Sobrang bilis lumipas ng panahon at hindi namalayan ni Hera na isang linggo na pala ang lumipas mula noong unang tapak niya dito sa mansyon. Hindi niya alam kung dahil ba ay na enjoy niya ang mga segundo na nandito siya kaya hindi niya namalayan ang oras o kung ano. Sa lahat ng naging trabaho niya ay dito lang ata siya naging masaya at kuntento.
Iwan niya ba pero nag eenjoy talaga siya maglinis sa buong mansyon. Walang nagdidikta sa kaniya kung ano ang gagawin at siya lang sa kaniyang sarili kung kailan niya gusto maglinis. Wala atang araw na hindi niya inaalagaan at nililinisan ang napakagandang mansyon na ito. Kahit na wala namang pake ang kaniyang boss kung mag lilinis ba siya o ano ay hindi pa rin niya magawang maging tamad at tanggapin lang basta ang malaking sahod na hindi ginagawa nang maayos ang kaniyang trabaho.Speaking of her boss, minsan lang niya itong nakikita. Kaya kapag minsan ay may hindi siya alam kung paano gamitin ay nagtatanong siya kay Sir Bryle sa pamamagitan ng pag papadala ng mensahe sa lalaki. Hindi naman ito mukhang busy dahil mabilis naman ito mag reply pero nagtatagalog ito kaya hindi niya mapigilang mag-isip na bala ang secretary ng lalaki ang sumasagot sa mga katanungan niya.Tuwing gabi lang niya nakikita ang kaniyang amo na si Lucas. Palagi kasi itong nakakulong sa sariling kuwarto tuwing umaga at minsan naman ay wala sa mansyon at pumunta sa kung saan. Wala ito sa umaga at sa tuwing bumabalik ito sa gabi ay may dala itong babae. Isang linggo na ang nakakalipas pero hindi pa rin siya sanay sa pa iba-iba nitong mga babae tuwing gabi.Napakaganda at sexy ng mga babaeng dinadala nito. Minsan pa nga ay naabutan siya ng kaniyang amo na naglilinis pa sa gabi. Mabuti na lang at hindi ito nagalit dahil nakita siya ng babaeng dinala nito. Hindi lang siya papansinin ng lalaki at ngingiti lang ang babaeng kasama nito. Aakyat ang dalawa papunta sa guest room at doon gagawa ng kababalaghan..Sa laki at tahimik ng buong mansyon ay rinig na rinig niya ang mga nakakatindig balahibo na mga ungol ng mga ito. Minsan pa nga ay naririnig niya ang babae na sisigaw at iiyak. Hindi niya alam kung dahil ba iyon sa sarap o ano. Nakakarumi ng pag-iisip kaya mabilis siyang pumasok sa kaniyang silid para hindi marinig ang mga halinghing ng mga ito. Hindi naman din siya ganoon ka inosente at may ideya pa rin naman kung ano ang ginagawa ng mga ito.Gigising siya nang maaga, aalagaan ang mga halaman sa labas, maglilinis sa loob, magpapahinga, maglilinis na naman, magtatago sa gabi dahil baka ay maabutan na siya ni Lucas ang kaniyang amo at matutulog. Ganiyan ang naging routine niya sa nakalipas na mga araw. Parang boring man ito sa paningin ng iba pero para kay Hera ay hindi.Ibang-iba ang buhay niya ngayon kumpara noong nasa bahay pa siya nila nakatira. Sa totoo lang ay mas nakakapagpahinga pa ata siya dito at mas malaya kumpara noong nandoon pa siya kasama ang kaniyang Ina at mga kapatid. Iwan niya ba pero parang may tali siya doon na hindi niya magawa-gawang tanggalin.Nasa sala siya ngayon at walang imik na nag m-mop ng sahig. Alas dyes na ng umaga at tulog pa rin ang kaniyang boss. At dahil nga ay nasanay na si Hera ay hindi na lang niya iyon pinansin. Napakalaki ng mansyon at tahimik. Marami rin namang mga kagamitan kagaya ng gadgets pero ayaw naman niyang hawakan ang mga iyon. Sa loob ng isang linggo na nandito siya ay hindi ata sila nag-uusap ni Lucas na kaniyang amo. Minsan lang kung May iuutos ang lalaki sa kaniya.Tahimik lang si Hera at lingid sa kaniyang kaalaman na may tao pa lang papalapit sa kaniyang kinaruruunan. Wala siyang kamalay-malay na may tao na pala na kanina pa nakamasid sa kaniya. Na para bang binabantayan ang kaniyang kilos."Hello!""Kyah!" Gulat na nabitawan ni Hera ang hawak-hawak na mop nang may bigla na lang magsalita sa kaniyang likod. Mabilis na napaikot siya at sumalubong sa kaniya ang magandang mukha ng isang babae. May ngisi ito sa kaniyang labi at kakaiba ang tingin na binibigay sa kaniya. Nang bumaba ang tingin ni Hera sa sinusuot ng babae ay hindi niya mapigilan mapalunok.Suot-suot ng babae ang shirt ng kaniyang amo na si Lucas. Naka panty lang siguro ito or naka shorts. Litaw na litaw ang makinis at maputing hita nito na may mga pulang marka at kagat pa. Napalunok si Hera at dali-daling binalik ang tingin sa mukha ng babae. Magulo ang mahaba at straight nitong buhok. Nakamake up ito pero hindi ganoon ka kapal. Napaka pula ng labi nito at nakakaakit ang mga bilogan nitong mata."Hello! What's your name? Nakita kita kahapon ng gabi. Ikaw lang ba ang kasambahay dito?" kuryoso na tanong ng babae at dinampot ang mop na nabitawan ni Hera kanina. Mabilis siyang nagpasalamat sa babae at tumango sa sinabi nito."A-ah opo," magalang na saad niya at mahigpit na napakapit sa mahabang stick ng mop. Nakita nga niya ang babae kahapon. Kagaya ng mga nag daang araw ay gabi na rin ang kaniyang boss umuwi kagabi. At ang babaeng kaharap niya ay ang bago na namang babae ng kaniyang boss.Hindi ata ito nauubusan ng babae at gabi-gabi ay bago at hindi paulit-ulit. Ang mga babae rin na dinadala ng kaniyang boss ay magaganda at sexy. Kahit kailan ay hindi niya ito nakita na nagdala ng babae na dinala na nito noon. Palagi talagang bago. Hindi niya tuloy mapigilan mag-isip nang masama. Inaraw-araw ng kaniyang boss ang pambabae at pakikipagtalik. Minsan ay hindi mapigilang mag-isip ni Hera na baka ay sex addict ang kaniyang boss."Ang ganda mo ah. Natikman ka na rin ba ni Sir Lucas?" Nanlaki ang mga mata ni Hera kasabay nang pamumuo ng kaniyang magkabilang pisngi matapos marinig ang sinabi ng babae. Mabilis na umiling-iling siya."P-po? Hindi po. Kasambahay lang po ako dito, h-hindi po ano..." Nahihiyang nagyuko siya ng ulo at hindi alam kung ano pa ang sasabihin sa babae. Nahihiya siya dahil pinagkamalan pa siyang na tikman na ni Sir Lucas. Na offend siya sa sinabi ng babae pero mas lamang ata ang kaniyang pagkahiya. Bakit ba kasi naisip na lang ng babae na itanong iyon sa kaniya?Tumaas ang kilay ng babae na para bang hindi ito naniniwala sa kaniyang sinabi. Napakagat na lang siya sa loob ng kaniyang pisngi, hindi alam kung paano ba kukumbinsihin ang babae na hindi nga. Sa totoo lang ay hindi ito ang unang beses na may nagsabi or nagtanong sa kaniya ng ganoon.Noong nag t-trabaho pa siya bilang waitress, 'yong iba niyang mga kasamahan na hindi siya ganoon ka gusto ay palagi siyang tinatanong kung inaakit niya ba daw ang kanilang amo or may nangyari na ba sa kanila. Pabor kasi sa kaniya ang kanilang amo kaya hindi mapigilan mainggit ng iba niyang kasamahan at magsalita ng masama sa kaniya. Sanay na siya sa ganoon pero nakaka offend pa rin talaga."Ows talaga? Para kasing natikman ka na eh. Alam mo ba." Nagulat si Hera nang bigla na lang siyang hilahin ng babae, kaya ang resulta ay napaupo silang dalawa sa sofa na malapit lang sa kanila. Inakbayan siya nito kaya nagkalapit ang kanilang mga katawan. Gustong takpan ni Hera ang kaniyang ilong dahil sa kakaibang amoy na nanggaling sa babae.Hindi iyon mabaho pero kakaiba ang amoy na iyon. Para bang pinaghalong pawis at iba pa. Hindi niya ma describe ang amoy na iyon, pero isa lang ang alam niya, hindi siya komportable. Gusto niyang itulak ang babae palayo, pero ayaw naman niyang magalit ito. Baka kasi ay kapag ganoon isumbong siya kay Lucas at mapatalsik pa siya dito. 'Yan ang pinaka-ayaw niyang mangyari talaga."Marami kaming mga babae na nangangarap na makasama ang isang Lucas Whitfield kahit isang gabi lang. Pero syempre, hindi iyon ganoon ka dali. Sobrang taas ng lalaki na mahalintulad na sa isang bituin. Marami na ring sumubok na magpapansin dito pero iba ang mga tipo ni Sir Lucas..." Hindi alam ni Hera kung dapat ba siyang magpatuloy sa pakikinig sa babae. Wala talaga siyang ka ide-ideya kung bakit siya nito kinukuwentuhan. Pero hindi niya rin maipagkakaila na kuryuso siya sa mga susunod na sasabihin nito.Tiningnan siya ng babae sa mga mata pababa sa kaniyang katawan. Nagtagal ang tingin nito sa kaniya kaya hindi niya mapigilang mahiya at mapayakap sa kaniyang sarili. Dahil sa kaniyang ginawa ay tumawa nang pagkalakas-lakas ang babae na para bang ngayon lang ito nakatawa makalipas ang ilang taon.Tumagal ng isang minuto ang tawa nito bago ito tumigil at malawak na ngumisi. Napailing-iling ito ng kaniyang ulo at tumingin kay Hera na ngayon ay nagtataka pa rin kung bakit bigla na lang siyang tumawa. Mas lalong lumaki ang kaniyang ngisi at itinaas ang kamay. Hinawakan niya ang makinis at maputing mukha ni Hera at hinaplos iyon. Napaigtad ang babae dahil sa kaniyang ginawa pero hindi niya pinansin iyon."Alam mo ba? Ang mga tipo mo ang kagaya ni Sir Lucas. We've only met for a short period of time but I became interested in you. At dahil nakuha mo ang aking atensyon, I'll help you." Mas lalong naguluhan si Hera matapos marinig ang sinabi ng babae. Hindi niya ito maintindihan lalo na ang mga akto nito.Tumigil ito sa paghaplos ng kaniyang pisngi at lumipat naman ang kamay nito sa nakatali niyang buhok. Hinaplos nito ang kaniyang ulo at nagsalita."Whenever you see him alone during night time, don't ap–""Harriet." Mabilis pa sa cheetah na lumayo ang babae sa kaniya nang may bigla na lang magsalita sa kanilang likod. Napatingin si Hera doon at ganoon na lang ang pag kabog ng kaniyang puso nang sumalubong sa kaniyang mga mata ang seryosong mukha ni Lucas. Wala itong saplot sa pang-itaas na parte ng katawan nito kaya kitang-kita niya ang mga muscles nito sa katawan. Mabilis na nag-iwas siya ng tingin sa lalaki.Hindi makagalaw sa kaniyang kinauupuan ang babae na nagngangalang Harriet dahil sa klase ng tingin na binibigay sa kaniya ng lalaki na kararating lang. Kabadong napalunok siya ng laway nang magsimulang manuyo ang kaniyang lalamunan sa kaba. Kinakabahan siya dahil ay baka narinig ng lalaki ang pag-uusap nila ni Hera ngayon lang.Sa totoo lang ay wala talaga siyang plano na makipag-usap kay Hera pero nang makita niya ang maganda at simple nitong mukha ay hindi niya mapigilang ma- curious. Gusto niya lang makipag-usap sa babae pero hindi niya namalayan na sumubra na pala siya. Kung hindi siguro dumating si Lucas ay baka may nasabi na siya kay Hera na hindi dapat malaman nito. Ang problema lang ay baka narinig ng lalaki ang kaniyang sinabi kanina.Kahit na nanginginig na ang kaniyang kalamnan ay sinubukan niyang tumayo at lumapit sa lalaki. Titig na titig pa rin ito sa kaniya. Walang emosyon ang mga berde nitong mga mata kaya hindi niya mabasa ang iniisip nito. Sa kaloob-looban niya ay natatakot na siya sa lalaki, pero kasalanan din naman niya kung bakit magalit ito. Sana lang ay hindi nito narinig ang kanilang pag-uusap.Tahimik lang si Hera at hindi pa rin makatingin sa dalawang tao na ngayon ay gumagawa na ng kababalaghan sa kaniyang harap. Halo-halo ngayon ang kaniyang nararamdaman sa punto na hindi na niya alam ang gagawin. Aalis ba siya o ipagpapatuloy ang pag m-mop niya.Gulong-gulo ang niyang isip dahil sa sinabi ng babae sa kaniya. Hindi niya ito maintindihan. Kung hindi lang sana lumitaw si Lucas ay baka natapos na sana ng babae ang sasabihin sana nito. Ngayon ay parang mamamatay na siya sa sobrang bitin.Gustong takpan ni Hera ang kaniyang magkabilang tainga nang marinig niyang umungol si Hera. Hindi lang ungol ng babae ang kaniyang naririnig, pati na rin ang tunog nang paghahalikan ng dalawang tao. Gusto ng umalis ni Hera sa silid na iyon at magtago na lang.Pakiramdam niya kasi kapag nagpatuloy pa ang kaniyang sitwasyon ay baka mas lalong nag-init ang kaniyang katawan.Hindi alam ni Hera kung ilang minuto o oras na ba siyang nakatayo roon at nakatingin lang sa sahig. Mariin na nakapikit ang kaniyang mga mata at pinagpapawisan na rin siya. Hindi niya alam kung paano niya nakayanan ang mga ungol at tunog ng paghahalikan ng babae at ng kaniyang boss.Napaka laswa ng tunog sa kaniyang pandinig pero kahit ganoon ay nag-iinit ang kaniyang katawan sa hindi malamang dahilan. Kaya nga ay ngayon ay pinagpapawisan na siya. Pero dahil nga ay nilabanan niya ang init na namumuo sa kaniyang katawan ay masasabi niya na parang wala lang din. Gusto na niyang umalis sa mga harap nito at hayaan ang dala na gumawa ng kababalaghan dito sa living room. Total ay sanay naman siya na ganoon ang kaniyang amo na si Lucas. Palaging pinag-iinitan at may ginagawang kababalaghan. Pero kahit na anong pilit niya ay hindi gumagalaw ang kaniyang paa para umalis. Parang may kung anong puwersa ang nagpapanatili sa kaniya dito sa loob ng kuwarto. Napahigpit na lang ang kaniyang kapit s
Why is he holding a broken glass?Hindi mapigilan mapa tanong ni Hera sa kaniyang sarili habang nakatingin sa kaniyang amo. Duguan ito at may hawak na basag na bote. Hinihingal at puno ng pawis ang katawan nito. Maliban sa magulong silid at mga nagkalat na mga gamit, ang sitwasyon ngayon ng lalaki ang mas nagpapa bahala sa kaniya. Napalunok na lang si Hera nang paulit-ulit at nilibot ang paningin sa loob ng silid. Ito ang pangalawang beses na nakapasok siya sa silid ng kaniya amo. Noong una ay noong nagdala siya ng tubig para sa lalaki. Malaki ang silid nito at puno ng mamahaling gamit. Pero ang mga mamahaling gamit na iyon ay ngayon ay mga sira na.Hindi alam ni Hera kung ano ba ang kaniyang magiging reaksyon. Matatakot ba siya, magugulat o magagalit. Hindi niya alam kung bakit nagwawala na lang bigla si Lucas. Wala namang sinabi si Bryle sa kaniya tungkol dito. Dapat nga ay tawagan niya ang lalaki ngayon pero wala naman siyang load. Litong-lito na siya at hindi alam ang gagawin.Hi
Kinabukasan ay halos ayaw nang tumayo ni Hera at magsimulang mag trabaho. Natatakot siya na baka ito na ang kaniyang huling araw na mukhang mangyayari talaga dahil sa ginawa niya sa kaniyang Amo kahapon. Matapos ang nangyari sa gabing iyon ay kaagad na bumalik siya sa kaniyang silid at doon nagkulong sa pinaka sulok ng kaniyang kuwarto.Hindi rin siya nakatulog nang maayos kagabi dahil nga sa nangyari. Sobrang lakas at bilis nang tibok ng kaniyang puso kagabi na para bang sasabog na ito. Hindi siya magawang makapagpahinga kagabi dahil sa mga what ifs na pumapasok sa kaniyang isipan. Hindi niya rin mapigilan mapaiyak kagabi dahil sa pinaghalo-halong emosyon na nararamdaman niya. Nasa isip ni Hera ay baka patay na si Lucas dahil sa kaniyang paghampas kagabi. Hindi na kasi ito nag-ingay pa at mukhang patay na nga. Hindi rin siya bumalik sa silid nito para tingnan kung buhay pa ba ito ay dahil natatakot siya na baka ay may gawin ulit ito sa kaniya tulad kagabi. Alam ni Hera na lasing an
Ah, gusto ko nang umalis dito.Napakagat na lang si Hera ng kaniyang labi at hindi alam ang gagawin. Nanginginig pa rin ang kaniyang katawan dahil sa takot. Hindi niya inaakala na ganoon pala kalala ang magiging reaksyon ni Lucas matapos niyang sabihin sa lalaki na hinampas niya ito ng matigas na bagay kagabi kaya siya nakatakas.Sa totoo lang ay wala talaga siyang plano na sabihin sa lalaki ang totoo nang mag tanong ito sa kaniya kanina. Pero wala siyang nagawa kung hindi ang sabihin sa lalaki ang totoo sa takot na mapalayas nga siya ng tuluyan dahil sa kaniyang pagsisinungaling. Wala siyang pagpipilian kanina. Pakiramdam niya ay na korner siya sa isang sulok at hindi makaga ng desisyon na mag liligtas sa kaniya.Dalawa lang ang kaniyang pagpipilian nang tanungin siya ni Lucas kanina. Una ay sasabihin niya sa lalaki ang totoo kahit na mapapatalsik siya at pangalawa ay hindi niya sasabihin ang totoo kahit na mapapatalsik siya. Kahit na ano sa dalawa ang kaniyang piliin ay isa lang nam
"How was she?" Kaagad na bungad sa kaniya ni Bryle nang makarating na ito sa hospital. Bumaling ang kaniyang tingin sa kaibigan at nagkibit balikat. Binalik niya ulit ang kaniyang atensyon sa kaniyang cell phone at tinuloy ang kaniyang ginagawa bago pa man makarating ang lalaki dito sa loob ng silid. "I don't know. Don't worry to much, she's not yet dead," tamad na wika ni Lucas at nagpatuloy sa pagtipa sa screen ng kaniyang cellphone. Napailing-iling na lang si Bryle at lumapit sa kaibigan na mukhang busy. Umupo siya sa tabi nito at tumingin sa gitna kung nasaan ang babae. Nakahiga ito sa stretcher at walang malay.Busy siya sa kaniyang trabaho nang bigla na lang tumawag si Lucas sa kaniya na papuntahin siya sa hospital dahil nawalan daw ng malay si Hera. Wala naman siyang choice kung hindi pumunta dahil na rin kay Lucas. Kahit na sobrang dami niya pang gagawin sa kaniyang kompanya ay nagawa pa niyang pumunta dito.Napabuntong hininga na lang siya at pagod na sinandal ang kaniyang l
Ang pait at sakit na naramdaman ni Hera ay nasa kaniyang puso pa rin kahit na isang araw na ang nakalipas mula nang mangyari ang kaganapan na 'yon. Hindi niya alam kung bitter lang ba siya o ano pero masakit pa rin talaga sa loob at hindi siya kaagad maka move on. Sa lahat ng tao, siya ang mas nakakaalam kung ano ang ugali ng kaniyang Ina at kung ano ang turing nito sa kaniya. Pero mas pinili niya ang mag bulag-bulagan sa katotohanan at maniwala sa kaniyang pantasya na kahit kailan ay hinding-hindi magiging totoo. Iwan niya ba kung bakit nagpaka martyr pa siya sa kaniyang Ina.Halos lahat na ata ay ginawa niya para lang mahalin din siya nito katulad ng pagmamahal nito sa kaniyang mga kapatid. Magsisinungaling siya kung sasabihin niya na kahit kailan ay hindi siya nagalit sa kaniyang Ina sa pagiging unfair nito at pagiging walang puso pagdating sa kaniya, pero kahit na anong gawin niya ay Ina pa rin niya ito. Ito ang nagluwal sa kaniya at nagpalaki.Noong buhay pa ang kaniyang Ama ay
Sa mga sandaling iyon, ang nasa isip lang ni Hera ang ipalabas ang lahat ng sakit na kinimkim niya sa matagal na panahon. Nawalan na siya ng pakialam sa kaniyang paligid. Ang gusto lang niya ay ang iiyak ang sakit at pagkapagod na nararamdaman. Wala siyang pakialam kung yakap-yakap niya ngayon ang kaniyang Amo at parang bata na umiiyak sa dibdib nito.Tila na blangko ang kaniyang isip. Pagod na pagod na ang kaniyang puso kakaintindi sa ugali ng kaniyang Ina at mga kapatid. Kung ituring siya ng mga ito ay parang hindi siya ng mga ito kadugo. Minsan din ay naisip niya na baka nga hindi siya tunay na anak ng kaniyang Ina. Pero imposible rin naman kasi iyon dahil kamukha niya ang kaniyang Ina at ang kaniyang kapatid na si Natalie. Isa lang naman ang ibig-sabihin no'n, pamilya sila pero hindi pamilya ang turing ng mga ito sa kaniya.Pilit na nilulunok ni Hera ang katotohanan na hindi siya parte ng pamilya, na outcast ang turing ng mga ito sa kaniya. Pero ano nga ba ang magagawa niya? Gusto
Blangko ang isip ni Hera at hindi alam kung ano ang gagawin. Nakapatong pa rin siya sa kaniyang Amo at hindi magawang igalaw ang kaniyang katawan. Nakatitig lang siya sa hubad na katawan ng lalaki na ngayon ay sobrang lapit na sa kaniyang mga mata. Ang hugis ng katawan nito at ang mga muscles ay parang gawa ng isang diyos sa sobrang perfect no'n sa kaniyang paningin. Hindi alam ni Hera kung bakit ay bigla na lang nanuyo ang kaniyang lalamunan habang nagtatagal ang kaniyang mga mata do'n.Hindi ito ang pinaka unang beses na nakita niya ang katawan ng lalaki. Noong unang nagpunta si Hera dito sa mansyon ay nakita na niya ang katawan nito. Pangalawang beses na ito pero hindi niya pa rin maiwasan mapatulala talaga. Kung ihahambing niya ang katawan ni Lucas sa mga lalaki na modelo na nakikita niya sa magazine ay masasabi niya sa kaniyang sarili na mas maganda ang hugis ng katawan ng binata at mas masarap sa mata. Ano kaya ang pakiramdam kung hahawakan ko ang walong bukol na mga ito?Mabil
"Daddy! Are we going to Kurt's house today?" The eight year old Hera asked excitedly to her father. Napatigil si Mateo sa kaniyang ginagawa at napatingin sa kaniyang anak. Hera was holding the hem of his shirt and was pulling it. Ngumiti siya sa magandang anak at hinaplos-haplos ang mukha nito. "Yes, are you excited?" Mabilis na tumango ang batang si Hera. Ang mga mata ay nag niningning at halata sa mukha ang sobrang excitement na nararamdaman. Napatawa na lang nang mahina si Mateo. Mas excited pa ngayon ang mukha ni Hera kaysa sa makita ulit nito ang sariling ina na iniwanan na sila. Kahit na kasal pa silang dalawa ng mama ni Hera, pakiramdam niya ay matagal na silang hiwalay. Kasalan din naman niya kung bakit naging ganito ang kanilang relasyon kaya hindi na lang siya nagsalita as mas tinuon na lang ang atensyon kay Hera, ang nag-iisa nilang anak. He became both Hera's mother and father. Pinunan niya ang pagkukulang ng asawa. "I haven't seen Kurt for how many days, miss ko nang ma
"I'm fine..." mahinang wika ni Lucas at kaagad na tinulungan siya na makatayo. Humigpit ang pagkakayakap ni Hera kay Chantal na para bang mapipiga na niya ang anak. Sobrang lakas nang kabog ng kaniyang puso at nanlalamig ang kaniyang pakiramdam dahil sa nangyari. Sinamaan ni Hera ng tingin si Lucas dahil sa sinabi ng lalabi. "What do you mean you're fine?!" galit na tanong niya at hinila ang kamay nito. Magkasalubong ang kilay na hinila niya si Lucas at pumasok sa loob ng bahay ni Nathan. Wala ang kapatid dahil dito mula sila namalagi dahil kay Lucas. Hera furiously unlocked the door and went inside. "Dito ka lang," mariin niyang saad at binitawan ang kamay ni Lucas. Iniwan niya ang lalaki sa sala ng bahay at hinatid ang kaniyang natutulog na anak sa kaniyang kuwarto. Hindi na niya binihisan si Chantal at tinanggal lang ang suot na sapatos dahil sa pagmamadali. Nang masigurado niyang maayos na ang posisyon ng anak, lumabas na siya ng silid na may dala-dalang first aid kit. Binalika
"Hmm..." Lucas couldn't help but groaned softly when he felt like someone was pulling his cheeks in a violent way. Dahan-dahan na minulat niya ang kaniyang mabigat na mga mata. Kahit na uminom na siya ng gamot kagabi, hindi pa rin siya tuluyan na gumaling at medyo masakit pa ang ulo. Pero mabuti na rin na ganito kaysa naman sa sobrang init ng kaniyang katawan. "Ah, you're awake." Muntik na siyang atakihin sa puso nang pagkamulat niya ng kaniyang mga mata ay may isang maliit na tao ang sumalubong sa kaniyang paningin. Nakaupo ito sa kaniyang katawan at titig na titig sa kaniya. Na para bang inoobserbahan nito ang kaniyang mukha. Nang makilala ni Lucas kung sino ang taong ito na nasa kaniyang katawan, kaagad na pinakalma niya ang kaniyang sarili. Taas baba ang kaniyang dibdib at sobrang lakas nang pagtibok ng kaniyang puso. Ang kaninang inaantok pa niyang katawan ay biglang nabuhayan dahil doon. After how many years, ngayon lang ulit siya nagulat nang ganito. At ang dadalhin ay hindi
Gulong-gulo ang isipan ni Hera habang nakatingin kay Lucas na walang malay. Maputla ang buong mukha nito at mainit, lalo na ang noo nito na para bang sinindihan. Nakahiga ang lalaki ngayon sa kaniyang couch dito sa bahay ng kaniyang kapatid na si Nathan. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit niya tinulungan ang tao na ito. She was supposed to abandon him just like how he abandoned her but then, herself just acted on its own. Sa kalagitnaan nang pag yakap ni Lucas sa kaniya, bigla na lang itong nawalan ng malay sa gitna ng ulan pa talaga. At dahil mabigat ang lalaki at maliit siya na babae, nahirapan siya na dalhin ang lalaki papasok sa loob ng bahay. At dahil sobrang lakas ng ulan, sila tuloy dalawa ang basa ngayon. "Ha... Now what should I do?" namomroblema niyang tanong sa kaniyang sarili at sinamaan ng tingin ang walang malay na si Lucas. They're both wet now and she doesn't know what to do with Lucas. Tumalikod na lang siya at nagpunta sa kaniyang silid para magbihis. Pa
"Ha... Damn it," hindi mapigilan ni Lucas ang mapamura na lang dahil sa bagay na kaniyang napanaginipan. Tagaktak ang pawis sa kaniyang buong katawan habang hinahabol ang kaniyang paghinga. Basang-basa ang kaniyang likod lalo na ang kaniyang dibdib na hanggang ngayon ay taas baba pa rin dahil sa sobrang emosyon na kasalukuyan na kaniyang nararamdaman. That dream... No, that nightmare almost killed him through pain. Napasabunot na lang si Lucas sa kaniyang buhok at hindi alam ang gagawin. Nanginginig pa rin ang kaniyang buong katawan lalo na ang kaniyang basang mga kamay. His heart was pounding crazily inside his chest as if it's going to come out through his mouth. Kahit na panaginip lamang iyon, pakiramdam ni Lucas ay totoong-totoo na. Nagpakawala siya nang malalim na hininga at pinakalma ang nagwawalang puso. Nang maramdaman ng lalaki na okay na ang kaniyang pakiramdam, tumayo siya mula sa pagkakaupo sa kaniyang kama at pumasok sa banyo. Doon, tumayo siya kaharap ng salamin at hin
Hera's whole body trembled uncontrollably. The sight of Lucas, standing in front of her brother's house is making her head spinned. Hindi niya inaakala na makikita ulit ang lalaki na nagparamdam sa kaniya ng sakit at nagparanas sa kaniya ng hirap. After all the years had passed, akala ni Hera ay patay na ito at hindi na magpapakita pa, but why the heck is he here?Nakatayo lang silang dalawa at magkaharap. Kahit na ilang metro lang naman ang layo nila sa isa't isa, pakiramdam ni Hera ay nasa isang malayong lugar ang lalaki. Mag aanim na taon na ang nakalipas mula noong huli niyang nakita si Lucas. Those years were never been easy. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya magawang kalimutan ang nakaraan. Kaya hindi nakakapagtaka kung nakakaramdam siya ng ganitong takot kay Lucas. What he did to her was unforgiving. She almost lost her daughter Chantal because of him. Kahit na hindi pa rin siya nakaka-move on sa nakaraan, pinilit ni Hera na magbulag bulagan para lang mabigyan ng masayang b
"Nathan, nandito ka pala," masayang wika ni Hera sa kaniyang kapatid na lalaki. Ngumiti ito sa kaniya at kaagad na kinarga ang kaniyang anak na nakadipa ang mga braso. Gustong magpakarga sa kaniyang kapatid. Kaagad na binuhat naman ito ng lalaki at pinagbigyan ang kagustuhan ng kaniyang anak na si Chantal. "Na miss mo ba ako ha? Chantal namin," Nathan said while smiling brightly and began kissing Chantal's cheeks. Napahagikhik ang limang taong gulang na anak ni Hera dahil sa kiliti na dala ng mga halik ni Nathan. Chantal giggled and put her small hands on Nathan's mouth to stop him. "Yes papa! Chantal misses you." Napailing-iling na lang si Hera sa sobrang sweet ng dalawa sa kaniyang harap. Nilampasan niya ang mga ito at nauna nang pumasok sa loob ng bahay ng kaniyang kapatid. They're currently on her brother's house. Nagpunta lang sila dito dahil nga na m-miss na ng kaniyang ina at mga kapatid ang kaniyang anak. "Oh Hera, nandito na pala kayo," marahan ang boses na saad ng kaniyan
Lucas' heart pounded heavily after hearing that familiar voice. Dahan-dahan na tumingin siya sa kung saan nanggaling ang boses na iyon. His heart clenched tightly when he saw the woman. Tumatakbo ang babae habang may nag-aalalang mga mata. Ang mahabang buhok noon ni Hera ay ngayon ay hanggang balikat na lang. Habang nakatingin si Lucas sa babae ay parang may kung anong humaplos sa kaniyang puso. Ang mukha nito ay nag bago na. Kung maganda ito noon, ngayon ay mas lalo itong naging maganda. Bagay na bagay sa babae ang hanggang balikat lang nito na buhok. In the past, Hera used to look so innocent but right now, her face matured. Sa sobrang titig niya sa mukha nito ay hindi man lang napansin ni Lucas na humiwalay na pala ang batang babae sa kaniyang hawak at tumakbo papunta kay Hera."Mommy!" the young girl exclaimed happily. Mabilis na tumakbo ang batang babae papunta kay Hera at niyakap ang mga binti nito. Mabilis na niyakap ni Hera ang kaniyang anak na bigla na lang nawala sa kaniya
'Hera is the daughter of the man who abandoned him and made his life even heller than it already is.'Iyan ang naglalaro sa isipan ni Lucas habang nakaupo ang lalaki sa bar counter at umiinom. Hindi alam ng lalaki kung ilang oras o araw na ba siya na roon. Ang gusto lang niya sa oras na 'yon ay ang uminom nang uminom hanggang sa makalimutan niya ang lahat ng nalaman niya sa araw na iyon. Hindi ine-expect ni Lucas na sa lahat ng tao, bakit si Hera pa ang naging anak ng taong kinasusuklaman niya? Kahit na ilang taon na ang nakalipas, ang sakit na dinulot ng taong iyon ay nasa puso niya pa rin. Kahit kailan ay hinding-hindi niya malilimutan ang mukha at pangalan ng taong umabandona at mas lalong sumira sa kaniyang buhay. All those years, he only not suffer because of his dad's cruelty but also because of that bastard's lies. Kung hindi lang siguro siya humingi ng tawad kay Mateo noon na kaniyang ninong at ang nag-iisang kaibigan ng kaniyang ina, hindi siguro magiging ganito ang kaniyan