“May early signs ng pneumonia ang misis mo, Mr. Gutierrez. She’s also slightly anaemic and dehydrated. I suggest she stays here for a couple of days para mas matutukan namin siya ng husto. But as of now, aside from the fever, she is stable. Hihintayin lang naming mag-take effect ang binigay naming p
Agad na tinambol ng kaba ang dibdib ni Diana sa tanong ni Nick. Sariwa pa sa isip niya ang kanyang panaginip. Madalas bumagabag sa kanya ang mga panaginip na 'yon. May nasabi ba siya na hindi dapat?"Diana, kaninong baby ang tinatawag mo?" pag-uulit ni Nick. Lalong naguluhan ang dalaga, hindi mak
“Friends? Kayong dalawa ni Nick?” hindi makapaniwalang pag-uulit ni Ella sa sinabi ni Diana. Bisita ng huli ang kaibigan sa ospital.Hindi na nakatanggi pa si Diana sa pagbisita nito dahil labis ang pag-aalala nito sa kanya nang mabalitaan kay Prof. Sebastian ang nangyari sa art exhibit. Mabuti na l
“A-ayos ka lang, Nick?” alanganing tanong ni Diana sa asawa na noon ay tila hulog sa malalalim na pag-iisip habang nakatanaw sa kadiliman ng gabi sa may binta ng hospital suite ng dalaga. Kaninang hapon, matapos nitong bumalik mula sa opisina, halos hindi na ito umiimik. Nag-aalala siya na baka nak
“Diana?” pukaw ni Nick kay Diana nang makita nitong abala sa pagluluto sa kusina ang asawa. “What are you doing?”Nilingon ni Diana si Nick, bahagyang ngumiti. “Nand’yan ka na pala. Hindi ko napansin,” sagot ng dalaga, mabilis na tinanggal ang apron na suot, kinuha ang potholder at inalis sa stove a
Malakas na buhos ng liwanag na lumalagos sa bintana ang siyang nagpagising kay Diana kinabukasan. Kinailangan niya ng ilang minuto upang mapagtanto na wala siya sa guest room, kundi nasa mini-library pa rin kung saan sila nagniig ni Nick kagabi. Nick. Kumurap ang dalaga nang maalala ang asawa, big
“Ma’am may delivery po kayo,” balita ni Manang Filomena kay Diana na noon ay nasa lanai at nagme-merienda. Agad na tumayo si Diana mula sa upuan at naglakad sa front door. Noon niya nakita si Manong Ben na ipinapasok ang ilang malalaking karton mula sa portico.“Manong, ano po ang mga ‘yan?” takang
“Pakihanda ang financial reports mula sa overseas branches natin, Vincent. I want everything on my table bago magtanghali,” ani Nick habang tumitipa sa kanyang laptop at nagre-reply sa kanyang emails.Alas nuebe pa lamang ng umaga subalit gusto na ng binatang matapos ang lahat ng kanyang trabaho bag