"PASENSIYA ka na kung pati ikaw ay nadawit sa pagpapanggap na ito. Huwag mo na lang ipaalam kay Zeus na ikaw si Yna.""P—paano kung magalit siya? Hindi ba't best friend sila ng kapatid kong si Farrah?" "Yes, pero mas maigi na hindi niya alam. Isa pa, chance mo na rin 'yan na mapaibig mo ang bilyonaryong si Zeus. I just want to remind you na isang dakilang womanizer ang lalaking 'yon."Hindi ko alam kung ano'ng isasagot ko sa lalaking kasama ko ngayon. Kasalukuyang nasa kitchen ako, nagluluto ng bacon. "Nag-dinner ka na ba?" tanong ko rito."Thanks, but I have to go. Kailangan ko pang puntahan ang address na ibinigay mo," saad nito. Kahit ano'ng gawin nitong maging masigla ay hindi maipagkakaila sa anyo nito ang labis na kalungkutan. "Pupuntahan mo ba ang puntod ng kapatid ko?" tanong ko rito. "Yeah," sagot nito. "By the way, can I hug you?" "S—sure," atubili kong tugon dito. Lumapit ito sa akin at niyakap ako. "You remind me of her, Yna.""Dahil magkamukha kami," saad ko rito.
NAGULAT ako nang hubarin nito ang suot na suit at itinakip sa aking katawan. Saka ko lang naalala na tanging nighties lang pala ang suot ko. Ugh! Namula ang magkabila kong pisngi sa hiya. Lihim kong sinita ang sarili. Napaka-tanga ko talaga. Palibhasay, resulta ito kanina. Hindi kasi ako mapakali at totoong kinakabahan ako. Magpahanggng ngayon ay gano'n pa rin. Kaloka!"Kailan mo pa nakalimutang magsuot ng roba, bai?" tanong nito. "Balak mo bang akitin akong muli? Baka hindi ko na mapigilan ang sarili at totoong papatulan na kita."I'm wondering kung bakit panay tawag nito ng bai sa akin. Hindi ko alam kung ano'ng isasagot dito. "Nagkakamali ka, nakalimutan ko lang talaga," maagap kong sagot dito."You change a lot, pumayat ka yata. At may napansin pa ako sa'yo, ba't mas lalong pumuti ka? Isa pa, mas lalo kang — gumanda," tugon pa nito."Lumaklak kasi ako ng maraming glutathione," nakangising tugon ko rito. Kahit man lamang do'n ay maalis ang pagkailang ko rito. Pero nanatiling kumak
"MATULOG na tayo, I am sleepy." tugon nito. Kumalas ito ng yakap sa akin. Kunot-noong napatitig sa kulay berde nitong mga mata. May lahing Irish si Zeus. He has those perfect attractive green eyes. At ang kinis ng mukha nito. Mahihiya ang ilang pores na pumaroon."What?!" bulalas ko rito. Siyempre, hindi ko mapigilang magulat sa sinasabi nito. Hindi iyon maganda sa pandinig ko. Palibhasa'y agad ko ring sinita ang sarili. Hindi ako pwedeng mag-react hindi ba? Kaya lang, hindi ba't ang sabi ni Joshua ay for show lang ang lahat?"Don't tell me pati ang ganitong behavior ko ay hindi mo naalala?" takang-tanong nito sa akin. Pinagmamasdan nito ang aking ekspresyon. Mukhang kailangan ko na yatang mag-ingat sa mga aksyon ko. Baka mabuking ako nito ng wala sa oras. Ugh!"I am so sorry, alam mo namang bangag pa ako dahil sa hindi inaasahang broke up na nangyari sa pagitan namin ni Joshua. Hindi gano'n kadali para sa akin na tanggapin iyon, pero niloko niya ako dapat lang na hiwalayan ko siya,
LIHIM akong nabitin nang tumigil si Zeus sa ginagawang paghalik sa akin habang habol ang aming hininga. Naisip ko tuloy, mabaho ba ang hininga ko? Nag-toothbrush naman ako kanina. "Sorry," tugon nito sa malamig na boses. Nagulat ako sa reaksyon nito. Tila parang kasing-lamig ito ngayon ng yelo."It's okay," sagot ko na lamang dito. "Magpahinga ka na," tugon nito at mabilis na nilisan ang aking kwarto. Nang tuluyan na itong makaalis napahawak ako sa parte kung nasaan naroon ang aking puso. Kumakabog iyon. Ugh!Wala sa sariling napahawak ako sa aking malambot na mga labi. Ang sarap nitong humalik. Pumikit ako at in-imagine ang nangyaring halikan namin kanina. Pagdakay, lihim ko ring sinita ang sarili. Nakakahiya! Naupo ako sa malambot na kama. At sumilay ang munting ngiti sa aking mga labi. Saka ko lang napansin ang suit ni Zeus na kanina ko pa suot. Hinubad ko ito at humiga na sa malambot kong kama at pumikit. Hanggang sa hinila na nga ako ng antok.______________KINABUKASAN, nagi
"LET'S go?" ani Zeus. Tango lang ang naging tugon ko rito. Pigil ang aking hininga. Naririnig ko ang malakas na kalabog ng aking puso. Kunwa'y relax lang ako. I need to control myself. Ugh! "Saan mo gusto maunang pumunta? Sa café o sa flowershop?" tanong nito sa akin. "Sa cafe na lang," tipid kong sagot habang ang aking mga mata'y nakatuon sa mga lugar na aming nadadaraanan. Pinipigilan ang sarili na mapasulyap sa rearview mirror. I can feel awkwardness between us. Lihim akong nagpasalamat dahil walang traffic. Sa wakas ay narating namin ang cafe. Bilang may-ari niyo'n kailangan ko ring bisitahin since iyon ang nais ng kapatid kong si Farrah.Pansin kong nagulat ang ilang mga staff and employees ko roon nang makita kami ni Zeus na naroon. So far nalaman kong maganda ang takbo ng naturang cafe. Wala akong alam sa negosyo pero base on my own research may ilan naman akong natutunan. Kailangan kong matuto sapagkat ayokong biguin ang namayapa kong kapatid. Simpleng meeting lang ang gi
NARATING namin ang MIC. Pinagbuksan ako nito ng pinto at inalalayang makababa sa kotse. How gentleman. Nice one. Pero hindi pa rin mawawala sa awra nito ang kakaibang anyo. A cold one. Nagulat pa ako na may pa red carpet pa pala. Naks! Mukha lang akong prinsesa na inalalayan ng aking prinsipe.Pumasok kami sa loob ng naturang building. Lahat ay nakayuko at nagbigay galang sa amin. Nanatiling pormal ang aking ekspresyon kahit ang totoo ay gustung-gusto kong tingnan ang nasa paligid. Halos malula ako sa building na siyang pagmamay-ari ng aking asawa. "Good day, Mr. and Mrs. Mondragon."Dire-diretso lang kami patungo sa looban. Hanggang sa marating ang naturang opisina ng aking asawa. Kinakabahan ako sa pagkakataong magkasama kami ni Zeus. Pero nagawa ko namang umakto ng normal.The first thing I noticed wasn't the simple yet impressive and male furniture of the room but a pair of intense green eyes staring right at me. I could feel the pull as his handsome face looked in my direction.
HANDA ka na bang makitang muli si Ferra?" tanong ni Zeus sa akin."Sino ba namang ina ang hindi excited na makita ang sariling anak?"Kunot-noong pinakatitigan ako ni Zeus. "Hindi ba't ayaw mo kay Ferra dahil sa sobrang kulit niya? And here you are in front of me saying those words?""Sinabi ko na sa'yo, mapapansin mo talagang may ilang pagbabago sa'kin. Dahil ang totoo niya'n, nais kong i-tama ang lahat, Zeus.""Which is nice. Tama ang desisyon mong 'yan. By the way, nais ko lang ipaalala sa'yo. Malapit nang matapos ang dalawang-taon na kontrata natin at pwede na tayong mag-file ng annulment," saad nito sa akin sa tila may bahid na lungkot sa boses. Nagulat ako sa narinig. "Ikaw ang bahala," sagot ko na lamang dito."Pero paano si Ferra? Masasaktan ang anak — natin," ani ko rito sabay yuko. Natatakot na maaninag nito ang katotohanan sa aking mga mata."Anak niyo ni Joshua lang, Farrah. Baka nakalimutan mo," pagtatama nito sa sinasabi ko. Nag-angat ako nang tingin at sinalubong ang
"WHERE's Ferra?" tanong ko kay Zeus."She's inside of course!" Interrupt ni Tatiana. Napasulyap ako rito. Hindi ko mapigilan ang sarili, naiirita ako sa presensiya nito. "Are you, okay?" tanong ni Zeus sa akin."I'm fine," tipid kong sagot dito."Sigurado akong excited si Ferra na makita ka."Ngumiti ako sa narinig mula rito sabay yuko. Nilapitan kami ng mag-asawang Mondragon. Lihim na namangha ako sa hitsura ng mag-asawa. Sabagay, mayaman at maraming nagagawa ang pera. "You look different tonight, hija. Mas lalo ka yatang gumaganda," nakangiting saad ni Mrs. Mondragon sabay halik sa aking pisngi. "Thank you, mommy," saad ko rito sa paraan kung paano si Farrah kumilos. Gano'n din ang ginawa ko kay Mr. Mondragon. May ilan pang mga relatives ni Zeus na nakipag-beso sa akin. I realize na nakakapagod pala ang ganoong eksena. Hanggang sumunod ang ilang mga kaibigan ni Zeus, at hanggang sa nakita ko sina Stacey at Eliza. Lumapit ang dalawa sa akin para ako'y salubungin. "I hope you're
Isang malakas na ungol ang pinakawalan ko ng maramdaman ang matigas na bagay na ngayo'y naglabas-masok sa aking pagkabábáé. Nakakapanghina ang bawat ulos ni Zeus, nakakadarang at nakakabaliw lalo na nang marinig ko ang bawat echo ng aming mga halinghing sa looban ng banyong kinaroroonan namin ngayon. Binuhat ako ni Zeus at mabilis ko namang ipinulupot ang magkabilang hita sa bewang nito na naging dahilan para mas lalo pang dumiin ang pagkalapat ng aming mga kasarian. Patuloy na ina-angkin nito ang aking mga labi at mahigpit na napayakap lang ako sa leeg nito. Naglalagablab sa sobrang init ang aming mga katawan na wari bang walang makakapigil sa mainit naming matinding pagniniig. Damang-dama ko ang panunuyo ng aking lalamunan sa init na nanalaytay sa buo kong katawan. Mahirap pigilan ang pagnanasang binuhay ng matinding init na hindi ko alam kung paano ipaliwanag. Bawat haplos ni Zeus sa aking katawan ay may dalang matinding init at sarap. Bawat ungol ay nakakagana sa ba
NAUPO kami sa couch nina Stacey at Eliza. Alam kong pagod ang dalawa kaya ako man ay nagpahinga na rin saglit. Dinampot ko ang remote ng flat screen TV at binuksan ito. Tumambad sa amin ang isang romance movie. Kapwa kami natawa na tatlo. "Grabe ka, Farrah, ha?" "O, bakit?" nakangiting sagot ko kay Stacey. "Nananadya ka yata, e," segunda naman ni Eliza. "Bakit nga?" takang-tanong ko sa dalawa. "Siyempre, puro kami single tapos pinanood natin romance movie," naiiling na sagot ni Eliza sa akin. "I see, kaya pala kung makapag-react kayo ay tila wagas, mag-jowa na kasi kayong dalawa. Marami naman kayong manliligaw pero ni isa wala man lang pumasa sa taste niyo. Naku, baka tumandang dalaga kayo niya'n!" "Sadyang hindi ko pa natagpuan ang lalaking magpapatibok sa puso ko, Farrah." Nailing na lamang ako sa narinig mula kay Eliza. Mabuti na lamang at hindi nakakalimutan ng mga ito na ako si Farrah sa mansion, at kung kaming tatlo lang ay hindi talaga maiiwasan na Yna ang i-t
Yna POV "Kailangan na nating umalis, Yna." Malungkot na napalingon ako sa kaibigang si Eliza. Alam kong naramdaman din nito ang matinding kalungkutan na aking nadarama. "Ate Yna, salamat at ni minsan nagawa mo kaming bisitahin dito." "Hindi ko rin inaasahan na makabalik dito, Erika." Hindi ko napigilan ang mga luha na tumulo mula sa aking mga mata. Nagpapasalamat ako sa Panginoon at inihanda na pala ng kapatid ko ang lahat. Ilang araw na lamang ay pupunta na rito sina Tatiana kasama ang mga taong inupahan nito para sa ilang imbestigasyon, at siguradong hindi titigil ang babaeng iyon hangga't hindi nito nalalaman ang katotohanan. "Let's go, Yna." Napasulyap ako kay Eliza. Tumango ako rito at tuluyan na naming nilisan ang naturang lugar. "Dalian niyo na bago pa tayo maabutan nina Tatiana," ani Stacey. "Stacey naman, alam mo namang buntis itong si Yna. Kaloka ka talagang babae ka," palatak ni Eliza kay Stacey. Napangiti na lamang ako sa dalawa. "Okay lang," nakangiting saad
Yna's POVSa wakas ay narating namin ang lugar kung saan ako lumaki. Muli, hindi ko napigilan ang pagtulo nang aking mga luha ng maalala ko si inay na siyang nagpalaki sa akin. Pero, hindi ko maiwasang mamangha sa ganda at linis ng naturang lugar. Dati kasi ang dumi rito. Namangha rin ako sa tila dating mga pangit na kabahayan, ngayon ay halos magkapareho na ang hitsura. Parang naging villa ang lugar na kinalakhan ko."Pasensiya ka na kung naalala mo ang inay mo sa lugar na ito," alo sa akin ni Eliza. Inabot nito sa akin ang panyo. Tinanggap ko naman agad iyon. "Salamat. Bigla kong namiss si inay.""Si Ate Yna ba 'yon!" "Parang hindi, e. Kamukha lang yata, hindi naman iyon elegante si Ate Yna. Hindi tulad ng babaeng 'yan."Ang ilan sa mga narinig ko mula sa mga bata na dati ay binibigyan ko ng kendi. Pero ngayon, halatang mga dalaga na kung titingnan."Yna, pakiusap 'wag kang magpakilala bilang si Yna. Si Farrah ka ngayon sa kanilang paningin. Ipalabas natin sa mga ito na patay ka
Yna's POV"Bakit kailangan pang dalhin mo si Ferra?" bulong ni Eliza sa akin. "Dahil iyon ang nais ko, Eliza. Hindi ko ba pwedeng dalhin ang anak ko?""Pero isang malupit na sekreto ang pupuntahan natin, Yna.""Alam na ni Ferra ang totoo na hindi ako si Farrah. Baka nakalimutan mo?" "What?!""Yes, sinabi ko sa kanya. Alam na rin niya kung saan inilibing ang kanyang ina. Hindi ko ba nasabi sa inyo iyan ni Stacey?" takang-tanong ko rito."What the heck, Yna! Hindi, ngayon ko lang 'yan alam."Napaisip ako. Hindi ko pa pala nasabi kina Stacey at Eliza ang tungkol sa pagka-alam ni Ferra sa tunay na nangyari sa ina nito? Napasulyap ako kay Ferra sa front seat na ngayo'y nakatulog na sa kasalukuyang biyahe. Habang pasulyap-sulyap naman si Stacey sa amin ni Eliza, nasa back seat kasi kami nakaupo."Kanina pa kayo nagbulung-bulungan diyan, ano bang pinag-uusapan niyo? Care to share?" tanong ni Stacey sa amin."Tulog na ba si Ferra?" tanong ni Eliza kay Stacey. "Kanina pa ito tulog.""Ito k
Yna's POV"Hindi na lang muna ako maghahatid sa'yo ng lunch mamaya. Here, baon mo 'yan."Ngumiti sa akin nang pagkatamis-tamis ang aking asawa. "May I know kung saan kayo pupunta nina Eliza at Stacey?" tanong nito sa akin na siyang hindi ko inaasahan."Well, ang alam ko ay gusto lang nila akong isama sa isang lugar. At balak ko rin sanang isama si Ferra." Napansin ko ang kakaibang ningning sa mga mata ni Zeus. "Are you sure?""Oo naman," maagap kong sagot dito."Isasama mo si Ferra for the first time sa lakad niyong magkakaibigan?" "Hindi ba pwedeng isama ko ang anak ko, Mr. Mondragon?""I mean, naninibago lang ako. Dati kasi, hindi ka gano'n. Pero natutuwa ako at totoong nagbago ka na nga," nakangiting saad nito sa akin. Ngumiti ako rito at niyakap ito. Gano'n din ito sa akin. Yeah, kailangan kong isama si Ferra. Hindi ako kampante kapag kasama nito si Tatiana. Baka kasi pumasyal si Tatiana at maisip nitong sapilitang kausapin ang anak ko. Hindi maaari! Mukhang kailangan kong pag
Yna's POV"What?!" Bulalas ko."At iyon ang misyon namin bukas ni Stacey. Gusto ko lang ibalita sa'yo. Kaya, be careful sa pakikipag-usap mo sa higad at plastik na babaeng 'yon, okay?" Napahilot ako sa sariling sentido sa narinig mula kay Eliza. Hindi ko akalaing magagawa ni Tatiana iyon. Mabuti na lamang at matalino sina Eliza at Stacey. Dahil kung ako lang, malamang matagal na akong nabuking ni Zeus sa pagpapanggap ko."Sige na, magba-bye na ako at may pupuntahan pa ako," paalam agad nito sa akin. Magsasalita pa sana ako ng patayin na nito ang tawag."Bye," ani ko na lamang. Humugot ako ng isang malalim na buntong-hininga. This gonna be disaster.Tumayo ako mula sa sofa at bumalik sa opisina ng aking asawa. Kumatok muna ako bago tuluyang pumasok sa loob ng opisina nito."Come in."Pumasok ako sa loob. Pinilit kong ngumiti rito na tila wala lang nangyari. "So, who's the caller?""Si Eliza, nangungumusta lang. Nagtanong kasi kung pwede ko raw ba siyang samahan bukas," pagsisinungalin
Tatiana's POV"Ano'ng ningiti-ngiti mo riyan?" Pinaglalaruan ko ang aking ballpen gamit ang aking mga daliri. "Alam ko na kung paano pababagsakin si Yna.""Oh c'mon, baka ikapapahamak mo na naman iyang mga plano mo, Tatiana!" Awtomatiko tumaas ang isang kilay ko sa narinig mula kay Leslie. "Alam ko kung ano'ng ginagawa ko.""Really, now tell me kung ano'ng pinaplano mo?""Rumors," sagot ko rito."Ano'ng ibig mong sabihin?""Sa pamamagitan ng rumors masisira ang pangalan ni Yna. Hanggang sa gumawa ng palihim na hakbang si Zeus na pa-imbestigahan ang kanyang asawa.""At sa tingin mo effective ang gawin 'yan? Paano kung malaman ni Zeus na ikaw ang puno't dulo ng pinagmulang rumors?" "It won't happen.""So, ano'ng mas magandang plano na naisip mo?" "Puntahan natin ang lugar kung saan nanggaling ang basurang babaeng 'yon. At mula roon, maghahanap ako ng isang kakilala niya na talaga namang maging sanhi ng malakas na usap-usapan. Hindi ba't malapit na ang birthday ni Zeus. At doon magag
Yna's POVUmibis ako mula sa sariling kotse. Dala ang lunch box para sa asawa. Sana lang, hindi ako ang ma-sorpresa. Naalala ko pa noon ang ilang mga napapanood kong mga Romance movie. May kahalikan na ibang babae ang asawa ng bidang babae sa ganitong tagpo. Subukan lang ng Tatiana na iyon na akitin ang aking asawa, titiyakin kong manghihiram ito ng mukha ng aswang.Binati ako ng ilang mga security guard sa pagpasok ko pa lang sa entrance ng naturang building. Hindi nakaligtas sa aking paningin ang pagkagulat sa mukha ng ilang employees nang makita ako. Well, sigurado akong hindi inaasahan ng mga ito ang aking pagdating. Hindi ko akalaing ganito pala kasarap kapag ni-respeto ka ng mga tao. Dati, pumapasok lang ako sa ilang mga maliliit na opisina para magbenta, minsan pinapautang ko pa. Pagdating ng sahod, saka ako maniningil.Panay ang bati sa akin ng ilang mga employees. Tulad ng ugali meron si Farrah, as usual, dire-diretso lang ang aking lakad patungo sa kung saan naroon ang opis