“Mommy, ang ganda po ng suot ng babae kanina, mommy!” wika ni Hope habang inaayos ni Maya ang suot niyang damit. “I know, stay still anak,” sambit ni Maya. Humirit kasi bigla si Hope na naiihi raw ito kaya nagtungo sila sa banyo imbes na dumiretso na sa bulwagan. Sinipat muli ni Maya ang ayos ng anak. Nang makita niyang ayos na ito ay nakahinga na siya ng maluwag. Umayos siya ng tayo. Ang sarili naman niya ang tiningnan niya sa salamin at inayos ang suot niyang maskara.Kabado si Maya sa mangyayari ngayon. Alam niyang siniguro na ni Gavin na maayos na ang lahat pero hindi niya maiwasang kabahan. Ayaw niyang mapunta sa wala ang pinaghirapan nilang dalawa. She wants everything to be perfect. Bumaling siya kay Hope at nakita niyang ginagaya pala nito ang ginagawa niya kaya napatawa siya nang marahan. Napailing na lamang siya.Tumingala si Hope sa kaniyang ina. Manghang-mangha siya sa ayos nito. “Mommy, ang ganda-ganda mo po!” Pabirong pinisil ni Maya ang ilong ni Hope. “Sus! Nambola p
Muling naiwan sina Maya at Avva nang umalis si Fitz. Tahimik lang silang pareho. Nagmamasid sa mga nangyayari sa paligid. Pansin nilang pareho na mayayaman halos lahat ng mga naroroon. Halatang inimbita ang mga bigating tao sa larangan ng pagnenegosyo. May iilan ring nakita si Maya na mga artista. Muling nagtama ang mga mata nina Maya at Avva. Sabay silang nag-iwas ng tingin. Nag-iba bigla ang ihip ng hangin at parehong hindi nagpapansinan ang dalawa. Habang abala si Avva sa pagsimsim ng bino mula sa baso niya, si Maya naman ay pinagmamasdan ang mga taong dumaraan. Napansin ni Hope na sumusulyap sa kaniya ang kambal. Ngitian niya ang mga ito at kinawayan. “Hi!” bati pa niya. Tuwang-tuwa siyang makita ang kambal. Matagal na rin niya itong hindi nakakalaro kaya missed na missed na niya ang mga ito. Ang mga ito ang madalas niyang kasama at kalaro noon. Kahit wala na ang Kuya Matthan niya ay nandiyan pa naman ang kambal kaya kahit papaano ay hindi malungkot ang puso niya. Ngunit lakin
On the feast day at the banquet hall, habang nagkakasiyahan ang lahat sa party, biglang nagdilim ang paligid at nagkaroon ng spotlight sa harapan. Umayos ng upo ang lahat ng mga guest kahit sina Maya. Lahat sila ay inaabangan kung sino ang taong lalabas sa stage.Then the prominent founder of Thompson’s Group arrived, at ‘yon ay walang iba kun’di si Don Gilberto Thompson, na mas kilala ng lahat sa tawag na Senior Thompson.Isang ngiti ang rumihestro sa labi ni Donya Conciana habang nakatingin sa don na nakatayo sa harapan. Nang mahawakan ni Senior Thompson ang mikropono, biglang tumahimik ang banquet hall.“Ladies and gentlemen, I thank you for attending this party. Tonight, I would like to introduce to you my only grandson, Gavin Thompson,” may pagmamalaki at nakangiting turan ni Don Gilberto.Lumabas si Gavin sa backstage at sa kaniyang paglabas ay nagbukas ang lahat ng ilaw sa banquet hall kaya kita niya na ang lahat ng mga guest ay nakatingin sa kaniya. Bagama’t may suot na maskar
The Billionaire's Obsessive LoveBook 2 of The Billionaire's Destined LoveChapter 1Costa Malia Municipal HallNovember 29, 2024“I now pronounce you, husband and wife. Mr. Thompson, you may now kiss your bride," nakangiting wika ng Mayor ng Costa Malia.“Omg! Let's cover our eyes!" Bia yelled as she ordered her two siblings to do the same.“Why do we have to? It's normal to kiss your spouse, Bi—”"Hivo, just cover your big eyes! We're too young to see that thing,” Bia said.Natawa na lamang si Hope sa kaniyang mga kapatid. Hindi nagtagal ay ginaya na rin niya ang dalawa. Tinakpan niya ang kaniyang mga mata.Hinalikan ni Gavin si Maya sa noo. Inilapit niya ang kaniyang bibig sa kanang tainga nito. “P'wede na ba kitang halikan sa labi, Mrs. Maya Larson-Thompson?”Napatawa si Maya. “Kung makapagpaalam ka, para namang ito ang unang beses na hahalikan mo ako sa labi. In fact, you already robbed me a lot of kisses in the lips," pabirong sambit niya.Kinagat ni Gavin ang kaniyang labi. He
Nakaupo sa pagitan nina Hope at Bia si Hivo habang sinusundan ng tingin ang kaniyang Daddy Gavin. “Daddy, p'wede po bang huminto na po kayo sa kalalakad? Nahihilo na po kasi kami nina Bia at Hope sa kakasunod po ng tingin sa inyo. Don't worry po. Mommy and Baby Nathan will be fine." "Hivo is right, daddy! You have nothing to worry about,” Bia agreed. Tumayo si Hope at naglakad patungo sa kinatatayuan ng kaniyang daddy. Hinawakan niya ang kamay nito. Agad din namang sumunod sa kaniya sina Hivo at Bia na agad namang yumakap sa kanilang daddy. "Daddy, nag-pray na po ako. Makakaraos din po si mommy sa panganganak. Smile ka na po, daddy—- please.” Nagpa cute pa si Hope. Nang makita niyang ngumiti ang kaniyang daddy ay yumakap na rin siya rito. Bumuntong hininga si Gavin. "Maraming salamat sa inyo, mga anak. First time kasi ni daddy eh kaya kinakabahan si daddy.” “Daddy, walang masamang mangyayari kina Mommy at baby. I am sure pinoprotektahan sila ni Matthan and ni Papa God. Ka
“Would you like some wine, Sir?” “Yes,” walang kabuhay-buhay na sambit ni Garret. Nakatingin lang siya sa bintana ng eroplano. Tanaw na tanaw ang bughaw na mga ulap. Ilang saglit na lamang ay darating na sila sa destinasyon nila. Hindi siya mapakali dahil alam niyang sa iilang sandali na lamang ay nasa iisang bansa na sila ng babaeng pinakamamahal niya -- walang iba kung hindi si Maya. “Stop thinking about her, Nigel,” wika ni Betina na nasa tabi lang ni Garret. “Who says I'm thinking about her? I am not," pagsisinungaling ni Garret. Umismid si Betina. Alam niyang walang ibang laman ang utak ng kaniyang Kuya Garret kung hindi si Maya Larson. Hindi nga niya lubos maintindihan kung anong nagustuhan ng kuya niya sa babaeng ‘yon, lalong lalo na si Gavin. Mas maganda siya kay Maya at higit sa lahat, mas kaakit-akit ang dating at katawan niya. "Nigel, I don't understand what the hell did you see to that woman. Napakaraming babaeng nagkakandarapa sa isang Nigel Garret Lawson! And t
Sa Villa ng mga Thompson ay abala ang lahat sa paghahanda sa pagdating ng bagong miyembro ng pamilya. Inutusan ang mga kasambahay na maghanda ng kaunting pagkain samantalang ang tatlong bata naman ay abala sa pagkukulay sa ginawa nilang banner. Pinagmamasdan naman ni Donya Conciana at Don Gilberto ang mga bata na masayang nagkukulay. “Do you think magugustuhan ito ni mommy?” tanong ni Bia. “Oo, naman! Mommy will definitely love it!” ani pa ni Hope, habang gumuguhit ng puso. “Malapit na kaya silang dumating?” tanong ni Hivo. Nilingon niya si Donya Conciana. “Lola asa’n na raw po sila mommy?” “They will be here in a few minutes kaya tapusin niyo na iyang ginagawa niyo,” nakangiting wika ni Donya Conciana. Nang marinig iyon ng tatlong bata ay mas binilisan nila ang pagsusulat ng mga dekorasyon sa banner. Nakalagay sa banner ay “Welcome Home, Mommy and Baby Nathan” kaya sa mahaba-habang kartolina na pinagdugtong-dugtong ng mga bata sa tulong ng iilang matatanda iyon inilagay. Napa
“Are you sure na kaya mong gumalaw-galaw?” nag-aalalang tanong ni Gavin kay Maya. Bahagyang natawa si Maya sa reaksyon ng asawa. “Oh, please, my love! Hindi ko kayang humilata lang sa kuwarto. And the kids are asleep kaya wala akong gagawin.” “Paano kung mabinat ka?” kunot-noong sabi ni Gavin. “I am fine, I promise!” pagsisiguro ni Maya. "No. You need to rest. Anything that you want to do, just call our maids and they will do anything for you," Gavin said with finality in his voice. "But lo---" "No more buts, love. You should take a complete bedrest to recover. Sabi nga sa akin ni lola, hindi biro ang manganak," mariing wika ni Gavin. Simula nang makauwi si Maya buhat sa hospital ay wala na siyang ibang inatupag kung hindi ang magpahinga. Hands on na hands on kasi si Gavin sa bunso nilang anak at sa kabila noon ay hindi rin siya nito nakakalimutang asikasuhin at ang tatlo pa nilang anak. Madalas pa rin itong nakikipaglaro kina Bia, Hivo at Hope at tinuturuan ang mga i
Matalim ang mga tingin ni Maya kay Hannah. Nasusuka siya sa pagmumukha nito dahil bigla itong nag transform bilang isang maamong tupa buhat sa pagiging tigre.“Anak, bakit gan'yan ang mga tingin mo sa Tita Hannah mo? May problema ba, anak?” nalilitong tanong ni Miguel kay Maya. Papalit-palit ang tingin niya kina Maya at Hannah. Palagay ang loob niya na magkasundo ang dalawa kaya nagtataka siya kung bakit iba ang tono ng anak niya, kung bakit taliwas ang kilos nito. Bumuntong hininga siya. “Mag-usap po tayong tatlo sa salas,” ani Maya. Mula sa kaniyang ama ay lumipat ang tingin niya kay Hannah. “I just need some of your time, papa. Mabilis lang po. Hindi ba, Hannah?” Gulat na napatingin si Hannah kay Maya at saka inosenteng ngumiti. “Sure, kung ‘yan ang gusto mo, Maya. Wala namang problema sa amin ng daddy mo. Ano ba ang dapat nating pag-usapan?”Pinigilan ni Maya ang sarili na mapairap sa inis. Hindi niya alam kung saan kumukuha ng kakapalan ng mukha si Hannah. Kung makaasta ito sa
Dumating sina Don Gilberto , Donya Conciana, at Miguel sa bahay. Ang unang bumungad sa kanila ay si Hannah. Nakaupo ito sa mahabang sofa. Mabilis na tumayo si Hannah at sumalubong sa mga matatanda. “Good evening po,” bati ni Hannah at nagmano kay Donya Conciana. Ngumiti ang matanda. “Magandang gabi rin, hija.”At sunod ay nagmano si Hannah kay Don Gilberto. Ngumiti lang ang matandang lalaki bilang tugon. Taliwas sa Hannah na animo’y dragon sa harap ni Maya at ng mga bata, ay para itong anghel na hindi makabasag ng pinggan ngayon sa harap ng kasintahan at ng dalawang matanda.Panghuling nilapitan ni Hannah si Miguel. Sinalubong niya ng yakap ang fiance. Hinalikan ni Miguel sa noo si Hannah. Naunang pumasok ang dalawang matanda at naiwan sina Miguel at Hannah sa pinto na magkayakap. “Kumusta ang lakad niyo, love?” malambing na tanong ni Hannah kay Miguel.“Okay lang naman. How are you, love?” malambing na wika rin ni Miguel. “Ayos lang naman. I stayed the whole day here. Naglinis, n
Napataas ng kilay si Hannah nang makita si Maya na nagpupuyos sa galit. She even crossed her arms as she looked at Maya with a wicked smile. “Can’t you see it? Iyang mga anak mo, nagkakalat dito sa kusina ko. Kung anu-ano ang pinaggagawa ng mga anak mo. Masyado ka kasing naging pabayang ina. Look at what they did to my kitchen. Ang dumi-dumi! Gosh, pinaka ayaw ko pa naman sa lahat ay iyong magulo at makalat!” litanya ni Hannah.Hindi pinansin ni Maya ang sinabing iyon ni Hannah. Nakatingin lang siya sa mga bata na niliguan ng cake mixture. Hindi siya bayolenteng tao pero pagdating sa mga anak niya, kaya niyang gawin ang lahat lalo na kung naagrabyado ang mga anak niya. Naglakad siya patungo sa mga bata. “Are you ignoring me?” inis na wika ni Hannah nang hindi siya sinagot ni Maya at paranf hangin lang siyang dinaanan nito. “Ayos lang ba kayo mga anak?” malumanay na tanong ni Maya at agad na sinuri isa-isa ang mga bata kung may sugat o pasa ba ang mga ito. “A-Ayos lang po kami, mo
Mabilis na tumalima ang tatlong bata sa sinabi ni Maya. Nang masigurong nakapasok na ng silid ang tatlo ay saka niya muling hinarap si Hannah.“Oh, ano’ng tinitingin-tingin mo?" masungit na sambit ni Hannah.“Alam mo, girlfriend ka pa lang ni papa pero kung mag-aasta ka rito sa pamamahay niya eh parang asawa ka na niya. Kung gusto mong irespeto kita, matuto ka ring magbigay ng respeto. Isa pa, huwag kang umastang reyna rito dahil wala ka pa namang korona.” Inis na inis si Maya kay Hannah. Natatakot rin siyang buksan ang cell phone niya dahil panay ang text at tawag ni Gavin kaya naisipan niyang patayin muna ang cell phone niya.“Abat at—” Hindi na naituloy ni Hannah ang sasabihin nang bigla siyang tinalikuran ni Maya. Nagpapadyak siya ng kaniyang mga paa. Pulang-pula ang mukha niya dahil sa sobrang inis.Maingat na binuksan ni Maya ang pinto ng silid kung saan naroroon ang mga anak niya. Lumakad siya palapit sa mga ito.“Mommy, are you sad?” tanong ni Bia. Mabilis na ngumiti si Maya
Napatulala si Maya. Tulog ang bunso niyang anak habang ang tatlong bata naman ay abala sa pagbabasa ng mga story books. Matapos ang nangyaring sagutan sa pagitan nilang dalawa ni Hannah ay nagbago na ang tingin niya sa katipan ng papa niya. Hindi niya lubos maisip na ganoon ang totoong ugali nito. Ayaw niyang patulan ito dahil ayaw niyang malungkot ang papa niya at higit sa lahat ay nais niyang pakisamahan ito dahil magiging parte ito ng pamilya nila…ngunit… nagbago na ang isip niya. “Pahiram naman ako niyan, Hivo!” nakangusong ungot ni Bia sa kapatid. “Eh, ‘di pa ako tapos. Maghanap ka ng ibang babasahin mo!” angil ni Hivo.Ngumuso si Bia. “Nabasa ko na ang iba eh. Ikaw lang ‘tong mabagal kung magbasa.” “Hindi ko kasalanan kung mabilis kang magbasa at mabagal ako. I am still reading. Mind your own,” giit ni Hivo. “‘Wag nga kayong mag-away. Ano ba kayo!” saway ni Hope. Parehong napabaling sina Hivo at Bia kay Hope. “Eh, siya kasi!” sambit nina Hivo at Bia ng sabay. Magkapanabay
“Let’s go,” anas ni Garret at bigla niyang hinila si Maya nang makaalis sina Betina at Nijiro. Tulala lang si Avva at hindi maalis ang mata sa paalis na pigura ni Nijiro hanggang sa nawala ito sa paningin niya. Ni hindi man lamang niya ito nakausap nang matagal. Ni hindi man lamang niya ito nahagkan!“Maya?” muling tawag ni Garret na pumukaw sa atensyon ni Maya.“Y-yes, G-Garret?” pakli ni Avva.“We need to go to the hospital. Kailangan nating patingnan sa doktor ang kalagayan mo,” saad ni Garret. Hindi maalis sa isipan ni Garret ang pangamba. Nakaalis na sina Betina at Nijiro ngunit kabado pa rin siya sa mga posibleng maging tanong ni Maya. “Okay,” tugon ni Avva na wala sa sarili. Nagpatianod siya sa hila ni Garret hanggang makarating sila sa sasakyan nito. Todo alalay ito sa kaniya ngunit ang utak niya ay nanatili kay Nijiro. Sa maikling panahon na nakita niya ang paslit ay nakabisado na niya agad ang hitsura nito. Malakas ang kutob niyang anak niya si Nijiro. At tuwang-tuwa siya
Umagang-umaga ay nagmamadali sina Donya Conciana, Don Gilberto at ang daddy ni Maya. Isa-isang humalik ang mga matatanda sa mga bata. Si Maya naman ay nakamasid lang sa kaniyang ama, lolo at lola habang karga-karga niya ang bunsong anak na si Nathan na kasalukuyang dumedede sa kaniya. “Maya, anak…” anas ni Miguel saka hinalikan si Maya sa noo. “Aalis muna kami nina Don Gilberto at Donya Conciana ha. Kapag may gusto kayong bilhin, just order it. I will leave my card.” Inabot niya ang isang itim ng atm card sa kaniyang anak. “Papa, sa'yo na po itong black card. May supreme at sariling black card naman po ako rito. Binigay po sa akin nina tito saka ni Gavin,” sambit ni Maya sabay abot pabalik ng black card kay Miguel. “Are you sure, hija?" paniniguro ni Miguel. Tumango lang si Maya habang nakangiti. “Sige. Oo nga pala, if ever gusto ng mga app kong umalis, magpunta sa park may ‘di kalayuan rito, p’wede silang magpasama kay Hannah. Right, love?” Nilingon ni Miguel si Hannah.
Nakarating si Garret sa ground floor karga-karga pa rin si Avva sa bisig niya. Akmang lalabas na siya nang makasalubong niya si Betina, hawak-hawak nito si Nijiro. ‘What the hell is she doing here? Kasama pa niya ang anak ko!’ Napakurap si Garret, nanigas ang buong katawan niya at hindi siya makagalaw. Napansin agad ni Betina ang pagkabalisa ng kaniyang kapatid. “Nigel, what happened? Bakit…” Hindi na niya naituloy ang kaniyang sasabihin nang makita niya si Maya sa bisig ni Garret. “W-What are you doing here, Betina?” halos pabulong ng sambit ni Garret. Papalit-palit ang tingin niya kay Betina at sa anak niyang si Nijiro. Wala sa plano niyang ipakita at ipakilala si Nijiro kay Maya dahil ayaw niyang malaman ng babaeng tinatangi niya ang tungkol sa anak niya. Nanlalamig na ang buong katawan niya sa kaba, lalo na ng humakbang si Nijiro palapit sa kaniya, mabuti na lang at mabilis itong nahila ni Betina.“Tita?” anas ng bata na nag-angat ng tingin sa tiyahin niyang magkasalubong agad
“Shit!” malutong na mura ni Jett habang mabilis na nagtitipa ng code sa kaniyang laptop. “Wala na bang ibibilis pa ‘yan? Garret’s almost there!” tarantang wika ni Fitz.“I am doing my best here, Fitz!” giit ni Jett, habang hindi magkamayaw sa pagtipa.“Jett, I believe in you. Ikaw ang great hacker at isa sa mga best CIA at FBI agent noon. Naniniwala ako sa kakayahan mo. Please, don't disappoint me," Gavin pleaded.Rinig na rinig nilang lahat ang usapan nina Garret at Avva. Ultimo pagbilig ng hininga ni Avva ay dining na dinig nila na mas dumadagdag sa kaba na nararamdaman nilang tatlo. Nakasalalay kay Jett ang lahat, kapag hindi agad nito nagawa ang pagpapalit ng footage ay katapusan na ng lahat ng mga plano nila. “Fuck!” mura ni Gavin nang marinig ang pagtunog ng elavator. Palabas na sina Avva at Garret sa elevator. “Jett, damn it! Ilabas mo na ang yabang mo ngayon. Bilisan mo! They are almost there!” “I know! Naririnig ko sila!” inis na wika ni Jett, habang nanatiling nagtitipa s