"Seriously?" Humalukipkip ako at naglakad patungo sa hallway ng gusali. Diniretso ko ito hanggang sa makarating ako sa school ground. Tumambad din sa akin ang mga panibagong gusali na itinatago ng unang gusali. Ang unang gusali na pinasukan ko ay ang main entrance ng Kalinga School. May mga daanan ito na magdadala patungo sa iba't ibang gusali. 'This school was built differently.' Ito ang naisip ko nang mapagmasdan ang school. Ngunit kahit kakaiba ang pagkakagawa rito ay lubha itong maganda. Nagsusumigaw ng karangyaan ang Kalinga School. "So you're finally here," wika ko nang marinig ang tunog ng heels. Nakahalukipkip na hinarap ko si Solei na bahagyang nakababa ang paningin. "Are you here to apologise? You had almost taken two lives. Baka gusto mong dagdagan pa?" "Do I look like a killer?" Napatingin ako sa flashdrive na kan'yang hawak. "Am I a bad person?" "Ikaw na ang nagsabi niyan." Nagsimula akong maglakad patungo sa isang gusali na nasa dulo ng school grounds. Sumunod siya s
Pero kahit sinabi ni Mom ito ay napatingin pa rin ako sa malaking screen. Mabuti na lamang dahil sakto nito ay namatay ang screen. Mas niyakap ko sila Ashy at Nash at aksidenteng napatingin kay Solei. Solei... Diretso siyang nakatitig sa akin at maya-maya ay mapang-asar siyang napangiti. Kung hindi ko lamang kasama ang ina at ang mga anak ko—paniguradong hindi na siya makakabas nang buhay sa lugar na ito. Naglakad siya palayo habang madilim ang mukha na pinapanood ko siya. Sa mga oras na ito, ramdam kong mas tumindi ang galit na nararamdaman ko para sa kan'ya. I gritted my teeth. Magbabayad ka... Naging mabuti ako sa iyo, pero ano ang ginawa mong kapalit? Pinili mo akong gawing kalaban, kahit ninais kong maging kakampi kita. Pagsisisihan mo ang lahat. "Mom!" Naagaw ang atensyon ko nang makitang pumasok ang half-brother ko sa auditorium. Kasunod niya ang hindi mabilang na bodyguards. Ang lahat ng ibang bisita na nakatayo ay napalayo nang makita ang maraming bagong dating. Ang ib
KINAGABIHAN... "At the opening ceremony of Kalinga School, a specialized school made only for the Kalinga orphans—had been ruined when Shianna Viacera, a girl who came from a well-known clan had gotten into scandal. We are still waiting for her response about the issue. On the other hand, the heads of Kalinga families have said that they will fix the issue soon." "Is he still not here?" tanong ng isang babae habang pinagmamasdan ang kan'yang kuko na may bahid ng kulay ginto. Nakaupo siya sa isang pulang couch habang nakakrus ang mga binti. Tanging ang television at isang maliit na lamp sa malayo ang nagsisilbing ilaw sa isang malaking kuwarto. "Paparating na siya." Sa isang sulok ay mabagal na dumilat si Ybañez na siyang nagsalita. Nakahalukipkip siya habang hinihintay nila ang lalaking paparating. Nakatayo rin siya at nakasandal sa isang pader. "Hmmm?" Ngumisi ang misteryosong babae at tumingin sa direksyon ng pintuan. As if on cue ay bumukas ito at itinambad ang isang lalaking pi
KINABUKASAN... "What's the news?" Lumabas ako sa aking kuwarto habang kinakabit ang mga butones ng aking gray vest. Napahinto lamang ako sa aking ginagawa nang mapansin na may ibang tao rito sa condo unit ko. "Hudson." Umayos ako ng tayo at pormal siyang tiningnan. Nasa tabi ng pintuan si Cayer na binabantayan ang bawat galaw ng bisita. "Nandito ako para siguruhing ayos ka lang." Tumayo siya at namulsa. Marahan siyang ngumiti. "After all, ang laki rin ng naging issue mo, Shianna." Tumaas ang sulok ng aking mga labi at pinagmasdan siya. "To be honest, it doesn't matter to me kung masira ang pangalan ko. Ang ayaw ko lamang ay..." Natigilan ako at unti-unti ay nalusaw ang aking ngiti. "What?" Mahinang natawa si Hudson at tinitigan ako. Hinihintay na ipagpatuloy ang aking naudlot na mga salita. "Nevermind." Pinilig ko ang aking ulo at nilagpasan siya. Dumiretso ako sa center table at pinulot ang remote rito. Binuksan ko ang TV at agad na bumungad ang issue tungkol sa amin ni Solei.
Matagal na napatitig si Cayer sa akin kaya matamis ko siyang nginitian. Tumayo ako habang hatak-hatak ko siya. "You need to go. You see, hindi ako tiwala sa guards ng Kalinga House kaya kailangan mo nang bumalik doon. Huwag mo akong alalahanin dahil kaya ko na ang sarili ko." Pinulot ni Cayer ang handbag na nasa sahig at inabot ito sa akin. "I understand, Miss Shian." Nilahad niya ang kan'yang palad. "Shall we go?" Hindi na ako sumagot at inabot lamang ang kan'yang kamay. Nagsimula kaming maglakad patungo sa pintuan. Pinagbuksan ako ni Cayer ng pinto at binitiwan ang kamay ko. Nauna na akong lumabas sa unit habang siya ay agad ding sumunod. Sabay naming tinahak ang mahabang hallway at dumiretso sa elevator. Pinagmasdan ko ang aking sarili sa metal door ng lift. Solei... I'd meet you soon. Bumukas ang elevator at agad kaming dumiretso sa entrance ng building. Awtomatikong may sumama sa akin na limang lalaki nang malapit na ako sa entrance. "Miss Shianna!" "Is it true that you're g
After magsalita ni Mom ay nagsimula nang pumormal ang heads. Samantala, dumiretso kami nila Ivana at Solei sa tatlong upuan na kaharap ng pabilog na mesa. "We will discuss about the hottest issue first," saad ng isang head habang inaayos ang mga papeles na kan'yang hawak. Nag-angat siya ng tingin at diretsong tumingin sa akin. "I'm sure that you're aware about it, right, Shianna? Since nandoon ka sa Kalinga School nang mangyari ang issue. You witnessed it first hand." I nodded. "I am well aware of the issue. So I am looking forward to a well and unbiased discussion about it." Tumaas ang kilay niya. "We will treat the people involved fairly. You need not to worry. Wala naman kaming hinanakit sa inyo—lalong-lalo na sa'yo." Umismid lamang ako at sumandal sa aking upuan. Pasimple kong sinulyapan si Ivana na seryoso at si Solei na tulad ng dati ay mukha pa ring anghel. I crossed my arms. "So Shianna," si Mr. Gustav na head ng Valderama family ang nagsalita naman. Hinawakan niya ang co
Nagsimulang maglakad palabas ang mga head ng bawat pamilya. Pinapanood ko lamang silang lumabas habang hindi pinapansin si Solei at Ivana na nabibiglang nakatingin sa akin. "Shianna." Tumigil sa harapan ko si Mom na akmang lalabas sa conference room. She glanced at me sidewards. "Don't make the Viacera a pathetic clan. Kapag nalaman ng Papa ang nangyayari ngayon, he'll probably get mad. At sisiguruhin niya na ang lahat ay luluhod sa harapan mo para makabawi lamang. The Viacera is a powerful clan. Don't forget na mas nakatataas ka kaysa sa mga taong nandito." Tuluyan na niya akong tiningnan. "Huwag kang papantay sa level nila. Dahil kailanman ay hindi kita pinalaki para lamang lumuhod sa harapan ng ibang tao." "Ibang tao?" Madilim akong napangiti. "Then ibig-sabihin ba niyon ay kapag lumuhod ako sa harapan ng aking angkan ay ayos lamang? Dahil hindi sila ibang tao?" I mockingly laughed. "Iyan ba ang nais mo ipahiwatig?" "Shianna—!" Napatiim-bagang si Mom at napakuyom ng kan'yang mga
"I-I still cannot believe it." Napasinghap si Cassie at sinapo ang kan'yang noo. Lumunok siya at saka bumaling sa akin. Kalmado lamang akong ngumiti habang pinapanood ang naguguluhan niyang mukha. "Ang lahat ng sinabi ko ay totoo, Cassie." Napakurap ako upang hindi muling mapaluha. "Lubhang mahirap ang naranasan ko sa loob ng ilang taon." Lumungkot ang mukha ni Cassie. Maamo ko lamang siyang tiningnan at hinayaan siyang yakapin ako. "I-I'm sorry, Shianna. Wala kami noong nahihirapan ka." Niyakap ko siya pabalik, at unti-unti ay nalusaw ang aking pekeng ngiti. I closed my eyes and smiled darkly. "Ayos lang. Kinaya ko ang lahat dahil malakas na ako." Lumayo ako sa kan'ya at muli ay ngumiti ako nang matamis. Saglit kong nilingon ang labas nang mapansing huminto na ang sasakyan. "Then shall we go?" Akmang bubuksan ko ang pinto ng kotse nang biglang hinawakan ni Cassie ang braso ko. Awtomatikong napatingin ako sa kan'ya at binigyan siya ng nagtatakang tingin. "Shianna." Humigpit ang
Mrs. Mauricia stood from her seat. Gayundin si Nero na napatingin kay Judas. Nagkatinginan ang dalawa at madilim na ngumiti si Nero habang si Judas ay nang-uuyam siyang nginitian. Shianna walked to them at lumapit kay Kael na nagbabasa ng diyaryo habang nakadekuwatro sa couch. Nilapag nito ang diyaryo sa kan'yang tabi at naglabas ng isang pakete ng sigarilyo. Kumuha siya ng isang yosi at sinindihan ito. The large had four long couches. Nasa front side si Kael at nasa left side naman si Nero at Mauricia. Across Kael's seat where were Shianna and Ivana were seated. Katabi naman ni Cayer si Judas on the right side.Isa-isa munang tiningnan ni Kael ang lahat bago nagsalita. Inilabas niya ang isang sealed plastic bag from his coat at ipinakita ito sa lahat. Kumunot ang noo ni Shianna nang makita ang itin na panyo. Sunod na inilabas ni Kael ang sealed bag na may strands of hair. "These two had matched. I did a DNA test and it's positive. It matched Violet.""So what to do with that black ha
Pinulot ni Judas ang evidences na nasa table at napahawak sa kan'yang baba nang pinagmasdan niya ang mga ito. Kumunot ang kan'yang noo at seryosong tiningnan si Shianna. "Saan niyo nakuha ang mga 'to? These papers" —sinulyapan niya ang mga papeles na nasa table, sunod ay ang larawan— "and these photos. Ebidensya ang lahat ng ito! Who owned these?" He licked his lips at napailing. Nilapag niya ang mga larawan at hinarap si Shianna na kay Ivana naman ang atensyon. Kinagat ni Ivana ang kan'yang labi at napabuntong-hininga. Diretso niyang tiningnan si Judas sa mga mata. "Ako ang kumuha ng mga litratong iyon at ng documents. I got those from Blanco Corporation na nasunog kanina lamang."Natahimik si Judas at sinulyapan si Cayer. Cayer was his mother's secretary. Although nagulat siya na makita itong kasama pa rin ni Shianna, wala naman dito ang atensyon niya. Wala rin siyang balak sabihin kay Harriet ang totoo. Mapapahamak lang si Shianna kung sakali."I'll be honest." Namulsa si Judas. "V
"Nagkasunog daw sa Blanco Corporation?"Napaangat ng tingin si Lorah matapos marinig ang sinabi ni Judas. Kasalukuyan siyang nasa kusina at nag-aalmusal. Alas-kuwatro pa lamang nang umaga ngunit nakaligo na siya at mag-aalmusal na lamang. Umupo si Judas sa metal chair sa harapan ng counter at nilingon si Lorah na parang walang narinig. Judas smirked. "I heard you have a meeting with Violet Fascis? Ano'ng pinag-usapan n'yo?""It's none of your business." Nagsalubong ang mga kilay ni Lorah at uminom ng malamig na tubig. Nilingon niya si Judas. "What the hell is happening to you? Pati ba naman meeting ko with Violet ay pinapakialaman mo.""That's because Violet Fascis is Sullian's cousin?" Kumunot ang noo ni Judas at sinulyapan ang kasambahay na naglagay ng breakfast sa harapan niya. "You know the Fascis reputation at tayo rin ang nag-lead ng laban against sa kanila. So you don't have reasons to talk with her—"Galit na ibinagsak ni Lorah ang kutsara sa counter at nagtitimpi na pinagmasd
Ivana covered her mouth. Napalingon siya sa pinto nang marinig ang sunod-sunod na yapak papalapit. Halos mapatili siya sa takot at dali-daling dinampot ang phone at pinatay ang tawag. Napalunok siya at nagtago sa gilid ng pinto. Ang pintig ng kan'yang puso ay rinig na rinig. Tumutulo ang pawis niya sa kan'yang leeg habang pinapakinggan ang yapak na nagtungo malapit sa pinto. Niyakap niya ang phone at taimtim na nagdasal na sana ay hindi pumasok si Violet sa silid.Pero parang hindi pa siya pinapatawad ng langit sa nagawa niyang kasalanan dahil mabagal na nagbukas ang pinto. Halos manigas si Ivana sa takot nang tuluyang bumukas ang pinto. Mas tinakpan niya ang bibig at tumigil sa paghinga. Titig na titig siya sa babaeng nasa harapan niya. Dahil nasa likod siya ng pinto, hindi pa siya nakikita ni Violet.Para kay Ivana, mas nakakatakot pa ang sitwasyong ito kaysa noong nalaman ng parents niya na kabit siya ni Dmitri. Ivana didn't know Violet. Ang mas kinakatakot niya ay kamag-anak ito n
Careful and slowly, Ivana got out of the office. Since Violet was using flashlight, hindi siya nahihirapang sundan ito. Ang tanging problema lang ay nahihirapan siyang mangapa sa dilim dahil ang daanan niya ay hindi na naiilawan.Violet used an elevator na siyang ikinahinto ni Ivana sa paglalakad. Using the other elevator, she opened it a little later. She waited for a bit and when it opened, nauuna na si Violet sa paglalakad. Hindi pa rin nito napapansin si Ivana na kanina pa nakasunod. Due to Ivana always escaping her parents kapag kailangan, nasanay na siyang kumilos nang halos walang nagagawang anumang ingay.Violet continued walking until she reached the end of an hallway which was the way to the backdoor. Nagtago si Ivana sa dilim nang lumingon si Violet sa kan'yang direksyon. Violet went outside. Nang makalabas ay saka sumilip si Ivana sa pinto. She saw Violet touching a wall. Mayamaya lamang ay isang tunog ng pagkaskas ang pumainlang nang ang bahagi nv dingding ay nag-slide pa
"Violet Fascis?" ang tanong ni Ivana matapos marinig ang sinabi ng kan'yang kapatid. Nakangusong tumango si Carolina at hinarap ang kan'yang ate."Yes. At after they talked, an announcement that Papa bought the Blanco Corporation was revealed. Knowing that kamag-anak ni Sullian ang dating C.E.O ng Blanco Corporation, tayo siyempre ang mapapasama. Para tayong mga supporter ng kriminal." Umirap si Carolina. "Gosh, gusto ko ns talagang lumayas sa pamilya na ito."Inis na nagdabog si Carolina at lumabas sa office ni Victor. Meanwhile, Ivana bit her lip at gumawa ng isang desisyon sa kan'yang isipan. Ten o'clock in the evening. Ivana was wearing black hat and black long trench coat. Nasa labas siya ng Blanco Corporation na sarado na ngayon. She had to be careful though, dahil naglilibot na ang mga guwardiya ngayong oras. Makakaabot sa kan'yang ama ang balita na nag-espiya siya kung siya'y sakaling mahuli siya.Aurelius family was the one of the most prestigious families. Although
Kumunot ang noo ni Ivana at hindi makapaniwalang tiningnan ang kan'yang kuya. "What the fuck you mean? Don't tell me, you like Shianna after all?"Frustrated na tumango si Vincent at naupo sa couch. Samantala, salubong naman ang kilay na kinagat ni Ivana ang kan'yang kuko. Her family was messed up. Her parents were part of the underworld tapos ito, Vincent had a fucking fake engagement with Freya. Katatapos pa nga lang ng issue ni Ivana with Dmitri tapos ito naman."Ah fuck." Hinagod ni Ivana ang kan'yang buhok at saktong dumating ang dad nila. Sunod na dumating si Allegra na mukhang galing pa sa party with her friends. May pink fur pa ito sa balikat na pinarisan ng white long halter dress. Sabay na naupo si Victor at Allegra at tinaasan si Vincent ng kilay."Dad," frustrated na wika ni V incent. "You know I am planning to buy a startup company. Bakit naman Blanco Corporation ang binili mo at biglaan pa? That company is not fit to us—""So ano ang gusto mong gawin ko, Vincent?" Sineny
She wasn't ready to tell Vincent and Carolina ang totoo. She would confront her parents first.Ivana looked up at the sky na makulimlim pa rin. Mapait siyang ngumiti. Why she felt something was going to happen? Ivana loved her family dearly, kahit hindi niya maramdaman ang pagmamahal mula dito. All this time, her parents forced her to become this perfect daughter na kahit sinumang tao ay hindi kakayanin. Ivana didn't desire the company anymore. Ang nais na lamang niya ay sumayaDahil nakakapagod ding maghangad ng bagay na hindi mo makukuha. At nakakapagod din na gawin ang mga bagay na hindi mo nais para lang sa iba. Pleasing people was exhausting. It was messing up her mind. Ivana didn't want to please anyone dahil in the end, wala ring mangyayari sa buhay niya.Pinunasan ni Ivana ang tumulong luha sa kan'yang pisngi. Nagpaalam na sila ni Dmitri kay Solei na nagpaalam na ring babalik sa trabaho."So what's your plan after this?" tanong ni Ivana matapos nilang makasakay ng kotse. Nilin
Awtomatikong napahawak si Ivana sa kamay ni Dmitri nang lumapit sa kanila si Solei. Kumakabog nang malakas ang kan'yang puso. Pero palihim na rin siyang naiiyak dahil kaharap niya ang babaeng naging kasalo niya kay Dmitri. Solei was the woman she hurt the most.Suminghap si Ivana at napakagat-labi. Pilit niyang binaling ang kan'yang paningin kay Solei na kalmanteng inilahad ang kan'yang palad. Napatitig si Ivana sa kamay ni Solei bago mabagal itong tinanggap. Nangilid ang kan'yang mga luha lalo na nang hinatak siya papayakap ng babae."I'm sorry," usal ni Ivana at niyakap pabalik si Solei. "I'm really, Solei. I should have never done that. I'm sorry. You don't deserve all what I've did."Lumuluha na si Ivana nang lumayo siya kay Solei. Akala niya ay wala lamang ito kay Solei dahil kanina pa ito tahimik, pero nang makita niya itong luhaan ay halos tumalon ang kan'yang puso. Mapait na ngumiti si Solei at sinulyapan si Dmitri."Gusto kong maging masaya at makalaya sa nakaraan, kaya as mu