Share

Chapter 3

Ilang linggo na ang nakalipas nang magdiwang kami ng aking ika dalawangpu'y siyam na kaarawan. Sa tingin ko'y ayon ang pinaka at masayang kaarawan na nangyari sa'kin. Naalala ko nanaman ulit si lola. We used to celebrate inside the house, and she will going to cook pancit and spaghetti para maging handa ko sa kaarawan ko at kaming dalawa lang ang kakain.

I miss lola so much more than i can express. Kahit si Sheila ay na mimiss kona. If she didn't die i think she's here beside me and gossiping me but the destiny did it to me. I lose the two important person in my life, muntik pang mawala si Vincent sa'kin at sa awa ng panginoon he came back. Bumalik siya para amin.

Kahit si Catherine ay pinagpapasalamat ko rin na nakaalis siya sa lugar kung saan siya nakulong ng ilang taon. Ang ngayon she's bringing their first baby and im so excited to see her child, sa wakas ay may pamangkin narin ako. Im so happy for Catherine, dahil nagawa niyang talikuran at pabanan ang takot niya at harapin ang hinaharap.

Naging maayos na ang lahat. Sana'y wala nang probolema pa ang dumating. Sana nga… ngunit hindi naman palaging saya lang ang matamasa mo sa buhay kailangan din ng hirap at sakripisyo. Even i already felt and experienced the hard, cruelty and sacrifice of life.

“Hey mommy!” tawag ni Cyller sa'kin pagpasok niya sa loob ng k'warto, agad naman akong napabangon at naupo saka sinalubong ang anak ng isang yakap.

“Yes baby? Where's Cyllex?” kaagad na tanong ko. Naglalambing naman sa'kin ang anak ko kaya mahigpit ko itong niyakap at hinalikan ang noo. Inamoy ko narin ang buhok nitong amoy pawis na, mamaya pa maliligo ang mga ito dahil mas gusto nilang maligo ng gabi bago maligo para presko.

“Hurry up Mommy! Get dressed we're going somewhere!”masayang saad ni Cyller kaya napakunot naman ang noo ko. Bakas sa mukha nito ang kasiyahan at kasiglahan para itong excited sa mangyayari. Sinuklay ko naman ang buhok nitong mana sa tatay niya.

“Saan naman tayo pupunta?” takang tanong ko habang sinusuklay ang buhok nito. Linggo ngayon kaya walang pasok ang nga bata. Si Vincent naman na hindi ko alam kung nasaan ang sabi niya'y may bibilhin lang siya at hanggang ngayon ay wala parin. Nagpabili rin ako rito ng puting mansanas dahil parang na c-crave ako sa peras.

Puting mansanas dati ang tawag ko sa peras dahil mukha itong mansanas na kulay puti. Nung una'y nagtataka pa si Vincent kung anong prutas ang tinutukoy ko. Hanggang ngayon ay puting mansanas parin talaga ang tawag ko rito.

“Basta po Mommy, mag bihis na po kayo! Someone is waiting for you to come kaya hurry up napo mommy! This will gona be exciting!” umiling-iling ako sa anak.

“Ano nanaman ba ang pinag sasabi mo diyan? At sino naman ang nag i-intay sa'kin? Ang papa ko? Eh hanggang ngayon nga hindi parin bumabalik. Pinapainit niya ang ulo ko.” magkasalubong ang mga kilay na sambit ko habang naiinis. 'Yung puting mansanas ko hanggang ngayon wala parin!

Patay talaga sa'kin 'yang Vincent na 'yan pag uwi niyang wala siyang dalawang puting mansanas! 'Wag na siyang babalik dito sa bahay, lumayas na siya at sumama sa hipokritang Veronica na 'yon.

“Dali na po Mommy, just follow me please! Get dress na po please! Dali na mommy! Aalis po tayo ngayon.” pag mamakaawa ng anak ko sa'kin kaya pinisik ko ang pisnge nito dahil sa ca-cutan! Nakakagigil talaga ang mga anak ko. Lumambot ang mukha kong nakabusangot dahil sa galit kay Vincent.

“Alright-alright! Mag bibihis na si Mommy. Saan ba kasi tayo pupunta? Wala namang mag mamaneho ng sasakyan?” takang tanong ko kasabay ng pagsuko ko sa anak. Tuwang-tuwa naman ang anak ko dahil sa napapayag ako nito. Tumalon-talon pa ito at sinabihan akong magmadali na.

“Si Tito Calvin po ang susundo sa'tin mommy kaya bilisan niyo na po! I-intayin kapo namin ni Kuya Cyllex sa baba.” ani ng anak. Tumango naman ako at ngumiti. Kuya ang tawag nito sa kakambal dahil si Cyllex ang panganay sa kanilang dalawa kahit kambal sila.

Kahit tinatamad na umalis at mag bihis ng maayos ay ginawa ko. Hindi ko nga alam kung ano ang balak o plano ng kambal ko dahil sa pinagmamadali ako ng mga ito na mag bihis ng maayos. Umiling-iling ako at naghilamos muna sa bathroom bago nagbihis ng isang marangya at maayos na dress ngayong araw.

Saglit lang naman ang itinagal ko sa pagbibihis kaya kaagad akong bumaba sa sala at natagpuan doon ang kambal na may kausap si Calvin. Presente silang nakaupo sa sofa habang nag uusap, hindi nila ako gaano napansin dahil may kung ano silang pinag uusapan.

“You look beautiful today Catherine.” papuri ni Calvin ng makita nitong papalapit ako sa kanilang tatlo, kitang-kita ko ang pagpagkamangha sa kaniyang mukha. Pati ang kambal ay bumaling na rin ang tingin sa'kin na may malawak na ngiti sa kanilang labi.

“You are so Beautiful mommy! Im sure that daddy will love your outfit today.” puri rin ni Cyller ngunit kumulo naman ang dugo ko ng banggitin nito si Vincent. Asaan kaya ang hayop na'yon? At hanggang ngayon ay wala parin! Sa ibang bansa pa ata bumili ang lalaking 'yon eh!

“Thank you baby.” ngumiti ako kay Cyller at nilapitan ito para pisilin ang pisnge at halikan sa kaniyang pisnge.

“Are you excited mommy?” maligayang tanong ni Cyllex habang ang mata ay nag nining-ning na nakatitig sa'kin. Ano ba'ng plano ng mga ito sa'kin at saan kami pupunta? Mukhang isang setup ang nangyayari ngayon.

“Saan ba tayo pupunta?Calvin? Ba't pinagbihis niyo pa ako ng ganito?” turo ko sa suot-suot. Inaantok talaga ako ngayong araw hindi ko alam kung bakit. Medyo nakakaramdam din ako ng hilo ilang linggo na ang nakakalipas ngunit isinang tabi ko muna dahil baka sa pagod lang sa gawain bahay at sa gabi naming p********k ni Vincent.

Arghhh! Naalala ko nanaman ang b'wesit na lalaking 'yon! Nanggigigil na'ko ang sarap patayin ng hayop na lalaking 'yon . Talagang lagot siya sa akin kapag nakita ko talaga siya!

“We're having a reunion.” sagot ni Calvin. Huh?

“Anong reunion? Para saan? Anong klaseng reunion.” sunod-sunod na tanong ko dahil sa pagtataka. Wala namang nabanggit ang walang hiyang Vincent na 'yon sa akin. Siguro'y tumuloy na ang walang hiyang lalaking 'yon sa reunion at hindi man lang ipinaalam. Nakakagigil talaga at nakakinis.

Puputulin ko talaga ang ari non kapag nakita ko. Gustong-gusto kona ng puting mansanas eh!

“Basta sumama kanalang Catherine.” bumaba na ang kambal sa Sofa at lumapit sa'kin saka hinawakan ang magkabilang kamay ko at bigla nalang akong hinili palabas ng bahay. Kasunod naman namin si Calvin na nakatingin lang sa'ming tatlo na magkakahawak ang kamay na naglalakad papalabas ng bahay.

Ang cotse ni Calvin na nakapark lang sa labas ng bahay namin. Sinigurado ko muna na nakasara ang bahay bago kami tuluyang umalis.

“Malayo ba ang pupuntahan natin?” tanong ko kay Calvin na ngayon ay busy sa pagmamaneho ng sasakyan.“Si Katherine at ang anak niyo? Nasaan ang dalawang 'yon? Bakit hindi mo ngayon kasama?” nasa tabi ko lang si Calvin dahil nakaupi ako sa may front seat. Habang ang kambal naman na naka upo sa may back seat ng sasakyan.

“Ilang minutong biyahe pa, si Katherine naman ay nandon na sa lugar. Ikaw nalang ang iniintay sa lugar na'yon. Wala bang sinabi sa'yo si Vincent?” takang tanong ni Calvin habang saglit na sumusulyap sa akin ng mabilis saka muling ibinibaling ang tingin sa kalsada.

“Wala! Asaan naba ang hayop na'yon? Kanina pa talaga ako na h-higj blood sa walang hiyang lalaking 'yon!” hindi ko maiwasan ang mairita at magalit. Natatawa naman si Calvin dahil sa aking naging sagot at reaction.

“Why are you angry mommy?” sabay na tanong ng kambal na nakatingin sa'kin ang kulay brown na mga mata ng dalawang 'to. Magkasalubong din ang makapal na kilay nito at halatang nagtataka. Lumingon ako sa kanilang kinauupuan at ngumiti.

“Wala mga anak. Sige lang mag laro na kayo diyan. 'Wag niyo kaming pansinin.” tumango ang dalawa at muling ibinaling ang attention sa hawak-hawak nilang ipad na kanina pa nila nilalaruan ng umalis kami sa bahay.

“Bakit parang highblood na high blood ka ata ngayong araw?” natatawang tanong ni Calvin at iniiling-iling ang kaniyang ulo. Napairap nalang ako sa hangin at isinandal ang likod sa upuan sabay buntong hininga. Inaantok talaga ako ngayon at gusto ko nang puting mansanas.

Ilang linggo ko na talagang gusto ng puting mansanas ngunit lagi kong nalilimutan mag pabili kay Vincent. “Nasusura lang talaga ako ngayon kay Vincent. Kaninang tanghali pa siya umalis tapos 'di man lang bumalik.” may halong inis na sambit ko.

Tanghali nang umalis si Vincent at ngayon anong oras na? Mag aalas dos na hanggang ngayon 'di man lang nagparamdam. Hindi pa kami inin form na may reunion palang mangyayari ngayong araw. Ginigigil talaga ako ng lalaking 'yon.

Mahigit twenty minutes ang naging biyahe namin nina Calvin at ng mga bata bago kami nakarating dito sa isang resort… private resort. Dito kami dinala ni Calvin at ang kambal naman na tuwang-tuwa dahil makakalangoy ngayong araw s dagat.

“Nandito naba si Vincent?” tanong ko kay Calvin habang naglalakad papasok sa loob ng Resory nakahawak naman sa'kin ang kambal na halatang-halata sa mukha ang kasiyahan. Kaya pala pinipilit ako nitong magbihis at sumama dahil beach resort ang pupuntahan. Kaya pala excited na excited ang mga ito.

“Oo, kanina pa.” tanging sagot ni Calvin. Nasa harapan namin ito dahil nakasunod kami sa kaniya sa paglalakad. Hanggang sa makarating kami sa mismong Venue.

“Mommy look! Sea!” tuwang-tuwa si Cyller at Cyllex dahil sa nakikita. Ilang buwan na kasi itong hindi nakakapunta ng beach dahil may pasok pa ang mga ito at wala pang bakasyon para pumunta ng dagat.

“Mommy, can we swim later?” paghingi ng permisyo ni Cyllex sa akin habang ang kamay ay magkadikit ang mga mata nitong nagnining-ning habang nagmamakaawa.

“Later baby, but you need adult to accompany the two of you.” ani ko na ikinatuwa ng dalawa. They almost hugged me kaya ginulo ko ang buhok ng dalawang 'to. Nakarating kami sa may buhanginan.

Ang buhangin dito na ang sarap sa paa dahil pinong-pino at ang ihip ng hangin na kay presko at kaysarap sa pakiramdam. Damang-dama ko ang hangin na tumatama talaga sa'king mukha at dahilan para magulo ang buhok ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status