Amelia's Point Of View.Mabilis kong pinarada ang aking sasakyan ng makarating sa libingan ni mom, sa susunod ay isasama ko sina Caleb para makilala nila si mom.Mabilis akong bumababa ng sasakyan at nag lakad habang hawak hawak ko sa kaliwang kamay ko ang bulaklak na binili ko. Nahanap ko kaagad ang libingan ni mom at nilapitan ito.Huminto ako sa harapan ng libingan niya. "Hello, mom," ramdam ko ang pait ng sarili kong boses. "I-it's been a while," dagdag ko.Hindi na ako nagulat ng isa-isang pumatak ang aking luha habang nakatingin sa kaniyang libingin, dahan-dahan akong umupo at nilapag ang bulaklak sa libingan niya. "Home is not the same anymore after you died," halos pabulong kong sabi habang tumutulo ang aking mga luha. "Bakit kasi kailangang mawala ka, m-mom?" naiiyak kong dagdag."Para na lang akong ibang tao sa bahay, parang pinapanood ko lang ang ibang tao na bumuo ng pamilya nila sa mansyon," iyak ko. "Naiinis parin ako kay dad dahil nagawa niyang mag asawa ulit, mom. Par
Amelia's Point Of View. "Pumunta si Mike rito? Ano namang ginawa niya?" hindi makapaniwalang tanong ko kay Sandy nang sabihin niya sa akin na rito pumunta si Mike.Ano namang dahilan at nag punta ang lalaking iyon dito?!Ngumisi si Sandy. "Hinahanap ka niya, hindi naman niya sinabi ang dahilan," saad niya at nag kibit balikat. "Baka naman mahal ka parin niya?"Halos masuka ako sa huling sinabi niya. "Sandy! Huwag ka ngang mag salita ng ganyan," inis kong sabi. "Hindi ko nga alam kung bakit sinasabi ni Chelsey na baka may kabit si Mike, eh cheater naman silang dalawa! Kadiri sila!"Malakas na natawa si Sandy sa narinig. "Baka sawa na si Mike kay Chelsey, kaya gustong bumalik sa'yo?""Asa naman siyang may mababalikan pa siya!" inis kong sabi. "Ang pinakang iinis ko pa, gumagawa sila ng mga walang kwentang bagay! Na kaya raw ako bumalik ay dahil gusto kong maging ama si Mike ng mga anak ko, ang akala ata ni Chelsey ay aagawin ko sa kaniya hayop na lalaking 'yon!"Napalakas ang pag tawa
Chase's Point Of View."Do you think na tinatanggap niya ang mga binibigay ko?" kunot noong tanong ko kay Ryan, nandito siya ngayon sa condo ko para mang gago na naman.Ryan shrugged. "I don't know, isang linggo ka ng nag papadala ng kung anu-anong bagay sa kaniya, hindi ka ba napapagod?"I rolled my eyes. "Kailangan kong mapapayag si Amelia na bumisita sa mansyon, para makilala sila ni mom and dad," saad ko."Sa tingin mo ba mapapapayag mo siya sa pag bibigay ng mga ganoon? Bro! Shoot your shot!" nakangising sabi niya.Kumunot ang noo ko. "What the hell are you saying? Hindi ko naman siya liligawan!" inis kong sabi.Napahalakhak si Ryan. "Hindi ko naman sinasabing ligawan mo siya, ang sinasabi ko lang ay kausapin mo na siya ng personal, kaysa naman mag padala ka nang padala ng mga kung anu-ano! Wala kang mapapala diyan!"Totoo ang sinabi ni Ryan, pag katapos kong mag padala ng isang box ng laruan ay nag padala rin ako ng mga damit na pang batang babae at lalaki, gatas, at iba pang ka
Chase's Point Of View."Damn! Iba na pala ang address niya," narinig ko ang tawa ni Ryan sa aking tabi. "Ihahatid ba natin ang mga ito sa condo niya?" tinuro niya ang mga bagay na binibigay ko sa likod."Yeah, iiwan natin sa labas ng pintuan ng condo niya," sagot ko. "Including this bouquet."Tumawa si Ryan. "Ngayon, malalaman na talaga natin kung tatanggap niya 'yan o hindi."Hindi na ako nag salita."Pero nag tataka ako, bakit wala man lang dumadalaw sa kaniya sa bago niyang condo? Hindi man lang ba siya pinupuntahan ng pamilya niya?" biglang sabi ni Ryan."Maybe they're not on good terms?" sagot ko. "Nag asawa ng bago ang dad niya after mawala ng kaniyang mom, siguro ay hindi sila okay," dagdag ko."That's possible, kahit ako ay aalis ako ng bahay at lilipat kung ang bahay na tinutuluyan ko ay parang impyerno," wika ni Ryan."I really don't know her and I can't believe that we have twins. She's like a stranger to me, it's weird.""Do you want to get to know her?"Sandali kong nilin
Chase's Point Of View.Naputol ang pag titinginan naming dalawa ng bumaba ang kaniyang tingin sa mga malaking box na nasa tapat ng kaniyang pintuan."What the hell? Nag padala ka naman ng mga walang kwentang bagay?" galit niyang sabi at tinignan ako.Nag tiim bagang ako dahil sa aking narinig."This is for Caleb and Aria, they needed it, paano mo nasabing walang kwentang bagay ang mga 'yan?" seryosong tanong ko.Mabilis akong tinignan ng masama ni Amelia. "At sino ka naman para mag bigay ng mga ganyan para sa kanila? Para ipaalala ko sa'yo, horny billionaire—""Don't you dare call me that again!" galit kong sabi, nakakunot na ang noo, hindi ko maiwasang magalit sa mga lumalabas na salita sa kaniyang labi, alam kong matindi ang galit niya sa akin."Bakit? Noong tinawag mo akong prostitute kahit na hindi naman talaga ako isang prostitute, nakinig ka ba sa akin?!" galit niyang sigaw. "Para ipaalala ko sa'yo! Wala kang karapatang mag bigay ng mga ganito dahil para sa akin ay estranghero
Amelia's Point Of View.Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking iyon! Porket mapera ay akala mo kung sino na maka-asta, ang dami niya pang sinasabi na may pakialam siya kila Caleb pero ang totoo naman ay ginagawa niya lang iyon para sa permission.Isang hipokrito, hindi na ako nag tataka.Hindi niya na lang sabihin ang gusto niyang sabihin, mag bibigay pa siya ng suhol na akala niya ay mag papa-uto ako! Anong akala niya sa akin?! Isang tanga?!"Mom, I heard noise, ano po iyon?"Napalingon ako kay Caleb ng lumabas siya ng kwarto, pati tuloy siy ay nagising dahil sa demonyong iyon."Wala lang iyon, may kinausap lang ako sa labas, bumalik ka na sa loob," wika ko at tumango naman siya at sinunod ang sinabi ko.Mabuti na lang at umalis na si Sandy noong nangyari iyon, ayokong mag karoon ng murder scene sa harap ng condo ko.Napatingin ako sa aking cellphone ng tumunog ito.Unknown Number:Save my number. I'll update you when will you come with the twins here to the mansion."Fuck you," bulon
Amelia's Point Of View.Paano hindi magiging pamilyar sa akin ang lugar na ito kung madalas kaming pumunta ni Mike rito noon?-Flashback-"I heard na may bagong gitara sa LMIS, bakit hindi muna tayo dumaan doon?" tinignan ko si Mike na nag dri-drive, nilingon niya ako at nginitian."Sure, I also want to buy a guitar pick," wika niya.Parehas kaming dalawa na may interest sa music, hindi na rin nakakapag taka kung bakit nagustuhan namin ang isa't isa. I'm always grateful na nakilala ko siya noong panahon na wala na akong pag-asa mabuhay dahil sa pag kawala ni mom.He saved me. He's my comfort person. He's my protector.Isa siya sa mga dahilan kung bakit hanggang ngayon ay nandito parin ako, nakakatawa nga noong una niya akong nakita dahil ang akala niya ay tatapusin ko na ang buhay ko.Nasa isang isla ako noon at nag babakasyon, nag sabi kasi ni dad ay kailangan ko mag karoon ng pahinga. Gabi noon at nasa may mataas akong bato at akala niya ay tatalon ako ng dagat.Tawang tawa pa ako d
Amelia's Point Of View."I still fucking love you, Amelia. I didn't stop na mahalin ka," dagdag ni Mike."H-how about Chelsey? She loves you, Mike!" inis kong sabi dahil hindi ako makapaniwalang mahal niya pa ako pag katapos niyang gawin iyon, halata namang mahal siya ni Chelsey, ngunit bakit si Mike ay,"At isa pa, ikakasal na kayong dalawa, ano na ba 'yang sinasabi mo?" dagdag ko, nakakunot na rin ang noo."Your dad forced me to marry her! Kaya lang naman ako pumayag ay dahil masyadong importante sa akin nag dad mo, Amelia." Paliwanag ni Mike. "But I didn't love her, wala akong nararamdaman na kahit ano para kay Chelsey dahil mahal parin kita," dagdag niya."But I don't love you anymore, naka move on na ako, Mike." Tinignan ko siya sa mga mata. "Kinalimutan na kita dahil sa kababuyang ginawa niyo, kaya sana ay kalimutan mo na rin 'yang nararamdaman mo para sa akin at mag focus ka kay Chelsey dahil kahit malaki ang galit ko sa kaniya, hindi ko hahayaan na pakasalan niya ang isang lal
Amelia's Point Of View.Nang makarating ako sa mall ay dumiretso na kaagad ako sa mga bibilhin ko, kaunti pa rin kasi ang mga gamit sa condo kaya gusto kong dagdagan lalo na't sumahod ako kahapon, unang sahod ko bilang teacher pagkatapos kong bumalik.Nakakatuwa sa pakiramdam, noon ay sa sarili kong luha ginagamit ang sahod ko. Ngayon ay para na kila Aria, nakakatuwa dahil hindi ko kailangan humingi sa kahit sino para bilhan sila ng mga bagay na gusto nilang bilhin.Dumiretso ako sa furniture section para bumili ng dalawang single na sofa, kaagad naman akong nakahanap ng gusto kong sofa kaya binayaran ko na ito kaagad at idedeliver na lang daw iyon sa bahay.Pagkatapos ay dumiretso ako sa damit na mga pambata, naglalakad na ako papunta roon ng may isang pamilyar na babae ang humarang sa akin."Anika," bulaslas ko ng makita ang mukha niya, kaagad namang may ngisi na lumabas sa kaniyang labi, ngunit hindi ko nagustuhan iyon."Wow, mabuti naman at natandaan mo ang pangalan ko," nakangisi
Amelia's Point Of View.Noong sumapit ang weekend ay inistorbo ko muna si Sandy na bantayan sina Aria at Caleb dahil mamimili ako sa mall."Sus! Ang sabihin mo ay magdadate lang kayo ni Chase!" bulaslas niya kaagad pagkapasok niya ng condo, tinignan ko siya ng masama."Anong date? Wala na nga akong time na mag-ayos ng sarili ko, sa pagdadate pa kaya?" asar kong saad habang sinusuklay ang aking buhok, naghahanda na ako para umalis."Sus! Para namang matatanggi mo si Chase kapag niyaya kang makipagdate," wika niya habang may ngisi, mabuti na lang at tulog pa sina Aria dahil kung hindi kanina ko pa binato ng suklay si Sandy! Mabuti na lang talaga ay hindi natututunan nila Aria ang kung anong lumalabas sa bibig ng babaeng 'yan."Huwag ka ngang mag-isip ng kung ano riyan, magkaibigan lang kami nung tao," sagot ko. Mas lalo siyang hindi tumigil sa kakaasar, sinabi kasi nila Aria iyong pagpunta nila sa mall noong nakaraan, tapos binilhan pa raw ako ng mga dress na nagustuhan ko naman.Hindi
Chase's Point Of View."May nangyari ba?" tanong ni Norven gamit ang seryosong boses at tumingin sa akin.Malakas akong bumuntong hininga at tumango bago ko sinumulang sabihin sa akin ang mga sinabi ng lalaki sa amin. Nang matapos akong magsalita ay hindi makagalaw si Norven at kita ko ang magkahalong gulat at galit sa mga mata niya.Katulad kasi namin ay sumali rin si Norven sa Neuro Scorpion, doon namin siya nakilala at naging kaibigan. Mas matagal siya sa grupo kaysa sa amin at alam ko kung gaano kahalaga sa kaniya si Ford."He's joking, he's joking," sunod-sunod na wika ni Norven. "He must be just joking," wika nito at mabilis na naglakad papasok ng The Spot, kahit gusto man namin siyang pigilan ay hindi na namin nagawa dahil nakapasok na siya."Hayaan mo na siya, Ryan," wika ko ng makitang susunod siyang pumasok, huminto naman siya at naupo sa sofa."Baka mapatay niya iyong lalaki," sagot niya sa akin at umilang naman ako."He's a police, alam niya ang ginagawa niya," saad ko."
Chase's Point Of View."Answer me, you fucker!" pag-uulit ni Ryan ngunit nanatiling mukhang walang pakialam sa kaniya ang lalaki dahilan upang mas lalo kong makita ang galit sa mga mata ng kaibigan ko.Galit na tumayo si Ryan at mabilis na hinawakan ang kuwelyo ng lalaki at tinaas ito, dahil nakatali ito sa upuan ay pati ang upuan ang napangaat dahil sa lakas ni Ryan."Answer me!" sigaw ni Ryan sa mukha ng lalaki.Malakas akong bumuntong hininga at nagsalita. "Kumalma ka muna, Ryan. Bitawan mo siya at bumalik ka rito sa pwesto mo," mahinanong wika ko at narinig ko naman ang malakas niyang pagbuntong hininga ngunit binitawan niya naman ang lalaki na pabalibag dahilan upang muntikan na ng matumba ang upuan.Bumalik siya sa pagkakaupo sa tabi ko ngunit nararamdaman ko pa rin ang galit niya."Anong sinasabi mong kapag may namatay ay may papalit?" seryosong tanong ko sa kaniya at ilang segundo kaming nagtitigan sa mga mata bago ko narinig ang isang malakas niyang buntong hininga."Kaming m
Chase's Point Of View.Wala pa ring malay iyong lalaki pagkadating ko sa The Spot, ang The Spot ay isang lihim na lugar na kaming dalawa lang ni Ryan ang nakakaalam. Ilang taon na rin ang lumipas simula ng magawa namin ang lugar na iyon, noon ay pansin kong palaging may sumusunod sa akin. Alam ko naman na kalaban iyon ni Dad at dahil sa akin namana ang kompanya, hindi na nakakapagtaka na ako na ang ginugulo nila ngayon.At kahit na si Calix pa ang magmana ng kompanya, alam kong mararanasan niya rin ang mga naranasan ko.Binuo namin ang The Spot para doon ipunta lahat ng mga kahinahinalang tao na sumusunod sa akin, hindi naman namin sila kinukulong. Nagtatanong lang ako ng ilang mga tanong at pagkatapos ay si Police Norven na ang bahala sa kanila.Pero nitong mga nakaraan ay napapansin kong wala ng gaanong nanonood sa mga galaw ko. Nakakapagtaka dahil hindi ko alam kung kailan sila aatake, kaya doble rin ang pag-iingat ko lalo na't alam ko kung gaano sila kadelikado, baka madamay sina
Amelia's Point Of View."Naka move on ka na?" halata ang gulat sa aking boses noong magsalita ako at nakita ko namang tumawa siya sa akin.His face softened when he laughed. . . bakit ba hindi na lang siya laging tumawa?"Yeah, I already moved on," sagot niya ngunit hindi pa rin ako kumbinsido."P-Pero ang sabi mo noong pumunta kami sa mansyon niyo ay mahal mo pa siya, nagsinungaling ka lang ba noon?" tanong ko sa kaniya."Totoo na noong mga panahon na iyon ay hindi pa rin ako makapag move on, pero ngayon ay hindi ko na siya mahal. Dahil kung ako pa rin ang dating Chase, ay alam kong sa oras na bumalik siya ng bansa ay ako pa ang kusang magmakaawang balikan niya ako," wika niya. "Pero nagbago na ako, hindi ko na hahayaan pa na sirain niyang muli ang buhay ko," dagdag niya."T-That's good to hear," iyon na lang ang tanging lumabas sa aking bibig, hindi ko alam ang aking sasabihin. "Ikaw ba? Nakapag move on ka na?"Natawa ako sa kaniyang tanong. "Oo naman, matagal na. Kahit wala akong
Amelia's Point Of View."Do you think he will come back here?"Napalingon ako kay Chase sa kaniyang tinanong, kaming dalawa na lang ang kumakain ngayon dahil masyadong excited sina Aria at Caleb na buksan ang mga pinamili nila sa mall kanina."Huh? Sino?" takang tanong ko at muling binalik ang tingin kila Caleb na tuwang-tuwa sa pagbubukas ng mga paper bags."Your ex. . .""Ah si Mike," sagot ko."I don't care about his name," wika niya at malakas na bumuntong hininga kaya napakunot ang aking noo at tumingin sa kaniya. Nakita ko siyang seryosong nakatingin sa akin. "Ayoko sanang marinig ng mga bata iyong kanina, mabuti na lang pinapunta ko kaagad sila sa kabilang condo noong naintindihan ko iyong nangyayari rito."Malakas naman akong napabuntong hininga, naiintindihan ko ang gusto niyang iparating. "Kahit ako man ay ayokong marinig nila iyong mga sinabi ni Mike kanina, kaya salamat dahil pinapunta mo sila kaagad sa condo ng kaibigan mo," seryosong wika ko. "At kung babalik man si Mike
Amelia's Point Of View."Amelia! Bumalik ka na kasi sa akin, handa naman akong maging tatay ng mga anak mo. . ."Mas lalong kumunot ang noo ko dahil sa narinig, hindi ko alam kung bakit hindi siya nakikinig sa akin. Sana pala ay hindi ko na lang siya pinapasok dito sa loob.Magsasalita na sana ako ng makarinig ako ng isang pamilyar na boses."Hindi naghahanap ng magiging Ama ang mga anak ko, dahil sa mata nila ako lang ang kikilalanin nilang kanilang Dad," seryosong saad ni Chase habang nakatingin kay Mike na gulat na napalingon sa kaniya.Hindi ko namayalan na nandito na pala siya, pero nasaan sina Caleb at Aria?"C-Chase Santiago?" gulat na saad ni Mike, hindi ko alam na kilala niya pala ang lalaking 'to.Nakita ko ang pagngisi ni Chase ngunit halata sa kaniyang mukha na naiirita siya. "Kilala mo pala ako, ganoon ba talaga kasikat ang surname namin?" wika niya.Napalingon naman sa akin si Mike dahilan upang taasan ko siya ng kilay. Anong tini-tingin tingin nito?"Siya ang ama ng mga
Chase's Point Of View.Plinano ko na talagang lumabas kami ngayong araw, kinakabahan pa nga akong magsabi kay Amelia dahil may parte sa akin na naniniwalang hindi siya papayag. Natutuwa naman ako na pumayag siya pero nanghihinayang lang ako dahil hindi siya makakasama."Sayang, dapat kasama ang Mom niyo," wika ko sa kanila habang nagmamaneho ako, parehas silang nasa back seat. Si Aria ay abala asa pagtingin sa labas habang si Caleb ay nagbabasa ng libro, pansin kong mahilig siya sa pagbabasa dahil may nakita rin akong mga libro sa condo nila."Gusto mong makasama si Mom, Dad?" nakangiting tanong ni Aria dahilan upang matawa ako, dahil parang binibigyan niya ng meaning iyon."Of course, gusto ko ring makasama natin siya dahil ito ang unang beses na lalabas tayo, right?" sagot ko habang nakangiti."Mom's busy right now, pero sigurado akong sa susunod ay makakasama na siya," wika ni Caleb, ang tingin niya ay nasa libro pa rin."Yeah, of course. Makakasama na siya sa susunod," sagot ko a