Binalot ng tensyon ang apat na sulok ng security room. Ang mga mata ng mga taong naroroon ay nakatuon lamang sa monitor. Halos hindi na nga sila kumukurap sa panonood ng video footage...bitbit ang pag-asang masisilayan nila ang tunay na nangyari. Sa halip na sa monitor tumingin si Ylonah ay nakatuo
‘Magiging maayos rin ang lahat, Lola Conciana. Gagaling ka at mananagot naman ang sinumang walang puso na naging dahilan nang nangyari sa'yo.’ Nakakuyom ang mga kamay ni Gavin habang naglalakad pabalik sa room 777. Mabigat ang mga yabag niya habang nag-iisip kung paano niya malalaman ang totoo. Nang
“Nakuha mo na ba ang lahat ng mga damit mo sa cabinet, anak? Baka may naiwan ka pa ro’n?” Kasalukuyang isinasalansan ni Maya ang mga tiniklop niyang damit sa traveling bag na binili ni Gavin para sa kanilang mag-ina. “Opo, mommy. Nariyan na po lahat," sagot naman ni Hope. Tinutulungan niya ang kani
“You know what, Maya, I’m happy that you’ve changed your mind. Buti na lang at naisip mong huwag na munang lumipat," nakangiting turan ni Gaia. “Naisip ko rin kasi si Hope. Alam kong masaya siya kapag kasama niya kayo. Masyado nang napalapit sa inyo ang anak ko at hindi ko naman din siya masisisi
"Dàmn! Sinusundan pa rin tayo ng lalaking 'yon!" Gaia gritted her teeth. Mariin niyang hinawakan ang manibela habang panay ang sulyap niya sa side mirror ng kotse niya. Paano ba naman, kanina pa silang sinusundan ni Garret. “P-pasensya ka na kung nakita mo si Garret ngayon. Are you not on good term
"Hope!" nakangiting turan ni Gavin. Kumunot ang kaniyang noo nang mapagtanto niyang kasama ng mag-ina ang kaniyang kapatid. 'Close na agad sila? Mukhang magkakasama silang tatlo kanina noong tumawag ako kay Gaia,' isip-isip niya. "Daddy!" muling sigaw ni Hope. Tatakbo na sana siya palapit kay Gavin
Sandaling hindi nakagalaw si Maya nang bigla siyang yakapin ni Gavin. Hindi niya alam kung itutulak ba niya ito palayo o hahayaan na lamang ito sa gusto nito. Muli na naman niyang naalala ang gabing iyon sa penthouse ng Thompson's Hotel. Para na naman siyang ginapangàn ng kuryente sa kaniyang katawa
‘Bwisit! Babalik na naman ako sa villa kasama ang mga paslit na ‘to! Ni hindi man lang ako makakapag-shopping dahil pinag dayoff ng matandang Thompson na ‘yon ang mga katulong sa villa! Nakakainis! Bakit ba kailangan kong alagaan ang dalawang ‘to? Aanhin ba nila ang pera nila? May pambayad naman sil