“You’re still here. Hindi ka pa ba inaantok?” pukaw ni Divina sa anak na noon ay nakatayo sa may porch ng kanyang maliit na bahay.Madaling-araw na subalit mula nang dumating ito kaninang hapon mula sa siyudad ay hindi pa ito umaalis mula sa kinaroroonan nito. She doesn’t mind him thinking alone but… she was worried if he’s having second thoughts.“Hindi ako makatulog, Mommy. Nakukunsensiya ako sa ginawa ko at—““Kunsensiya?” putol ni Divina sa anak, marahang natawa. “Even after I told you everything, naiisip mo pa ring makunsensiya, Keith? Think of your father. Think of the happy family we would’ve been if not for the selfishness of Cristina and Carmelita. Think of the many things you could have had kung hindi nangyari ang mga nangayari.”Kumurap ang binata, ikinuyom ang mga kamay. Tama ang sabi ng ina, Cristina and Carmelita robbed him of everything he could have had should his father had lived. Maybe his mother wouldn’t have have been too dismissive of him. Maybe he didn’t struggle
“Ninang, is the baby inside you moving?” inonsenteng tanong ni Cami kay Erin nang puntahan ng mag-ina ang dalaga sa silid nito sa penthouse.Natawa si Erin. “I’m sure it’s moving inside and swimming but I cannot feel it yet.”Tumango-tango si Cami. “But how did the baby get inside you, Ninang? You ate it?”Napahagikgik na si Lara nang mamula ang pisngi ni Erin.Minulagatan naman ni Erin ng kaibigan. “A little help here,” bulong nito, pulang-pula pa rin ang pisngi.Natatawang kinarga ni Lara ang anak. “Alright, it’s rest time for Ninang now, sweetheart. Why don’t you go with Yaya Lita and tell her you want some fruits,” anang dalaga sa anak, sandaling inilabas ang anak sa silid at ibinigay sa katulong.Pagbalik ni Lara sa silid ni Erin, may dala na itong bowl ng prutas. “Ang sabi ni Manang Lita, gusto mo raw itong mangga. Here have some more, “ ani Lara, inilapag sa may bedside table ang bowl ng prutas.“Salamat, Lara,” ani Erin, ngumiti.“Kumusta na ang pakiramdam mo?”“Maayos naman. M
Kumabog ang dibdib ni Lara nang muling bayuhin ni Keith ang pinto ng penthouse ni Carmelita. Why was he here? Oh my god! she screamed inside her head. "M-mommy," nahihintakutang tawag ni Cami na noon ay nasa kitchen island at kumakain.Agad na nilapitan ng dalaga ang anak, kinaraga ito bago bumaling kay Lita. "Manang please call security ASAP!" Mabilis na tumalima ang katulong, nagkumahog na nag-dial ng numero sa direct line sa reception ng building. Si Keith naman ay nagpatuloy sa pagbayo sa pinto. "I said open the damn door, Lara! Gusto kong makita ang anak ko!" "Wala kang anak dito! Umalis ka na, Keith! You are not welcome here!" sagot ni Lara, humigpit ang yakap sa anak. Subalit hindi tumigil si Keith. "Cami! Are you there? Open the door for Papa. C'mon now. Open the door!" Lalong umiyak ang bata nang marinig ang kanyang pangalan, kumapit nang husto sa ina. "Go away, Keith! Tinatakot mo ang bata!" histerikal na sabi ni Lara. Ngayon siya lubos na nagsisisi kung bakit
“How is she?” tanong ni Jace kay Lara nang balikan ng binata ang kanyang mag-ina sa penthouse ni Carmelita.Tulog na si Cami subalit ayaw magpababa sa kama. Lara has no choice but to hold her daughter habang nakaupo silang mag-ina sa lazyboy.“She’s fine… for now,” bulong ni Lara, nag-angat ng tingin kay Jace.Mula sa pinto ng silid ng dalaga, naglakad na palapit sa kanyang mag-ina si Jace, closing the door behind him.Oras ang binilang bago kumalma si Cami. Muntik na ring dalhin ni Lara sa ospital ang anak. Her daughter was terrorized by what Keith did. At hindi niya mapapalampas ang ginawa nito. She has already consulted their lawyer. She will file charges.“Where have you been?” tanong ni Lara kay Jace.Matapos nitong pumunta kanina sa penthouse nang itawag niya rito ang ginawa ni Keith, umalis ulit ito at hindi ipinaalam kung saan pupunta. Jace released a slow breath bago umupo sa gilid ng kama, paharap sa kanyang mag-ina. “I went to see Keith. I gave him my final warning.”“J-Ja
Tahimik na ipinaikot ni Carmelita ang mga mata sa loob ng bahay ni Divina habang nakaupo siya sa isang lumang garden set sa backyard porch ng bahay. Gaya ng kanyang inaasahan, parang greenhouse ang bahay—every corner has a plant, literally. And she cannot help but wonder if Divina was trying to recreate the rainforest environment she had been in many years ago.Maya-maya pa, lumabas na ang babae mula sa loob ng bahay nito, may bitbit na dalawang tasa ng tsaa. “Sorry, I don’t get much visitors here. Ito lang po ang maisisilbi ko sa inyo, blue ternate tea,” anito bago inilapag ang tasa sa coffee table. “You drink tea, right?”Ngumiti si Carmelita. “Of course, hija,” anang matanda kinuha ang tasa at sumimsim doon ng tsaa.Umupo na rin si Divina sa bakanteng silya sa harapan ng matanda, tahimik din na uminom ng tsaa pagkatapos.Ilang sandali pa, nagsalita si Carmelita. “Kumusta ka Divina? Your plants are thriving. I surmise you are too.”Tipid na ngumiti si Divina, inilapag ang tasa sa me
“Jace, hijo,” ani Mrs. Ferrer nang bisitahin ni Jace ang ginang sa bahay nito. Nakalabas na ito ng ospital subalit patuloy na binabantayan ng mga doktor ang kalagayan nito.Marahang inabot ng binata ang kamay ng ginang at magaang pinisil. Masaya siyang makita na nakaligtas ito sa nangyari dito. Mrs. Ferrer had been his family’s ally ever since. He wouldn’t have survived the last four years away from LDC if it hadn’t for her.“Kumusta na po ang pakiramdam ninyo, Tita?” tanong ng binata, umupo na sa garden set na malapit sa wheelchair ng matandang ginang.Ang sabi ng nurse nito na nakausap ni Jace kanina, the old woman is too weak to walk or even stand kaya for the meantime, naka-wheelchair ito.Pilit na ngumiti ang matanda. “I feel better, Jace. I am better. Ikaw, kumusta ka? Ang LDC?”“I was instructed by your nurse not to discuss with you anything about the business or any topic that would bring you stress,” sagot ni Jace, nangingiti.Marahang natawa si Mrs. Ferrer, ikinumpas ang kam
“Hindi pa ba ulit nagpapakita si Keith?” tanong ni Jace kay Eli nang minsang pumunta ang binata sa kumpanya upang tignan kung anong nangyayari doon.“Ikatlong araw na po ito na hindi pumupunta si Doc Keith dito sa LDC, Sir. Hindi rin po makontak ng ibang board members. Nagri-ring lang daw po ang cellphone niya sabi nina Mr. Lazaro at Mr. Abesamis.”Tumango-tango si Jace. “That’s good. Pinapakita lang niya kung gaano siya kawalang-silbi dito sa LDC. He may have the controlling shares of the company but without his knowledge on how to handle it, won’t do him any good. The bastard might’ve thought that running the company is just a stroll in the park. The massive pressure in solving our problems must’ve scared the shit out of him. Now he’s hiding,” ani Jace, umupo na sa swivel chair sa opisina ni Mrs. Ferrer. That’s his temporary office at the moment.“I agree, Sir. Nakipag-usap po sa kanya ang operations at accounting noong huling araw na pumunta siya rito. They might’ve presented the re
Kasalukuyang nakaharap sa full-length mirror si Lara at pinagmamasdan ang kanyang sariling repleksyon mula roon. She was wearing a black formal dress with lots of beads on it that sparkles under the light. It was the night of the housewarming party and guests are arriving.At kahit na sanay namang makihalubilo sa mga tao ang dalaga, hindi pa rin maalis sa kanyang isip ang mag-alangan na marami silang bisita na inanyayahan ngayon. Hindi naman siya makatanggi dahil iyon ang kagustuhan ng kanyang abuela. Isa pa, in a few days’ time, babalik na sila sa Washington at alam ng dalaga na ma-miss ng abuela ang buhay sa Pilipinas kaya pinagbigyan na lamang niya ang kagustuhan nitong magpa-party.She requested triple security from Carlo. Pati ang ibang mga tauhan ni Justin naroon din sa mansiyon. She is hoping na maitawid nila ang party na ‘yon na walang aberya. And while Jace has been reassuring, hindi pa rin maalis sa dibidb ng dalaga ang pag-aalala. They have enemies out there. Reymond is sti
Sa bench sa labas ng mall nagtungo ang dalawa. Unang inaya ni Kiel si Erin sa isang coffee shop. Subalit may naamoy na kakaiba si Erin sa loob niyon kaya mabilis na humindi nag dalaga. Si Erin na ang nag-suggest na sa labas na lang sila ng mall mag-usap. Mayroong bakanteng bench sa di-kalayuan kaya doon nila napiling umupo at mag-usap.“I’m sorry,” umpisa ni Kiel. “I was a bloody jerk when we talked. I shouldn’t have said those things to you.”Erin scoffed. “What you did was inexcusable, Kiel. Nakipagkita ako sa ‘yo dahil sa trabahong tinanggap ko mula sa fiancée mo. Your personal questions were out of the line.”“I know, that’s why I want to apologize. Alam kong mali ako, Erin,” anang binata nagbuga ng hininga.The past two days had been tough for him. He was struggling to divide his time with work and with the things Michelle left him in-charge of. Idagdag pa na lagi niyang naiisip na puntahan na lamang si Erin sa condo nito upang personal na humingi ng paumanhin. Dahil ayaw pansin
Latag na nag dilim subalit hindi pa rin malaman ni Erin kung ano ba ang gusto niyang kainin para sa dinner. Kaninang lunch pa siya nagke-crave ng mga kakanin, hindi lang niya alam kung saan siya kukuha. Mula nang lumabas siya ng ospital four days ago, bumalik na ang kanyang appetite. Hindi na rin siya gaanong nahihilo. The supplements she had been taking were of a great help. Kung hindi nga lang ba siya pinilit ni Lily na ituloy-tuloy na lang ang kanyang leave hanggang sa susunod na linggo upang makapahinga siya nang husto, baka pumasok na siya sa opisina.But after that meeting with Kiel, hindi na siya ulit pumasok pa sa opisina. She needs rest. Her body craves for it, she can feel it. Or maybe her growing baby is demanding it. But whatever the real reason is, determinado si Paige na gawin ang lahat ng kanyang magagawa upang protektahan ang kanyang ipinagbubuntis. Kaya naman mas marami nang naka-delagate na trabaho kay Lily ngayon. Mabuti na lang at talagang masipag at maaasahan sa t
“He is arrogant and a despicable liar! We will never do any business with that hateful man ever again!” gigil na pahayag ni Erin habang kumakain siya kasama sina Lily, Paul at Chantal. Wala si Suzanne dahil may inayos ito sa isa sa kanilang mga on-going projects.They were having lunch inside the pantry. Matapos manggaling sa EB Builders, nagpasyang bumalik sa opisina si Erin. She didn’t want to at first. Subalit dahil sa resulta ng pag-uusap nila ni Kiel, alam ng dalaga na kapag umuwi siya, mag-isa lang siyang magngingitngit sa condo niya. Bagay na ayaw niyang mangyari, she knew herself too well. The last time she threw a fit over a project, nabato niya ng vase ang 95-inch TV niya dahil sa sobrang inis. She doesn’t want that to happen again. Mabuti nang nasa opisina siya habang nanggigil. At least doon, may kasama siya, may nagtitiyagang makinig sa kanya.“Ma’am gusto po ninyo, kausapin ulit namin ni Chantal si Engr. Benavidez? Baka po magbago pa ang isip ni Sir,” suhestyon ni Paul,
Tahimik subalit puno ang kaba ang dibdib ni Erin habang naghihintay sila ni Lily sa labas ng opisina ni Kiel. Ang sabi ng sekretarya nito na nagpakalilang si Sara, may kausap daw na kliyente si Kiel na nauna kaysa sa kanila. Sara told them to just come back after an hour or so. Subalit nagpasyang maghintay si Erin. She might not have the courage to face Kiel again if she leaves."Ma'am gusto po ninyo ng bottled water? Pwede ko po kayong kunan sa--" "H'wag na, Lily," mabilis na tanggi ng dalaga sa alok ng sekretarya. "I'm okay." "Sure po kayo?" "Yes, I'm sure," pormal na sagot ni Erin, ang mga mata, nakatitig sa pinto ng opisina ni Kiel. She was training her mind not to be swayed by her emotions when she finally face Kiel. She was composing her thoughts too, determined to just say the words she needs to say and nothing else. Ayaw niyang awayin si Kiel kahit na alam ng dalaga na ito ang dahilan kung bakit siya naroon sa sitwasyon na 'yon. Kung sabagay, mabuti na rin na siya na ulit
“M-Ma’am Erin, b-bakit nandito ka na?” gulat na bungad ni Lily kay Erin pagpasok na pagpasok pa lamang niya sa kanyang opisa sa AdSpark Media. “H-Hindi po ba dapat nagpapahinga ka pa? Ang sabi ng doktor—““May importante akong gagawin, Lily. The DF Appliances proposals, get them for me,” putol ni Erin sa sekretarya bago nagtuloy-tuloy sa kanyang swivel, umupo at binuksan ang laptop.Si Lily naman ay nanatiling nakatanga sa boss. Matapos nitong ma-discharge kahapon sa ospital, hindi inaasahanng sekretarya na papasok agad si Paige nang araw na 'yon, lalo pa at ganoon kaaaga. Mahigpit ang bilin ng doktor na kailangan nito ng pahinga para sa ikabubuti ng dinadala nito. Kaya lang…“Lily, what are you looking at? I said give me the proposals for DF Appliance,” pag-uulit ni Erin.“S-sure kayo, Ma’am? Ang sabi ng doktor kahapon bawal kayong magpagod at saka—““Alam ko kung anong ibinilin ng doktor, Lily. I was there with you. Narinig ko ang lahat. But like I told you, may importante akong ga
“What are you doing here, Kiel?” pag-uulit ni Erin nang hindi sumagot agad si Kiel. This time, pinakalma ng dalaga ang nagwawalang puso at pinatatag din ang tinig.Umigting naman ang panga ni Kiel. hindi nagawang makasagot agad dahil paulit-ulit na ipinasada ng binata ang kanyang mga mat sa kabuuan ng dalaga. She looked relaxed and well-rested. Habang siya, halos mabaliw na sa kakaisip ng paraan kung paano muling makikita at makakausap ang dalaga.The past few days had been pure hell. Kahit na anong gawin niya, ni ayaw siyang kausapin ni Erin. He even tried visiting her in her office subalit ang laging sagtot ng sekretarya nito ay may sakit ito at naka-sick leave. He asked for her number and they gave him the same number he had been calling and messaging for the past few days subalit wala siyang nakukuhang sagot dito. It’s clear that his number had been blocked. All the damn new numbers he tried to use were all blocked from Erin’s phone.Malinaw sa kanya ang naging usapan nila. But…
“Ma’am, sigurado po ba kayong kaya na ninyo? Kung matulog na lang po ako ngayon sa condo ninyo para may kasama pa rin kayo at—““H’wag na, Lily. Promise, kaya ko na. At saka baka hinahanap ka na rin sa inyo. Go home and rest. Halos hindi ka natulog kagabi habang binabantayan ako,” putol ni Erin sa sekretarya. Naroon sila sa lobby ng St. Anthony Hospital at hinihintay ang rented car na kinuha ni Lily na siyang maghahatid kay Erin pabalik sa condo ng dalaga. Matapos ang ilang pagsusuri at bilin ng doktor, Erin finally got discharged from the hospital. She feels a little better now. She feels more energized too. Malaking tulong ang pagpapa-confine ng dalaga sa ospital upang umayos ang kanyang pakiramdam. She even feels she can already go back to work tomorrow. Pero bawal pa. Ibinilin ng doktora na tumingin sa kanya na kailangan pa niyang magpahinga ng isang linggo upang tuluyan siyang makabawi ng lakas.“Pero Ma’am, mag-isa kayo do’n sa condo mo. Baka bigla ka na namang mahilo o magsu
Agad na napabangon sa kanyang kama si Erin nang muling makaramdam ng pagbaliktad ng kanyang sikmura. Tinakbo ng dalaga ang CR at muling nagduduwal sa sink. She stayed there for a few minutes bago siya tumigil nang pakiramdam niya wala na siyang maisusuka pa.Nanghihinang naglakad palabas ng banyo ang dalaga at nagtungo sa sala. Doon niya ibinagsak ang nanghihinang katawan sa couch at naghabol ng hininga.Ikatlong araw na iyon na sa tuwing gumigising siya sa umaga, she had the urge to throw up everything she ate from last night.She doesn’t want to worry but she is beginning to worry. Hindi pa niya nararanasan ang ganoong klaseng matagal na pagkakasakit. She’s taking supplements, everything there is! Kaya nagtataka ang dalaga dahil gano’n na lang ang epekto ng stress at fatigue sa kanya ngayon.Stress and fatigue, ‘yon ang naiisip niyang sanhi kung bakit siya nagkakagano’n ngayon. She had been resting for the past few days. Tumatawag na lang siya kay Lily for updates. Staying at home a
"Lily nasaan na 'yong papers ng Dove Realties? I believe I left it here yesterday. Bakit wala na?" ani Erin habang panay ang kanyang halughog sa tambak na mga papeles na nasa kanyang table.Pasado alas-dos na ng hapon subalit hindi pa nanananghalian ang dalaga. May hinahabol siyang meeting sa Dove Towers which is an hour away from her office. Idagdag pa na susuungin niya ang traffic sa mainit na hapon na iyon. Maisip pa lang niya ang magiging biyahe niya mamaya, natetensyon na siya. And now she is all the more panicked dahil hindi niya makita ang dokumentong kailangan niya! "Ma'am nandito po sa drawer ninyo sa kabilang cabinet, sa may outgoing box," kalmadong sagot ng sekretarya, kinuha na ang dokumento mula sa nakahiwalay na filing cabinet at inabot iyon sa amo. Lalo namang nagsalubong ang mga kilay ni Erin. "Bakit nandiyan?" "Ma'am, kayo po ang naglagay diyan kagabi bago tayo umuwi. Sabi niyo pa nga po, dapat d'yan niyo ilagay 'yan para madali ninyong mahahanap ngayon," pagpapaal