“S-Sir,” alanganing tawag ni Vincent sa amo. Malalim na ang gabi subalit hindi mapakali ang lalaki hangga’t hindi niya nalilinaw ang posisyon niya sa nangyari kanina sa art exhibit. Ayaw rin niyang umuwi nang hindi nakakahingi ng dispensa. Kaya naman nang makita niyang nasa bar ang boss ay sinadya
“May early signs ng pneumonia ang misis mo, Mr. Gutierrez. She’s also slightly anaemic and dehydrated. I suggest she stays here for a couple of days para mas matutukan namin siya ng husto. But as of now, aside from the fever, she is stable. Hihintayin lang naming mag-take effect ang binigay naming p
Agad na tinambol ng kaba ang dibdib ni Diana sa tanong ni Nick. Sariwa pa sa isip niya ang kanyang panaginip. Madalas bumagabag sa kanya ang mga panaginip na 'yon. May nasabi ba siya na hindi dapat?"Diana, kaninong baby ang tinatawag mo?" pag-uulit ni Nick. Lalong naguluhan ang dalaga, hindi mak
“Friends? Kayong dalawa ni Nick?” hindi makapaniwalang pag-uulit ni Ella sa sinabi ni Diana. Bisita ng huli ang kaibigan sa ospital.Hindi na nakatanggi pa si Diana sa pagbisita nito dahil labis ang pag-aalala nito sa kanya nang mabalitaan kay Prof. Sebastian ang nangyari sa art exhibit. Mabuti na l
“A-ayos ka lang, Nick?” alanganing tanong ni Diana sa asawa na noon ay tila hulog sa malalalim na pag-iisip habang nakatanaw sa kadiliman ng gabi sa may binta ng hospital suite ng dalaga. Kaninang hapon, matapos nitong bumalik mula sa opisina, halos hindi na ito umiimik. Nag-aalala siya na baka nak
“Diana?” pukaw ni Nick kay Diana nang makita nitong abala sa pagluluto sa kusina ang asawa. “What are you doing?”Nilingon ni Diana si Nick, bahagyang ngumiti. “Nand’yan ka na pala. Hindi ko napansin,” sagot ng dalaga, mabilis na tinanggal ang apron na suot, kinuha ang potholder at inalis sa stove a
Malakas na buhos ng liwanag na lumalagos sa bintana ang siyang nagpagising kay Diana kinabukasan. Kinailangan niya ng ilang minuto upang mapagtanto na wala siya sa guest room, kundi nasa mini-library pa rin kung saan sila nagniig ni Nick kagabi. Nick. Kumurap ang dalaga nang maalala ang asawa, big
“Ma’am may delivery po kayo,” balita ni Manang Filomena kay Diana na noon ay nasa lanai at nagme-merienda. Agad na tumayo si Diana mula sa upuan at naglakad sa front door. Noon niya nakita si Manong Ben na ipinapasok ang ilang malalaking karton mula sa portico.“Manong, ano po ang mga ‘yan?” takang
Madilim pa sa labas ng cottage ng mga Byrne subalit gising na gising na si Iris. Nakatayo ang dalaga sa harap ng full-length mirror ng kanyang silid at kasalukuyang pinagmamasdan ang kanyang repleksiyon doon.She was now wearing a one-of-a-kind bridal gown courtesy of her mother-in-law Mariana. On
CHAPTER 57“Franco, are you asleep?” tanong ni Iris sa asawa,pabulong.Gabi na subalit hindi makaturog si Iris. Magkatabi sila ni Franco sa hospital bed nito. Nailipat na sa regular private room si Franco. Kaya naman naibsan na ang pag-aalala sa dibdib ni Iris. Ayaw pa sanang payagan ni Doc Sunny
Halos hilahin ni Iris ang bawat minutong dumaraan habang nasa daan sila pabalik sa medical facility. Walang malinaw na sinabi ang staff ng ospital na tumawag kay Primo kung anong nangyari kay Franco. Basta pinapabalik lang sila agad sa medical facility. Kaya naman matapos muling maisara ang vault,
Note: Nagkamali ako ng upload kagabi. Please read Chapter 457 before Chapter 456. Thanks!Malakas ang pagkabog ng dibdib ni Iris habang pabalik sila sa sanctuary ni Louis Monaghan. Kung paano siya napapayag ni Mariana na bumalik doon, hindi rin niya alam. Basta natagpuan na lamang niya ang sariling
“Kumusta na ang pakiramdam mo, Iris? Are you feeling better? “ tanong ni Mateo kay Iris nang maiwan ang dalawa sa loob ng hospital room ng dalaga.“I-I’m good,” alanganing sagot ni Iris, umayos ng upo sa kama bago nagbuga ng hininga.Ayaw niya sanang magpadala sa kaba. But the way Mateo was talking
“How is he?” tanong ni Iris kay Primo nang bisitahin siya nito kinabukasan. Hindi nito kasama si Irina dahil naroon daw ang kapatid sa kanilang mga magulang.“He’s stable but still—"“Unconscious?” pagpapatuloy ng dalaga sa sana’y sasabihin ng lalaki.Tumango-tango si Primo. “Yes. I’m sorry, Iris. W
Malakas ang pagkabog ng dibdib ni Iris habang patungo sila ni Primo sa ICU kung saan naroon si Franco. Nasa wheelchair ang dalaga at maingat na tinutulak ni Primo sa dapat nilang puntahan. Iyon kasi ang advice ni Doc Sunny nang ipagpaalam siya ni Primo dto na pupuntahan niya si Franco. The doctor s
Hindi maampat-ampat ang luha ni Iris habang patungo sila sa medical facility ng Aquila Nera. Doon ipinadiretso ni Primo si Franco matapos itong mabaril sa bandang binti. And while the unknown shooter was already killed by Mateo, hindi pa rin mapakali si Iris. She wanted to kill the unknown gunner
Agad na naningkit ang mga mata ni Louis sa pagbabanta ni Franco. “You mean, I cannot do this to her?” Without warning, mabilis na ipinasada ng matandang lalaki ang swiss knife sa braso ni Iris.Napahiyaw ang dalaga nang sumigid ang sakit mula sa sugat. Subalit hindi pa man nakakahuma ang dalaga, mul