Mabilis akong umayos ng pagkakatayo nang marinig ang sinabi ng babaeng bagong dating sa akin. Ako? Kabit? Kailan pa?“Miss, nagkakamali ka yata ng pinasukang baha—““What the fuck are you doing here, Margaux?”Naputol ang kung ano mang dapat na sasabihin ko nang magsalita si Preston. Lumapit siya papunta sa gawi namin at pumagitna sa aming dalawa ng babaeng sumampal sa akin. Kunot-noo ko siyang tiningnan. Margaux? Magkakilala silang dalawa?“Why are you asking me that question, Preston? Of course, nandito ako dahil bahay ko ‘to. Bahay natin ‘tong dalawa at hindi bahay niyo niyang kabit mo!”Tila naestatwa ako sa aking kinatatayuan nang marinig ang sinabi ng babae kay Preston. Naramdaman kong hinawakan ni Preston ang palapulsuhan ko ngunit hindi iyon sapat para pakalmahin ako. Bahay nila? Ibig bang sabihin…“Wala ka nang karapatan pa sa bahay na ‘to, Margaux. Noong umalis ka, sinabi ko na sa ‘yo na kahit kailan, hindi ka na makakatapak pa sa pamamahay na ‘to, naiintindihan mo ba?” se
Para akong tinakasan ng hininga nang marinig ang boses ni Chantal sa hindi kalayuan. Hindi ako nakagalaw at walang kahit na anong lakas ng loob na tumingin sa kaniya dahil sa labis na kaba. Nang tingnan ko ang dating asawa ni Preston ay agad na lumiwanag ang mukha niya at malapad na ngumiti sa anak. Kinagat ko naman ang aking ibabang labi at wala sa sariling bumitaw sa pagkakahawak ko sa braso ni Preston. Mukhang napansin ni Preston ang reaksiyon ko kaya’t agad niyang hinuli ang aking kamay at mahigpit iyong hinawakan. “Nandito pala si Chantal pero hindi ka man lamang nahiya na dalhin dito at ibahay ‘yang kabit mo. Wala ka na ba talagang galang at respeto sa amin ng anak mo, huh, Preston?” tanong ng dating asawa ni Preston sa kaniya kaya’t wala sa sarili akong nagbaba ng tingin. Alam ko naman na hindi ako ginawang kabit ni Preston dahil alam ko at malinaw naman na hiwalay na silang dalawa. Pero kahit na pagbali-baliktarin man ang mundo, nanay siya ni Chantal at isa pa rin silang p
“What? Chantal, nababaliw ka na ba talaga, ha?! Nagpapaniwala ka riyan sa babaeng ‘yan?”Pinunasan ko ang takas na luhang tumulo mula sa aking mga mata bago hinarap ang dating asawa ni Preston at walang emosyon siyang tiningnan. “Narinig mo naman yata si Chantal, hindi ba? Huwag mo nang pilitin ‘yong bata,” kalmadong sambit ko. Tinaasan niya ako ng kilay. “Ang sabihin mo, you brainwashed my daughter while you’re seducing my husband—““Ex-husband,” pagputol ko sa dapat ay sasabihin niya at tipid siyang nginitian. “Huwag mo naman sanang kalimutan ‘yong salitang ex. Mahalaga kasi ‘yon… unless hindi ka maka-move on.”“Ang taas na ng tingin mo sa sarili mo, ah? Bakit? Sino ka ba kumpara sa akin? You’re nothing without my husband, Miss. You’re just Chantal’s nanny… huwag mo rin iyong kakalimutan dahil mahalaga rin iyon. Ang mga Yayang katulad mo, walang karapatang magmataas sa mundo dahil katulong lang naman kayo! Akala mo kung sino ka na dahil lang nagustuhan ka ni Preston? Ang kapal nga
“Yaya Lyana, are you mad at me po?”Iyon ang unang itinanong sa akin ni Chantal matapos ang ilang minutong katahimikan sa pagitan naming dalawa. Kaaalis lamang ni Preston para kumuha ng tubig samantalang halos kanina pa at magkakalahating oras na mula nang mag-walk out si Jarvis at nagkulong sa kuwarto namin. Gusto ko sana siyang sundan at ipaliwanag ang side ko pero sabi ni Preston ay hayaan ko raw munang mapag-isa si Jarvis dahil iyon ang kailangan niya ngayon. Sabi niya ay pakalmahin muna namin ang isa’t-isa bago kami mag-usap. Ipinangako rin sa akin ni Preston na kakausapin niya mamaya si Jarvis para ipaliwanag ang lahat sa anak ko. Mukha namang hindi siya nagbibiro at sincere sa alok niya kaya’t hinayaan ko na. Mas mabuti pa ngang siya na lamang muna ang kumausap kay Jarvis dahil baka hindi ko rin lamang kayanin at umiyak na lamang nang umiyak.Nag-angat ako ng tingin kay Chantal at kapagkuwan ay marahang umiling bilang tugon.“Really, Yaya?” Mahinang tanong niya at ilang beses
Matapos ang ilang minutong pagpapahinga ay saka ko lamang napagdesisyunang tumayo at sundan sina Preston at Chantal sa itaas. Hindi ko alam kung bakit ba ako kinakabahan kahit na may tiwala naman sa dalawa—sadyang ganito lang siguro talaga kapag nanay ka. Bumuntong hininga ako at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa second floor. Mabibigat ang hakbang ko para bumagal ang paglakad ko. Hindi ko kasi alam kung anong madaratnan ko pagdating ko roon.Nang makatungtong ako sa second floor ay muli akong bumuntong hininga at tumigil sa paglalakad upang ikalma muna ang aking sarili. Natatakot ako—hindi. Kulang pa ang salitang takot para i-describe kung ano ang nararamdaman ko. Matapos kong maikalma ang aking sarili ay saka ako nagpatuloy sa paglalakad. Wala sa hallway sina Preston at Chantal kaya naman kahit papaano ay nakahinga ako nang maluwag. Pinapasok sila ni Jarvis. Tulad ng sinabi ko kanina, alam kong hindi matigas ang puso ni Jarvis at hindi siya nakakatiis lalo pa’t mahalaga sa kani
“Are you going to sleep on my room tonight, babe?”Napatigil ako sa paghahanda ng babaunin nina Chantal at Jarvis nang maramdaman ang pagyakap ni Preston sa aking baywang. Agad kong nalanghap ang matapang niyang pabango kaya’t napailing ako. Bahagya akong humarap sa kaniya at tinaasan siya ng kilay. “Kung gusto mong makipag-debate na naman kay Jarvis, huwag mo nang tanungin ‘yan,” natatawang sambit ko.Agad na humaba ang nguso niya at mas lalo pang inilapit ang kaniyang sarili sa akin. “You know what, kaunti na lamang talaga ay maiinis na ako…”“Kay Jarvis?”Umiling siya at bumuntong hininga. “No.”“Ha? Kanino naman? Sa akin?”“Come on, babe. Of course, hindi sa ‘yo,” reklamo niya at mas lalo pang sumimangot sa akin. Pinanliitan ko siya lalo ng mga mata. “Kung hindi sa akin at kay Jarvis, kanino ka maiinis?” Muli siyang nagpakawala ng malakas na buntong hininga at itinaas ang aking baba upang mas maobserbahan niya ang aking mukha. Napalabi naman ako dahil sa ginawa niya ngunit akal
“I’ll just follow you later, all right? Mauna ka na sa pagsundo kina Jarvis at Chantal tapos susunod nalang ako.”Nag-angat ako ng tingin kay Preston nang halikan niya ang pisngi ko. Humarap ako at napansing hindi pa rin ayos ang neck tie niya kaya naman umayos ako ng tayo upang ayusin iyon. Hindi kasi siya masiyadong magaling sa pag-aayos ng necktie niya kaya parang naging trabaho ko na rin iyon.Marahan akong tumango. “Okay. Basta sumunod ka, ha? Wala akong pera, baka magpalibre na naman ‘yong mga ‘yon sa akin,” sambit ko.Natawa siya kaya’t tinaasan ko siya ng kilay. “Oh, come on, babe. Sa akin lang naman nagpapalibre ang dalawang iyon lalo na si Jarvis. Alam niyang marami akong pera kaya ayan, nakahanap na naman ng panibagong dahilan para inisin ako,” umiiling na reklamo niyo.“Talaga? Gumagana naman ba? Naiinis ka?”Malakas siyang bumuntong hininga at muling umiling. “Nah. I kind of like it actually. Mas mabuti at maganda na nga na iniinis niya ako dahil mas lalo lang kaming npap
“Gusto ko lang na malaman mong sumama ako sa ‘yo rito hindi para mabrainwash mo ako na hiwalayan si Preston at umalis sa bahay. Sumama ako dahil hindi naman ako bastos para hindi ka pansinin at hindi pakinggan ang side mo,” mahinahong sambit ko matapos naming umupo sa upuan.Malakas na bumuntong hininga si Margaux dahil sa sinabi ko ngunit taas noo ko lamang siyang tiningnan. Tumingin ako sa suot kong relo bago muling nag-angat ng tingin sa kaniya. “Kung ano man ang sasabihin mo, kung puwede sana ay pakibilisan. Mayamaya na lamang ay lalabas na sa school sina Chantal kaya kailangan ko silang sunduin.”“Mahaba ang ikukuwento ko kaya huwag mo akong madaliin.”“E ‘di paikliin mo,” pamimilosopo ko pa at tinaasan siya ng kilay.Mula nang pumunta siya sa bahay ay hindi na siya muli pang bumalik na siya namang ikinalungkot ko—oo, ikinalungkot. Medyo nagsisi kasi ako dahil hindi ko siya nilabanan kaagad noon at nanatili akong takot kahit na wala naman pala akong dapat pang ikatakot.Hiwalay n
“You know my Dad, Lyana? How come?”Gulat akong lumingon sa gawi ni Preston at hindi makapaniwalang tumingin sa kaniya. Umawang ang labi ko at muling ibinalik ang tingin sa gawi ng ama niya upang siguruhin na hindi lamang ako namamalikmata. Ilang beses akong kumurap habang nakatingin sa kaniya ngunit wala akong ibang nakita kung hindi ang paglalaro ng ngisi sa kaniyang mga labi.Nakangisi siya na para bang sinasabi na…“Magandang araw, Ma’am.”Mas lalong umawang ang labi ko at wala sa sariling hinampas si Preston sa kaniyang balikat. “Siya nga!” Malakas na sigaw ko at hindi ulit makapaniwalang tumingin sa kaniyang ama.“Dad, paano mo nakilala si Lyana? Why did you call her… Ma’am?” takang tanong din ni Preston sa ama ngunit nagkibit-balikat lamang ito. “Let’s just talk about that later, son. Why don’t you introduce that lady to us first?” Hindi tulad kanina nang una niya akong binati at tinawag na Ma’am ay iba na
“What…”Marahas akong lumingon sa gawi ni Preston at pinanlakihan siya ng mga mata. Agad naman siyang umiling at iwinasiwas ang mga kamay na parang dinedepensahan ang sarili. “No. I didn’t tell them to come here. Hindi ko nga alam na pupunta pala sila rito…”Pinanliitan ko siya ng mga mata kaya’t muli siyang umiling. “Trust me, babe. Wala akong alam… promise. I swear,” dagdag niya pa.Gusto ko pa sana siyang suwayin dahil tinawag na naman niya akong ‘babe’ kahit na hindi ko pa rin siya tuluyang pinapatawad pero hindi ko na lamang pinansin ang pagtawag niya sa akin ng ganoon dahil abala ako sa pag-iisip ng mga maaaring mangyari kapag nalaman ng mga magulang niya ang tungkol sa akin… o baka naman alam na nila kaya sila pumunta rito?Nanlaki ang mga mata ko at wala sa sariling sinapo ang aking bibig dahil sa kaba. Ano na lamang ang iisipin nila sa akin? Sigurado akong magagalit sila sa akin tulad ni Preston kaya…Wala sa sarili akong napahaw
“I already told you to just stay at your room, right?” Inagaw sa akin ni Preston ang hawak kong walis at nakataas ang kilay na tumingin sa akin. “Bakit ba ayaw mong makinig?”Umirap ako nang marinig ang sinabi niya at ipinagkrus ang aking dalawang braso. Hindi ako nagdalawang isip na makipagsukatan ng tingin sa kaniya. “Huwag mo akong utusan, hindi kita boss,” ganti ko. “Of course, I am not your boss. I already fired you, remember?”Mas lalo ko pa siyang sinamaan ng tingin kaya’t sa huli ay wala siyang nagawa kung hindi ang malakas na bumuntong hininga at mapailing. Inismiran ko muna siya bago inagaw ang kinuha niya sa aking walis tambo. “You don’t have to clean Chantal’s room, Lyana. Malinis naman. You should just go to your room and rest—““Paanong rest eh hindi nga ako pagod?” Inis na tanong ko pabalik at tinaasan siyang muli ng kilay. “At saka buntis lang ako, may paa at kamay pa rin ako kaya hayaan mo akong kumilos.”
“Sinong buntis? Ako?” Itinuro ko ang sarili ko at mabilis na umiling. “H-Hindi, ah! B-Baka iba! Baka ‘yong iba mong… g-girlfriend! Oo, baka ‘yong iba mong—““I don’t have any other girlfriend, Lyana.” Malakas siyang bumuntong hininga at walang emosyon akong tiningnan. “And don’t even bother lying to me. I already know the truth.”“Hindi nga sabi ako buntis. Sino bang nagsabi sa ‘yo, ha? Sinabi ba ni Dalia?” “Pati ba naman ‘yang panibago nating anak, gusto mo pa ring itago at ipagkait sa akin?”Natigilan ako nang marinig ang sinabi niya kaya’t wala sa sarili akong nagbaba ng tingin. Sinabi na sa akin noon pa man ni Dalia na ganito ang magiging reaksiyon ni Preston kapag nalaman niya ang balak kong pagtatago sa anak namin mula sa kaniya pero hindi ko pa rin siya pinakinggan. Nagpkawala ako ng malakas na buntong hininga at nangingilid na nag-angat muli ng tingin sa kaniya. “Bakit ba parang concern na concern ko kung sakali m
“Wala ka na ba talagang kahit kaunting tiwala na natitira para sa akin, ha?”Hindi makapaniwalang tanong ko at lumingon sa kaniya. Malakas siyang bumuntong hininga. “It’s not about trust, Lyana. That guy clearly told me to send his greetings to your son. Sino pa bang ibang anak mo maliban kina Jarvis at Chantal, ha?” Mariing tanong niya.Kinagat ko ang aking ibabang labi at nag-iwas ng tingin. Gusto kong sabihin sa kaniya na ibang anak ang tinutukoy ni Gab at hindi si Jarvis ngunit alam kong kapag sinabi ko ang totoo, baka mas lalo niya lang akong kamuhian—namatay sa pangangalaga ko ang sarili kong anak. Sino ba namang hindi magagalit sa akin? Sinong hindi ako sisihin?“Problema na naming dalawa ‘yon ni Gab at hindi ka na kasali. Ang concern mo lang dito ay ang mga bata kaya huwag ka nang makisali pa sa problema ko,” malamig na sambit ko habang hindi nakatingin sa kaniya.“I am asking if Jarvis is my son—““Oo nga sabi!” Hindi ko na
“A-Anong ginagawa mo rito?”Mas lalo siyang napangisi nang marinig ang tanong ko kaya’t mas lalo lamang akong sinalakay ng kaba. Ilang taon ko na rin siyang hindi nakikita dahil nakulong siya noon at nang makalaya naman siya ay hindi na nagtagpo ang landas namin kaya’t akala ko ay hindi na kami muling magkikita pa.Kung alam ko lang sana na magtatagpo pa ang landas naming dalawa, sana naihanda ko ang sarili ko dahil sa pagkakataong ito, para akong binabangungot habang tinitingnan niya ako. “I just got here with my girlfriend. Hindi ko naman alam na dito pa pala kita makikita and oh…” Dumako ang mga mata niya sa mga pagkaing nakahain sa lamesa kaya’t muli akong napalunok dahil sa kaba. “Mukhang nakahanap ka na naman ng mayamang lalaking peperahan, ha? Who is he? Ipakilala mo naman ako.”Kinagat ko ang aking ibabang labi at hindi nakasagot sa tanong niya. Luminga-linga siya sa paligid at nang makumpirmang kakaunti ang tao ay saka siya umupo sa upuang inuupuan ni Dalia kanina. Nahigit k
“Ano? Ayos ka lang ba? Kanina ka pa sa banyo kaya papasukin na sana kita.”Pinunasan ko ang labi ko gamit ang aking palad at nag-angat ng tingin kay Dalia—at oo, Dalia ang totoong pangalan ni Doctora Vallero. Habang narito ako sa bahay niya, nagrequest siya sa akin na pangalan niya na ang itawag ko sa kaniya dahil hindi na siya kumportable na Doctora Vallero ang itawag ko sa kaniya.Marahan akong tumango. “Nagsuka lang. Ayos na naman ako,” kaswal na sagot ko at nagtungo na sa drawer ko para kumuha ng pamalit na damit.Ipinadala ni Preston ang mga gamit ko rito kinabukasan noong nag-away kami kaya’t alam kong desidido na talaga siyang huwag akong pabalikin sa bahay niya. Hindi ko mapigilang bumuntong hininga nang maalala iyon. Wala namang mangyayari kung iiyakan ko lang siya.“Lyana, ano kaya kung… ano uhmm.. tawagan na natin si Kuya Preston? Para alam mo ‘yon, masamahan ka niya.”Humarap ako kay Dalia at pinanliitan siya ng mata. “Bakit? Ayaw mo na ba akong kasama?” “Hindi naman sa g
“Jarvis! Chantal!” Muntik na akong mahulog sa kama nang biglaan akong bumangon dahil sa bangungot. Pilit akong naghabol ng hininga habang sapo ang aking dibdib upang ikalma ang aking sarili. Nang makakalma ay saka ko naisipang ilibot ang paningin ko sa paligid.Hindi pamilyar. Hindi ito isa sa kuwarto ng bahay ni Preston o ang kuwarto sa bahay ni Tiyang… nasaan ako? Anong nangyari? Bakit ako narito?Akmang aalis na sana ako sa kama nang bumukas ang pinto at iniluwa si Doctora Vallero. Naka-suot na siya ng pajama at animo’y titingnan lamang kung tulog pa rin ako nang pumunta siya rito. Wala sa sarili akong napalunok nang magtama ang aming mga mata.“N-Nasaan ako?” Kinakabahang tanong ko sa kaniya.Malakas siyang bumuntong hininga. “Nasa bahay ko. Hindi ko kasi alam ang bahay niyo dahil sabi sa akin ni Manang Lerma ay wala na raw kayong ibang matutuluyan ni Jarvis. Hindi ko rin naman alam kung nasaan ang bahay ng Tita mo kaya dito kita dinala.”Kinagat ko ang aking ibabang labi at nag
“P-Preston, hayaan mo akong magpaliwanag—““Huling-huli ka na, Lyana,” malamig na sambit niya kaya’t wala sa sarili akong napalunok dahil sa kaba nang marinig ang boses niya. Parang hindi siya si Preston sa lamig ng pagkakasabi niya sa akin ng katagang iyon. Kinagat ko ang aking ibabang labi at lumapit sa kaniya. “P-Preston, k-kung ano man ang iniisip mo, magpapaliwanag ako, huh? P-Please, pakinggan mo lang ako. Please, huh, Preston?” Sinubukan kong hawakan ang kamay niya ngunit hindi ko pa man iyon tuluyang nahahawakan ay iwinaksi na niya ang kamay ko palayo. Sa sobrang lakas ng pagkakatabig niya sa kamay ko ay muntik na akong matumba kaya’t wala sa sarili akong napasigaw. “Don’t you ever touch me again, woman.”Agad akong humarap sa kaniya at umiling. “Preston naman. H-Hindi mo man lang ba ako papakinggan? K-Kaya nga ako nagpunta rito sa opisina mo para magpaliwanag—“:“No,” mabilis na pagtutol niya sa dapat ay sasabihin ko. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya ngunit ang malamig na