"KYLIE SKYLER! ang aga aga naman ng baby ko," sabi sakin ni mommy nung pababa sya ng hagdan.
Andito kasi ako sa kusina naghahanda at nagluluto ng umagahan. "Mom, first day ko ng trabaho eh. I mean training pala so dapat maaga pa rin ako," nakangiting usal ko naman sa kanya. "Oh I see," nakangiti ng sabi nito na may patango pa nang dahan dahan. Hindi rin naman ako nagtagal sa pagluluto. Maya maya lng din kasi ay bumaba na ang kapatid ko at sabay sabay na kaming na-sikain. Wala na akong daddy, years na simula ng mamatay sya. Bago umalis ng bahay muli akong umakyat sa taas para tignan muli ang aking sarili. Nakasuot ako ngayon ng itim na pants, at long-sleeved na dark blue. Ipinartner ko naman dito ay 2 inch white sandals lamang. Ang mukha ko ay mayroong light na make up din para naman hindi ako magmukhang clown. At hinayaan ko lang nakalugay ang mahaba at kulay brown na buhok. Maaga pa naman, meron pa akong 45 mins bago pumasok talaga sa company. Naupo ako sa blue kong kama at inakap ko ang unan kong stitch. Binasa ko nalang ang text sa akin ni Miss Switch. Nakasulat lng naman dito na bawal malate at yung ibang dapat gawin o tandaan. Rules and Regulations kung baga dahil dapat raw ay kabisado ko ang lahat ng ito. Dapat tandaan at dapat kabisaduhin. Kailangan ko rin daw pumasok ng maaga dahil pipirma na rin ako ngayon ng kontrata. Yun daw ang sabi ng boss nya... XIANCE. Tumayo na ako sa pagkakaupo mula sa kama at hinarap ang isang frame"I miss you so much, Magkikita ulit tayo wag kang nag alala" muling sabi ko sa picture na hawak ko at saka bumaba na ng bahay. "Good morning, my baby" maarteng bati ko sa aking motor, kulay itim ito na may design lng na blue blue. Hindi ko feel gumamit ng kotse ngayon kaya ito muna ang gagamitin ko. Kaya rin ako nagsuot ng pants para hindi ako mahirapan sa pagmomotor... Nagsuot na rin ako ng helmet at jacket para protection sa magiging init ng araw at para narin iwas alikabok. Mabilis kong pinatakbo ang motor ko pero sa maingat na pamamaraan. Nakarating rin naman ako agad dahil walang traffic ngayon. Bago ko ipasok ang sasakyan ko sa parking sa underground. Inihinto ko muna ito sa harap ng company ni Xiance.Meroon iyong 25 na palapag na ang lahat ng sulok ay salamin. Sa gitna nito, nakasulat ng kulay na silver ang pangalan ng kompanya... SILVER-FORD... medyo malaki ito kumpara sa nakasulat sa baba nya ... COOPERATION /COMPANY..Ang entrance nito ay puro halama na mamahalin na inaangkat pa mula sa ibang bansa. Sa harap nito may mini garden but pa maze yung itsura... Sobrang ganda rin nito dahil punong puno ito ng mga naggagandahang bulaklak na hindi mo basta basta makikita dito sa pilipinas. Sa gitna naman ng maze mayroong fountain na may mga isda at lilies na halaman. Sobrang perpekto para sa lahat ng makakakita.Sa edad na 28 ay napalago ni X ito. Kompanya ito ng papa nya na malapit nang bumagsak noon pero dahil sa tulong niya muli iyong naging sikat at kilala pa sa buong mundo. Kung hindi ako nagkakamali meroon na rin silang ibang branch sa ibat ibang bansa sa asia. "Baka malusaw ang kompanya ko Ms. Skyler," boses nyang pamilyar ang narinig ko. At hindi nga ako nagkamali dahil pagtingin ko sa gilid ko. Itim nyang sasakyan ang nasa tabi ko nakababa na rin ang window nya. At nakatingin sa akin. "Owss Mr. Silver! Grabe ka naman hindi ba pwedeng namamangha lang talaga ako," nagagalak na boses na sabi ko. "Manghang mangha ah" sabi nito na hawak pa ang labi. Psst halikan ko yan eh ay wag baka may sumunod pa. "Why not diba, sobrang ganda ng kompany mo. Perfect rin sa mga taong katulad ko. Saka any way magiging part narin naman ako nito," nang aasar na sabi ko sa kanya. Yung kaninang medyo nakangiting labi nya, unti unting napalitan ng pantay na linya. Naging cold din yung tingin nya. Dahil ibinaba pa ng konti yung shade niyang itim para makita ko ang mapupungay nyang mga mata... "How I miss this person," nasabi ko nalang sa isip ko. "Psst, base sa pagkakaalam ko walang tumatagal ng tatlo hanggang isang linggo sa kumpanya ko. Pwera nalang sa mga dating empleyado ni daddy," mayabang na sagot nito. Nakatingin na rin ito sa kumpanya nya at hindi na sa akin. Yung kaliwang siko nya ay ipinatong nya na sa bintana ng kotse. Nakakunot na rin ang kilay nito na parang sinusuri kung anong meron sa harap ng kompanya nya. "ohh about that, isa lang ang masasabi ko, ako ang magiging secretary mo at take note huling sekretarya mo" matapang na sabi ko sa kanya. Tinignan nya lng ako ng walang expression at saka tinaasan ng kilay. Binuhay nya na rin ang makina ng kotse nya at walang paa paalam na umalis... Ang sama mo naman dati may pa i love you ka pa sakin bago umalis eh...char.Nakanguso ko ring pinaandar ang motor ko pero bago pumasok sa loob ng parking muli kong tiningnan ang harap ng kompanya. May napansin akong itim na kotse di kalayuan. Simula ng dumating iyon kanina kasabay ko hindi parin ito umaalis hanggang ngayon. Hindi ko naman na ito pinansin pa nang masyado at tuloy tuloy na pumasok. Naabutan ko si sya na papalayo na sa kanyang sasakyan. Taas noo pa nga itong tumingin sa akin. Bumaba agad ako sa aking mahal na babie, at nagkapark sa tabi nang kotse nya. Naabutan ko syang papasok na sa elevator kaya bago sumara ito ay nakapasok ako .So bali kami lang dalawa ang nasa loob nito. At sobrang tahimik lang naming dalawa. Diretso lang ang tingin nito sa harapan namin. Nakapamulsa rin sya sa kaliwang kamay nya at ang kanan naman ay may hawak na attache case. Samantala ako rito sumiksik lng sa gilid ng elevator, nahihiya kasi ako na ewan eh... Eyy basta medyo kinakabahan pa nga. Iba pa rin pala ang epekto niya kahit ilang taon na ang lumipas. Ipinikit ko nalang ang mga mata ko at pinakikiramdaman nalang ang paligid. I have a feeling that his looking at me pero hindi ko naman makita dahil nga naka shade sya. "You know what Kylie, magbackout ka nalang" basag nya sa katahimikan naming dalawa. Namulat ako at napatayo ng diretso dahil sa narinig ko. Ito ulit ang unang beses na tinawag nya ako sa unang pangalan ko. Hehe ayy isa lng pala name ko Kylie Skyler lng hehe. Lagi kasi dati ay lie-lie ang tawag nya. Tinaas ko ang kilay ko sabay tingin sa kanya. Tatarayan ko nalang sya para maibsan naman ang sobrang bilis na tibok ng puso ko. "That's how you treat your employee Mr. silver?" maarteng tanong ko. "NO... sayo lang... Payo ko iyon sayo kasi alam ko namang di mo kakayanin kaya hanggang maaga, back out na diba. Mas masakit marinig ang you're fired diba " walang emosyon na sabi nito ulit. "Wala ka bang bilib sa akin ...di ba sabi ko nga sayo ako na ang huling magiging sekretarya mo at wala ng makaka pagpapalit dun... Sanayin mo nalang yung sarili mo tulad ng ginawa mo dati," nakangising sabi ko. Inalis nito ang shade nya at inilagay sa bulsa ng coat na suot nya. Saka nya ako tinignan ng mas cold pang expression. "Pag Sanay... Pag Nasanay ako... Saka mo na naman ako iiwan," sabi nya. Cold nga ang itsura nya pero ipinakikita naman ng mga mata niya ang sakit na nararamdaman. Nanahimik ako sa sinabi nya. Bumalik na naman yung sakit. Yumuko nalang ako at hindi na nagsalita. Umayos sya ng tayo pero ramdam kong hindi parin niya inaalis ang paningin sa akin. Napangiti naman ako ng tipid."Psst" Narinig ko sabi nya kasabay ng pagtunog nang elevator, hudyat na nakarating na kami sa taas. Nauna siyang lumabas at naiwan naman ako sa elevator. Binati lng ako ng isang staff kaya natauhan ako. "You're Ms. Skyler right?" maarteng tanong nung babaeng hipon. Tumango naman ako sa kanya. Pero inirapan nya lang ako pag kayari at nauna ng umalis. Dumeretso naman ako sa dapat kung puntahan. "You are 5 mins late" sabi sa akin ni Miss Switch. Inirapan nya rin ako dahil hindi ako kumibo sa sinabi nya. Wala ako sa mood eh kaya hinayaan ko nalang. Sorry. Ganito ba talaga tong kumpanya na toh. Lahat kasi mataray eh. Irap ng irap. Lumuwa sana mga mata. "Maam, 7:00 am palang po oh" sabi ko sabay pakita ng relo ko. "I don't care. Naunahan ka pa ng boss natin, Hindi pwedeng late late dito!" pagalit na sabi nya ulit. Lahat naman ng empleyado sa amin nakatingin. "Eh ma'am 7:00 palang nga po at 7 lang din naman ang pasok ko eh!" medyo iritang sabi ko. Ang aga aga high blood, wala sigurong asawa toh, ang sungit eh. Sabagay matanda na kaya madalas uminit ang ulo... Okay Kylie... inhaled... Exhaled... Matanda yan huwag papatulan. "Ms.witch, sorry na po ka-" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil nagulat ako ng hampasin nya ng malakas ang desk nya. Lahat ng empleyado sa amin na talaga nakatingin. Napapikit nmn ako ng mariin dahil dun. Nakita ko ring lumabas si X mula sa office nya at tumingin dito sa gawi namin. "Miss switch, miss switch not miss witch! Hindi ako mangkukulam!" galit na galit na sabi nito. Ang mga empleyado ay natatawa na sa ngayon pero itinatago nila dahil baka sila ang pag-intrisan at sa kanila pa ibuhos ang galit. Si Xiance naman umiling-iling na pumasok ulit sa office nya. na lungkot naman ako dun, mali na naman pagkakaintindi nya sa pangyayari."So ayun ang magiging table mo. Ayusin at linisin mo iyan. Yung kontrata ikaw na bahala dun ...Ikaw nang bahala sa sarili mo," pagalit na sabi nito. Hala bat ako? Training na yun? Grabe... Ako talaga kikilos hano? Lahat? Lahat-lahat pati kontrata. Pinaglalaruan ata ako ng mga tao dito. Wala naman akong magawa kaya sinunod ko naman. Hindi ko nalang sya pinatulan dahil good girl dapat ngayon sabi ni mommy... "Sobrang kalat naman nito?" Tanong ko sa sarili ko. Katapat lng pala nito ang office in Xiance. Pero iba ito sa una kong napasukan noong nag interview ako. Mas maganda kasi ang ngayon kesa nung nakaraan. Makikita ko sya rito dahil salamin lng ulit ang harang nitong office nya pero may side nmn na sementado. Yung harap nya lng talaga. "Apakaraming linisin" Reklamo ko. Pinagbutihan ko ang aking pagtatrabaho. Lahat ng sulok ay nilinis ko. Lahat ng inutos ay ginawa ko. Ititrain rin naman ako at tapos na iyon. Ang kailangan lamang ay tandaan ko ang mga ito at kabisaduhin. Pati ang mga events in Xiance na pupuntahan ngayong buwan at ang mga schedule nya sa araw araw ay nasa akin na. Super nakakapagod ngayong araw, yung binti ko nananakit na kalalakad. Si Xiance paminsan minsan nakikita kung nakatingin sa akin pero umiiwas rin agad. Sa ngayon inaayos ko ang mga naiwang papeles nung dating secretary. Dapat nga ay siya ang nag-tatraining sa akin pero sa kasamaang palad. Apat na araw lamang ang itinagal nito. "5:00 pm na pla" Sabi ko sa sarili ko. Oras na ng uwi ko pero tatapusin ko na muna ang gawain ko. Si Xiance kanina pa nakauwi dahil wala naman na daw siyang gagawin at dahil ayaw nya daw na makita ang pagmumukha ko. Heh! Kung hindi ko lang narinig kanina sa mga empleyado mo na ngayon ka lang pumasok ng maaga ay naniniwala ako sa sasabihin mo ngayonPero ang sakit diba. Sa lahat ng mabuting at masamang ginawa mo para sa kanya. Mas naalala pa niya yung isang beses mong pagkakamali. And know what's worse? Yung iturin ka na parang wala kang nagawang tama.Hindi para sa akin ang ginagawa ko, para ito sa isang taong sobrang importante sa akin. Kaya ngayon mag tatyaga muna ko. Kaya ko to.Maya maya ay umuwi narin ako dahil gabi na at sobrang sakit narin ng paa at binti ko. Success na first day ko. Nagpapasalamat parin ako kay X kahit lagi akong sinusungitan.Better luck nalang for tomorrow."GOOD morning haring araw, good morning para sa bulaklak na daisy, good morning universeee!" Masayang bati ko sa lahat ng madaanan ko.Day off ko na kasi ngayong araw, first day off sa nakakapagod na linggo na yun.O diba ang lupet, kasisimula ko palang nun tas day off ko na agad.So anyway, basta masaya ko ngayon kasi walang mga nakakapagod na gagawin except sa pag-gala ko buong araw.Share ko lang, mag-jojoging ako ngayon eh pero dito lang sa village namin. Nakasuot ako ng malaking damit at saka legging pants lng pinarisan ko narin ng Nike na sapatos.Nakailang ikot rin ako bago tuluyang umuwi sa bahay. Naabutan ko naman si mommy na nagluluto sa kusina kasama yung pinsan kong si Krizha.Yung bunso kong kapatid ayun at pababa palang nang hagdanan. Kaliligo lang ng pabango, paano ba naman kasi hanggang dito sa baba amoy na amoy."Good morning ate ko" Nakangiti na agad na sabi nito."Tanghali na buba," natatawa na pang-aasar ko."Ateeee, Don't called me buba again, I'm not a kid anymor
WALANG nangyaring maganda sakin simula kahapon doon sa cafehan na yun ... Puro malas ang naganap. Akala ko pa naman mag-eenjoy akoUna kasi muntik na ko makasagasa ng matanda dahil occupied yung isip ko dahil sa kanta na yun. Bwesit naman kasi bat pinatugtog pa.Pangalawa naman, noong nagpunta ako sa mall pagyari ng insidente sa cafe, naisip ko na lang na bumili ng paborito kong libro pero noong magbabayad na ko iniwan ko pala sa kotse iyong wallet ko. Medyo napahiya pa ko dahil napurchase na at babayaran ko na lang nga dapat. Pero hinintay naman nila ko na makuha yung wallet ko kaya okay na ko sa part na yun. Medyo nakakahiya nga lang.At pangatlo, bago lumiko sa village namin bigla nalang huminto ang kotse sakay ko tapos ayaw na umandar. At ang nakakabwisit din dun. Naabutan tuloy ako ng gabi sa kalsada dahil late na dumating yung tinawagan kong gagawa.Kaya pagdating sa bahay. Umakyat agad ako sa kwarto ko at naligo. Hindi na rin ako bumaba para kumain ng dinner dahil kumain naman
"Dinner date, Kylie?" natatawang sabi ni Xiance sa akin pero kay Leonel nakaharap."Ah! now I know kung bakit ayaw mo sumama sakin?" sarcastic na sabi nya ulit sakin dahil hindi ako sumagot sa unang tanong nya.Unang una kasi sa lahat ayaw ni Xiance na hindi siya sinasagot sa mga tanong nya. Mabilis siyang magalit pag ganon. Eh ano naman may karapatan naman akong manahimik."Yes, we have a date" mahinahong sabi naman ni Leonel. Nilakihan ko sya ng mata dahil halatang inaasar lng nya si Xiance. Dati pa kasi mainit ang ulo ng lalaking to dito sa kaibigan kong si Lucas, Ewan ko lNg kung anong nangyari."Saka ano ba ginagawa mo dito,eh may date karin naman" pagtataray na sabi ko nlng."None, boring eh" mahinang sabi nya saka lumingin dun kay Ms.hurtstone na mag-isang kumakain sa table nila."Dun ka nalang rin sa table namin ng masaya," sagot pa ulit nito at tumayo na mula sa magulong upo nya."Excuse me?" Pagalit na sabi ko saka ko sya tinaliman ng mata. Tumawa lang naman ang loko."Okay
UMAGANG-UMAGA badtrip na naman itong lalaki na to. Kanina pa ko iniirapan ng boss tapos di ako kinikibo. Like halerr, wala akong pakielam. Kaya tumigil ka dyan. Kung pwede lang iglue ko yung mata niya nagawa ko na. Kaso boss ko parin yan eh baka tanggalin ako sa trabaho pag-ginawa ko yun. Sobrang init ng ulo, pagpasok na pagpasok nahiyawan na lahat ng pumapasok sa office nya. Like mali ginawa, kulang mga details at kung ano ano pang-reklamo. Sabagay wala naman ng kaso yun sa akin. Kasi sa araw araw na nakakasalamuha ko to. Lagi naman talaga mainit iyong ulo nya. Sa taas ah. Naaawa lng ako sa mga pumapasok sa office, wala kasing lumalabas na hindi umiiyak eh. "Can you pick the paper sa marketing department. I need it right now" sabi nya pagbalik galing sa meeting. Hindi na ko nakasama sa kanya dahil sabi nya maiwan na raw ako at baka may mga dumating pa para magpasa ng papel. Buwan ng kasipagan kasi ngayon. Busy ang lahat sa company dahil mag chri-christmas na next next month.
Umagang sobrang busy. Halos ala una na ng umaga nung natulog ako dahil inaayos ko iyong ibang papeles at presentation para sa gagawing meeting with Mr. Hurstone. Maaga rin akong pumasok sakay ng motor ko. Pinili ko nalang ulit magsuot ng black slack and white polo shirt then itinuck-in ko nalang dahil medyo malaki sa akin. Pagkarating sa taas ng floor, inayos ko naman iyong mukha ko. Naglagay lang ako nang powder saka liptint. Ipinony ko naman ng bun itong medyo mahabang buhok ko. Napasinghap pa ako nung umayos na ako sa upuan. Nasa gilid ko na kasi si Xiance at nakatingin ng masinsin sa akin. "Ang ganda mo palagi" saad nito na nagpataas ng dalawa kong kilay.Kahit seryoso ang itsura nya. Nginitian ko naman sya ng pangaasar. Babanatan ko na sana ng salita kaso ay tinalikuran na ko at pumasok na sa office nya. Amp ang pogi. Yan sana sasabihin ko eh. Adi wag ang bango mo. Inayos ko ulit ang mukha ko bago tumayo para pumasok din sa office nya. "Beast" tawag ko sa kanya. Busy siya s
"OH MY GOSH, Kylie! Xiance!" Tawag samin ng mommy ni Xiance pagkapasok namin sa restaurant. Nandito kami sa isang sikat na pasta restaurant. Isa sa mga restaurant na pag-aari nila Grae Patterson. "Tita I miss you so much" Sagot ko pagkadating sa pwesto nila. Tumayo naman sya at bumeso sa akin. Tumayo din ang daddy ni Xiance para batiin at yakapin ako. "Likewise my beautiful inaanak" sagot naman nito. Ipinaghugot naman ako ni Xiance ng bangkuan para makaupo na. Nasa round tables kami dito sa gawing dulo ng restaurant, sa labi ng glass window at tanaw ang buong bayan mula dito. Hindi ko nasabi sa inyo pero nasa gawing bundok din itong isa sa mga resto nila Grae pero mas malaki at mas kilala ang royal restaurant dahil sa sikat na city lights, although maganda rin naman dito. Nasa gawing baba ito ng bundok kumpara sa Royal resto na nasa gawing itaas. Kaya mas maganda ang viewing doon. Humalik at bumati na rin si Xiance sa mga magulang bago umupo sa tabi ko. Sa kanan ko si Xiance at
A lot of meetings, signing of papers and called from a different company and person have finished today.Salitang "pahinga" ang hinahanap ng katawan ko ngayon. Syempre Monday.Maraming gawain, maraming problema.It's been days since that dinner happened. Hanggang ngayon di ako makalimot. Dumagdag pa sa mga isipin ko iyong nangyari. Sa totoo lang ginagawa kong busy ang mga araw na nakalipas para hindi pumasok sa isipan ko iyong nangyari.Yung usapan namin ng mommy niya. Yung about dun sa girl na hinahanap nya nun. At lalo na iyong nangyari samin sa ulanan. Lahat yun gusto ko kalimutan"Hayyyyssst." mahabang sabi ko sabay gulo nang buhok ko. Stress na stress ako today, plus marami pa iyong yayariin namin para sa susunod yung party namn ang problema. Lalong sumasakit ang ulo ko dahil sa mga isipin. "Kylie? Can you check if may email na si Ms. Salutan?" Bumukas iyong pinto ng office nya. At naabutan nya pa ako sa magulong itsura ko. "Are you okay?" tanong ulit nito. Nakakunot na ang
"Mom! Aalis na po ako" malakas na sabi ko kay mommy dahil nagmamadali ako.Hindi ko na nga nahintay iyong reply niya sa akin or kung sumagot ba siya sa sinabi ko.Nakapagrelax naman na ako wag kayong mag-alala. Ilang linggo na ang lumipas noong stress na stress ako.Pero ngayon busy ulit dahil alam nyo naaaa. Sa isang linggo ay party party na tayo. Kailangan ay mayari ko na lahat nang gagawin dahil bukas half day lang ako. Magsesend lang naman ako nang mga invitation bukas. Sa email yung iba pero yung iba ay need isend mismo sa office lalo na sa mga important na visitors. kasama ko naman si Xiance kaya okay lang.Bigyan ko kayo ng chika about sa party. Busy ako pero may time naman magkwento hehe.Masquerade party means lahat naka-mask. Yung sa mata ah, hindi mask na facemask yung pang covid. Black and gold din pala ang theme nya, sinabay ang golden anniversary ng kompanya.Yung invitation syempre black and gold din diba pero ang style nya pang-sosyal HAHAHAHA. Gold ang kulay ng pan
Isang linggo na yung nakalipas simula yung nangyari samin ni Kylie. Hanggang ngayon iwas pa din kami sa isa't isa. No, ako lang pala yung umiiwas. Nahuhuli ko yon lagi na nakatingin sa akin na parang may gustong sabihin pero maya maya din iiwas sya at aalis na. Hanggang ngayon nga hindi ko makalimutan yon eh. Yung kape ko sayang hindi ko pa naiinom. "Tulala~~~" kanta ni Grae sa tabi ko. "Shut up," mahinang sabi ko na lang. Nakatulala nga naman kasi ako dito sa blackboard dahil walang teacher. "Mahal ka nun, wag kang mag-alala~~~" kanta pa nya ulit. Hindibko alam kung san nya napupulot ang lahat ng iyon. Wala na nga sa tono mali mali pa ang lyrics. Inirapan ko nalang dahil dun. "Ikaw? Hindi ka ba minahal kaya ka nagiingay ngayon? " wika ko na nagpatigil sa kanya. "Bat hindi ka mabiro ngayon, Masama bang kumanta" sabi nito saka pumalungbaba sa harapan ko. Nakaupo sya sa desk ng teacher namin sa harapan. Eh nasa harapan din ako ngayon nakaupo. "Si Kylie ba yon saka si Leonel Luc
"I knew it! Hanggang dito ba naman Xiance! " sigaw ni Kylie nung nakita nya ako sa likod ng puno. Nalaman ko kasi kay Kyle na pupunta itong si Kylie kasama ang pinsan nitong si Krizha kila Leonel Lucas dahil may party na gaganapin dun. Nanalo kasi ang grupo nila sa basketball nung nakaraan at ngayong linggo lang icecelebrate. "What are you talking about?" maan-maangan na sabi ko. Nasa mall sila para bumili ng susuotin nila sa friday, sinabihan ko na ai Kylie na huwag ng oumunta dun pero ayaw nya. Napaka pakielamero ko daw. "Sinusundan mo kami. Ano bang problema mo! " Sigaw nito halatang halata ang pagkapikon. "Eh ano din bang problema mo! Bawal ba akong magmall? " sagot ko nalang. Nahuli nya ako na nagtatago dito. Sinusundan ko kasi sila, ewan ko kung bakit. Dapat talaga kay kila Grae ang punta ko pero paglabas ko ng bahay nakita ko na nakagayak si Kylie at paalis na kasama si Krizha. Nacurious ako kaya pumunta ako kila Kylie para magtanong. "Anong bawal! Nararamdaman ko sinusu
"You look like a money with a minion!" Malakas na sigaw ni Kylie sa mukha ko.Malakas naman na nagtawanan yung mga barkada ko dahil sa sinabi nya. Nandito kami kasi sa hallway at naabutan ko si Kylie kaya inaasar ko muna. Saka yang linya na yan kasi ang laging sinasabi nya . Minion ko raw mga barkada ko.Well ako lang naman yung taong kinaiinisan ni Kylie Skyler, and alam nyo naman na yun.At nagsimula ito mong grade 8 kami pero sa susunod na story ko na lang ito babanggitin. Bestfriend naman kami dati eh may umepal lang. Sino nga ulit yon? Leonel Lucas. The ultimate crush ng bayan at crush din ni Kylie. Tumunog na rin naman yung bell kaya nag sipasukan na rin kami sa mga klase namin. Nasa Arcanum University kami nag-aaral, school para sa mga mahihirap at mayayaman kase baata nag exam ka, tyak makakapasok ka. Natapos na rin namn ang araw na ito at ready na rin ako pauwi sa bahay. Pero noong nasa hallway na ako nung school nakita ko si Kylie at Belle hurtstone na naguusap. Si Belle
"Pre. X ,mag-christmas party na naman tayo. Sino date mo sa ball?" tanong ni Grae sa akin.Isa siya sa barkada. Joker din."I don't know, wala nga akong balak umattend eh," mahinahong sagot ko naman, saka umupo sa tabing bintana.Nandito kasi kami sa paboritong tambayan namin. Sa dulong room pero tambakan na ngayon ng mga gamit. High school life eh, alam niyo naman."Luh, pwede ba yun? Alam mo naman na taon-taon ikaw ang prince of the night," sagot namn ni Ashley. May half Korean friend."That's why I don't want to attend" hindi naman yun iyong habol ko dahil graduating na at taon taon ako nga ang nananalo ay nakasawanan ko na. "Tssk, attend na. Mangchiks na lang tayo" Natatawa tawa namang sagot ni Clark Kent. Ayun nga siya ang playboy sa barkada. Sobrang aami niya ng pinaiyak na babae."Si X pa, eh fateful yan sa one and only nya, "sabat ulit ni Grae sabay upo sa tabi ko."Oo nga, saka kawawa naman labado mo, walang date nun" natatawang sabi nya ulit sabay tapik naman sa balikan k
Kasabay ng papalubog nang araw, andito ako mula sa aking bintana. Nakatulala at hawak sa aking paboritong gitara. Kumakanta ng paboritong kanta. Nasa kalagitnaan ako ng aking pagmumuni muni, ng makarinig ako ng tawanan mula sa baba ng aking bintana. Dalawang batang babae na sa tingin ko ay kaedaran ko lamang. Naglalaro sila sa tabi ng aming bahay, sa malawak na bakuran sa kanilang tahanan. "Sila yata yung bagong lipat, " sabi ko sa isip. Binitawan ko ang gitara at lumapit sa tabi ng bintana para matanaw ng ayus yung mga batang babaeng naglalaro. Sa tingin ko baseball yung kanilang ginagawa dahil may hawak yung isang bata nang bola at ibabalibag ito sa isang batang babae. Tuwang tuwa sila sa kanilang ginagawa. Nakakapagod ang pabalik balik na pagkuha ng bola mula sa malayo dahil sa pag palo rito, pero mukhang walang problema para sa isang babae dahil tumatawa naman ito at mukhang nageenjoy naman sila. Mula dito sa bintana ng kwarto ko kahit malayo sa kanila, nakikita kong pawisa
Ilang minuto na pahinga pa ang nangyari bago ko napansin na tumayo na yung emcee sa stage. Natahimik naman ang lahat dahil dun. Hawak ko ang cell phone ko para tignan ang oras. 1:32 am ang nakalagay."Gabi na, tyak na tulog na tulog na ang anak ko" Wika sa sarili. Lahat ng tao ngayon ay nakatingin sa lalaki na nakatayo ngayon sa harap. Pati na din sila Xiance ay tahimik na nakatingin din dun. Lahat ay natataka kung bakit, dahil nagkaroon naman na ng awarding kanina para sa mga empleyado na masipag na deserve magkaaward. Kahit nga ako may meroon din. Kaya nakakataka na tatayo pa ulit sya. Marami pa ding tao pero halos mga dalaga at binata nalang ang nanduduon. Nagsasayawan yung iba sa harap. "Again, good evening everyone! Before we end this party magkakaroon tayo ng last dance para sa gabi na ito! Special dance para sa mga single na lalaki at babae. "Shemayyy!!!" ngayon ko lang naalala. Kagagawan ko ang lahat ng ito. Natahimik at lalong nagtaka ang bawat tao sa loob ng hall. Nagt
Kabado ako habang kumakain kami. Si Ronnie at Sammy andito na din sa upuan namin at nakikipag kwentuhan kay Leonel. Kahit maingay sila ay hindi ko sila masabayan ngayon dahil sa kabang nararamdaman. Kanina pa nga iyon, napapansin na din nung tatlo kaso sinasagot ko naman sila ng okay lang ako at napagod lamang kaiikot kanila. Hinayaan naman nila ako pero time to time tinatanong nila if okay lang ba talaga ako dun. "Kylie?" mahinang tawag ni Leonel sabay subo ng kanin. Tinaas ko nalang ang kilay ko para itanong kung bakit. "Bakla ka, kanina ka pa namin kinakausap" sabi ni Ronnie. "Eh ano ba yun?" sabi ko at umunom ng tubig. "Eh ano ba yun?" ulit na sabi ni Sammy. Ginagaya pa yung boses ko. Saka sila nagtawanang tatlo. "Ito naman ang taray. Sabi namin sumayaw tayo mamaya , kung ano ano kasi iniisip. Che! Hindi ka mahal nun," sabi ulit ni Ronnie. "Ano naman kung hindi ako mahal. Basta ko mahal ko sya! " mataray na sabi ko saka kami nagtawanan. "Masakit pa din yon" biglang sabi ni
Picture dito, picture doon. Puro ilaw ng camera ang makikita sa buong paligid. Bawat papasok at humihinto para makuhanan ng litrato. Kapapasok palang namin sa loob ng building kung saan ginanap itong party. Escort ko ngayon si Leonel Lucas, invited din kasi siya dito sa anniversary ng companya. Pag pasok sa loob wala pa halos mga tao dahil pinili ko talagang maagang pumunta para icheck ang mga tao rito. Kahit kasi may organizer naman ay gusto ko parin makita kung ayos ba ang lahat.Kahihiyan din kasi sa kompanya kung magkakaroon ng problema dito lalo na at kilala ang kompanya nila Xiance hindi lamang sa pilipinas pati nadin sa ibang bansa.Gold and black ang theme. Sa entrance palang ay may madadaan kang mga naglalakihang bulalak ng rose na kinulayan ng gold at meroon ding mga naglalakihang dahon na kulay black. May mga glitters din ito para angat ang ganda papasok palang sa kompanya. Ang red carpet sa gitna ay malinis na malinis pa. Wala pang mga bakat ng sapatos at sandals sa daan
"Morning mommy!" Masayang bati ng isa sa pinaka-mahal kong tao sa buong mundo."Good morning baby ko" nakapikit pang bati ko.Sobrang saya ng feeling ko ngayon. Yung ilang buwang pagod at hirap ko biglang nawala lahat nung narinig ko ang boses niya kahapon. Yung boses nya na malambing sa airport nung tinawag at niyakap niya ako.Wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak at sabihin na miss na miss ko na sya. Ganon din naman sya kahapon. Lalo na daw nung bumababa palang sa eroplano. Iyak daw ito ng iyak. "Nakaluto na si nanay, mommy. Please wake up na" nakangusong sabi nito. May accent pang sabi. Marunong siyang mag-tagalog pero hindi lahat. Mas okay siya sa english at spanish dahil dun siya lumaki sa spain at iyon ang kinalakihan nya. Nagtatagalog lamang kami ni Ellin at may iba pang pilipino na nakilala dun. Ang kalahati ng katawan ay nakahiga sa kama namin at ang kalahati ay nakalapag sa sahig. Ang mahabang kulay brown na buhok ay nakapony na ng tirintas. Siguro ay gising na si Kri