"GOOD morning haring araw, good morning para sa bulaklak na daisy, good morning universeee!" Masayang bati ko sa lahat ng madaanan ko.
Day off ko na kasi ngayong araw, first day off sa nakakapagod na linggo na yun.O diba ang lupet, kasisimula ko palang nun tas day off ko na agad.So anyway, basta masaya ko ngayon kasi walang mga nakakapagod na gagawin except sa pag-gala ko buong araw.Share ko lang, mag-jojoging ako ngayon eh pero dito lang sa village namin. Nakasuot ako ng malaking damit at saka legging pants lng pinarisan ko narin ng Nike na sapatos.Nakailang ikot rin ako bago tuluyang umuwi sa bahay. Naabutan ko naman si mommy na nagluluto sa kusina kasama yung pinsan kong si Krizha.Yung bunso kong kapatid ayun at pababa palang nang hagdanan. Kaliligo lang ng pabango, paano ba naman kasi hanggang dito sa baba amoy na amoy."Good morning ate ko" Nakangiti na agad na sabi nito."Tanghali na buba," natatawa na pang-aasar ko."Ateeee, Don't called me buba again, I'm not a kid anymore. Nakakahiya naman sa mga taong nakakarinig nyan," simangot na sabi nya.Natawa naman ako sa katwiran nya. Grabe nga naman kasi ilang taon lang akong wala rito sa bahay tas pag uwi ko malaki na baby brother ko, hindi na sya buba... Muscle na kasi ang katawan nya.Tinatawag lang namin siyang buba dahil mataba siya noong bata halos nagkukulay pink yung balat din nya Pag naaarawan dahil maputi."Ma, aalis pala ko mamaya may nakita akong house cafe dyan sa kabilang village eh!" Sabi ko bago umakyat at maligo.Dala-dala ko iyong laptop ko at ibang gamit, ma-papalipas muna ako ng oras sa kapehan na nakita ko.Hindi naman kalayuan ito sa bahay namin pero gumamit na rin ako ng sasakyan para mabilis makapunta ron.Sasama sana sa akin si Krizha pero iniwan ko na . Bweset na ko kung bweset pero ayoko talaga sa maingay. Super duper ingay pa naman nun."Isang maingay na boses lang ang tatanggapin ko. Namimiss ko na yung boses nya," naiiyak na sabi nya sa isip. Di pa ko pumapasok nakikita ko na agad na wala naman masyadong tao kaya alam kung mag enjoy talaga ako rito.Puro brown nakikita ko, halos mga old paintings at mga libro rin karamihan ang mga makikita mong nakadisplay dito.Sobrang tahimik ang sarap sa ears, sa bahay kasi puro pagtatalo ni Kyle at Krizha maririnig mo eh.Oh speaking of tahimik... Ano yun bat parang nakikita ko si Xiance sa gawing dulo. Pumikit pikit pa ko ng ilang beses para makumpirma ko. At totoo nga, yung monster boss ko andito...Hindi lang siya at kasama pa niya yung mga minions nya. Akalain mo yun, nagkikita-kita pa pala yung mga to.Akala ko matatahimik na ko ngayong araw lord hindi pa pala."Ohh Kylie Skyler!" Tawag sakin nung isa sa kaibigan nya. Paalis na sana ko tinawag pa. Mga slapsoil talaga.Napipilitan tuloy akong humarap at ngumiti sa kanila. "Oh Grae Jefferson, kayo pala!" Tipid na ngiti ko ulit.Napatingin sila sabay sabay kay Xiance at saka sakin ulit. Yung boss ko naman ayun at poker face parin, umiinom ng kape."No time, no see. Kamusta ang Spain?" Tanong naman ni Ashley, isa sa barkada nya."Ahh adi ayun Spain parin hehe" pilosopong sabi ko nalang.Ang lalakas mag-si tawa, pinag-titinginan tuloy kami."Kamiss naman si tomboy, diba tol!" Sabi naman ni Clark sabay tapik kay Xiance na medyo nasamid pa sa pag-inom."Shut up bro" Sabi nito sabay tingin nang masama sa kaibigan.Nag-tawanan naman yung ibang kaibigan nya."Gusto ko sana manahimik eh, kaso wag na lang dito," maraming aso. Bulong ko pa"...so babush na, Ingat kayo lagi," kaway-kaway pang sabi ko."Wait guys, did you see a monkey posted on my poster, when we are in senior high school?" Biglang sabi ni X kaya napahinto ako sa paglalakad paalis.Mga nag-tataka namang nag-tinginan iyong mga barkada nya.Bigla naman niya ipinakita iyong cellphone nya.Nagulat ako nung sarili ko iyong nakita ko. Nene days pa itsura ko, may bangs na mahaba pero nasa gilid lng.Wow, akala ko ba wala ng balikan sa past. Anong gusto mangyari nito. Bigla naman nag-tawanan iyong mga minions niya dahil sa nakita. Picture ko kasi iyon tas ang nasa likod ko si X poster nya. Members pa kasi sila ng banda noong high school tapos nagpicture ako.Hindi ko naman alam na itinabi niya yun para mang asar. Kajeje ko talaga nun, hindi naman na ngayon.I change for the better. "Oh look, there's a monkey posted on my picture, what a nice animal" Comment nya pa ulit."Syempre ang cute kaya ng tarsier napa post tuloy ang unggoy. That's called love," balik na sagot ko naman sa kanya."Hell you!" Inis na turo niya sa akin dahil pikunin sya. Naunang mangasar tapos pikon naman. Buti na lang hindi namana. "Oh hello yun Xiance at hindi hell you," natatawang sabi ko. "HAYST...What's the problem with you! Nauntog ka ba sa pader para maging ganyan ka," sabat ulit nya "Owwwsss boss ko, ang problema ko ay ikaw. Ikaw kaya nag-umpisa. Nananahimik ako ah" medyo inis ng sabi ko… medyo lang talaga."Over my head and muscular body no, kung di ka dumating ayus lng yung araw namin!" Sabi naman nya ulit. "Iba din ang kapal ng mukha mo noh. Pagkatapos mo ilabas ang picture ko na yan ikaw pa may ganang magalit. What a nice animal!" sabi di na nakapagpigil. "Kahit ihiyaw mo pa sa buong univers wala akong pakialam," sabi ko ulit dahil hihiyaw na naman sya. At dahil nga po nasa loob kami ng cafeteria dito sa village, lahat ng tao sa loob samin nakatingin at natatawa."Bat ba ang daldal mo" Inis na sagot niya ulit."Maganda kase ko," sabi ko sabay flip ng hair kong maikli."Hindi, ang panget mo" sabi naman nya."Uhmmp, panget man ako sa iyong paningin sure akong naakit karin" natatawa na sabi ko na nagpapatawa sa barkada nya."Wake up Kylie, walang nakaka-akit sayo!" Sabi naman sabay head to foot sa akin. "Hayysstt talking nonsense thing with you is not good for my health," sabi nya sabay umiiling kunyari. "Ang harsh mo naman boss ko mali yan, dapat an encounter with lie-lie a day keeps the doctors away," pacute pang sabi ko. "An encounter with you a day will give me hypertension every day," naaasar na wika nya. Nagtatawanan naman lahat ng tao rito sa loob ng cafe-area. "Di mo naman sinabing macholesterol pala ko, " natatawa na umoorder ng sabi ko.Kailangan ko ng kape, baka maubusan ako ng pasensya dito kay X.Lahat ng barkada nya ay inaasar sya sa table nila. Lumayo na kasi ako dun dahil stress na ko sa sagutan namin."Madapa ka sana" Sabi ko sa kanya nung nakita kong paalis na sila "You wish monke ---aray!" Natisod sya sa bangko ng cafearea. Sobra naman ang tawa ko dahil dun. "Iba na ang mundo ngayon, digital na rin ang karma" nauna akong lumakad sa kanila nang tatawa tawa. Inunahan naman nya ko ulit. Kaya ang ending nag-uunahan kami palabas sa pinto. "Parang mga bata," wika ng isang customer sabay tawa. "Uhm, I know that. And I'm your karma. Always remember that," sabi pa nya. "Wow scary" Natatawang sabi ko at di parin sya pinauuna sa paglabas. "yeah right matakot ka talaga" sabi naman nya. "Alam mong love na love ko ang challenges and for me, you are a challenge," sabi ko ulit. "At mananatili naman akong nightmare mo!" Namumula na niyang sabi. Mauuna na sana ako sa paglabas ng makarinig ako ng familliar na kanta. Nahinto rin naman sya sa pakikipag unahan sa akin. ❄I like you so much, you'll know it By: Ysabelle Cuevas❄.Kanta mula sa speaker nitong cafeteria na ito. "Your right digital nga ang karma... Musical pa HAHAHAHAHAHA" Sabi nya sabay alis sa harap ko. Nahinto ako roon... Bumalik yung sakit mga Par. "Ayus ah. Better luck next time Kylie HAHAHAHA" nag-tawanan naman yung mga nasa loob na chismosa na kanina pa nakikinig sa amin dahil sa sinabi ni Grae.Grabe malas bat kasi ngayon pa pinapatugtog yun.nakakahiya Sira na rin araw...huhuhuhu ko mga slapsoil talaga silaaaa...WALANG nangyaring maganda sakin simula kahapon doon sa cafehan na yun ... Puro malas ang naganap. Akala ko pa naman mag-eenjoy akoUna kasi muntik na ko makasagasa ng matanda dahil occupied yung isip ko dahil sa kanta na yun. Bwesit naman kasi bat pinatugtog pa.Pangalawa naman, noong nagpunta ako sa mall pagyari ng insidente sa cafe, naisip ko na lang na bumili ng paborito kong libro pero noong magbabayad na ko iniwan ko pala sa kotse iyong wallet ko. Medyo napahiya pa ko dahil napurchase na at babayaran ko na lang nga dapat. Pero hinintay naman nila ko na makuha yung wallet ko kaya okay na ko sa part na yun. Medyo nakakahiya nga lang.At pangatlo, bago lumiko sa village namin bigla nalang huminto ang kotse sakay ko tapos ayaw na umandar. At ang nakakabwisit din dun. Naabutan tuloy ako ng gabi sa kalsada dahil late na dumating yung tinawagan kong gagawa.Kaya pagdating sa bahay. Umakyat agad ako sa kwarto ko at naligo. Hindi na rin ako bumaba para kumain ng dinner dahil kumain naman
"Dinner date, Kylie?" natatawang sabi ni Xiance sa akin pero kay Leonel nakaharap."Ah! now I know kung bakit ayaw mo sumama sakin?" sarcastic na sabi nya ulit sakin dahil hindi ako sumagot sa unang tanong nya.Unang una kasi sa lahat ayaw ni Xiance na hindi siya sinasagot sa mga tanong nya. Mabilis siyang magalit pag ganon. Eh ano naman may karapatan naman akong manahimik."Yes, we have a date" mahinahong sabi naman ni Leonel. Nilakihan ko sya ng mata dahil halatang inaasar lng nya si Xiance. Dati pa kasi mainit ang ulo ng lalaking to dito sa kaibigan kong si Lucas, Ewan ko lNg kung anong nangyari."Saka ano ba ginagawa mo dito,eh may date karin naman" pagtataray na sabi ko nlng."None, boring eh" mahinang sabi nya saka lumingin dun kay Ms.hurtstone na mag-isang kumakain sa table nila."Dun ka nalang rin sa table namin ng masaya," sagot pa ulit nito at tumayo na mula sa magulong upo nya."Excuse me?" Pagalit na sabi ko saka ko sya tinaliman ng mata. Tumawa lang naman ang loko."Okay
UMAGANG-UMAGA badtrip na naman itong lalaki na to. Kanina pa ko iniirapan ng boss tapos di ako kinikibo. Like halerr, wala akong pakielam. Kaya tumigil ka dyan. Kung pwede lang iglue ko yung mata niya nagawa ko na. Kaso boss ko parin yan eh baka tanggalin ako sa trabaho pag-ginawa ko yun. Sobrang init ng ulo, pagpasok na pagpasok nahiyawan na lahat ng pumapasok sa office nya. Like mali ginawa, kulang mga details at kung ano ano pang-reklamo. Sabagay wala naman ng kaso yun sa akin. Kasi sa araw araw na nakakasalamuha ko to. Lagi naman talaga mainit iyong ulo nya. Sa taas ah. Naaawa lng ako sa mga pumapasok sa office, wala kasing lumalabas na hindi umiiyak eh. "Can you pick the paper sa marketing department. I need it right now" sabi nya pagbalik galing sa meeting. Hindi na ko nakasama sa kanya dahil sabi nya maiwan na raw ako at baka may mga dumating pa para magpasa ng papel. Buwan ng kasipagan kasi ngayon. Busy ang lahat sa company dahil mag chri-christmas na next next month.
Umagang sobrang busy. Halos ala una na ng umaga nung natulog ako dahil inaayos ko iyong ibang papeles at presentation para sa gagawing meeting with Mr. Hurstone. Maaga rin akong pumasok sakay ng motor ko. Pinili ko nalang ulit magsuot ng black slack and white polo shirt then itinuck-in ko nalang dahil medyo malaki sa akin. Pagkarating sa taas ng floor, inayos ko naman iyong mukha ko. Naglagay lang ako nang powder saka liptint. Ipinony ko naman ng bun itong medyo mahabang buhok ko. Napasinghap pa ako nung umayos na ako sa upuan. Nasa gilid ko na kasi si Xiance at nakatingin ng masinsin sa akin. "Ang ganda mo palagi" saad nito na nagpataas ng dalawa kong kilay.Kahit seryoso ang itsura nya. Nginitian ko naman sya ng pangaasar. Babanatan ko na sana ng salita kaso ay tinalikuran na ko at pumasok na sa office nya. Amp ang pogi. Yan sana sasabihin ko eh. Adi wag ang bango mo. Inayos ko ulit ang mukha ko bago tumayo para pumasok din sa office nya. "Beast" tawag ko sa kanya. Busy siya s
"OH MY GOSH, Kylie! Xiance!" Tawag samin ng mommy ni Xiance pagkapasok namin sa restaurant. Nandito kami sa isang sikat na pasta restaurant. Isa sa mga restaurant na pag-aari nila Grae Patterson. "Tita I miss you so much" Sagot ko pagkadating sa pwesto nila. Tumayo naman sya at bumeso sa akin. Tumayo din ang daddy ni Xiance para batiin at yakapin ako. "Likewise my beautiful inaanak" sagot naman nito. Ipinaghugot naman ako ni Xiance ng bangkuan para makaupo na. Nasa round tables kami dito sa gawing dulo ng restaurant, sa labi ng glass window at tanaw ang buong bayan mula dito. Hindi ko nasabi sa inyo pero nasa gawing bundok din itong isa sa mga resto nila Grae pero mas malaki at mas kilala ang royal restaurant dahil sa sikat na city lights, although maganda rin naman dito. Nasa gawing baba ito ng bundok kumpara sa Royal resto na nasa gawing itaas. Kaya mas maganda ang viewing doon. Humalik at bumati na rin si Xiance sa mga magulang bago umupo sa tabi ko. Sa kanan ko si Xiance at
A lot of meetings, signing of papers and called from a different company and person have finished today.Salitang "pahinga" ang hinahanap ng katawan ko ngayon. Syempre Monday.Maraming gawain, maraming problema.It's been days since that dinner happened. Hanggang ngayon di ako makalimot. Dumagdag pa sa mga isipin ko iyong nangyari. Sa totoo lang ginagawa kong busy ang mga araw na nakalipas para hindi pumasok sa isipan ko iyong nangyari.Yung usapan namin ng mommy niya. Yung about dun sa girl na hinahanap nya nun. At lalo na iyong nangyari samin sa ulanan. Lahat yun gusto ko kalimutan"Hayyyyssst." mahabang sabi ko sabay gulo nang buhok ko. Stress na stress ako today, plus marami pa iyong yayariin namin para sa susunod yung party namn ang problema. Lalong sumasakit ang ulo ko dahil sa mga isipin. "Kylie? Can you check if may email na si Ms. Salutan?" Bumukas iyong pinto ng office nya. At naabutan nya pa ako sa magulong itsura ko. "Are you okay?" tanong ulit nito. Nakakunot na ang
"Mom! Aalis na po ako" malakas na sabi ko kay mommy dahil nagmamadali ako.Hindi ko na nga nahintay iyong reply niya sa akin or kung sumagot ba siya sa sinabi ko.Nakapagrelax naman na ako wag kayong mag-alala. Ilang linggo na ang lumipas noong stress na stress ako.Pero ngayon busy ulit dahil alam nyo naaaa. Sa isang linggo ay party party na tayo. Kailangan ay mayari ko na lahat nang gagawin dahil bukas half day lang ako. Magsesend lang naman ako nang mga invitation bukas. Sa email yung iba pero yung iba ay need isend mismo sa office lalo na sa mga important na visitors. kasama ko naman si Xiance kaya okay lang.Bigyan ko kayo ng chika about sa party. Busy ako pero may time naman magkwento hehe.Masquerade party means lahat naka-mask. Yung sa mata ah, hindi mask na facemask yung pang covid. Black and gold din pala ang theme nya, sinabay ang golden anniversary ng kompanya.Yung invitation syempre black and gold din diba pero ang style nya pang-sosyal HAHAHAHA. Gold ang kulay ng pan
"Morning mommy!" Masayang bati ng isa sa pinaka-mahal kong tao sa buong mundo."Good morning baby ko" nakapikit pang bati ko.Sobrang saya ng feeling ko ngayon. Yung ilang buwang pagod at hirap ko biglang nawala lahat nung narinig ko ang boses niya kahapon. Yung boses nya na malambing sa airport nung tinawag at niyakap niya ako.Wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak at sabihin na miss na miss ko na sya. Ganon din naman sya kahapon. Lalo na daw nung bumababa palang sa eroplano. Iyak daw ito ng iyak. "Nakaluto na si nanay, mommy. Please wake up na" nakangusong sabi nito. May accent pang sabi. Marunong siyang mag-tagalog pero hindi lahat. Mas okay siya sa english at spanish dahil dun siya lumaki sa spain at iyon ang kinalakihan nya. Nagtatagalog lamang kami ni Ellin at may iba pang pilipino na nakilala dun. Ang kalahati ng katawan ay nakahiga sa kama namin at ang kalahati ay nakalapag sa sahig. Ang mahabang kulay brown na buhok ay nakapony na ng tirintas. Siguro ay gising na si Kri
Isang linggo na yung nakalipas simula yung nangyari samin ni Kylie. Hanggang ngayon iwas pa din kami sa isa't isa. No, ako lang pala yung umiiwas. Nahuhuli ko yon lagi na nakatingin sa akin na parang may gustong sabihin pero maya maya din iiwas sya at aalis na. Hanggang ngayon nga hindi ko makalimutan yon eh. Yung kape ko sayang hindi ko pa naiinom. "Tulala~~~" kanta ni Grae sa tabi ko. "Shut up," mahinang sabi ko na lang. Nakatulala nga naman kasi ako dito sa blackboard dahil walang teacher. "Mahal ka nun, wag kang mag-alala~~~" kanta pa nya ulit. Hindibko alam kung san nya napupulot ang lahat ng iyon. Wala na nga sa tono mali mali pa ang lyrics. Inirapan ko nalang dahil dun. "Ikaw? Hindi ka ba minahal kaya ka nagiingay ngayon? " wika ko na nagpatigil sa kanya. "Bat hindi ka mabiro ngayon, Masama bang kumanta" sabi nito saka pumalungbaba sa harapan ko. Nakaupo sya sa desk ng teacher namin sa harapan. Eh nasa harapan din ako ngayon nakaupo. "Si Kylie ba yon saka si Leonel Luc
"I knew it! Hanggang dito ba naman Xiance! " sigaw ni Kylie nung nakita nya ako sa likod ng puno. Nalaman ko kasi kay Kyle na pupunta itong si Kylie kasama ang pinsan nitong si Krizha kila Leonel Lucas dahil may party na gaganapin dun. Nanalo kasi ang grupo nila sa basketball nung nakaraan at ngayong linggo lang icecelebrate. "What are you talking about?" maan-maangan na sabi ko. Nasa mall sila para bumili ng susuotin nila sa friday, sinabihan ko na ai Kylie na huwag ng oumunta dun pero ayaw nya. Napaka pakielamero ko daw. "Sinusundan mo kami. Ano bang problema mo! " Sigaw nito halatang halata ang pagkapikon. "Eh ano din bang problema mo! Bawal ba akong magmall? " sagot ko nalang. Nahuli nya ako na nagtatago dito. Sinusundan ko kasi sila, ewan ko kung bakit. Dapat talaga kay kila Grae ang punta ko pero paglabas ko ng bahay nakita ko na nakagayak si Kylie at paalis na kasama si Krizha. Nacurious ako kaya pumunta ako kila Kylie para magtanong. "Anong bawal! Nararamdaman ko sinusu
"You look like a money with a minion!" Malakas na sigaw ni Kylie sa mukha ko.Malakas naman na nagtawanan yung mga barkada ko dahil sa sinabi nya. Nandito kami kasi sa hallway at naabutan ko si Kylie kaya inaasar ko muna. Saka yang linya na yan kasi ang laging sinasabi nya . Minion ko raw mga barkada ko.Well ako lang naman yung taong kinaiinisan ni Kylie Skyler, and alam nyo naman na yun.At nagsimula ito mong grade 8 kami pero sa susunod na story ko na lang ito babanggitin. Bestfriend naman kami dati eh may umepal lang. Sino nga ulit yon? Leonel Lucas. The ultimate crush ng bayan at crush din ni Kylie. Tumunog na rin naman yung bell kaya nag sipasukan na rin kami sa mga klase namin. Nasa Arcanum University kami nag-aaral, school para sa mga mahihirap at mayayaman kase baata nag exam ka, tyak makakapasok ka. Natapos na rin namn ang araw na ito at ready na rin ako pauwi sa bahay. Pero noong nasa hallway na ako nung school nakita ko si Kylie at Belle hurtstone na naguusap. Si Belle
"Pre. X ,mag-christmas party na naman tayo. Sino date mo sa ball?" tanong ni Grae sa akin.Isa siya sa barkada. Joker din."I don't know, wala nga akong balak umattend eh," mahinahong sagot ko naman, saka umupo sa tabing bintana.Nandito kasi kami sa paboritong tambayan namin. Sa dulong room pero tambakan na ngayon ng mga gamit. High school life eh, alam niyo naman."Luh, pwede ba yun? Alam mo naman na taon-taon ikaw ang prince of the night," sagot namn ni Ashley. May half Korean friend."That's why I don't want to attend" hindi naman yun iyong habol ko dahil graduating na at taon taon ako nga ang nananalo ay nakasawanan ko na. "Tssk, attend na. Mangchiks na lang tayo" Natatawa tawa namang sagot ni Clark Kent. Ayun nga siya ang playboy sa barkada. Sobrang aami niya ng pinaiyak na babae."Si X pa, eh fateful yan sa one and only nya, "sabat ulit ni Grae sabay upo sa tabi ko."Oo nga, saka kawawa naman labado mo, walang date nun" natatawang sabi nya ulit sabay tapik naman sa balikan k
Kasabay ng papalubog nang araw, andito ako mula sa aking bintana. Nakatulala at hawak sa aking paboritong gitara. Kumakanta ng paboritong kanta. Nasa kalagitnaan ako ng aking pagmumuni muni, ng makarinig ako ng tawanan mula sa baba ng aking bintana. Dalawang batang babae na sa tingin ko ay kaedaran ko lamang. Naglalaro sila sa tabi ng aming bahay, sa malawak na bakuran sa kanilang tahanan. "Sila yata yung bagong lipat, " sabi ko sa isip. Binitawan ko ang gitara at lumapit sa tabi ng bintana para matanaw ng ayus yung mga batang babaeng naglalaro. Sa tingin ko baseball yung kanilang ginagawa dahil may hawak yung isang bata nang bola at ibabalibag ito sa isang batang babae. Tuwang tuwa sila sa kanilang ginagawa. Nakakapagod ang pabalik balik na pagkuha ng bola mula sa malayo dahil sa pag palo rito, pero mukhang walang problema para sa isang babae dahil tumatawa naman ito at mukhang nageenjoy naman sila. Mula dito sa bintana ng kwarto ko kahit malayo sa kanila, nakikita kong pawisa
Ilang minuto na pahinga pa ang nangyari bago ko napansin na tumayo na yung emcee sa stage. Natahimik naman ang lahat dahil dun. Hawak ko ang cell phone ko para tignan ang oras. 1:32 am ang nakalagay."Gabi na, tyak na tulog na tulog na ang anak ko" Wika sa sarili. Lahat ng tao ngayon ay nakatingin sa lalaki na nakatayo ngayon sa harap. Pati na din sila Xiance ay tahimik na nakatingin din dun. Lahat ay natataka kung bakit, dahil nagkaroon naman na ng awarding kanina para sa mga empleyado na masipag na deserve magkaaward. Kahit nga ako may meroon din. Kaya nakakataka na tatayo pa ulit sya. Marami pa ding tao pero halos mga dalaga at binata nalang ang nanduduon. Nagsasayawan yung iba sa harap. "Again, good evening everyone! Before we end this party magkakaroon tayo ng last dance para sa gabi na ito! Special dance para sa mga single na lalaki at babae. "Shemayyy!!!" ngayon ko lang naalala. Kagagawan ko ang lahat ng ito. Natahimik at lalong nagtaka ang bawat tao sa loob ng hall. Nagt
Kabado ako habang kumakain kami. Si Ronnie at Sammy andito na din sa upuan namin at nakikipag kwentuhan kay Leonel. Kahit maingay sila ay hindi ko sila masabayan ngayon dahil sa kabang nararamdaman. Kanina pa nga iyon, napapansin na din nung tatlo kaso sinasagot ko naman sila ng okay lang ako at napagod lamang kaiikot kanila. Hinayaan naman nila ako pero time to time tinatanong nila if okay lang ba talaga ako dun. "Kylie?" mahinang tawag ni Leonel sabay subo ng kanin. Tinaas ko nalang ang kilay ko para itanong kung bakit. "Bakla ka, kanina ka pa namin kinakausap" sabi ni Ronnie. "Eh ano ba yun?" sabi ko at umunom ng tubig. "Eh ano ba yun?" ulit na sabi ni Sammy. Ginagaya pa yung boses ko. Saka sila nagtawanang tatlo. "Ito naman ang taray. Sabi namin sumayaw tayo mamaya , kung ano ano kasi iniisip. Che! Hindi ka mahal nun," sabi ulit ni Ronnie. "Ano naman kung hindi ako mahal. Basta ko mahal ko sya! " mataray na sabi ko saka kami nagtawanan. "Masakit pa din yon" biglang sabi ni
Picture dito, picture doon. Puro ilaw ng camera ang makikita sa buong paligid. Bawat papasok at humihinto para makuhanan ng litrato. Kapapasok palang namin sa loob ng building kung saan ginanap itong party. Escort ko ngayon si Leonel Lucas, invited din kasi siya dito sa anniversary ng companya. Pag pasok sa loob wala pa halos mga tao dahil pinili ko talagang maagang pumunta para icheck ang mga tao rito. Kahit kasi may organizer naman ay gusto ko parin makita kung ayos ba ang lahat.Kahihiyan din kasi sa kompanya kung magkakaroon ng problema dito lalo na at kilala ang kompanya nila Xiance hindi lamang sa pilipinas pati nadin sa ibang bansa.Gold and black ang theme. Sa entrance palang ay may madadaan kang mga naglalakihang bulalak ng rose na kinulayan ng gold at meroon ding mga naglalakihang dahon na kulay black. May mga glitters din ito para angat ang ganda papasok palang sa kompanya. Ang red carpet sa gitna ay malinis na malinis pa. Wala pang mga bakat ng sapatos at sandals sa daan
"Morning mommy!" Masayang bati ng isa sa pinaka-mahal kong tao sa buong mundo."Good morning baby ko" nakapikit pang bati ko.Sobrang saya ng feeling ko ngayon. Yung ilang buwang pagod at hirap ko biglang nawala lahat nung narinig ko ang boses niya kahapon. Yung boses nya na malambing sa airport nung tinawag at niyakap niya ako.Wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak at sabihin na miss na miss ko na sya. Ganon din naman sya kahapon. Lalo na daw nung bumababa palang sa eroplano. Iyak daw ito ng iyak. "Nakaluto na si nanay, mommy. Please wake up na" nakangusong sabi nito. May accent pang sabi. Marunong siyang mag-tagalog pero hindi lahat. Mas okay siya sa english at spanish dahil dun siya lumaki sa spain at iyon ang kinalakihan nya. Nagtatagalog lamang kami ni Ellin at may iba pang pilipino na nakilala dun. Ang kalahati ng katawan ay nakahiga sa kama namin at ang kalahati ay nakalapag sa sahig. Ang mahabang kulay brown na buhok ay nakapony na ng tirintas. Siguro ay gising na si Kri