This story will be on hiatus until Dec. 27. The daily update will start on January 1. Thank you for your support and consideration! This is my first story, and I'll do my best to improve day by day. Lovelots! Merry Christmas and keep safe y'all! Advance Happy New Year, too! If you want to know something about the story. Just comment on the comment section and I'll do my best to answer your questions. You can ask me about the characters or you can share events you're anticipating to happen. Again, Merry Christmas, everyone! ❤️ ❤️ ❤️ ❤️ ❤️ ❤️ ❤️
"Malaya ka na," usal ni Solei at binuksan ang pinto ng maliit na hawla na naglalaman ng isang kakaibang klase ng ibon. Bahagya itong sugatan na hindi bumagay sa maputi nitong balahibo. Pinanood ni Solei ang ibon na bahagyang nagdalawang-isip kung tama bang lumabas ito sa hawla. Sa huli ay nagpasya itong lumabas at malayang lumipad palayo. Napangiti ang dalaga habang pinagmamasdan ang ibon na lumayo mula sa kan'ya. "Mrs. Solei Aurora." Napalingon siya sa bagong dating na warden. "Nais n'yo na po ba siyang makita?" "Mmm..." Binalik muli ni Solei ang kan'yang atensyon sa pinalayang ibon ngunit wala na ito sa kan'yang paningin. Bahagya siyang napanguso bago muling bumaling sa warden ng malaking kulungan na kan'yang pinuntahan. "Paniguradong na-miss na niya ako," usal niya at marahang naglakad patungo sa isang gusali na may isang palapag lamang. Sa paligid ng gusali ay ang tatlong mga panibagong gusali na umaabot sa limang palapag. Samantala, sa harapan ng maliit na gusali ay ang maramin
"Solei... Natatakot ka ba?" Mahinang natawa si Olivia. "Huwag kang mag-alala, ang alam ng lahat ay anghel ka." Hindi pa rin sumagot si Solei. "Huwag si Shianna, Solei. Alam kong ramdam mong nasa ilalim ka niya kaya nais mo siyang pabagsakin, pero sinasabi ko sa'yo... huwag ang nag-iisang legal na tagapagmana ng Viacera." "At bakit naman?" Mahinang natawa ang babaeng may maamong mukha. "Kaya kong patumbahin si Shianna... tulad na lamang ng ginawa ko sa'yo." "Nahihibang ka na." Hindi makapaniwalang tiningnan ni Olivia ang kan'yang kapatid. "Sinasabi ko sa'yo, huwag si Shianna. Dahil kapag hindi mo ako sinunod, magsisisi ka." Umiling lamang si Solei at sunod-sunod na umiling. Hindi niya nais marinig ang sunod na sasabihin ng kan'yang ate. Nagsimula siyang maglakad ngunit kahit ganoon ay naririnig niya pa rin ang boses ni Olivia. Unti-unti siyang napaluha at pilit na tinakpan ang kan'yang magkabilang tainga. "Ang tingin mo sa lahat ng mga tao ay mga kalaban mo... pero ang totoo, alam
"Dad." Lumapit siya rito at nagmano. "I'm sorry. I had an appointment before this lunch." "Talaga ba, Solei?" Humalukipkip ang kan'yang ina at mapanghusga siyang tiningnan na umupo sa harapan niya. "O baka ay may dinalaw ka lamang na isang kriminal." "Hindi kriminal si Ate, Mom!" "She's not your sister anymore. Stop calling her like you're still siblings. She's a disgrace to our family. Ang laki ng expectation ko sa kan'ya, pero mas pinili niya na maging kriminal." "Pero, Mom. I can't abandon her just like that." "Let's stop talking about her. Bakit hindi na lang natin pag-usapan ang balak mo na hindi pag-attend sa event today? Don't be dramatic, Solei. Dalawa kayo ni Shianna na napahiya sa last party." "Mom, please be considerate of her. Hindi maganda kapag na-i-stress si Solei." "Saan pa ba dapat ma-stress ang anak ko, Dmitri? E hindi na nga niya kami mabigyan ng apo." Napasinghap si Solei, ngunit kahit nabigla siya sa sinabi ng kan'yang ina ay hindi niya nagawang magsalita.
Shianna's POV"Hinding-hindi ako susuko hangga't hindi kita nakikitang nakaluhod sa harapan ko."Bumuntong-hininga ako habang pinapaikot ang laman ng aking wineglass. Tinanaw ko ang malawak na lupain ng Kalinga House."Vincent," usal ko at sumimsim sa aking wine. Isang linggo na rin ang lumipas simula nang magka-usap kami ng lalaking kinamumuhian ko. And until now, hindi ko pa nakikita ang kan'yang mukha."Penny for your thoughts?" Napaigtad ako nang may humawak sa balikat ko. Napabuntong-hininga ako at hinarap si Hudson."Ikaw pala 'yan.""May iba pa ba?" He tried to joke. Tipid lamang akong napangiti sa inasta niya. Sabay naming tinanaw ang magandang view mula sa aking office rito sa Kalinga House. At dahil nasa fourth floor ang office ko ay tanaw na tanaw ang mga puno sa paligid ng Kalinga House, gayundin ang mga nagtataasang gusali sa malayo."Today is the day," usal ko at muling sumimsim sa wine. "Bubuksan na ng Kalinga Charity ang Kalinga School. Mamaya-maya lamang ay aalis na ta
Hindi ko siya pinansin at umupo na sa front seat. Samantala, dumiretso naman si Hudson sa driver's seat dahil hindi niya nais na magsama ng driver sa kan'yang kotse ngayon. Sinandal ko ang aking ulo sa bintana at tinanaw ang mga natitirang bata na sumakay sa van. Galing sila sa dalawang palapag na mansion kung saan natutulog ang lahat ng mga bata. Samantala, ang gusali naman na pinanggalingan namin nila Hudson ay ang gusali kung saan makikita ang mga office. "Viacera, huh?" tanging naiusal ko nang maisip muli ang angkan ko. Tama naman si Hudson. Labing-lima pa lamang ang Viaceras na nandito sa Pilipinas. Hindi lalagpas sa tatlumpu at lima ang miyembro ng aking angkan. At ngayon ay nasa kumulang sa sampo ang kasama ni Papa at Lolo. Ang ibang miyembro naman ay hindi ko batid kung nasaan... kung magkakahiwalay ba sila o magkakasama. Pumikit ako. Kailangan ko silang makitang lahat. Lalo na si Judas Viacera. Kung hindi sila ang lalapit sa akin... mahihirapan lang ako. "We're here." M
"Seriously?" Humalukipkip ako at naglakad patungo sa hallway ng gusali. Diniretso ko ito hanggang sa makarating ako sa school ground. Tumambad din sa akin ang mga panibagong gusali na itinatago ng unang gusali. Ang unang gusali na pinasukan ko ay ang main entrance ng Kalinga School. May mga daanan ito na magdadala patungo sa iba't ibang gusali. 'This school was built differently.' Ito ang naisip ko nang mapagmasdan ang school. Ngunit kahit kakaiba ang pagkakagawa rito ay lubha itong maganda. Nagsusumigaw ng karangyaan ang Kalinga School. "So you're finally here," wika ko nang marinig ang tunog ng heels. Nakahalukipkip na hinarap ko si Solei na bahagyang nakababa ang paningin. "Are you here to apologise? You had almost taken two lives. Baka gusto mong dagdagan pa?" "Do I look like a killer?" Napatingin ako sa flashdrive na kan'yang hawak. "Am I a bad person?" "Ikaw na ang nagsabi niyan." Nagsimula akong maglakad patungo sa isang gusali na nasa dulo ng school grounds. Sumunod siya s
Pero kahit sinabi ni Mom ito ay napatingin pa rin ako sa malaking screen. Mabuti na lamang dahil sakto nito ay namatay ang screen. Mas niyakap ko sila Ashy at Nash at aksidenteng napatingin kay Solei. Solei... Diretso siyang nakatitig sa akin at maya-maya ay mapang-asar siyang napangiti. Kung hindi ko lamang kasama ang ina at ang mga anak ko—paniguradong hindi na siya makakabas nang buhay sa lugar na ito. Naglakad siya palayo habang madilim ang mukha na pinapanood ko siya. Sa mga oras na ito, ramdam kong mas tumindi ang galit na nararamdaman ko para sa kan'ya. I gritted my teeth. Magbabayad ka... Naging mabuti ako sa iyo, pero ano ang ginawa mong kapalit? Pinili mo akong gawing kalaban, kahit ninais kong maging kakampi kita. Pagsisisihan mo ang lahat. "Mom!" Naagaw ang atensyon ko nang makitang pumasok ang half-brother ko sa auditorium. Kasunod niya ang hindi mabilang na bodyguards. Ang lahat ng ibang bisita na nakatayo ay napalayo nang makita ang maraming bagong dating. Ang ib
Mrs. Mauricia stood from her seat. Gayundin si Nero na napatingin kay Judas. Nagkatinginan ang dalawa at madilim na ngumiti si Nero habang si Judas ay nang-uuyam siyang nginitian. Shianna walked to them at lumapit kay Kael na nagbabasa ng diyaryo habang nakadekuwatro sa couch. Nilapag nito ang diyaryo sa kan'yang tabi at naglabas ng isang pakete ng sigarilyo. Kumuha siya ng isang yosi at sinindihan ito. The large had four long couches. Nasa front side si Kael at nasa left side naman si Nero at Mauricia. Across Kael's seat where were Shianna and Ivana were seated. Katabi naman ni Cayer si Judas on the right side.Isa-isa munang tiningnan ni Kael ang lahat bago nagsalita. Inilabas niya ang isang sealed plastic bag from his coat at ipinakita ito sa lahat. Kumunot ang noo ni Shianna nang makita ang itin na panyo. Sunod na inilabas ni Kael ang sealed bag na may strands of hair. "These two had matched. I did a DNA test and it's positive. It matched Violet.""So what to do with that black ha
Pinulot ni Judas ang evidences na nasa table at napahawak sa kan'yang baba nang pinagmasdan niya ang mga ito. Kumunot ang kan'yang noo at seryosong tiningnan si Shianna. "Saan niyo nakuha ang mga 'to? These papers" —sinulyapan niya ang mga papeles na nasa table, sunod ay ang larawan— "and these photos. Ebidensya ang lahat ng ito! Who owned these?" He licked his lips at napailing. Nilapag niya ang mga larawan at hinarap si Shianna na kay Ivana naman ang atensyon. Kinagat ni Ivana ang kan'yang labi at napabuntong-hininga. Diretso niyang tiningnan si Judas sa mga mata. "Ako ang kumuha ng mga litratong iyon at ng documents. I got those from Blanco Corporation na nasunog kanina lamang."Natahimik si Judas at sinulyapan si Cayer. Cayer was his mother's secretary. Although nagulat siya na makita itong kasama pa rin ni Shianna, wala naman dito ang atensyon niya. Wala rin siyang balak sabihin kay Harriet ang totoo. Mapapahamak lang si Shianna kung sakali."I'll be honest." Namulsa si Judas. "V
"Nagkasunog daw sa Blanco Corporation?"Napaangat ng tingin si Lorah matapos marinig ang sinabi ni Judas. Kasalukuyan siyang nasa kusina at nag-aalmusal. Alas-kuwatro pa lamang nang umaga ngunit nakaligo na siya at mag-aalmusal na lamang. Umupo si Judas sa metal chair sa harapan ng counter at nilingon si Lorah na parang walang narinig. Judas smirked. "I heard you have a meeting with Violet Fascis? Ano'ng pinag-usapan n'yo?""It's none of your business." Nagsalubong ang mga kilay ni Lorah at uminom ng malamig na tubig. Nilingon niya si Judas. "What the hell is happening to you? Pati ba naman meeting ko with Violet ay pinapakialaman mo.""That's because Violet Fascis is Sullian's cousin?" Kumunot ang noo ni Judas at sinulyapan ang kasambahay na naglagay ng breakfast sa harapan niya. "You know the Fascis reputation at tayo rin ang nag-lead ng laban against sa kanila. So you don't have reasons to talk with her—"Galit na ibinagsak ni Lorah ang kutsara sa counter at nagtitimpi na pinagmasd
Ivana covered her mouth. Napalingon siya sa pinto nang marinig ang sunod-sunod na yapak papalapit. Halos mapatili siya sa takot at dali-daling dinampot ang phone at pinatay ang tawag. Napalunok siya at nagtago sa gilid ng pinto. Ang pintig ng kan'yang puso ay rinig na rinig. Tumutulo ang pawis niya sa kan'yang leeg habang pinapakinggan ang yapak na nagtungo malapit sa pinto. Niyakap niya ang phone at taimtim na nagdasal na sana ay hindi pumasok si Violet sa silid.Pero parang hindi pa siya pinapatawad ng langit sa nagawa niyang kasalanan dahil mabagal na nagbukas ang pinto. Halos manigas si Ivana sa takot nang tuluyang bumukas ang pinto. Mas tinakpan niya ang bibig at tumigil sa paghinga. Titig na titig siya sa babaeng nasa harapan niya. Dahil nasa likod siya ng pinto, hindi pa siya nakikita ni Violet.Para kay Ivana, mas nakakatakot pa ang sitwasyong ito kaysa noong nalaman ng parents niya na kabit siya ni Dmitri. Ivana didn't know Violet. Ang mas kinakatakot niya ay kamag-anak ito n
Careful and slowly, Ivana got out of the office. Since Violet was using flashlight, hindi siya nahihirapang sundan ito. Ang tanging problema lang ay nahihirapan siyang mangapa sa dilim dahil ang daanan niya ay hindi na naiilawan.Violet used an elevator na siyang ikinahinto ni Ivana sa paglalakad. Using the other elevator, she opened it a little later. She waited for a bit and when it opened, nauuna na si Violet sa paglalakad. Hindi pa rin nito napapansin si Ivana na kanina pa nakasunod. Due to Ivana always escaping her parents kapag kailangan, nasanay na siyang kumilos nang halos walang nagagawang anumang ingay.Violet continued walking until she reached the end of an hallway which was the way to the backdoor. Nagtago si Ivana sa dilim nang lumingon si Violet sa kan'yang direksyon. Violet went outside. Nang makalabas ay saka sumilip si Ivana sa pinto. She saw Violet touching a wall. Mayamaya lamang ay isang tunog ng pagkaskas ang pumainlang nang ang bahagi nv dingding ay nag-slide pa
"Violet Fascis?" ang tanong ni Ivana matapos marinig ang sinabi ng kan'yang kapatid. Nakangusong tumango si Carolina at hinarap ang kan'yang ate."Yes. At after they talked, an announcement that Papa bought the Blanco Corporation was revealed. Knowing that kamag-anak ni Sullian ang dating C.E.O ng Blanco Corporation, tayo siyempre ang mapapasama. Para tayong mga supporter ng kriminal." Umirap si Carolina. "Gosh, gusto ko ns talagang lumayas sa pamilya na ito."Inis na nagdabog si Carolina at lumabas sa office ni Victor. Meanwhile, Ivana bit her lip at gumawa ng isang desisyon sa kan'yang isipan. Ten o'clock in the evening. Ivana was wearing black hat and black long trench coat. Nasa labas siya ng Blanco Corporation na sarado na ngayon. She had to be careful though, dahil naglilibot na ang mga guwardiya ngayong oras. Makakaabot sa kan'yang ama ang balita na nag-espiya siya kung siya'y sakaling mahuli siya.Aurelius family was the one of the most prestigious families. Although
Kumunot ang noo ni Ivana at hindi makapaniwalang tiningnan ang kan'yang kuya. "What the fuck you mean? Don't tell me, you like Shianna after all?"Frustrated na tumango si Vincent at naupo sa couch. Samantala, salubong naman ang kilay na kinagat ni Ivana ang kan'yang kuko. Her family was messed up. Her parents were part of the underworld tapos ito, Vincent had a fucking fake engagement with Freya. Katatapos pa nga lang ng issue ni Ivana with Dmitri tapos ito naman."Ah fuck." Hinagod ni Ivana ang kan'yang buhok at saktong dumating ang dad nila. Sunod na dumating si Allegra na mukhang galing pa sa party with her friends. May pink fur pa ito sa balikat na pinarisan ng white long halter dress. Sabay na naupo si Victor at Allegra at tinaasan si Vincent ng kilay."Dad," frustrated na wika ni V incent. "You know I am planning to buy a startup company. Bakit naman Blanco Corporation ang binili mo at biglaan pa? That company is not fit to us—""So ano ang gusto mong gawin ko, Vincent?" Sineny
She wasn't ready to tell Vincent and Carolina ang totoo. She would confront her parents first.Ivana looked up at the sky na makulimlim pa rin. Mapait siyang ngumiti. Why she felt something was going to happen? Ivana loved her family dearly, kahit hindi niya maramdaman ang pagmamahal mula dito. All this time, her parents forced her to become this perfect daughter na kahit sinumang tao ay hindi kakayanin. Ivana didn't desire the company anymore. Ang nais na lamang niya ay sumayaDahil nakakapagod ding maghangad ng bagay na hindi mo makukuha. At nakakapagod din na gawin ang mga bagay na hindi mo nais para lang sa iba. Pleasing people was exhausting. It was messing up her mind. Ivana didn't want to please anyone dahil in the end, wala ring mangyayari sa buhay niya.Pinunasan ni Ivana ang tumulong luha sa kan'yang pisngi. Nagpaalam na sila ni Dmitri kay Solei na nagpaalam na ring babalik sa trabaho."So what's your plan after this?" tanong ni Ivana matapos nilang makasakay ng kotse. Nilin
Awtomatikong napahawak si Ivana sa kamay ni Dmitri nang lumapit sa kanila si Solei. Kumakabog nang malakas ang kan'yang puso. Pero palihim na rin siyang naiiyak dahil kaharap niya ang babaeng naging kasalo niya kay Dmitri. Solei was the woman she hurt the most.Suminghap si Ivana at napakagat-labi. Pilit niyang binaling ang kan'yang paningin kay Solei na kalmanteng inilahad ang kan'yang palad. Napatitig si Ivana sa kamay ni Solei bago mabagal itong tinanggap. Nangilid ang kan'yang mga luha lalo na nang hinatak siya papayakap ng babae."I'm sorry," usal ni Ivana at niyakap pabalik si Solei. "I'm really, Solei. I should have never done that. I'm sorry. You don't deserve all what I've did."Lumuluha na si Ivana nang lumayo siya kay Solei. Akala niya ay wala lamang ito kay Solei dahil kanina pa ito tahimik, pero nang makita niya itong luhaan ay halos tumalon ang kan'yang puso. Mapait na ngumiti si Solei at sinulyapan si Dmitri."Gusto kong maging masaya at makalaya sa nakaraan, kaya as mu