Chapter 34.2
Hinahain ko na ang mga pagkain sa mesa nang bigla na lang bumaba si Lauren sa upuan at tumakbo palabas ng bahay.
"Grandpa!" Rinig kong sigaw niya mula sa labas. Hindi ko na narinig ang iba pa niyang sinabi dahil humina na ang boses niya.
Maya-maya pa ay pumasok na silang dalawa sa kusina. Tanging masiglang boses lang ni Lauren ang naririnig ko.
"Yes! We'll play with my dolls today! Do you want to join us Grandpa? It will be so much fun! I'll let you borrow Wendy," saad ni Lauren. Si Wendy ay isa sa mga manikang pinangalanan niya.
Sasagot na sana si Daddy sa kaniya nang makita niya akong nakatingin sa kanilang dalawa. Umiwas siya ng tingin at umiling kay Lauren. Bumagsak naman ang mga balikat ni Lauren at napasimangot. Akala ko iiyak na siya pero gano'n
Chapter 35.1Have you ever felt so guilty that it's choking you up? I closed my eyes as I saw Lauren being gloomy today. She's not the usual talkative and jolly Lauren I raised. After that talked the other day, she seems different now. Even if how many times she tried to be cheerful, her eyes says otherwise."What happened to her?"Napamulat ako ng mata at napatingin sa gilid ko. Nakita kong nakatayo si Daddy habang nasa malayo ang paningin na hula ko ay sa kinaroroonan ni Lauren ngayon. Napaiwas ako ng tingin at lumingon sa direksyon ni Lauren. She's playing with her dolls outside our house."Uh... She asked about her father..." Napalunok ako. "And then she told me she'll never ask about him anymore. I never thought she'd act this way."Narinig kong huminga siya ng malalim
Chapter 35.2Kinabukasan, maaga akong naggising para magtrabaho. Tulog pa si Lauren nang maggising ako. Dumating kagabi ang tagabantay niya kaya hindi ko na kailangang hintayin pa ang pagdating niya.Nagluto muna ako ng agahan bago inasikaso ang sarili. Nagsout ako ng uniporme ng resort na pinapasukan ko ngayon. Hindi ko aakalaing isa sa mga branch ng pinuntahan namin noon ang pagtatrabahuan ko ngayon."Edna?" Tawag pansin ko sa dalawampu't anim na taong gulang na payat na babae. Kasalukuyan siyang nasa kwarto na nakalaan para sa kaniya.Ngumiti ako sa kaniya, "Ikaw na ang bahala kay Lauren, okay?""Sure! Ako na ang bahala sa kaniya, huwag kang mag-alala," sagot niya na nagpanatag sa akin.Medyo madilim pa no'ng umalis ako sa bahay kaya saktong lu
Chapter 36.1Days before the event, we both practice. Lauren really has a great voice, it's very soothing and sweet. I smiled while looking at her emotionally singing the song she choose. I've already heard this song before but I didn't really care and now that my Lauren's singing it, I wanna hear more of it."Mommy..."Napalingon ako kay Lauren nang tawagin niya ang pangalan ko. Dahil sa kakatitig ko sa kaniya ay hindi ko namalayang hindi na pala siya kumakanta at nakalapit na siya sa akin."What is it, hm?"Kinuha ko ang puting tuwalya sa gilid ko at pinunasan ang mukha hanggang sa leeg niya."My teacher told me that we should be there early in the morning," saad niya at uminom ng tubig sa pink niyang tumbler.
Chapter 36.2Our most awaited day finally came, the family day event at Lauren's school. Maaga pa lang ay gising na si Lauren at kahit madilim pa sa labas ay ginising na niya ako."Mommy! Come on!"Huminga muna ako ng malalim bago bumangon at umupo nang maayos. Nakita ko si Lauren na nakatayo sa paanan ng kama ko, mukhang bagong ligo pa siya at sout ang pink niyang roba.Basa pa ang buhok niya at halatang kakagaling lang sa banyo. Ngumiti ako sa kaniya at ibinuka ang mga braso para sa isang yakap.Ngumiti siya, kaagad na sumampa sa kama at dinaganan ako para sa isang yakap. Natawa ako at agad ding napangiwi nang mapatakan ng kunting tubig galing sa buhok niya ang braso ko at mga mata ko."Your hair is still wet honey," saad ko. "You're excited huh
Chapter 37.1Pagkabalik namin sa gym, marami na ang mga tao at maingay na rin. Nakita kong tuwang-tuwa si Lauren dahil sa mga nakikita niya sa paligid. Napangiti rin ako at tuluyan na kaming pumunta sa mga bleachers na nasa gilid kung saan nakaupo ang mga pamilyang may kaparehong kulay ng sout naming t-shirt."Hi!" Rinig kong bati ni Lauren sa mga kaklase niya. Nang nagsimulang makipag-usap si Lauren sa mga kaklase niya, ngumiti naman ako sa mga magulang na kasama nila.Matapos kong bumati sa kanila ay umupo na ako sa nasa likod na bleachers ng kinauupuan nila. Hinayaan ko naman si Lauren na umupo katabi ang mga kaklase niya.Pinanood ko lang siya habang tuwa-tuwang kausap ang mga kaklase niya. Napapangiti ako sa tuwing tatawa siya at kumikinang ang mga mata dahil sa saya.Nawala ang ate
Chapter 37.2Tumango naman ako, "Oo, gustong sumali ni Lauren eh," sagot ko."Aecil wants to join too!" Excited na saad niya. Mukhang mas excited pa siya kesa sa anak niya.Maya-maya pa ay narinig na namin ang emcee."Okay. Go to the starting line, please," anunsyo ng emcee. Umayos naman kami sa pagkakatayo. "Babies, punta na kayo sa gitna ng track please at maiwan ang mga mommy sa starting line. Make sure na ka-linya niyo ang mga mommy niyo."Pumunta naman sila Lauren sa gitna ng track. May ibinigay sa aming sticks na may iba't-ibang kulay kaparehas ng kulay sa mga anak namin."Okay, ready? On my cue! One!" Himigpit ang hawak ko sa stick. "Two! Three!" Agad akong tumakbo papunta kay Lauren na ngayon ay tumatalon sa gitna ng track.
Chapter 38.1Masigabong palakpakan ang pumuno sa boung gym matapos naming kumanta ni Lauren.Napangiti ako at gano'n din siya.Hinawakan namin ang kamay ng isa't-isa at sabay na nag-bow sa gitna ng stage. Kinuha ko muna ang cellphone ko mula sa sound operator bago kami bumaba. Pagkababa namin, kaagad kaming dumeretso sa bleachers kung saan kami nakaupo kanina."Wow! Ang galing niyo naman!" Salubong ni Sheena sa amin habang pumapalakpak nang makarating na kami sa bleachers. Ngumiti naman ako at nagpasalamat."I love your voice, Lauren!" Masayang wika ni Aecil.Ngumiti naman si Lauren sa kaniya."Thank you, Aecil."Nabalik ang atensyon naming lahat sa stage nang magsal
Chapter 38.2"Pasensya na po ma'am pero 'yan po kasi ang policy ng hospital," saad ng guard. Tumango lang ako sa kaniya at napatingin kay Lauren na ngayon ay nakatingala na sa akin."I'll stay here and wait for you, mommy," saad niya na nagpabigla sa akin. Kaagad akong umiling."No, baby. Hindi kita iiwan mag-isa rito. We'll wait for Tita Edna okay?" Saad ko. Tumango naman siya. Hinawakan ko ang kamay niya pagkatapos ay dinala ko siya sa isang malapit na waiting shed.Binuhat ko si Lauren para makaupo siya. Kinapa ko ang likuran niya at naramdaman kong basa iyon dahil sa pawis.Kumuha ako ng isang bimpo mula sa dala naming bag at inilagay ko yon sa likuran niya.Kumuha ulit ako ng isang bimpo para punasan ang mga namumoung pawis sa noo at leeg niy