31.WALANG imik si Ruth habang nagpapalit ng damit. Para talaga siyang tinamaan ng kidlat kanina nang tahasan siyang bastusin ni Dennis.Totoo iyon pero naiiyak siya dahil masakit pala na masaling ng katotohanan. Kahit na ba may dahilan ang ginagawa niyang kagagahan, para pa rin siyang sinaksak.“Anong nangyari sa inyo ni sir Dennis, Ruti?” Usisa Mary sa kanya kaya napatingin siya roon.Hindi niya mga super close friends ang mga ito pero hindi rin naman niya mga kaaway.Hindi siya nagsalita dahil totoo naman ang sinabi ni Dennis. Ang hindi lang niya gusto ay ang pambabastos ng lalaki sa kanya. Sa tanan ng buhay niya ay walang nambastos sa kanya ng ganun.“Namumuro na ang matandang gurang na yun ha. Baka gusto na nun makatikim ng mag-asawang pompiyang!” Ani Berna saka kumara-karate pa. Mabilis iyon na umikot-ikot hanggang sa ma-out of balance.“Ay!” Tili nila pero may sumalo sa kili-kili ni Berna, dalawang braso ng lalaking naka-longsleeves.Mabilis na hinatak ni Ruth ang bestfriend at
32.ISANG kuskos, isang singhot. Hindi matigil si Ruth sa pag-iyak. Ang sakit-sakit ng puso niya dahil sa narinig niya sa cellphone.Tanga ba talaga siya? Ngayon, daig pa niya ang nahahati sa dalawa. Ayaw niyang paniwalaan ang kanyang narinig, pero ayaw din niyang maging dakilang tangengot.Hindi na tuloy niya maintindihan kung ano na ba ang kanyang dapat na isipin. Masyado tuloy siyang nahihirapan, pero napakalakas ng kutob niya ngayon na niloloko siya ni Baron.Kung totoo man, dapat ay mag-usap na sila at matapos na ang lahat. Ano kaya ang ginawa niyang mali at ginawa iyon ni Baron sa kanya? Sobrang sakit kung tama man ang kanyang womanly instinct. Nagbenta siya ng sarili para sa isang walang kwentang lalaki, na mukhang niloko lang siya ng tatlong taon.She ignored all his tantrums, his arrogance, ang pagiging matiisin nun kapag sila ay nag-aaway, na ni kamustahin siya ay hindi, na ni i-seen siya ay hindi. She thought those were all part of being in a relationship. Akala niya ay nor
33.“SINO ho ba kayo?” Tanong ng nurse sa istasyon kay Ruth, habang ang dalaga ay nasa harap, nagtatanong ng kwarto ni Carmenzita Montesalvo.Iyon ang naabutan ni Lush nang siya ay bumaba. Sa tono ng babae ay parang iritado na iyon, at hindi nakaligtas sa kanya ang mapanuri na mga mata nun sa itsura ni Ruth.“Hindi ko ho masasabi sa inyo ang room number. Mga matataas na tao lang po ang pwedeng bumisita sa kanya,” irap pa ng babae.“And whose order?” Matatas na tanong niya nang lumabas siya sa may pader.Parehas na napatingin sa kanya ang lahat ng naroon, kasama si Ruth.“Lush!” Bulalas nito kaya ngumiti siya saglit pero muli niyang itinuon ang kanyang paningin sa babae nang-aalipusta rito.“How can you say that a person belongs to high society? Sa damit ba?” Tanong niya dahil naha-highblood siya.“No, sir.” Papairap na sagot nun.“You just said it and I heard it. Hinahamak mo ang bisita ng lola ko dahil naka-uniform siya na pang janitress. Janitress siya sa kumpanya ko. You can just s
34.“AREN'T we going to have lunch together?” Lush asked her and she just glanced at her wristwatch.Trenta minutos na lang at time na.“Pwede naman kaya lang yun aasikasuhin ko, paano?” Aniya rito para makaiwas na rin.Medyo napalabi si Lush, “Next time na lang. Kakain na lang muna ako mag-isa.”“Naks, paawa mode,” nangingiti na sabi niya rito at napangiti naman ito nang kaunti.“Sasabayan kita kahit dinner na lang sa sunod na nasa condo tayo.”“Kahit sa labas na lang tayo kumain. I can't go to the condo yet because of Babuela. Let's just keep on meeting for lunch or dinner, I guess.”“Ang bayad?”Natawa ito sa tanong niya, “Babayaran pa rin.”“Joke lang. Sige, sasamahan kita. Alam ko naman na malungkot ka dahil sa Babuela mo. Alis na ako. Matulog ka naman kapag may oras. Mahirap magkasakit. Maraming mawawalan ng trabaho kapag namatay ka.”Napahalakhak si Lush sa sinabi niya.“Bakit, totoo naman yun ah. Kumain ka na ba ng tanghalian? Kumain ka na. Buti ako kahit tumatakbo ako makakak
35.“PUNTA ka parking, CEO.”Iyon ang text na nagpakurap kay Ruth habang siya ay nag-aasikaso papauwi. She's so tired.Bakit naman nagsundo pa si Lush? Baka may makakita sa kanya. Napatingin siya kay Berna na halos tapos ng mag-asikaso. Naroon pa rin ang iba niyang mga kasama.“I'll wait for you, sweetie.”Diyos ko po. Anong ire-reply niya? Si Ricky ang hinihintay niyang mag-update sa kanya pero hanggang ngayon ay wala pa rin.Napabuntong hininga na lang siya. Hindi niya magawang tumanggi kahit na sa loob niya ay ayaw sana niya.“B-Berna,” tawag niya sa kaibigan na kaagad naman na tumingin, matapos isukbit ang body bag.“S-Si Sir L-Miguel…hinihintay daw ako sa parking,” aniya sa mahinang boses kaya nanlaki ang mga mata nito.“What?” Luminga nitong tanong, “Baka iba na ‘yan, friend. M-May asawa ka na. Manloloko nga lang.” Dagdag pa nito kaya nakonsensya siyang muli dahil hindi niya masabi sa kaibigan ang nangyayari sa kanila ni Lush Miguel.Nahihiya rin siya kay Berna.“H-Hindi naman.
35.1AND Lush's intuition was right. Kakaupo pa lang nila ni Ruth at katatapos na um-order ay narito na kaagad ang babae, papalapit na sa kanila.Kaoag sinusuwerte nga naman, may bwisit pa na i-eksena sa gabihan nila.“Is this for real?” Bulalas ni Anne at sinilip-silip pa ang dalaga na nakaupo sa may harap niya.“Annelyn, we're here to dine,” aniya at nasa tono niya ang pagbabanta rito.Baka mapahiya ito sa oras na siya ay mapikon.“Dine? Since when a President of a multi-billion company dines with a…janitress?” Umangat ang isang kilay ng babae at tumingin kay Ruth.“Ngayon. Bulag ka ba? Siya ang President at ako ang janitress,” Ruth immediately answered, looking at Annelyn sarcastically.Nakita ni Lush ang tila pag-usok ng ilong ni Anne dahil sa sagot ng dalaga.“I am not blind but I find you so trying hard to fit into his world. Masyadong mataas ang ambisyon mo.”Bumukas ang bibig ni Lush pero itinaas ni Ruth ang kamay para huwag siyang magsalita.“Sino ba namang tanga ang mag-a-am
36.TUMATAKBO si Ruth papunta sa parking area, matapos na makaalis ni Lush, ilang minuto ang nakalipas. Umiskapo siya papauwi dahil ayaw niyang magpahatid dun sa kanyang apartment. Ang alam nun ay lumipat na sila.Susko naman. Kotang-kota na siya sa pagsisinungaling niya. Ang hirap pala ng nagtatago at naglilihim ng totoong pagkatao, pero ganun pa man, totoo ang ipinakikita niya na siya.Habang tumatakbo siya sa parking ay daig pa niya ang nakakita ng multo nang makita ang isang lalaki na iitsa-itsa ang susi sa ere habang papunta sa isang sasakyan.She abruptly stopped. Napatigil siya sa pagkalkal sa bag para sana tawagan si Lush, at magpaalam na uuwi siya, dahil kunwari ay tinawagan siya ng Ate niya.Natigilan din ang lalaki nang makita siya at napa-second look pa iyon sa kanya.Lately, she was imagining herself, seeing her husband again. Ang nasa isip niya, tatakbuhin niya ito ng yakap at halik, iiyak siya sa sobrang saya na buhay ito at nakita niya ulit, pero ngayon, taliwas ang ka
37.DAIG pa ni Lush ang sinisilihan ang pwet sa kanyang higaan. Hindi siya makatulog. Maya't maya ang tingin niya sa smartphone kung may text siyang natanggap. Whenever his phone tings for a new message, he opens his eyes right away and grabs his phone.He just keeps on removing the chat head that pops up on his home screen. Hindi naman pala si Ruth. Tulog na siguro iyon kaya bakit pa ba siya umaasa na may text siyang matatanggap.He doesn't know. He's just too worried about her. He knows that she's sad. He knows that she has a problem and it bothers his entire system. He cares a lot. Damn it.“What is happening, Lush?” Delight asked.Napatingin siya sa kapatid na nasa sofa, nakaupo at nagbabasa ng libro pero mukhang siya pala ang binabasa.Napakamot siya sa buhok saka bumangon. She glanced at Carmenzita. Tulog ang matanda.“Kanina ka pa tingin nang tingin sa phone mo tapos parang nabubwisit ka,” natatawang sabi ni Delight sa kanya. What's bothering you? Hinahanap ka ba ng mga babae m