Share

CHAPTER TEN

last update Huling Na-update: 2021-08-04 06:28:30

Catharyn's POV

HABANG naglalakad ako sa hallway ay kita ko ang paningin ng karamihan sa akin. Isipin na nila ang gusto nilang isipin pero wala akong pakielam sa kanila. 

Alam ko naman umpisa pa lang na wala sa isip ni Xannon ang magka-anak pero umasa pa rin ako, umasa na baka matanggap niya pa si Xandro pero nagkamali ako. Hindi pa rin pala nagbabago ang pananaw ng g*go! Sarili pa rin niya ang iniiisip niya! 

Pinunasan ko ang mga luhang kanina pa nagbabagsakan pababa sa aking pisngi. I stopped walking and inhaled and exhaled to cast away the negativities that's unfortunately inside me. 

Nang makarating na ako sa faculty ng crew ay agad ko silang kinausap tungkol sa napag-usapan namin ni Mr. Galilie. Agad naman silang pumayag at nagsigawan dahil sa tuwa. Kung sa bagay, sino ba naman ang hindi matutuwa kung ngayon ka nalang ulit makakatikim ng bakasyon. Alam ko na hindi naman bakasyon ang pagpunta namin doon pero para sa amin, tinuturing pa rin naming bakasyon 'yon. 

"Mauuna na muna ako Boss Maui," pagpapaalam ko sa Team Leader ng crew.

"Okay, Cath. Thank you so much!" nakangiting wika ni Boss Maui.

"I didn't do anything, Boss. Hindi dapat ako ang pasalamatan mo, dapat ay si Sir Galilie," I said then tapped his shoulder.

Tango nalang ang tinugon nito sa akin at nakangiti ko siyang tinalikuran. Agad akong dumiretso sa faculty namin upang makapag-ayos na ng aking gamit. Habang nag-aayos ako ay biglang tumuon ang pansin sa akin ni Shiena dahilan para kumunot ang kanyang noo. 

"Anong nangyari sa 'yo? Hindi ka yata pinayagan ah?" tanong ni Shiena habang nag-aayos ako ng aking mga gamit. 

"Pinayagan ako," seryosong turan ko. 

"Ghorl! Nakakatakot naman 'yang awra mo."

Huminga muna ako ng malalim at muling tumingin sa 'kanya dahilan para matutop nito ang kanyang labi dahil sa emosyong pinapakita ko. 

"Nakausap ko ang tatay ni Xandro," buntong hiningang turan ko. 

Kita ko ang gulat sa 'kanyang mukha. Walang nakakaalam kung sino ba talaga ang tunay na ama ng anak ko. Marahil ay alam nilang single mom ako pero ni isa sa mga kaibigan ko ay hindi alam kung sino ba talaga ang ama ni Xandro. Hindi ko alam pero mas okay sa akin na walang nakakaalam kung sino ba talaga ang nakabuntis sa akin dahil ayaw ko ng issue. Isipin mo nalang, paano kung may pinagsabihan ako na ang ama ni Xandro ay si Xannon, hindi ba sobrang laking issue na no'n?

Ang ate ko lang ang nakakaalam kung sino ba talaga ang ama ni Xandro. May mga pagkakataon na nagtatanong si Xandro kung nasaan at sino ba ang kanyang ama pero ang sinasabi ko nalang ay patay na ang kanyang ama. Mas mabuti na 'yon para hindi na ulit maghanap pa si Xandro kung sino ba talaga ang tatay niya. 

"OMG! Hindi ba patay na ang papa ni Xandro?" tanong ni Shiena. 

Umupo ako at bumuntong hininga. Mukhang mali yata ang desisyon ko na ipaalam sa 'kanya na buhay ang ama ng anak ko ah?

"Buhay ang papa ni Xandro," seryosong wika ko. 

"After all these years, Cath?!" sigaw ni Shiena dahilan para patahimikin ko siya. 

"Hinaan mo naman 'yong boses mo! Baka may makarinig sa 'yo," pagalit na bulong ko. 

"Sino ba ang tatay niya? Anong pangalan?" dire-diretsong tanong ni Shiena. 

"I'll keep it a secret," turan ko. 

Bumuntong hininga ito pagkatapos ay nagsalita. "Parang hindi naman tayo magkaibigan, hmp!" wika nito na siyang naging dahilan ng pagtawa ko. 

Pagkatapos naming mag-usap ni Shiena ay agad akong sumakay sa elevator. Agads akong lumabas nang makarating na ito sa parking lot. Natigil ako sa paglalakad nang biglang mag-ring ang cellphone ko. "Hello, baby?" nakangiting wika ko nang marinig ko ang hagikhik ng aking anak. 

"Mom!! You wouldn't believe me, I'm infuriating Tita Katrina!" humahagikhik na wika ni Xandro. 

Binuksan ko muna ang kotse ko bago nagsalita. "Stop making Tita Katrina angry, Xandro. Hindi magandang tignan na nang-iinis ka sa mas matanda sa 'yo," malumanay na pagpapaalala ko dito. 

"Sorry, mom." 

"Kay Tita Katrina ka mag-sorry, okay?" wika ko. 

"Are you on your way home now?" tanong nito. 

Akmang ii-start ko na sana ang aking kotse kaso biglang kumatok sa aking bintana si Xannon dahilan para magpaalam ako sa aking anak at dali daling binaba ang linya. 

Dahan dahan kong binaba ang bintana ng kotse ko pagkatapos ay sumalubong sa aking mukha ang nakangiting mukha ni Xannon. 

"Do you want me to drive you home?" tanong nito.

"May sasakyan ako, Sir," seryosong turan ko pagkatapos ay ini-start na ang kotse ko kaso sa kasamaang palad ay hindi ko mabuksa ang makina nito. 

D*mn! This is great!

"It seems like I'm fortunate today," nakangising wika nito. 

"Magta-taxi nalang ako," sabi ko pagkatapos ay bumaba mula sa aking sasakyan. 

"What's the purpose of my car then?" tanong nito habang sinusundan ako. 

"Ewan ko, tanungan ba ako ng purpose ng tao o mga bagay? Tss!" inis na turan ko. 

Natigil ako sa paglalakad nang hilahin ako nito sa aking palapulsuan. "Don't turn your back at me everytime I'm talking to you, Ms. Gualvez." 

Dahil sa gulat ay agad kong inalis ang pagkakahawak niya sa aking palapulsuan. "Huwag mo rin akong hahawakan sa kahit na anong parte ng katawan ko, Sir. Hindi mo ako pag-aari," seryosong turan ko. 

"Bakit ba parang ayaw mo akong kasama? May ginawa ba akong mali sa 'yo?" tanong nito. 

"May asawa ka at may anak na ako, Sir. Hindi magandang tignan na magkasama tayo," pilit na ngiting wika ko. 

"My wife's dead," wika nito. 

Paanong patay na? Sino ba ang asawa niya na tinutukoy niya? Si Ma'am Margaret ba?

"S-si Ma'am Margaret?" utal na tanong ko. 

Dahan dahan siyang tumango pagkatapos ay ngumiti ng pilit. "Patay na ang asawa mo kaya ako ngayon ang tina-target mo, gano'n ba?" iiling iling na tanong ko habang nakangisi. 

"That's not what I'm trying to...--" hindi na nito natuloy pa ang dapat niyang sasabihin nang magsalita akong muli. 

"May anak na ako, Xannon at kuntento na ako sa kung anong mayroon ako," wika ko. 

"Answer me honestly, who's the father of your child?" he asked while looking at me sharply. 

"P-patay na ang papa niya," pagsisinungaling ko. 

"I'm willing to be the father of your child then," sabi nito. 

"You're willing to be the father of my child who's obviously not your flesh?! Oh c'mon! Hindi pa nga ako buntis gusto mo na agad na ipalaglag noon eh, hindi ba?! G*go ka ba?! Aminin mo nalang! Aminin mo na lang na s*x lang ang habol mo sa 'kin! Nothing more, nothing less!" galit na wika ko habang pinipigilan ang aking sarili na umiyak. 

"Oh? Natahimik ka diba? Kasi nga totoo, totoo na 'yon lang naman ang habol mo sa 'kin! Mauuna na ako, marami pa akong importanteng bagay na gagawin, Sir," sabi ko pagkatapos ay umalis sa 'kanyang harapan. 

TO BE CONTINUED 

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Blenda Agquiz Del Pilar
syang no more coins na,, hayyy ang ganda p nmn...
goodnovel comment avatar
Myra Pepano Cerillo
pls psend nman po if mrron n kyo new episode po slmat
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • The Billionaire's Affection (FILIPINO/TAGALOG)   CHAPTER ELEVEN

    Catharyn's POVRAMDAM ko ang butil ng ulan na naglalaglagan sa aking katawan. Hindi pa rin ako makapaniwala, panong ngayon ko lang nalaman na wala namang ibang habol sa akin si Xannon kung hindi ay ang s*x? Sa sobrang sakit ng ulo ko ay biglang nag-blur ang aking paningin dahilan para mapahiga ako sa sahig.Nagising ako sa sinag ng araw na nagmumula sa labas ng bintana. Bahagya kong pinikit ang kanan kong mata dahil sa araw na dumadapo sa aking balat at tumatama sa aking mga mata."Anong oras na ba? Arghh," bulong ko."It's already 6:15 in the morning," turan ng lalaki na nagmamay-ari ng baritonong boses na kung saan ay pamilyar sa akin.Pagkalingon ko sa taong 'yon ay gulat akong napaatras sa kama na aking kinahihigaan at tinignan ang aking katawan na nakabalot sa makapal na kumot.W-wala akong d-damit?!"Anong gi

    Huling Na-update : 2021-08-04
  • The Billionaire's Affection (FILIPINO/TAGALOG)   CHAPTER TWELVE

    Catharyn's POVPAGKABALIK ko sa 'kanyang kwarto ay mahimbing na ang tulog ni Xannon. Gustuhin ko 'man na gisingin siya upang mapalitan ang kanyang damit ay hindi ko na ginawa dahil sa himbing ng pagkakatulog niya.Nag-iwan nalang ako ng note sa bedside table niya katabi ang gamot at pagkain niya pagkatapos ay napagdesisyunan kong kunin ang mga gamit ko at sumakay ako ng taxi.Habang nasa byahe ay tinignan ko ang aking cellphone at nagulat ako nang makita kong maraming missed calls si ate Katrina dahilan para pagmadaliin ko ang taxi driver.Nang makarating ako sa apartment na aming tinutuluyan ay agad akong tumakbo papasok sa bahay. "Mom!" mangiyak ngiyak na tawag sa akin ng anak ko at yumakap sa aking bewang."What took you so long? Akala namin may masamang nagyari sa 'yo!" lumuluhang sambit ng anak ko.I held her cheeks then kissed hi

    Huling Na-update : 2021-08-04
  • The Billionaire's Affection (FILIPINO/TAGALOG)   CHAPTER THIRTEEN

    Catharyn's POVGALIT kong kinuha ang kanyang kamay pagkatapos ay inilagay ang susi ng kotse sa kamay niya."Iyo na, ano nanaman ba ang pina-plano mo, hah?!" galit na tanong ko dito."Tss, kunin mo nalang," inis na turan ni Xannon pagkatapos ay muling ibinigay sa akin ang susi.Ngumiti ito bago tumalikod sa 'kin. I hissed then started to walk towards him and then I spoke. "Xannon!" inis na wika ko.Subalit, imbis na lumingon ito ay patuloy pa rin itong naglakad papunta sa kotse niya."Hindi ka talaga lilingon?!" sigaw ko gamit ang galit na galit na tono na siyang naging dahilan ng paglingon nito sa akin."What?!" kunot noong bulyaw nito sa akin."Ayoko ng kotse na 'yan," seryosong saad ko.He raised his right eyebrow then started to walk near me. "What?" he

    Huling Na-update : 2021-08-04
  • The Billionaire's Affection (FILIPINO/TAGALOG)   CHAPTER FOURTEEN

    Catharyn's POVPAGKARATING namin sa tapat ng opisina ni Xannon ay agad akong kumatok pagkatapos ay binuksan ang pinto."What are you doin' here?" kunot noong tanong nito."May nag-hahanap ho sa 'yo," nakayukong turan ko.Tinignan ko sila Xash at agad silang pumasok sa opisina ni Xannon dahilan para mapamura si Xannon."Fvck! What are you all doing here?! Where's your bodyguards?!" galit na sigaw nito dahilan para mapaatras ako.Xash chuckled and sat infront of Xannon's glass table. "You know that we can protect Lolo La Nortus, don't you?" nakangiting wika ni Xash.Dinig ko ang buntong hininga na pinakawalan ni Xannon. Napunta ang atensyon nilang lahat sa akin nang biglang mag-ring ang aking cellphone. Nag-excuse ako sa 'kanila at agad ko itong sinagot nang makita ko ang pangalan ni Mang Esme na siyang t

    Huling Na-update : 2021-08-04
  • The Billionaire's Affection (FILIPINO/TAGALOG)   CHAPTER FIFTEEN

    Xannon's POVKITA ko ang paningin ng aking pamilya na nakatunghay sa akin. Dahil sa hindi na ako komportable sa ngiti nila Lolo La Nortus, Yacob, Yael at Ate Xashvin ay hindi ko na napigilan pa na magsalita. "What are you guys lookin' at?" kunot noong tanong ko sa kanila."You like that girl, don't you?" nakangiting tanong ni Yael gamit ang nang-aasar na tingin.I rolled my eyes at him and then I spoke. "G*go!" I cursed."Pikon ang k*ng ina! I was just asking you, Xan. So, what's the score between the two of you?" tanong ni Yael pero mahihimigan mong nang-aasar siya dahil sa tono ng kanyang pananalita."I'm.. uhm.. her boss? Yeah, I'm her boss and she's my employee. That's all," I proudly said.I was about to speak but my older sister Xashvin suddenly interrupted me. "That girl wouldn't dare to shout at you in front of us if you're not

    Huling Na-update : 2021-08-04
  • The Billionaire's Affection (FILIPINO/TAGALOG)   CHAPTER SIXTEEN

    Xannon's POVKASALUKUYAN kaming nandito sa masquerade party at inaantay na dumating si Yacob senyales na maaari na naming bigyan ng babala ang mga tao dito sa party. Halos lahat ng nandito sa party ay mayayaman subalit alam namin na kulang ang kakayahan ng kanilang mga bodyguards kapag ang China Mafiosi na ang gumalaw.I am wearing a black masquerade mask. Marami akong nakikitang mga kilala at mayayamang businessmen dito sa party at hindi ko maipagkakailang natatakot ako sa mga posibleng mangyari sa kanila."Good evening everyone! We're about to start in 5, 4, 3, 2, 1!" ani ng emcee pagkatapos ay namatay lahat ng ilaw dahilan para magpalakpakan ang mga tao."Aaaaaahhhh!!!" dinig kong tili ng isang babae at sumunod doon ang putok ng baril na nanggaling kung saan.Nagkagulo ang lahat ng tao dahil sa pangyayaring 'yon.Fvck! Wala pa

    Huling Na-update : 2021-08-04
  • The Billionaire's Affection (FILIPINO/TAGALOG)   CHAPTER SEVENTEEN

    Catharyn's POVPAGKARATING namin sa bahay namin sa Nueva Ecija ay agad kaming sinalubong ng aking pamilya ng matamis na ngiti at maiinit na yakap."Ang laki mo na, apo!" nakangiting turan ni Nanay kay Xandro."Good evening, Lola!" magiliw na bati ng aking anak kay nanay."Nasaan si Kristel, nanay? Charlie?" tanong ko kila nanay at sa pangatlo kong kapatid na si Charlie patungkol sa aking bunsong kapatid pagkatapos nilang mag-usap.Panganay si Ate Katrina sa aming magkakapatid at ako ang pangalawa. Sumunod naman sa akin si Charlie at bunso namin si Kristel.Bata pa lang kami ay kami na ni Ate Katrina ang magkasangga. Kami ang tagapagtanggol ng aming dalawang kapatid laban sa mga nambubuyo sa kanila. Madalas kasi ay inaasar ang aming mga kapatid dahil wala na kaming tatay."Ah si Kristel ba? Naroon siya sa iyon

    Huling Na-update : 2021-08-04
  • The Billionaire's Affection (FILIPINO/TAGALOG)   CHAPTER EIGHTEEN

    Catharyn's POVDINIG ko ang pagkalabog ng pinto ng aking kwarto dahilan para mapabalikwas ako ng bangon. Mabuti nalang at hindi nagising ang aking anak sa lakas ng kalabog na 'yon."Ano ba...--" hindi ko na natuloy pa ng dapat kong sasabihin nang biglang magsalita si Charlie habnag tumitili."Oh my gosh, ate!!! 'Yong gwapo mong boss nasa labas!!!" wika nito habang natili.Kunot noo akong tumingin sa 'kanya bago nagsalita, "Si Mr. Galilie ba ang nasa labas?" takang tanong ko."Basta boss niyo raw siya ate! Hindi ko alam ang pangalan niya eh," kamot ulong wika ng kapatid ko.Si Mr. Galilie nasa labas? Pero ano ang sadya niya at pumunta siya dito? Hindi naman basta basta napunta si Mr. Galilie sa isang lugar kung wala siyang importanteng gagawin. Ah! Marahil ay tatanungin niya kung ano ang magiging flow ng isho-shoot namin!&

    Huling Na-update : 2021-08-04

Pinakabagong kabanata

  • The Billionaire's Affection (FILIPINO/TAGALOG)   CHAPTER THIRTY-SIX: S2

    PAGKAUWI ko sa kwarto na inuupahan ko ay agad akong humiga sa kama at doon pinakawalan ang isang malalim kong buntong hininga. Humiga ako sa aking higaan at ipinikit ang aking mga mata. Hindi ko alam kung bakit sa bawat pag-pikit ko ay siya ang nakikita ko. Nahihibang ka na talaga, Amelia! Marahan kong pinukpok ang ulo ko gamit ang aking kamay pagkatapos ay bumuntong hininga. Ilang minuto pa ang lumipas bago ako nagdesisyong magbihis ng madalas kong outfit na kung saan ay naka-pants ako at oversized shirt. Napagdesisyunan ko nalang na lumabas sa maliit na kwartong inuupahan ko at pumunta sa isang affordable na store. Agad akong pumasok sa store na 'yon at naghanap ng maaari kong inumin at kainin. "Magkano ho?" tanong ko nang makapili ako at inilabas ang wallet ko. "215 po lahat," ani kahera. Akmang maglalabas na sana ako ng pera mula sa aking wallet kaso biglang may nagsalita sa aking likuran dahilan para mapalingon ako roon. "Idagdag mo na ang 215 pesos na 'yan dito," wika ng

  • The Billionaire's Affection (FILIPINO/TAGALOG)   CHAPTER THIRTY-FIVE: S2

    Amelia's POV"Ikaw na ang susunod, Amelia," ani Madam Boray pagkatapos sumalang ng kasamahan ko. Kinakabahan man subalit pilit kong pinalalakas ang loob ko dahil hindi dapat ako mabulilyaso sa trabaho ko. Hindi dapat ako makita ng mga customer namin na kinakabahan at naiilang. Matagal na akong nagta-trabaho dito subalit hanggang ngayon ay grabe pa rin ang kaba na idinudulot sa 'kin ng trabaho ko. Nang sumampa ako sa stage ay agad kong inayos ang half-mask na suot ko. Binigyan ko ng isang napakalawak na ngiti ang mga customers na nasa harapan ko at dahan-dahang sumayaw sa kanilang harapan. Dinig ko ang sigawan at halinghing ng bawat customers dahil sa erotikong sayaw na ginagawa ko habang nasa harapan ko ang pole. Isinasabay ko ang aking pag-indak sa ritmo ng kanta dahilan para mas lalo kong maakit ang mga customers. Tila ba nag-iinit din ang aking pakiramdam dahil may nararamdaman akong estranghero na kanina pa nakatingin sa akin at kanina ko pa napapansin. Kita ko sa itim na it

  • The Billionaire's Affection (FILIPINO/TAGALOG)   CHAPTER THIRTY-FOUR

    Xannon's POVWE ARE currently hiding inside our car near Jake's family mansion. Ilang oras na kaming naka-park ni Alliya pero wala pa rin kaming nakikitang Jake at Catharyn na lumalabas. Puro mga kasambahay o 'di kaya mga guards nila ang nakikita namin na palabas-masok. "Are they even here?" Halatang naiinip na ani Alliya. Pumunta na kami sa American Mafiosi, sinabi nila na tutulungan kami ng organisasyon na hanapin kung nasaan si Catharyn upang iligtas mula sa mga kamay ni Jake. Naghiwalay ang iba't ibang grupo ng American Mafiosi at nagdesisyon kami ni Alliya na dito sa mansyon ng mga magulang ni Jake magbantay habang ang iba naman ay sa ibang lugar naghahanap. "I'm bored. Wala pa ba 'yong Jake? I'm so excited to slice his neck pa naman." Pabirong turan ni Alliya subalit imbis na matawa ako ay kinunutan ko siya ng noo. What the F is she talking about? Tingin ba niya ay biruan at laro lang ang ginagawa naming paghahanap sa asawa ko na hawak ng gag*ng 'yon?!"Oops, sorry." She ut

  • The Billionaire's Affection (FILIPINO/TAGALOG)   CHAPTER THIRTY-THREE

    Catharyn's POV"Wake up, sleepy head." Nagising ako nang marinig ko ang boses ni Jake na kasalukuyan palang nakaharap sa akin habang nakangiti. I rubbed my eyes using my hands and looked at Jake intently in his eyes. Masaya akong makita siyang kasama ngayong umaga bilang kaibigan pero sa tingin ko ay mas sasaya ako kapag asawa't anak ko nag makikita ko. "You didn't sleep." I uttered. "Yeah," he said then chuckled. Kunot noo akong tumingin sa kaniya at tinignan siyang maigi sa kaniyang mga mata. Mahahalata ang eyebags ni Jake at ang pamumutla ng kaniyang labi. Ibang iba ang Jake na kaharap ko ngayon, nagmukha siyang may edad dahil sa itsura niya ngayon kumpara noong mga nakaraang araw. "Jake, please fix yourself. I am really worrying about your health," halos maluha-luhang wika ko nang tuluyan akong makaupo mula sa pagkakahiga habang hawak-hawak ang kaniyang kamay. Kung bibigyan ako ng pagkakataon ni Jake na ipadala siya sa Ospital ay sobrang laking ginhawa na no'n sa aking dibdib

  • The Billionaire's Affection (FILIPINO/TAGALOG)   CHAPTER THIRTY-TWO

    Catharyn's POVBUONG AKALA ko ay kakayanin kong hindi sabihin kay Xanno ang problemang kinahaharap ko. Ni hindi ko nga lubos akalain na mapupunta ako sa ganitong sitwasyon, na mas lalo kong nagulo ang plano nilang pamilya. I looked at my surroundings and heaved a deep breath after seeing Xannon beside me. "Please forgive me, my love." Maluha-luhang wika ko pagkatapos kong haplusin ang kanyang pisngi. I packed my things and right after that I silently opened the door. Kailangan kong ipagpatuloy ang plano ko, plano na malaman ang totoo. Hindi ko kaya na si Xannon lang ang may ginagawa. I feel like need to find a solution to these problems. After sneaking on the mansion I went outside the subdivision and stopped the taxi. "Lorenzo subdivision, please." Ani ko pagkatapos ay lumunok ng ilang beses. Abala ang aking paningin sa daanan nang maramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko. Agad ko 'yong tinignan at lungkot ang bumungad sa aking mukha nang makita ko kung sino ang tumatawag. "Xan

  • The Billionaire's Affection (FILIPINO/TAGALOG)   CHAPTER THIRTY-ONE

    Xannon's POV"And lastly, here's our room. But I'll let you use this alone. Doon nalang ako sa guest room," wika ko pagkatapos ay ngumiti kay Catharyn."Dad, mama, I'll just get something on my room," wika ni Xandro nang makarating kami sa dating kwarto ko, namin ni Catharyn."Alright, son," nakangiting turan ko.Nang umalis si Xandro ay tumikhim ako at muling nagsalita, "So, as I was saying....-," hindi ko na natuloy pa ang dapat kong sasabihin nang biglang magsalita si Catharyn at pinutol ang dapat na sasabihin ko."Let's stay on this room, then," wika nito na siyang ikinabigla ko!Gulat akong napatingin sa 'kanya at nagsalita, "W-what?! I mean, b-bakit?" gulat na tanong ko!Paanong gusto niya akong makasama sa iisang kwarto eh samantalang noong nakaraan ay ni dulo ng daliri niya ay ayaw niyang ipahawak sa akin tapos ngayon sasabihin niya na matulog kami sa iisang kwarto?!"I said I want to know you th

  • The Billionaire's Affection (FILIPINO/TAGALOG)   CHAPTER THIRTY

    Xannon's POVILANG linggo na rin magmula nang huli kong makita ang asawa ko. Hindi na siya muli pang nagpakita sa amin ng anak ko magmula nang magising siya. Masakit, masakit na makita 'yong taong mahal mo na inaakbayan ng ibang tao na dapat ay ikaw ang nasa katayuan ng taong 'yon."Hey, patience," nakangiting turan ng kaibigan ko na si Alliya.Si Alliya ang kasamahan namin nila Yael at Yacob sa Mafiosi Organization. Isa rin sa mga associates si Alliya sa America Mafiosi. Malaki ang utang na loob ng pamilya namin kay Alliya dahil isa siya sa mga naging tulay upang makapasok si Yacob sa America Mafiosi bilang isa rin sa mgaAssociates."Hindi ko kaya," lumuluhang turan ko.

  • The Billionaire's Affection (FILIPINO/TAGALOG)   CHAPTER TWENTY-NINE

    Xannon's POV"Where's patient Altamero?!!" bungad ko sa front desk."Sa room 405, sir. Sino po si---," hindi na natuloy pa no'ng nurse ang dapat niyang sasabihin nang tumakbo ako papunta sa room 405 upang makita at malaman ang kalagayan ng asawa't anak ko.Dali dali akong pumunta para sana sumakay sa elevator kaso maraming tao ang nakaabang na sasakay dahilan para mapagdesisyunan kong umakyat nalang sa hagdan. Hinihingal 'man at kinakabahan ay pilit kong nilalabanan ang mga 'yon at nagmadali pa lalo na umakyat.Pagkaakyat ko ay agad sa 'king bumungad ang walang emosyon na mukha ng aking kapatid maging ang pamumugto ng mga mata ng aking anak."W-where's your mom, Xandro?" kinakabahang tanong ko habang nakaluhod sa 'kanya.Dinig ko ang lalong paglakas ng hikbi ng aking anak na siyang naging dahilan ng lalong pag-usbong ng kaba sa a

  • The Billionaire's Affection (FILIPINO/TAGALOG)   CHAPTER TWENTY-EIGHT

    Xannon's POV"THANK YOU," wika ko kay Catharyn nang makaalis sila Lolo La Nortus, Sabino at Xandro sa kwarto namin ng aking asawa."Para saan?" natatawang tanong nito."For accepting me and for the unconditional love that you're giving me," nakangiting wika ko pagkatapos ay hinawakan siya sa 'kanyang magkabilaang kamay."Mahal kita, Xannon. Kaakibat ng pagmamahal ang masaktan at handa ako na masaktan para sa 'yo," turan ni Catharyn.Ngumiti ako sa 'kanya at inipit ang buhok na nalaglag sa 'kanynag tainga pagkatapos nagslita, "I can't wait to see you, baby," nakangiting turan ko habang hinihimas ang tyan ng aking asawa.Ngumiti si Catharyn sa akin pagkatapos ay hinalikan ako, "Hindi na rin daw siya makaantay na makita ka, daddy," nakangiting wika ni Catharyn pagkatapos ay hinimas ang aking pisngi.KINAUMAGAHAN ay napagdesisyunan namin ni Ca

DMCA.com Protection Status