Naalimpungatan ako nang may maramdamang halik sa aking leeg. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata upang makita kung sino iyon ngunit agad din akong pumikit dahil matapos kong magmulat ay nagtagpo kaagad ang aming mga mata. Mahina siyang tumawa at muling hinalikan ang aking leeg. “Come on. I know you’re already awake.” Hindi ako kaagad nakasagot at sa halip ay napalunok na lamang nang marinig ko ang boses niya. Medyo paos iyon marahil ay dahil kagigising niya lamang o kaya naman ay dahil… Iminulat ko ang aking mga mata at nanlalaki ang mga matang tumingin sa kaniya. Muli akong napalunok nang makitang hanggang ngayon ay wala pa rin siyang saplot at tanging ang kumot na pinagsasaluhan naming dalawa ang tanging nagtatakip sa kaniyang katawan. “What?” tanong ni Sir Preston nang magtagpo ang aming paningin. Bumangon ako at tumingin sa kaniya. “M-May nangyari talaga sa atin kagabi?” Humugot siya ng malalim na buntong
Matapos akong ilang beses angkinin ni Preston sa kaniyang silid, tirik na tirik na ang araw nang tumigil siya at mukhang napagod na rin. Hindi ko nga alam kung natulog pa ba siya dahil madaling araw kami nagsimula at ngayon lamang siya napagod. Nakatulog pa ako kanina bago kami mag-usap na gusto niya akong maging girlfriend pero pagkatapos niyon, parehas kaming walang tulog.Nagpahinga lamang ako ng ilang minuto bago ako tuluyang bumangon sa malambot niyang kama. Gusto ko pa nga sanang humiga at matulog pa nang kaunting minuto dahil pagod na pagod pa rin ang katawan ko dahil sa ginawa namin kanina ngunit alam kong kapag nahiga pa ako, makakahalata na ang ibang tao sa bahay. “Where are you going?”Hindi pa man ako tuluyang nakakababa sa kama ni Preston ay agad din akong napatigil nang marinig ko ang boses niya. Humarap ako sa gawi niya at sakto namang bumangon din siya mula sa pagkakahiga.Nagkibit balikat ako. “Lalabas na. Baka hinahanap na ako nina Chantal at
Agad akong nagpanic nang marinig ang sinabi ni Chantal kaya naman kahit wala pa akong saplot ay mabilis akong bumangon sa hinihigaan kong kama at isa-isang pinulot ang mga damit kong nakakalat sa sahig at dali-daling tumakbo papunta sa banyo upang magtago. Nang maisara ko ang pinto ng banyo ay siya rin namang pagbukas ng pinto ng kuwarto kaya’t muntikan na akong mapasinghap, mabuti na lamang at agad akong natakpan ang aking bibig. “Huh? Bakit wala?” Rinig kong tanong ni Chantal, marahil nang matapos silang pumasok sa loob.Kinagat ko ang aking ibabang labi at agad na napangiwi. Bakit naman kasi hindi ini-lock ni Preston ang pinto noong lumabas siya? Shit naman! “Chanty, ‘di naman pupunta rito ang Mama ko. ‘Di ba ‘di sila bati ng Daddy mo?” Nahigit ko ang aking hininga nang marinig ang sinabi ni Jarvis. Naiimagine kong umiiling-iling siya habang sinasabi iyon kaya naman mas lalo akong kinabahan lalo pa’t baka malaman niyang nasa loob nga ako ng banyo.At kami? Hindi kami bati ni Si
Naging maayos ang mga sumunod na araw. Mas lalo kaming naging malapit sa isa’t-isa ni Chantal at pakiramdam ko naman ay nagagawa ko nang maayos ang pagiging tagapag-alaga niya. Wala siyang reklamo at sumusunod na rin sa akin. Tulad ni Jarvis, ayaw na niya ring humiwalay sa akin—kahit yata sa pagkain at pagtulog, gusto niya ay kasabay kaming dalawa ni Jarvis. Minsan ay natutulog kami sa kuwarto ni Chantal at minsan naman ay si Chantal ang tumatabi sa amin ni Jarvis sa kuwarto namin. Halos araw-araw ay naging ganoon ang set-up namin. Ayaw akong hiwalayan ng dalawa. Masaya ako dahil mas lalo pa akong napalapit kina Chantal at Jarvis ngunit may isa namang hindi masaya. “Akala ko hindi ka na naman pupunta.”Mahina akong napatawa nang iyon ang bungad na sabi ni Preston nang pumasok ako sa silid niya. Nakasimangot siya at may hawak na papel sa kama. Mukhang kahit na pasado ala-una na ng madaling araw ay nagtatrabaho pa rin siya. “Bakit
“Yaya Lyana, where are you going po sa day off mo po?”Tumigil ako sa pag-kain nang marinig ang tanong sa akin ni Chantal. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at tipid siyang nginitian. Magd-date kami ng Daddy mo.“Sa tabi-tabi lang,” tanging sagot ko dahil hindi ko namang puwedeng isagot na may date kami ng Daddy niya. Halos magtatatlong buwan na kaming magkarelasyon ni Preston at isinisingit ko na tuwing day off ko ay pumupunta kami sa labas nang kaming dalawa lang. Kahit na minsan, palagi lang kaming nasa kotse nya at nagroroadtrip at foodtrip dahil sa takot na baka may makakita sa aming dalawa. Sabi sa akin ni Preston noon, paborito niya ang araw ng Linggo dahil nasosolo niya ako sa araw na iyon nang walang kasamang mga bata kaya naman parehas naming nilolook forward ang araw ng Linggo. Kahit papaano rin kasi ay nakakapagpahinga ako kapag kasama siya dahil siya naman ang nagd-drive at umoorder—tagapanood at kain lang ako.
“Luhod.”Marahas na lumingon sa akin si Preston at kunot noo akong tiningnan. “What?” Parang hindi makapaniwalang tanong niya sa akin. Humakbang ako palapit sa kaniya bago tumingin kina Chantal at Jarvis na ngayon ay nakaluhod na at kapwa nagdarasal. Pinaluhod din kanina ni Jarvis si Chantal dahil mukhang hindi rin nito alam ang gagawin. Hindi ko rin naman alam na pati pala ang tatay, hindi nagsisimba. “Sabi mo sa akin noon, luluhod ka sa harap ko, ‘di ba?”Mabilis na tumango si Preston. “Yes, of course. Tinatanong pa ba ‘yan, babe? Ilang beses ko nang nagawa—““E ‘di lumuhod ka rin sa harap ni Lord,” pagputol ko sa sasabihin niya bago siya malapad na nginitian. “What?!” Bahagyang tumaas ang boses niya kaya’t napatigil sa pagdarasal sina Chantal at Jarvis at lumingon sa amin. Ngumiti naman ako at umiling bilang tanda na ayos lang at nag-uusap lang kaming dalawa. Nang magpatuloy na sa pagdarasal ang dalawa ay sak
“No, Daddy. It’s not like that kasi. Hindi naman po ganyan ‘yong pancake na ginagawa ni Yaya Lyana.”Tumigil ako sa paglalakad matapos marinig ang boses ni Chantal na nagrereklamo sa ama. Agad na nagsalubong ang aking kilay dahil hindi ko naman sila palaging nakikitang magkasama pero ngayon…Anong nangyayari? “Chantal, I don’t fuc—I mean, I don’t know what to do. Sabi niyo ganito,” reklamo pabalik ni Preston sa anak kaya’t nagpatuloy ako sa paglalakad upang tingnan kung anong ginagawa nila at aging-aga ay nagbabangayan sila. “Kasi Daddy, dapat kulay brown po siya, hindi black!” dagdag ni Chantal at malakas na bumuntong hininga. “Jarvis, taste it nga, please. Taste it and let me know if it’s similar to Yaya Lyana’s pancake.”Mas lalong kumunot ang noo ko nang banggitin niya rin ang pangalan ni Jarvis. Kaya naman pala wala na sa tabi ko kanina si Jarvis nang magising ako. Kahit pala sobrang aga pa ay magkasama na sila. Napailing ako
Mabilis akong umayos ng pagkakatayo nang marinig ang sinabi ng babaeng bagong dating sa akin. Ako? Kabit? Kailan pa?“Miss, nagkakamali ka yata ng pinasukang baha—““What the fuck are you doing here, Margaux?”Naputol ang kung ano mang dapat na sasabihin ko nang magsalita si Preston. Lumapit siya papunta sa gawi namin at pumagitna sa aming dalawa ng babaeng sumampal sa akin. Kunot-noo ko siyang tiningnan. Margaux? Magkakilala silang dalawa?“Why are you asking me that question, Preston? Of course, nandito ako dahil bahay ko ‘to. Bahay natin ‘tong dalawa at hindi bahay niyo niyang kabit mo!”Tila naestatwa ako sa aking kinatatayuan nang marinig ang sinabi ng babae kay Preston. Naramdaman kong hinawakan ni Preston ang palapulsuhan ko ngunit hindi iyon sapat para pakalmahin ako. Bahay nila? Ibig bang sabihin…“Wala ka nang karapatan pa sa bahay na ‘to, Margaux. Noong umalis ka, sinabi ko na sa ‘yo na kahit kailan, hindi ka na makakatapak pa sa pamamahay na ‘to, naiintindihan mo ba?” se
“You know my Dad, Lyana? How come?”Gulat akong lumingon sa gawi ni Preston at hindi makapaniwalang tumingin sa kaniya. Umawang ang labi ko at muling ibinalik ang tingin sa gawi ng ama niya upang siguruhin na hindi lamang ako namamalikmata. Ilang beses akong kumurap habang nakatingin sa kaniya ngunit wala akong ibang nakita kung hindi ang paglalaro ng ngisi sa kaniyang mga labi.Nakangisi siya na para bang sinasabi na…“Magandang araw, Ma’am.”Mas lalong umawang ang labi ko at wala sa sariling hinampas si Preston sa kaniyang balikat. “Siya nga!” Malakas na sigaw ko at hindi ulit makapaniwalang tumingin sa kaniyang ama.“Dad, paano mo nakilala si Lyana? Why did you call her… Ma’am?” takang tanong din ni Preston sa ama ngunit nagkibit-balikat lamang ito. “Let’s just talk about that later, son. Why don’t you introduce that lady to us first?” Hindi tulad kanina nang una niya akong binati at tinawag na Ma’am ay iba na
“What…”Marahas akong lumingon sa gawi ni Preston at pinanlakihan siya ng mga mata. Agad naman siyang umiling at iwinasiwas ang mga kamay na parang dinedepensahan ang sarili. “No. I didn’t tell them to come here. Hindi ko nga alam na pupunta pala sila rito…”Pinanliitan ko siya ng mga mata kaya’t muli siyang umiling. “Trust me, babe. Wala akong alam… promise. I swear,” dagdag niya pa.Gusto ko pa sana siyang suwayin dahil tinawag na naman niya akong ‘babe’ kahit na hindi ko pa rin siya tuluyang pinapatawad pero hindi ko na lamang pinansin ang pagtawag niya sa akin ng ganoon dahil abala ako sa pag-iisip ng mga maaaring mangyari kapag nalaman ng mga magulang niya ang tungkol sa akin… o baka naman alam na nila kaya sila pumunta rito?Nanlaki ang mga mata ko at wala sa sariling sinapo ang aking bibig dahil sa kaba. Ano na lamang ang iisipin nila sa akin? Sigurado akong magagalit sila sa akin tulad ni Preston kaya…Wala sa sarili akong napahaw
“I already told you to just stay at your room, right?” Inagaw sa akin ni Preston ang hawak kong walis at nakataas ang kilay na tumingin sa akin. “Bakit ba ayaw mong makinig?”Umirap ako nang marinig ang sinabi niya at ipinagkrus ang aking dalawang braso. Hindi ako nagdalawang isip na makipagsukatan ng tingin sa kaniya. “Huwag mo akong utusan, hindi kita boss,” ganti ko. “Of course, I am not your boss. I already fired you, remember?”Mas lalo ko pa siyang sinamaan ng tingin kaya’t sa huli ay wala siyang nagawa kung hindi ang malakas na bumuntong hininga at mapailing. Inismiran ko muna siya bago inagaw ang kinuha niya sa aking walis tambo. “You don’t have to clean Chantal’s room, Lyana. Malinis naman. You should just go to your room and rest—““Paanong rest eh hindi nga ako pagod?” Inis na tanong ko pabalik at tinaasan siyang muli ng kilay. “At saka buntis lang ako, may paa at kamay pa rin ako kaya hayaan mo akong kumilos.”
“Sinong buntis? Ako?” Itinuro ko ang sarili ko at mabilis na umiling. “H-Hindi, ah! B-Baka iba! Baka ‘yong iba mong… g-girlfriend! Oo, baka ‘yong iba mong—““I don’t have any other girlfriend, Lyana.” Malakas siyang bumuntong hininga at walang emosyon akong tiningnan. “And don’t even bother lying to me. I already know the truth.”“Hindi nga sabi ako buntis. Sino bang nagsabi sa ‘yo, ha? Sinabi ba ni Dalia?” “Pati ba naman ‘yang panibago nating anak, gusto mo pa ring itago at ipagkait sa akin?”Natigilan ako nang marinig ang sinabi niya kaya’t wala sa sarili akong nagbaba ng tingin. Sinabi na sa akin noon pa man ni Dalia na ganito ang magiging reaksiyon ni Preston kapag nalaman niya ang balak kong pagtatago sa anak namin mula sa kaniya pero hindi ko pa rin siya pinakinggan. Nagpkawala ako ng malakas na buntong hininga at nangingilid na nag-angat muli ng tingin sa kaniya. “Bakit ba parang concern na concern ko kung sakali m
“Wala ka na ba talagang kahit kaunting tiwala na natitira para sa akin, ha?”Hindi makapaniwalang tanong ko at lumingon sa kaniya. Malakas siyang bumuntong hininga. “It’s not about trust, Lyana. That guy clearly told me to send his greetings to your son. Sino pa bang ibang anak mo maliban kina Jarvis at Chantal, ha?” Mariing tanong niya.Kinagat ko ang aking ibabang labi at nag-iwas ng tingin. Gusto kong sabihin sa kaniya na ibang anak ang tinutukoy ni Gab at hindi si Jarvis ngunit alam kong kapag sinabi ko ang totoo, baka mas lalo niya lang akong kamuhian—namatay sa pangangalaga ko ang sarili kong anak. Sino ba namang hindi magagalit sa akin? Sinong hindi ako sisihin?“Problema na naming dalawa ‘yon ni Gab at hindi ka na kasali. Ang concern mo lang dito ay ang mga bata kaya huwag ka nang makisali pa sa problema ko,” malamig na sambit ko habang hindi nakatingin sa kaniya.“I am asking if Jarvis is my son—““Oo nga sabi!” Hindi ko na
“A-Anong ginagawa mo rito?”Mas lalo siyang napangisi nang marinig ang tanong ko kaya’t mas lalo lamang akong sinalakay ng kaba. Ilang taon ko na rin siyang hindi nakikita dahil nakulong siya noon at nang makalaya naman siya ay hindi na nagtagpo ang landas namin kaya’t akala ko ay hindi na kami muling magkikita pa.Kung alam ko lang sana na magtatagpo pa ang landas naming dalawa, sana naihanda ko ang sarili ko dahil sa pagkakataong ito, para akong binabangungot habang tinitingnan niya ako. “I just got here with my girlfriend. Hindi ko naman alam na dito pa pala kita makikita and oh…” Dumako ang mga mata niya sa mga pagkaing nakahain sa lamesa kaya’t muli akong napalunok dahil sa kaba. “Mukhang nakahanap ka na naman ng mayamang lalaking peperahan, ha? Who is he? Ipakilala mo naman ako.”Kinagat ko ang aking ibabang labi at hindi nakasagot sa tanong niya. Luminga-linga siya sa paligid at nang makumpirmang kakaunti ang tao ay saka siya umupo sa upuang inuupuan ni Dalia kanina. Nahigit k
“Ano? Ayos ka lang ba? Kanina ka pa sa banyo kaya papasukin na sana kita.”Pinunasan ko ang labi ko gamit ang aking palad at nag-angat ng tingin kay Dalia—at oo, Dalia ang totoong pangalan ni Doctora Vallero. Habang narito ako sa bahay niya, nagrequest siya sa akin na pangalan niya na ang itawag ko sa kaniya dahil hindi na siya kumportable na Doctora Vallero ang itawag ko sa kaniya.Marahan akong tumango. “Nagsuka lang. Ayos na naman ako,” kaswal na sagot ko at nagtungo na sa drawer ko para kumuha ng pamalit na damit.Ipinadala ni Preston ang mga gamit ko rito kinabukasan noong nag-away kami kaya’t alam kong desidido na talaga siyang huwag akong pabalikin sa bahay niya. Hindi ko mapigilang bumuntong hininga nang maalala iyon. Wala namang mangyayari kung iiyakan ko lang siya.“Lyana, ano kaya kung… ano uhmm.. tawagan na natin si Kuya Preston? Para alam mo ‘yon, masamahan ka niya.”Humarap ako kay Dalia at pinanliitan siya ng mata. “Bakit? Ayaw mo na ba akong kasama?” “Hindi naman sa g
“Jarvis! Chantal!” Muntik na akong mahulog sa kama nang biglaan akong bumangon dahil sa bangungot. Pilit akong naghabol ng hininga habang sapo ang aking dibdib upang ikalma ang aking sarili. Nang makakalma ay saka ko naisipang ilibot ang paningin ko sa paligid.Hindi pamilyar. Hindi ito isa sa kuwarto ng bahay ni Preston o ang kuwarto sa bahay ni Tiyang… nasaan ako? Anong nangyari? Bakit ako narito?Akmang aalis na sana ako sa kama nang bumukas ang pinto at iniluwa si Doctora Vallero. Naka-suot na siya ng pajama at animo’y titingnan lamang kung tulog pa rin ako nang pumunta siya rito. Wala sa sarili akong napalunok nang magtama ang aming mga mata.“N-Nasaan ako?” Kinakabahang tanong ko sa kaniya.Malakas siyang bumuntong hininga. “Nasa bahay ko. Hindi ko kasi alam ang bahay niyo dahil sabi sa akin ni Manang Lerma ay wala na raw kayong ibang matutuluyan ni Jarvis. Hindi ko rin naman alam kung nasaan ang bahay ng Tita mo kaya dito kita dinala.”Kinagat ko ang aking ibabang labi at nag
“P-Preston, hayaan mo akong magpaliwanag—““Huling-huli ka na, Lyana,” malamig na sambit niya kaya’t wala sa sarili akong napalunok dahil sa kaba nang marinig ang boses niya. Parang hindi siya si Preston sa lamig ng pagkakasabi niya sa akin ng katagang iyon. Kinagat ko ang aking ibabang labi at lumapit sa kaniya. “P-Preston, k-kung ano man ang iniisip mo, magpapaliwanag ako, huh? P-Please, pakinggan mo lang ako. Please, huh, Preston?” Sinubukan kong hawakan ang kamay niya ngunit hindi ko pa man iyon tuluyang nahahawakan ay iwinaksi na niya ang kamay ko palayo. Sa sobrang lakas ng pagkakatabig niya sa kamay ko ay muntik na akong matumba kaya’t wala sa sarili akong napasigaw. “Don’t you ever touch me again, woman.”Agad akong humarap sa kaniya at umiling. “Preston naman. H-Hindi mo man lang ba ako papakinggan? K-Kaya nga ako nagpunta rito sa opisina mo para magpaliwanag—“:“No,” mabilis na pagtutol niya sa dapat ay sasabihin ko. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya ngunit ang malamig na