Share

Chapter 53

Drake

Hindi ko maintindihan kung bakit ganon ang ipinapakita sa akin ni Val buhat kaninang umaga. Alam kong may hindi siya sinasabi sa akin at sa twing nilalapitan ko siya para makapag-usap kami ay umiiwas siya.

Buhat kanina ay hindi ko siya masolo. Palagi siyang nakabuntot kay Mia at pag lalapit ako ay gagawa siya ng paraan para umiwas sa akin.

Nagkaroon lang ng pagkakataon na makaharap ko siya nang kumain kami ng tanghalian. Nakatabi siya kay Yago at kay Mia habang katabi ko naman si Hayes. Sumalo naman sa amin si Ivy, ang babaeng nagpapasakit ng ulo ko ngayon.

Ni hindi ako halos tinitignan ni Val at madalas na sila ni Yago at Mia ang magkausap.

“Anton.” napatingin ako kay Ivy dahil siya lang naman ang bukod tanging tumatawag sa akin ng ganun

Hindi ko sana siya papansinin dahil naiinis ako. Kung tutuusin ay pwede naman siyang hindi sumama kay Diego pauwi. But since pamilya pa rin siyang maituturing ay wala naman akong magagawa kahit ayaw ko siyang makita.

Masalimuot ang nakaraan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status