"This is not the way home," hindi na niya napigilang magsalita nang mapansing hindi naman pauwi ang daang tinatahak nila. "I badly wanted to rest. Please just take me home!" Hindi tumugon si Miguel. Bagkus ay tila babaliin nito ang manibela sa higpit ng pagkakahawak nito roon.Naiinis at naiiyak na si Lara. Pagod na siya sa lahat ng drama sa araw na iyon. "Where are we going?" tanong niya makalipas pa ang ilang sandali na hindi pamilyar sa kanya ang dinadaanan nila. Para pa ngang papalabas na sila ng lungsod. "Just shut up and quit asking, Lara!" Tila ubos din ang pasensya na sagot nito. "Bakit? Wala na rin ba akong karapatang malaman kung saan mo ako dadalhin? I am tired of obeying your orders, Miguel!" puno ng sama ng loob ang tinig na sabi niya. "Obeying my orders? Kailan ka ba sumunod? Since this day started, wala ka nang ginawa kundi kumontra at ipagpilitan ang gusto mo!" Galit nitong sagot. "You never listened to me!""Dahil ayoko na! Stop treating me like I don't have my o
Papalubog na ang araw pero wala pa rin si Miguel. Nakaupo sa buhanginan sa tuyong parte ng dalampasigan si Lara at pinapanood ang napakagandang kulay ng kalangitan habang unti-unting nawawala ang liwanag ng araw. Growing up as a city girl and neglecting travel opportunities, she was awed by nature's magnificence. Siguro kung noon pa niya nalaman na may bahay si Miguel na malapit sa dagat, baka lagi siyang naroon. Kwento kanina ni Mommy Mabel, ina ni Miguel, ipinagawa umano iyon ng asawa niya para rito. Pero maganda man ang lugar at hindi ito nagkulang sa alin mang materyal na bagay, malungkot ito dahil bibihira raw na nagpupunta roon ang anak nito. "Matagal ko nang sinasabi na dalhin ka niya rito," lumabi pa ang ginang. "Pero lagi niyang sinasagot na hindi pa tamang oras. Masaya akong makilala ka sa wakas, Lara."Kahit siya man ay masayang alam nito ang tungkol sa kanya. Marami sana siyang gusto pang itanong. Tulad ng kung nasaan ang ama nito o kung may mga kapatid ba ito. Pero pin
"Why would you be?" she asked. Hindi siya naniniwala. Bakit naman ito magseselos? May nararamdaman ba ito para sa kanya? Wala naman, hindi ba? Then hindi pagseselos ang nararamdaman nito. It must just be his ego being bruised by her closeness with Chester. Bumalatay ang sakit sa kanyang mga mata nang mag-iwas ng tingin si Miguel. Sinasabi na nga ba niya."Stop being rude to Chester and I'll let you and your friend do your thing. I just hope that you'd get a good night's rest whenever you remember my sister," she walked away after that. Hindi naman na ito humabol. Kaya lalong nawasak ang puso ni Lara. For a moment she thought there was hope for them. Had he answered her and not looked away, she shouldn't have been feeling hurt now.Miguel was not sure of his feelings. He loved Lena. He was protective of Meredith. And he claimed he was jealous of Chester's closeness to her. Yet, he couldn't confirm when asked. He couldn't give her a reason why. Ano, trip lang? Mainit lang sa mata ni
"A week?" Nasorpresang tanong ni Lara. Migo had just told her na mag-i-stay sila sa bahay ng ina ng isang linggo. "But aren't you busy with work?" Dagdag niya nang pangunutan siya nito ng noo. Nag-aalmusal sila at sinabi nga nito ang plano nitong bakasyon. "Ako ang boss, hindi ba ako pwedeng magpahinga?" Miguel asked back. "Hija, you both deserve a break. Gamitin n'yo ang panahon para mas makilala ninyo ang isa't isa," sabi naman ni Mabel. "Hindi naman po sa ayaw ko, Aunt—, mommy," mabilis niyang itinama ang tawag dito dahil pinandilatan siya ng biyenan. "Ang totoo po, nabigla lang po ako. I've always known Migo as a very busy man." "Don't you want to know my not very busy side?" Pinataas-baba nito ang mga kilay nito. 'Ah, he was cute doing that!'"Marami kayong pwedeng gawin dito. Kung naiilang kayo sa presensya ko, pwede akong umalis para mapagsolo kayo," Mabel said."Mom, kaya nga dito ko dinala si Lara. Gusto kong magkaroon din kayo ng bonding. Tapos aalis ka?" "Hindi nam
"What are you doing?" tanong ni Lara na hindi naman masupil ang ngiti habang nakatingin sa asawang de-apron sa kusina. "I'm cooking, can't you see?" Tinaas-babaan pa siya nito ng kilay nang lingunin siya.Pangatlong araw pa lang nila roon. Pero pakiramdam ni Lara, nasasanay na siya sa side nito na hindi seryoso. He was sweet and caring.Sometimes, she was thinking if he was beginning to be like the man he used to be before he lost Lena. Lara could still remember how she adored him back then. But it was the unadulterated kind. She loved him because Lena loved him. Because she thought he was going to be her brother-in-law."You can cook?" Lumapit siya at inusisa ang niluluto nitong pang-lunch nila. "Sinigang?" "Uh-huh," he answered, switching the temperature to low. "This will be done in a minute. Are you already hungry?" She shook her head. "Hindi naman. I didn't know that you can cook—""Don't be fooled," singit ni Mabel na may dalang hinugasang siling haba. "Pinabantayan ko lang
That one week by the sea was like a dream for Lara that she wished to return to given a chance. Pakiramdam niya, ibang Miguel ang kasama niya sa loob nang maiksing panahon na iyon. She really felt special. Naramdaman niya talagang asawa siya nito. That time, she was the apple of his eyes. Wala itong ibang nakikita kundi siya. Ilang beses ba nila pinagsaluhan ang mga maiinit na gabi? Minsan mainit na umaga, tanghali, hapon, madaling araw. Since that first they shared by the sea, they already slept in the same room. Lara was happy. She loved him. Kaya naman wala siyang reklamo. Kahit lagi silang tinutukso ni Mabel, si Migo naman ay sige sa PDA. Now, that was just a memory. Nakabalik na sila sa syudad. Dahil matagal na nawala si Migo, he had to catch up with work. Pero sinisikap nitong uwian siya. Sometimes, he would arrive very late. Magigisingan na lang niya ang mga haplos nito. Kaya bawal na sa silid niya magpalipas ng gabi si Nurse Beth. Baka ma-eskandalo ito.Minsan kapag mada
Except for sorting and answering some emails for the boss, tunganga na si Lara maghapon sa opisina.Kapag walang kausap si Miguel, pinapapasok siya nito at ang trabaho niyang personal umano rito ang atupagin niya. She would massage his temples with her free hand, ang balikat nito, ang likod nito at kung saan man nito hingiin ang 'masahe'. Minsan he would demand a kiss almost from time to time kaya sa tabi na lang siya nito nakaupo. Madalas, sa kandungan nito habang naglilikot ang mga kamay nitong pasaway. And more often than not, natatapos iyon sa ilang beses nitong pag-angkin sa kanya sa kung saan-saang parte ng opisina nito. Then she would spend forever cleaning to at least clean up the air from the lustful smell, kung mayroon bang gano'n, before his next visitor would enter the room. Miguel would just laugh at how conscious she was. Adding that whatever they do, no one has the right to question them. O kahit sitahin man lang sila. He had also instructed Jaxen and the rest of the
Lara woke up the following morning to an empty space beside her. Kaagad na napakunot noo siya. Maayos pa rin ang dapat sana ay pwesto ni Miguel sa tabi niya.Did that mean he didn't come home? Nanlumo siya sa realization na hindi ito umuwi para tabihan siya sa pagtulog niya. Sinunod pa naman niya ang bilin nito na magpahinga siya nang maaga with an anticipation in her heart that she would wake up to his kisses.But instead, she woke up alone in bed. Napahugot siya nang malalim at disappointed na hininga bago hinagilap ang phone niya. Maybe he sent her a message explaining why. There was none. Nalungkot siya. Pero kinumbinse niya ang sarili na walang obligasyon si Miguel na magpaliwanag sa kanya sa kahit na anong kadahilanan. Babalik sana siya sa pagtulog gawa nang nanamlay ang pakiramdam niya. Pero narinig niya ang pamilyar na kalkuladong katok ni Auntie Rosette. And shortly after, the old woman entered her room. "Good morning, Miss Lara. Mabuti at gising ka na," nakangiti nitong