka bago makakabalik. Saan?” ngumisi ito at parang kampante na tumingin sa kanya.“Confidential, Ma'am. Bibyahe na po ako ngayon.”“Okay. Kung ‘yan ang desisyon mo, mahirap ka naman pigilan. I don't know your personal life and problems,” anito saka walang paliguy-ligoy na pinirmahan iyon.Napaawang ang kanyang bibig, “Hindi niyo na po ia-akyat sa CEO?”“Nope,” iling nito, “Lush had given me all the authority to decide as long as it’s under my supervision. In your case, under kita kaya ako na ang bahala. Besides, marami naman pwedeng pumalit sa trabaho mo. Good luck.”Napilitan siyang tumango saka ngumiti. Narito na pala ang lahat ng awtoridad. Bakit nga ba naman siya magtataka? Malamang ay si Patricia ang babaeng sinasabi ni Lush
46.RUTH accepted a handshake being offered to her by the manager, Vaughn Andaya.Nasa harap siya ng lalaki, nakaupo, habang ito ay nasa swivel chair nito.Nag-apply siya sa SM bilang isang sales lady sa isang mamahalin na clothesline, na isinusuot ng mga pulitiko sa kanilang lugar. Ang isang button down shirt ay nagkakahalaga ng apat na libo.Today's her interview and she just got hired. This was a month after she got home from Manila to Camarines Sur. Nasa Naga City siya dahil naghahanap na siya ng trabaho. Ayaw na niyang mag-mukmok sa bahay.Galit na galit ang kanyang mga kamag-anak kay Baron, at sa oras daw na magpakita iyon, tatagpasin daw iyon sa leeg ng kanhang Tiyo Ernesto. Malalayong kamag-anak na lang ang mayroon sila pero naman ay di matatawaran ang relasyon nila sa bawat isa. Lalo na siya na ulilang lubos kung tutuusin. Her family is protecting her, especially now that they know the story about Baron.Iba ang mga ugali ng taga-Cam Sur. Matatapang talaga ang mga taga-rito a
47.LUSH was back after a month of attending special meetups held in Australia.It also served as his vacation, his best way to move on. Iniliko niya ang sasakyan papasok sa gate ng Montesalvo mansion. Diretso siya sa loob at itinigil iyon sa mismong harapan ng main door.Kasunod niya ang sasakyan ng bayaw niyang si Jackson. Magkasama silang dalawa sa Australia dahil ito ang hahawak ng branch doon. Naroon na si Love at ang mga bata, naiwan na roon. Sinamahan lang siya pabalik ni Jack para asikasuhin nito ang ilang mga papeles.“Babuela!” Magiliw na bulalas niya ang plasteran ng magandang ngiti ang labi, at makita si Carmenzita sa may pintuan, naka-wheelchair.“What are you doing here?” Tanong niya sa lola na nakatingala sa kanya.“I'm waiting for my apo. Have you seen him?”“Sino, Babuela, iyong pinakagwapo at pinakamacho mong apo?” Ngisi niya kaya nangingiti rin ang ina niyang papalapit naman, kasusunod ang Daddy niya.Tumango si Carmen, “And his wife. Iyong magandang babae sa ospita