Catharyn's POV
KINAUMAGAHAN ay sobrang sakit ng ulo ko. Nahihilo ako dahil kulang ang tulog ko kagabi. Inokupa ni Xannon ang isip ko. Sino kaya 'yong babaeng 'yon at naisipan niyang ibigay ang bataan niya sa lalaking 'yon?
"Ang lalim yata ng iniisip mo?" tanong ni Madam MJ.
Lumingon ako kay Madam MJ pagkatapos ay bumuntong hininga. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa 'kanya ang nakita ko kagabi.
"Ah, nami-miss ko lang ang pamilya ko," pilit na ngiting turan ko.
Mas mainam nalang siguro na 'wag kong sabihin kahit kanino ang nakita ko kagabi. Privacy na 'yon ni Xannon at hindi na dapat pa akong makielam.
"Naku! Ganyan rin ako no'ng una! Masasanay ka rin hija," wika ni Madam MJ.
Ngiti nalang ang isinukli ko sa 'kanya at ginawa ang mga dapat kong gawin. Hindi ko alam kung may mukha pa ba akong ihaharap kay Xannon dahil sa nakita ko kagabi. Kinakabahan ako at kung pwede lang ako magpakain sa ilalim ng lupa ay kagabi ko pa ginawa.
"Enjoyed what you saw last night?" napaigtad ako nang biglang magsalita si Xannon sa aking likuran habang naglilinis ako ng pool. Nalaglag ko pa nga ang ginagamit kong pang linis ng swimming pool dahil sa gulat eh.
Dahan dahan akong napalingon sa 'kanya at kunot noong nagsalita. "Manyak!" sigaw ko at akmang aalis na sana kaso hinawakan niya ang palapulsuan ko dahilan para mapatigil ako sa pag-alis.
Sa isang mabilis na galaw ay naramdaman ko nalang ang pagdampi ng labi niya sa labi ko dahilan para manlaki ang mata ko. He just stole my first kiss!
"B-bakit mo ko h-hinalikan?" utal na tanong ko.
"Dahil gusto ko," saad nito sabay ngumiti.
Hindi ko alam pero bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko. G-gusto niya akong halikan? Paanong magugustuhan akong halikan ng isang lalaking katulad niya?
Nanghina ang mga tuhod ko at hindi ko alam kung saan ko ibabaling ang paningin ko. Diba palaman ka Catharyn? Pero bakit pagdating sa lalaking 'to tiklop ka?
"Sa susunod h-ho sir 'wag mo 'kong hahalikan. Hindi mo h-ho ako nobya para halikan sir," utal na wika ko at umalis na sa 'kanyang harapan.
Dinig ko ang pagtawag niya sa apelyido ko pero hindi ko magawang lumingon dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko.
Habang naglalakad ako palabas sa mansyon ay minabuti ko nalang na tumambay muna sa usual spot ko. Walang iba kung hindi ang swimming pool. Pagkaupo ko sa gilid ng swimming pool ay biglang may tumabi sa 'kin dahilan para mapalingon ako dito; si Daryl.
"May ginawa nanaman ba siya na hindi mo nagustuhan?" tanong nito dahilan para mapatango ako.
Hindi ko alam pero I feel at ease everytime na nakakausap ko si Daryl.
"Kapag nakilala mo ang tunay na ugali niya maniwala ka, mahuhulog ka sa 'kanya," wika nito.
Natawa ako sa sinabi nito at hindi ko mapigilang mapailing. "Bakit? Nahulog ka na ba sa 'kanya?" natatawnag tanong ko.
"Oo," wika nito dahilan para lumaki ang aking mga mata.
"M-may gusto ka kay Xa... I mean Sir Xannon?!" gulat na turan ko.
Huwag niyang sabihin na gusto niya talaga si Xannon?! Hindi ako makapaniwala! Napaka gwapo ni Daryl 'yon pala lalaki rin ang gusto.
"I'm gay," wika nito.
Hindi ko mapigilang mapahanga sa 'kanya dahil sa nalaman ko. May mga pinsan rin akong bakla kaya gano'n nalang ang tuwa ko nang malaman ko ang tunay niyang kasarian. He needs a so much courage to tell everyone his real gender and I can't help but to be proud at him for telling me the truth.
"Secret lang natin 'yon ah?" natatawang wika nito.
"Oo naman, jabar ka!" wika ko.
Kunot noo itong tumingin sa akin bago magsalita. "Ano 'yong jabar?" tanong nito dahilan para matawa ako.
"Expression lang 'yon mare," wika ko habang tumatawa.
Akmang magsasalita na sana si Daryl kaso bigla kong narinig ang pagtawag ni Xannon sa aking apelyido.
"Gualvez!!" wika nito dahilan para mapalingon kami ni Daryl sa 'kanya.
Napatayo ako mula sa pagkakaupo pagkatapos ay pinagpag ang aking pwetan.
"S-sir?" tanong ko.
"Come with me," sabi nito pagkatapos ay hinila ako sa aking palapulsuan.
Etong mokong na 'to! Hindi manlang ako inantay na makapagsalita at talagang hinila pa ako!
"Saan ho ang punta natin?" kamot ulong tanong ko.
"Go get dressed up. We're going somewhere," seryosong turan nito.
Nagtataka man subalit mas minabuti ko nalang na sundin siya. Pumunta ako sa maid's quarter at kumuha ng pantalon pati T-Shirt.
Pagkatapos kong magbihis ay naglagay ako ng pulbo sa mukha. Pagkatapos kong buksan ang pinto ay nagulat ako nang sumalubong sa 'kin ang mukha ni Xannon dahilan para mapaatras ako.
"You're done?" tanong nito.
Dali dali akong tumango pagkatapos ay akmang aalis na sana kaso bigla niya akong pinigilan.
"Is that what you're going to wear?" tanong nito habang ang paningin ay nasa 'kanyang cellphone.
"Oho," sagot ko.
Tumingin ito sa 'kin pagkatapos ay bumuntong hininga pagkatapos ay nagsalita.
"We're going to my company. Don't you have something presentable to wear?" tanong nito.
Kunot noo akong tumingin sa 'kanya. Hindi ko alam pero may inis na lumukob sa aking dibdib dahil sa tanong nito. Anong magagawa niya eh sa dito ako komportable?
"Komportable ho ako dito, sir," sabi ko.
Bumuntong to hininga ito pagkatapos ay nagsalita. "Ts, let's go," sabi nito pagkatapos ay naunang maglakad.
Wala akong ibang nagawa kung hindi ay ang sumunod sa 'kanya. Tatawagin ko na sana si Daryl upang ipagmaneho kami nang pigilan ako ni Xannon sa pagtawag dito.
"I'm going to drive the car," wika nito at dumiretso na sa garahe upang ilabas ang kotse niyang Rolls-Royce Sweptail. Hindi ko mapigilang humanga sa ganda at garbo ng kanyang kotse. Nakakatakot sakyan ang kotse niya dahil sa angas nitong tignan.
Lumabas naman na ako sa mansyon at inantay siya sa main gate.
"Hop in," wika nito dahilan para dahan dahan akong sumakay sa 'kanyang sasakyan.
"Bakit mo 'ko isinasama?" tanong ko dito.
Minaniubra na nito ang kanyang sasakyan pagkatapos ay sumagot.
"From now on, you will be my personal assistant whether you like it or not," sabi nito pagkatapos ay hinarurot ang kanyang kotse.
Personal assistant?! Eh hindi ko nga alam ang gagawin kung paano maging personal assistant tapos ako pa ang nais niya? Ano 'to lokohan?
Hindi nalang ako umimik pa at ibinaling ang aking paningin sa daan.
TO BE CONTINUED
Catharyn's POVPAGKARATING namin sa kanyang kompanya ay tila ba nalula ako sa sobrang taas ng building ng kanyang kompanya. Tila ba nasa isa akong pelikula dahil sa laki at ganda! Kita ko ang paningin ng nakararami sa amin. Marahil ay dahil kay Xannon kaya gano'n."Good morning Mr. Altamero," magiliw na bati ng babae na nakasuot ng uniporme."Magandang umaga po sir," muling turan ng isa nanamang babae.Hindi manlang nag-abala si Xannon na bigyang pansin ang mga taong bumabati sa 'kanya. Kita ko ang pagkadisgusto sa mga mata ng karamihan sa 'kin. Kung nakakamatay nga lang sana ang tingin kanina pa ako patay."Don't mind them, just focus on me," wika ni Xannon.Makikita mo ang panginginig ng kanyang mga empleyado at ang pagmamadali ng mga ito. Pumasok kami sa elevator na kulay gold."This elevator is made only for me," walang emosyon
Catharyn's POVPAGKALABAS ko ng C.R. ay nagulat ako nang narinig ko si Xannon na sumisigaw na animo'y may kaaway sa kabilang linya gamit ang isa niya pang cellphone. Mahihimigan mo ang galit sa tono ng kanyang pagsasalita dahilan para bumalik ako sa loob ng C.R. at naglagay ng kaunting awang sa pinto upang marinig ko ang sinasabi niya."I don't care about the money that I will pay, what I care about is to find her! Look for her!" galit na turan nito at pinatay na ang linya."Fvck!" sigaw niya pagkatapos ay sinipa ang swivel chair dahilan para tumumba ito sa sobrang lakas ng pagkakasipa niya.Iningayan ko ang palabas ko mula sa pinto upang malaman ni Xannon na palabas na ako. Kita kong inayos nito ang awra ng kanyang mukha at nakangiting sinalubong ako ng yakap."M-may problema ba?" nag-aalalang tanong ko."Wala," wika nito nang paghiwalayin niya a
Catharyn's POVPAGKAPASOK ko sa bahay nila ate ay agad ako nitong pinaupo sa kanilang sala. "Sabihin mo nga sa 'kin, ano bang nangyari?" tanong ni ate habang binibigay sa 'kin ang isang baso ng tubig.Agad kong kinwento ang totoong nangyari sa 'kin kay Ate at hindi mapigilan ni Ate na magalit sa 'kin nang malaman niya ang totoo."Alam mo kung anong nangyari sa 'kin noon. Bakit tumulad ka pa?" kalmadong tanong ni Ate sa akin pero alam ko na sa loob loob nito ay galit na siya."Gusto ko kasi siya ate," lumuluhang turan ko."Hindi porket gusto mo siya ay dapat mo ng ibigay ang pagkababae mo. Hindi mo ba alam na kasalanan 'yang ginawa mo? Na ibinigay mo ang sarili mo sa isang lalaki kahit hindi ka kasal?" tanong ni Ate.Tanging hikbi ko nalang ang naririnig ni ate dahil sa kawalan ko ng salita. Alam ko na mali ang ginawa ko pero masisisi niya ba ako gayong si Xannon ang tinitibok ng puso ko?"Gusto ko siya, ate eh" lumul
Catharyn's POV"Oh? Saan ang punta mo?" tanong ni Shiena dahilan para mapalingon ako sa 'kanya.Tumingin muna ako rito bago nagsalita. "Punta lang ako sa restroom," pagsisinungaling ko.Tumango naman ito senyales na maaari na akong pumunta sa restroom. Habang nglalakad ako palabas sa meeting place ay hindi ko mapigilan ang pagpatak ng luha ko. Dali dali kong pinunasan ang mga ito at dumiretso na sa restroom."Okay, Catharyn. Relax," turan ko nang makarating ako sa tapat ng salamin pagkatapos ay huminga ng malalim."Si Xannon lang 'yon at wala ng iba," muling sabi ko sa harap ng salamin.Ilang minuto ang lumipas bago ko napagdesisyunang lumabas subalit muli akong bumalik at naghugas ng kamay.Pagkalabas ko ng restroom ay gulat akong napaatras nang makita ko si Xannon sa gilid ng pinto. 
Catharyn's POV"Oh? Saan ang punta mo?" tanong ni Shiena dahilan para mapalingon ako sa 'kanya.Tumingin muna ako rito bago nagsalita. "Punta lang ako sa restroom," pagsisinungaling ko.Tumango naman ito senyales na maaari na akong pumunta sa restroom. Habang nglalakad ako palabas sa meeting place ay hindi ko mapigilan ang pagpatak ng luha ko. Dali dali kong pinunasan ang mga ito at dumiretso na sa restroom."Okay, Catharyn. Relax," turan ko nang makarating ako sa tapat ng salamin pagkatapos ay huminga ng malalim."Si Xannon lang 'yon at wala ng iba," muling sabi ko sa harap ng salamin.Ilang minuto ang lumipas bago ko napagdesisyunang lumabas subalit muli akong bumalik at naghugas ng kamay.Pagkalabas ko ng restroom ay gulat akong napaatras nang makita ko si Xannon sa gilid ng pinto. 
Catharyn's POVPAGKATAPOS naming kumain ay agad kaming bumalik sa kompanya. Kita ko ang mga mata ng chismosa kong ka-trabaho na nakatunghay sa amin. Palibhasa ay kasama namin ni Shiena si Xannon kaya ang lagkit ng tingin nila sa amin."Mauuna na ho ako sa faculty namin, sir," pilit na nakangiting turan ko dahilan para mapahinto si Xannon at Shiena sa paglalakad."Hindi ka muna ba sasama sa amin para i-tour si sir?" tanong ni Shiena dahilan para matutop ko ang aking labi."Ahhh, hindi na hehe. Gagawa pa kasi ako ng content," turan ko habang pilit na ngiti ang ipinupukol ko sa kanila."I already told you about your 'new' job, Ms. Gualvez. Do I still need to repeat it?" wika ni Xannon.Muli kong tinignan ang kanyang daliri kung saan nakasuot ang kanyang singsing.Kasal na siya at hindi ka niya kailanman mi
Catharyn's POVHABANG naglalakad ako sa hallway ay kita ko ang paningin ng karamihan sa akin. Isipin na nila ang gusto nilang isipin pero wala akong pakielam sa kanila.Alam ko naman umpisa pa lang na wala sa isip ni Xannon ang magka-anak pero umasa pa rin ako, umasa na baka matanggap niya pa si Xandro pero nagkamali ako. Hindi pa rin pala nagbabago ang pananaw ng g*go! Sarili pa rin niya ang iniiisip niya!Pinunasan ko ang mga luhang kanina pa nagbabagsakan pababa sa aking pisngi. I stopped walking and inhaled and exhaled to cast away the negativities that's unfortunately inside me.Nang makarating na ako sa faculty ng crew ay agad ko silang kinausap tungkol sa napag-usapan namin ni Mr. Galilie. Agad naman silang pumayag at nagsigawan dahil sa tuwa. Kung sa bagay, sino ba naman ang hindi matutuwa kung ngayon ka nalang ulit makakatikim ng bakasyon. Alam ko na hindi naman bakasyon an
Catharyn's POVRAMDAM ko ang butil ng ulan na naglalaglagan sa aking katawan. Hindi pa rin ako makapaniwala, panong ngayon ko lang nalaman na wala namang ibang habol sa akin si Xannon kung hindi ay ang s*x? Sa sobrang sakit ng ulo ko ay biglang nag-blur ang aking paningin dahilan para mapahiga ako sa sahig.Nagising ako sa sinag ng araw na nagmumula sa labas ng bintana. Bahagya kong pinikit ang kanan kong mata dahil sa araw na dumadapo sa aking balat at tumatama sa aking mga mata."Anong oras na ba? Arghh," bulong ko."It's already 6:15 in the morning," turan ng lalaki na nagmamay-ari ng baritonong boses na kung saan ay pamilyar sa akin.Pagkalingon ko sa taong 'yon ay gulat akong napaatras sa kama na aking kinahihigaan at tinignan ang aking katawan na nakabalot sa makapal na kumot.W-wala akong d-damit?!"Anong gi
PAGKAUWI ko sa kwarto na inuupahan ko ay agad akong humiga sa kama at doon pinakawalan ang isang malalim kong buntong hininga. Humiga ako sa aking higaan at ipinikit ang aking mga mata. Hindi ko alam kung bakit sa bawat pag-pikit ko ay siya ang nakikita ko. Nahihibang ka na talaga, Amelia! Marahan kong pinukpok ang ulo ko gamit ang aking kamay pagkatapos ay bumuntong hininga. Ilang minuto pa ang lumipas bago ako nagdesisyong magbihis ng madalas kong outfit na kung saan ay naka-pants ako at oversized shirt. Napagdesisyunan ko nalang na lumabas sa maliit na kwartong inuupahan ko at pumunta sa isang affordable na store. Agad akong pumasok sa store na 'yon at naghanap ng maaari kong inumin at kainin. "Magkano ho?" tanong ko nang makapili ako at inilabas ang wallet ko. "215 po lahat," ani kahera. Akmang maglalabas na sana ako ng pera mula sa aking wallet kaso biglang may nagsalita sa aking likuran dahilan para mapalingon ako roon. "Idagdag mo na ang 215 pesos na 'yan dito," wika ng
Amelia's POV"Ikaw na ang susunod, Amelia," ani Madam Boray pagkatapos sumalang ng kasamahan ko. Kinakabahan man subalit pilit kong pinalalakas ang loob ko dahil hindi dapat ako mabulilyaso sa trabaho ko. Hindi dapat ako makita ng mga customer namin na kinakabahan at naiilang. Matagal na akong nagta-trabaho dito subalit hanggang ngayon ay grabe pa rin ang kaba na idinudulot sa 'kin ng trabaho ko. Nang sumampa ako sa stage ay agad kong inayos ang half-mask na suot ko. Binigyan ko ng isang napakalawak na ngiti ang mga customers na nasa harapan ko at dahan-dahang sumayaw sa kanilang harapan. Dinig ko ang sigawan at halinghing ng bawat customers dahil sa erotikong sayaw na ginagawa ko habang nasa harapan ko ang pole. Isinasabay ko ang aking pag-indak sa ritmo ng kanta dahilan para mas lalo kong maakit ang mga customers. Tila ba nag-iinit din ang aking pakiramdam dahil may nararamdaman akong estranghero na kanina pa nakatingin sa akin at kanina ko pa napapansin. Kita ko sa itim na it
Xannon's POVWE ARE currently hiding inside our car near Jake's family mansion. Ilang oras na kaming naka-park ni Alliya pero wala pa rin kaming nakikitang Jake at Catharyn na lumalabas. Puro mga kasambahay o 'di kaya mga guards nila ang nakikita namin na palabas-masok. "Are they even here?" Halatang naiinip na ani Alliya. Pumunta na kami sa American Mafiosi, sinabi nila na tutulungan kami ng organisasyon na hanapin kung nasaan si Catharyn upang iligtas mula sa mga kamay ni Jake. Naghiwalay ang iba't ibang grupo ng American Mafiosi at nagdesisyon kami ni Alliya na dito sa mansyon ng mga magulang ni Jake magbantay habang ang iba naman ay sa ibang lugar naghahanap. "I'm bored. Wala pa ba 'yong Jake? I'm so excited to slice his neck pa naman." Pabirong turan ni Alliya subalit imbis na matawa ako ay kinunutan ko siya ng noo. What the F is she talking about? Tingin ba niya ay biruan at laro lang ang ginagawa naming paghahanap sa asawa ko na hawak ng gag*ng 'yon?!"Oops, sorry." She ut
Catharyn's POV"Wake up, sleepy head." Nagising ako nang marinig ko ang boses ni Jake na kasalukuyan palang nakaharap sa akin habang nakangiti. I rubbed my eyes using my hands and looked at Jake intently in his eyes. Masaya akong makita siyang kasama ngayong umaga bilang kaibigan pero sa tingin ko ay mas sasaya ako kapag asawa't anak ko nag makikita ko. "You didn't sleep." I uttered. "Yeah," he said then chuckled. Kunot noo akong tumingin sa kaniya at tinignan siyang maigi sa kaniyang mga mata. Mahahalata ang eyebags ni Jake at ang pamumutla ng kaniyang labi. Ibang iba ang Jake na kaharap ko ngayon, nagmukha siyang may edad dahil sa itsura niya ngayon kumpara noong mga nakaraang araw. "Jake, please fix yourself. I am really worrying about your health," halos maluha-luhang wika ko nang tuluyan akong makaupo mula sa pagkakahiga habang hawak-hawak ang kaniyang kamay. Kung bibigyan ako ng pagkakataon ni Jake na ipadala siya sa Ospital ay sobrang laking ginhawa na no'n sa aking dibdib
Catharyn's POVBUONG AKALA ko ay kakayanin kong hindi sabihin kay Xanno ang problemang kinahaharap ko. Ni hindi ko nga lubos akalain na mapupunta ako sa ganitong sitwasyon, na mas lalo kong nagulo ang plano nilang pamilya. I looked at my surroundings and heaved a deep breath after seeing Xannon beside me. "Please forgive me, my love." Maluha-luhang wika ko pagkatapos kong haplusin ang kanyang pisngi. I packed my things and right after that I silently opened the door. Kailangan kong ipagpatuloy ang plano ko, plano na malaman ang totoo. Hindi ko kaya na si Xannon lang ang may ginagawa. I feel like need to find a solution to these problems. After sneaking on the mansion I went outside the subdivision and stopped the taxi. "Lorenzo subdivision, please." Ani ko pagkatapos ay lumunok ng ilang beses. Abala ang aking paningin sa daanan nang maramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko. Agad ko 'yong tinignan at lungkot ang bumungad sa aking mukha nang makita ko kung sino ang tumatawag. "Xan
Xannon's POV"And lastly, here's our room. But I'll let you use this alone. Doon nalang ako sa guest room," wika ko pagkatapos ay ngumiti kay Catharyn."Dad, mama, I'll just get something on my room," wika ni Xandro nang makarating kami sa dating kwarto ko, namin ni Catharyn."Alright, son," nakangiting turan ko.Nang umalis si Xandro ay tumikhim ako at muling nagsalita, "So, as I was saying....-," hindi ko na natuloy pa ang dapat kong sasabihin nang biglang magsalita si Catharyn at pinutol ang dapat na sasabihin ko."Let's stay on this room, then," wika nito na siyang ikinabigla ko!Gulat akong napatingin sa 'kanya at nagsalita, "W-what?! I mean, b-bakit?" gulat na tanong ko!Paanong gusto niya akong makasama sa iisang kwarto eh samantalang noong nakaraan ay ni dulo ng daliri niya ay ayaw niyang ipahawak sa akin tapos ngayon sasabihin niya na matulog kami sa iisang kwarto?!"I said I want to know you th
Xannon's POVILANG linggo na rin magmula nang huli kong makita ang asawa ko. Hindi na siya muli pang nagpakita sa amin ng anak ko magmula nang magising siya. Masakit, masakit na makita 'yong taong mahal mo na inaakbayan ng ibang tao na dapat ay ikaw ang nasa katayuan ng taong 'yon."Hey, patience," nakangiting turan ng kaibigan ko na si Alliya.Si Alliya ang kasamahan namin nila Yael at Yacob sa Mafiosi Organization. Isa rin sa mga associates si Alliya sa America Mafiosi. Malaki ang utang na loob ng pamilya namin kay Alliya dahil isa siya sa mga naging tulay upang makapasok si Yacob sa America Mafiosi bilang isa rin sa mgaAssociates."Hindi ko kaya," lumuluhang turan ko.
Xannon's POV"Where's patient Altamero?!!" bungad ko sa front desk."Sa room 405, sir. Sino po si---," hindi na natuloy pa no'ng nurse ang dapat niyang sasabihin nang tumakbo ako papunta sa room 405 upang makita at malaman ang kalagayan ng asawa't anak ko.Dali dali akong pumunta para sana sumakay sa elevator kaso maraming tao ang nakaabang na sasakay dahilan para mapagdesisyunan kong umakyat nalang sa hagdan. Hinihingal 'man at kinakabahan ay pilit kong nilalabanan ang mga 'yon at nagmadali pa lalo na umakyat.Pagkaakyat ko ay agad sa 'king bumungad ang walang emosyon na mukha ng aking kapatid maging ang pamumugto ng mga mata ng aking anak."W-where's your mom, Xandro?" kinakabahang tanong ko habang nakaluhod sa 'kanya.Dinig ko ang lalong paglakas ng hikbi ng aking anak na siyang naging dahilan ng lalong pag-usbong ng kaba sa a
Xannon's POV"THANK YOU," wika ko kay Catharyn nang makaalis sila Lolo La Nortus, Sabino at Xandro sa kwarto namin ng aking asawa."Para saan?" natatawang tanong nito."For accepting me and for the unconditional love that you're giving me," nakangiting wika ko pagkatapos ay hinawakan siya sa 'kanyang magkabilaang kamay."Mahal kita, Xannon. Kaakibat ng pagmamahal ang masaktan at handa ako na masaktan para sa 'yo," turan ni Catharyn.Ngumiti ako sa 'kanya at inipit ang buhok na nalaglag sa 'kanynag tainga pagkatapos nagslita, "I can't wait to see you, baby," nakangiting turan ko habang hinihimas ang tyan ng aking asawa.Ngumiti si Catharyn sa akin pagkatapos ay hinalikan ako, "Hindi na rin daw siya makaantay na makita ka, daddy," nakangiting wika ni Catharyn pagkatapos ay hinimas ang aking pisngi.KINAUMAGAHAN ay napagdesisyunan namin ni Ca