Share

Chapter 37.1

Chapter 37.1

Pagkabalik namin sa gym, marami na ang mga tao at maingay na rin. Nakita kong tuwang-tuwa si Lauren dahil sa mga nakikita niya sa paligid. Napangiti rin ako at tuluyan na kaming pumunta sa mga bleachers na nasa gilid kung saan nakaupo ang mga pamilyang may kaparehong kulay ng sout naming t-shirt. 

"Hi!" Rinig kong bati ni Lauren sa mga kaklase niya. Nang nagsimulang makipag-usap si Lauren sa mga kaklase niya, ngumiti naman ako sa mga magulang na kasama nila. 

Matapos kong bumati sa kanila ay umupo na ako sa nasa likod na bleachers ng kinauupuan nila. Hinayaan ko naman si Lauren na umupo katabi ang mga kaklase niya. 

Pinanood ko lang siya habang tuwa-tuwang kausap ang mga kaklase niya. Napapangiti ako sa tuwing tatawa siya at kumikinang ang mga mata dahil sa saya. 

Nawala ang ate

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status