Abala si Luke sa pagbabasa ng mga reports. Tambak ang mga gawin niya dahil ilang araw rin siyang namalagi sa ibang bansa. Hindi matapos-tapos na mga reports at business proposals ang kailangan niyang ireview at aprubahan. Isang marahang katok ang nagpabalik sa kaniya sa reyalidad. Napatingin siya sa may pintuan. “Come in,” wika ni Luke. Bumukas ang pinto at pumasok ang sekretarya ni Luke. “Sir. May naghahanap po sa inyo," ulat niya. Kumunot ang noo ni Luke. Napahinto siya sa kaniyang ginagawa. "Sino?” “Pamangkin niyo raw po,” tugon ng sekretarya. “Okay, let her in.” Tumaas ang mga kilay ni Luke. Itinabi niya ang ilang mga importanteng papeles na nasa ibabaw ng kaniyang mesa. Mukhang nandito na sina April at Angelita para magbigay ng DNA sample ni April para sa isasagawa nilang DNA testing.Lumabas ang sekretarya ni Luke at muling bumukas ang pinto. Pumasok naman si Angelita at April na parehong kunot ang noo. Masama ang timpla ng mag-ina dahil hindi agad sila pinapasok ng
Bumukas ang pinto at pumasok si Luke. Siya ang pinaka huling dumating sa kanilang safe place. Nang makapasok si Luke ay naroon na sina Drake at Fitz na prenteng nakaupo sa mahabang sofa. Nilingon siya ng mga ito. “What took you so long?” Drake asked. Luke shrugged his shoulders. "As usual, I need to do some errands," he answered.Umupo si Luke sa katapat ng inuupuan ng mga kapatid niya. Seryoso si Drake na nag-iisip habang si Fitz naman ay prenteng naka de quatro. Good mood si Fitz kaya maaliwalas ang mukha nito. Napatingin si Luke sa mesa kung saan may nagkalat na ziplocks. “I guess we are all set.” Pinagsiklop ni Drake ang kamay niya at tumikhim. “Nandito na ang dalawang samples na gagamitin para sa naturang DNA testing.” Tinuro niya ang ziplock bag na ibinigay ng mag-inang Angelita at April. “This one is from the Hernandez. ” Tinuro naman niya ngayon ang pangalawang ziplock bag na naglalaman ng samples na nakuha ni Fitz habang kinakausap si April. “This one is the DNA sample n
Malakas at magkakasunod na katok sa pinto ang bumulabog kay Gavin. Hihintayin sana ni Gavin na huminto ang katok sa pinto pero hindi iyon huminto, sa halip ay lalong sa palakas at parami. Nagmulat siya ng mata at sumulyap sa digital clock sa kaniyang bedside drawer. Mabilis siyang napabalikwas mula sa pagkakahiga nang makitang alas otso na pala ng umaga. Nakatulog kasi ulit siya matapos tumawag sa kaniya kanina ng kaibigan niyang si Fitz. Napabuntong hininga si Gavin nang hindi pa rin tumigil ang katok sa kaniyang pinto. Agad niyang inisip na baka si Avva na naman iyon. Ang babaeng iyon ay hindi pa naman makaintindi. Pinagsisiksikan na lamang ni Gavin sa kaniyang isipan ang imahe ni Maya upang mawala ang bad vibes niyang nararamdaman, umagang-umaga! Naglakad siya papunta sa may pintuan at pinihit ang sedura. Labag man sa loob ang pag ngiti ay tiniis niya iyon sa pag-aakalang binubulabog na naman siya ni Avva. Laking gulat niya nang hindi ito ang bumungad sa kaniya kung hindi ang
Bumaba si Gavin sa kotse niya at nagtungo sa trunk upang kunin ang binili niyang bulaklak at kandila para sa anak na si Matthan. Nang makuha ang bulaklak ay nag-umpisa na siyang maglakad patungo sa direksyon kung saan nakalibing ang kaniyang anak. Mabigat ang bawat hakbang niya. Ang daming sana na sumasagi sa kaniyang isipan. Bumuntong hininga si Gavin at tinatagan ang sarili niya. Napahinto siya sa paglalakad nang makita niya ang isang pamilyar na pigura. Nakatayo ang lalaki sa harap ng puntod ni Matthan kaya hindi niya maaninag kung sino iyon, dahil hindi niya nakikita ang mukha nito. Pinagkibit-balikat na lamang niya iyon at nagpatuloy sa paglalakad papalapit sa puntod ng anak. Isang dipa na lang ang layo niya sa lalaking nakatayo sa puntod ng anak niya. Hahakbang pa sanang muli si Gavin nang biglang humarap ang lalaki. Napakurap siya sa gulat. Hindi niya akalaing ang lalaking nasa harap ng puntod ng anak niya ay ang kapatid ni Betina Lawson na si Garret. Napalunok naman si
Umupo si Gavin sa tabi ng puntod ng anak niya. Hinimas niya ang lapida nito, tila minimemorya ang pangalan ng anak niya. Malungkot siyang napangiti nang makita ang apelyido ng anak niya. Kung hindi lang sa kasakiman ni Avva ay sana hindi Hernandez ang nakalagay na apelyido ng anak niya kundi apeliyido niya. Kahit papaano sana ay may napabaon siya sa anak niya. “Matthan, anak…” Nanunuyo ang lalamunan ni Gavin nang banggitin niya ang pangalan ng anak niya. Pakiramdam niya ay wala siyang karapatang banggitin iyon dahil hindi siya nabigyan ng pagkakataon na maging ama para kay Matthan. Naninikip ang dibdib ni Gavin sa tuwing iniisip niya kung paano pumanaw ang napakabatang pa niyang anak. “Matthan, hindi ko alam kung may karapatan ba akong tawagin kang anak. Buong buhay mo ay wala ako. Hindi mo man lang ako nakilala bilang ama mo. Kaya anong karapatan ko para tawagin kang anak?” Sa bawat salitang lumalabas sa bibig ni Gavin ay kasabay noon ang milyon-milyong karayom na tumutusok sa
Sinipat ni Maya ang repleksyon niya sa salamin. Nakasuot siya ng itom na pencil skirt na tenernohan ng puting longsleeve top. Naglagay rin siya ng kaunting kolorete sa mukha para mas magmukha siyang presentable. Nang ma-satisfied na siya sa sariling ayos ay umalis na siya sa harap ng salamin at inayos naman ang bag na gagamitin niya. Ngayong araw ay ang unang raw niya sa trabaho bilang sekretarya ni Gavin, kaya sinisiguro niyang halos perfect ang lahat, mula sa ayos niya hanggang sa mga gamit na dadalhin niya. She wants everything to be perfect. Biglang bumukas ang pinto ng silid ni Maya kaya napalingon siya roon. Pumasok si Gavin na bihis na bihis. At halatang tutungo na rin ito sa trabaho. Malapad ang ngisi nito nang makita siya. “Good morning,” masiglang bati ni Gavin. Naglakad siya papalapit kay Maya. Napatayo naman nang tuwid si Maya. “Good morning, Sir Gavin!” Napaigtad siya nang yakapin siya bigla ni Gavin. Mahigpit ang yakap nito kaya napayakap na rin siya. Natawa siya dah
“Nag-enjoy ka ba kanina sa daycare center, Hope?” Paglalambing ni Maya kay Hope, nakahilata silang pareho sa sofa habang nanunuod ng palabas. Bumungisngis si Hope, “Opo, Mama! Nag-aral kami dun! Tinuruan kami magsulat, magcolor, magpaint din po!” Kumukislap ang mga mata ni Hope sa tuwa. “Nag-play din kami, Mama! Nag-play kami nung the open the basket! Muntik na ako manalo nu’n, e. Kaso nadapa ako ayun may nakaunang tumakbo. Don’t worry, Mama. Hindi ako nag-cry, big girl na ako, eh!”“Good job, Hope!” Hinaplos-haplos pa ni Maya ang buhok ni Hope. Pakiramdam ni Maya ay masyadong mabilis ang takbo ng panahon. Parang kailan lang ay pinagbubuntis niya ito–kasama pa ang tatlong mga anak niya. Hirap na hirap pa si Maya sa buhay niya noon, silang tatlo lang ni Matthan at Hope ang magkasangga. Ginawa ni Maya ang lahat mabuhay lang niya ang mga anak niya. Iisipin pa lamang ni Maya na lilipas ang panahon at tatanda si Hope ay naiiyak na siya. Ayaw niyang lumaki ito, pakiramdam niya ay kapag tu
“Gavin…”Napalingon si Gavin nang marinig niya ang boses na iyon. Kasalukuyan siyang nakatapis ng bathrobe at magsisimula nang gumayak para sa gaganaping event ngayong araw. Nakalatag na sa malambot na kama ang kaniyang mga kailangan, kabilang na ang kaniyang tuxedo, satin-piped black trouser, vest, black shoes, wristwatch at maskara.“Lolo, what brings you here? I thought nauna na po kayo sa banquet hall?" Inayos ni Gavin ang kaniyang buhok habang namimili ng pabango.“I just want to see you first, hijo. Time really flies too fast. Parang kailan lang ang liit-liit mo pa. Look at you now. Isa ka na sa mga tinitingala at hinahangaang personalidad pagdating sa pagnenegosyo though they’re not aware of what you look like. They only knew you by name." Posturang-postura na si Don Gilberto habang naglalakad palapit sa kaniyang apo. Nang makalapit siya rito ay tinapik niya ang balikat nito. “I can’t wait to show you to the world, Gavin. Finally, you will be taking my spot and I am more than p
Matalim ang mga tingin ni Maya kay Hannah. Nasusuka siya sa pagmumukha nito dahil bigla itong nag transform bilang isang maamong tupa buhat sa pagiging tigre.“Anak, bakit gan'yan ang mga tingin mo sa Tita Hannah mo? May problema ba, anak?” nalilitong tanong ni Miguel kay Maya. Papalit-palit ang tingin niya kina Maya at Hannah. Palagay ang loob niya na magkasundo ang dalawa kaya nagtataka siya kung bakit iba ang tono ng anak niya, kung bakit taliwas ang kilos nito. Bumuntong hininga siya. “Mag-usap po tayong tatlo sa salas,” ani Maya. Mula sa kaniyang ama ay lumipat ang tingin niya kay Hannah. “I just need some of your time, papa. Mabilis lang po. Hindi ba, Hannah?” Gulat na napatingin si Hannah kay Maya at saka inosenteng ngumiti. “Sure, kung ‘yan ang gusto mo, Maya. Wala namang problema sa amin ng daddy mo. Ano ba ang dapat nating pag-usapan?”Pinigilan ni Maya ang sarili na mapairap sa inis. Hindi niya alam kung saan kumukuha ng kakapalan ng mukha si Hannah. Kung makaasta ito sa
Dumating sina Don Gilberto , Donya Conciana, at Miguel sa bahay. Ang unang bumungad sa kanila ay si Hannah. Nakaupo ito sa mahabang sofa. Mabilis na tumayo si Hannah at sumalubong sa mga matatanda. “Good evening po,” bati ni Hannah at nagmano kay Donya Conciana. Ngumiti ang matanda. “Magandang gabi rin, hija.”At sunod ay nagmano si Hannah kay Don Gilberto. Ngumiti lang ang matandang lalaki bilang tugon. Taliwas sa Hannah na animo’y dragon sa harap ni Maya at ng mga bata, ay para itong anghel na hindi makabasag ng pinggan ngayon sa harap ng kasintahan at ng dalawang matanda.Panghuling nilapitan ni Hannah si Miguel. Sinalubong niya ng yakap ang fiance. Hinalikan ni Miguel sa noo si Hannah. Naunang pumasok ang dalawang matanda at naiwan sina Miguel at Hannah sa pinto na magkayakap. “Kumusta ang lakad niyo, love?” malambing na tanong ni Hannah kay Miguel.“Okay lang naman. How are you, love?” malambing na wika rin ni Miguel. “Ayos lang naman. I stayed the whole day here. Naglinis, n
Napataas ng kilay si Hannah nang makita si Maya na nagpupuyos sa galit. She even crossed her arms as she looked at Maya with a wicked smile. “Can’t you see it? Iyang mga anak mo, nagkakalat dito sa kusina ko. Kung anu-ano ang pinaggagawa ng mga anak mo. Masyado ka kasing naging pabayang ina. Look at what they did to my kitchen. Ang dumi-dumi! Gosh, pinaka ayaw ko pa naman sa lahat ay iyong magulo at makalat!” litanya ni Hannah.Hindi pinansin ni Maya ang sinabing iyon ni Hannah. Nakatingin lang siya sa mga bata na niliguan ng cake mixture. Hindi siya bayolenteng tao pero pagdating sa mga anak niya, kaya niyang gawin ang lahat lalo na kung naagrabyado ang mga anak niya. Naglakad siya patungo sa mga bata. “Are you ignoring me?” inis na wika ni Hannah nang hindi siya sinagot ni Maya at paranf hangin lang siyang dinaanan nito. “Ayos lang ba kayo mga anak?” malumanay na tanong ni Maya at agad na sinuri isa-isa ang mga bata kung may sugat o pasa ba ang mga ito. “A-Ayos lang po kami, mo
Mabilis na tumalima ang tatlong bata sa sinabi ni Maya. Nang masigurong nakapasok na ng silid ang tatlo ay saka niya muling hinarap si Hannah.“Oh, ano’ng tinitingin-tingin mo?" masungit na sambit ni Hannah.“Alam mo, girlfriend ka pa lang ni papa pero kung mag-aasta ka rito sa pamamahay niya eh parang asawa ka na niya. Kung gusto mong irespeto kita, matuto ka ring magbigay ng respeto. Isa pa, huwag kang umastang reyna rito dahil wala ka pa namang korona.” Inis na inis si Maya kay Hannah. Natatakot rin siyang buksan ang cell phone niya dahil panay ang text at tawag ni Gavin kaya naisipan niyang patayin muna ang cell phone niya.“Abat at—” Hindi na naituloy ni Hannah ang sasabihin nang bigla siyang tinalikuran ni Maya. Nagpapadyak siya ng kaniyang mga paa. Pulang-pula ang mukha niya dahil sa sobrang inis.Maingat na binuksan ni Maya ang pinto ng silid kung saan naroroon ang mga anak niya. Lumakad siya palapit sa mga ito.“Mommy, are you sad?” tanong ni Bia. Mabilis na ngumiti si Maya
Napatulala si Maya. Tulog ang bunso niyang anak habang ang tatlong bata naman ay abala sa pagbabasa ng mga story books. Matapos ang nangyaring sagutan sa pagitan nilang dalawa ni Hannah ay nagbago na ang tingin niya sa katipan ng papa niya. Hindi niya lubos maisip na ganoon ang totoong ugali nito. Ayaw niyang patulan ito dahil ayaw niyang malungkot ang papa niya at higit sa lahat ay nais niyang pakisamahan ito dahil magiging parte ito ng pamilya nila…ngunit… nagbago na ang isip niya. “Pahiram naman ako niyan, Hivo!” nakangusong ungot ni Bia sa kapatid. “Eh, ‘di pa ako tapos. Maghanap ka ng ibang babasahin mo!” angil ni Hivo.Ngumuso si Bia. “Nabasa ko na ang iba eh. Ikaw lang ‘tong mabagal kung magbasa.” “Hindi ko kasalanan kung mabilis kang magbasa at mabagal ako. I am still reading. Mind your own,” giit ni Hivo. “‘Wag nga kayong mag-away. Ano ba kayo!” saway ni Hope. Parehong napabaling sina Hivo at Bia kay Hope. “Eh, siya kasi!” sambit nina Hivo at Bia ng sabay. Magkapanabay
“Let’s go,” anas ni Garret at bigla niyang hinila si Maya nang makaalis sina Betina at Nijiro. Tulala lang si Avva at hindi maalis ang mata sa paalis na pigura ni Nijiro hanggang sa nawala ito sa paningin niya. Ni hindi man lamang niya ito nakausap nang matagal. Ni hindi man lamang niya ito nahagkan!“Maya?” muling tawag ni Garret na pumukaw sa atensyon ni Maya.“Y-yes, G-Garret?” pakli ni Avva.“We need to go to the hospital. Kailangan nating patingnan sa doktor ang kalagayan mo,” saad ni Garret. Hindi maalis sa isipan ni Garret ang pangamba. Nakaalis na sina Betina at Nijiro ngunit kabado pa rin siya sa mga posibleng maging tanong ni Maya. “Okay,” tugon ni Avva na wala sa sarili. Nagpatianod siya sa hila ni Garret hanggang makarating sila sa sasakyan nito. Todo alalay ito sa kaniya ngunit ang utak niya ay nanatili kay Nijiro. Sa maikling panahon na nakita niya ang paslit ay nakabisado na niya agad ang hitsura nito. Malakas ang kutob niyang anak niya si Nijiro. At tuwang-tuwa siya
Umagang-umaga ay nagmamadali sina Donya Conciana, Don Gilberto at ang daddy ni Maya. Isa-isang humalik ang mga matatanda sa mga bata. Si Maya naman ay nakamasid lang sa kaniyang ama, lolo at lola habang karga-karga niya ang bunsong anak na si Nathan na kasalukuyang dumedede sa kaniya. “Maya, anak…” anas ni Miguel saka hinalikan si Maya sa noo. “Aalis muna kami nina Don Gilberto at Donya Conciana ha. Kapag may gusto kayong bilhin, just order it. I will leave my card.” Inabot niya ang isang itim ng atm card sa kaniyang anak. “Papa, sa'yo na po itong black card. May supreme at sariling black card naman po ako rito. Binigay po sa akin nina tito saka ni Gavin,” sambit ni Maya sabay abot pabalik ng black card kay Miguel. “Are you sure, hija?" paniniguro ni Miguel. Tumango lang si Maya habang nakangiti. “Sige. Oo nga pala, if ever gusto ng mga app kong umalis, magpunta sa park may ‘di kalayuan rito, p’wede silang magpasama kay Hannah. Right, love?” Nilingon ni Miguel si Hannah.
Nakarating si Garret sa ground floor karga-karga pa rin si Avva sa bisig niya. Akmang lalabas na siya nang makasalubong niya si Betina, hawak-hawak nito si Nijiro. ‘What the hell is she doing here? Kasama pa niya ang anak ko!’ Napakurap si Garret, nanigas ang buong katawan niya at hindi siya makagalaw. Napansin agad ni Betina ang pagkabalisa ng kaniyang kapatid. “Nigel, what happened? Bakit…” Hindi na niya naituloy ang kaniyang sasabihin nang makita niya si Maya sa bisig ni Garret. “W-What are you doing here, Betina?” halos pabulong ng sambit ni Garret. Papalit-palit ang tingin niya kay Betina at sa anak niyang si Nijiro. Wala sa plano niyang ipakita at ipakilala si Nijiro kay Maya dahil ayaw niyang malaman ng babaeng tinatangi niya ang tungkol sa anak niya. Nanlalamig na ang buong katawan niya sa kaba, lalo na ng humakbang si Nijiro palapit sa kaniya, mabuti na lang at mabilis itong nahila ni Betina.“Tita?” anas ng bata na nag-angat ng tingin sa tiyahin niyang magkasalubong agad
“Shit!” malutong na mura ni Jett habang mabilis na nagtitipa ng code sa kaniyang laptop. “Wala na bang ibibilis pa ‘yan? Garret’s almost there!” tarantang wika ni Fitz.“I am doing my best here, Fitz!” giit ni Jett, habang hindi magkamayaw sa pagtipa.“Jett, I believe in you. Ikaw ang great hacker at isa sa mga best CIA at FBI agent noon. Naniniwala ako sa kakayahan mo. Please, don't disappoint me," Gavin pleaded.Rinig na rinig nilang lahat ang usapan nina Garret at Avva. Ultimo pagbilig ng hininga ni Avva ay dining na dinig nila na mas dumadagdag sa kaba na nararamdaman nilang tatlo. Nakasalalay kay Jett ang lahat, kapag hindi agad nito nagawa ang pagpapalit ng footage ay katapusan na ng lahat ng mga plano nila. “Fuck!” mura ni Gavin nang marinig ang pagtunog ng elavator. Palabas na sina Avva at Garret sa elevator. “Jett, damn it! Ilabas mo na ang yabang mo ngayon. Bilisan mo! They are almost there!” “I know! Naririnig ko sila!” inis na wika ni Jett, habang nanatiling nagtitipa s