"Cherry, ito oh! suotin mo na. Yan ang uniporme nating mga waitress dito." utos ni Tinay kay Cherry pagkapasok nila sa locker room.
Kinuha naman ni Cherry ang iniabot sa kanya ni Tinay."Mauna ka na magbihis sa loob ng banyo." utos ni Tinay sa kanya. Tumango siya at nagtungo na nga sa banyo.Sakto namang may lumabas roon na kakatapos lang atang magpalit ng damit. Napansin siya nito at ngumiti sa kanya.Nagbalik ngiti naman siya sa babae."Bago ka?" tanong sa kanya ng babae."Oo, kasama ako ni Tinay. Cherry nga pala!" sagot at pagpapakilala niya sa sarili."Ah! ako si Maricel, waitress ka din dito?" muling tanong nito sa kanya pagkatapos magpakilala.Tumango siya. "Nice meeting you, Maricel. Magpapalit lang muna ako." aniya na ipinakita pa ang hawak niyang uniporme nila."Ay sorry, sige magpalit ka na muna." wika ni Maricel at nilapitan na si Tinay.Sa loob ng banyo ay tinignan ni Cherry ang isusuot niyang uniform na binigay sa kanya ni Tinay. Napansin niya kase ang suot ni Maricel na kita ang tiyan at pusod ng babae at maiksi ang suot na palda. Kahit na may black na cycling short naman ay maiksi pa rin tignan at medyas na mahaba na abot hanggang sa hita niya.Napangiwi siya ng makita ang hitsura niya sa salamin. Maganda naman sa kanyang tignan dahil bumagay sa kanyang magandang pangangatawan. Pero halata sa mukha niya ang pagkailang dahil hindi siya kumportable sa kanyang suot.Nahihiya siyang lumabas ng banyo at magpakita sa ibang tao na ganoon ang suot niya."Wow ang sexy mo naman Cherry. Pak na pak ang kagandahan mo." bulalas na bigkas ni Tinay ng makita siyang kalalabas lang ng banyo.Hindi naman makangiti si Cherry kahit na pinupuri pa siya ni Tinay. Panay naman ang hila niya sa skirt na suot na akala ata niya ay hahaba iyon sa kanyang ginagawa.Lumapit si Maricel sa kanya at inayos ang pagkakatali ng suot niyang blouse."Ayan, okay na. Perfect!" sambit ni Maricel na pinasadahan pa siya uli ng tingin."Hindi pa perfect yan. Wait, halika saglit Cherry maupo ka rito at aayusan kita." wika naman ni Tinay sa kanila.Sumunod naman si Cherry sa sinabi ni Tinay. Nakita niyang may mga inilabas itong pampaganda tulad ng foundation cream, lipstick, eye liner at kung anu-ano pa.Nagpatianod lang siya sa ginagawa ni Tinay sa mukha niya habang si Maricel naman ay inaayusan ang sarili. At ng matapos ay hindi siya makapaniwala sa kinalabasan ng hitsura niya ng iabot sa kanya ni Tinay ang bilog na salamin. Hindi na niya halos makilala ang sarili kahit na simple lang naman ang pagkakamake up sa kanya ni Tinay."Grabe ang ganda mo, Cherry!" bulalas na sambit ng dalawa na nagsabay pa talagi ng pagsabi.Nagkatawanan ang dalawa at siya ay napangiti naman. Dahil sa totoo lang kahit siya ay nagandahan sa sariling repleksyon."Salamat, kayo rin naman ang gaganda ninyo." aniya sa dalawa na napabungisngis."Wag mo na kaming utuin alam naman namin na hindi kami ganoon kaganda. Pero thank you pa rin sa sinabi mo. Pero ikaw sobra ang ganda mo girl mas magaganda ka pa sa mga g.r.o dito. Ingat ka nga pala kina Mandy at Gemmalyn masasama mga ugali ng mga yun. Kung guluhin ka iwasan mo na lang ang mga bully na yon." paalala ni Maricel sa kanya."Oo nga pala hindi ko nasabi sayo kanina Cherry. Kapag may nangahas na costumer na kulitin ka na itable lapitan mo kami ni Maricel o si Roy ang bouncer na nasa pinto ng entrance siya ang head ng mga bouncer sa club. Ipapakilala kita mamaya paglabas natin pati sa bar tender. Ang ibang waitress ay nasa labas pa maya-maya ay tayo naman. Sumunod ka na lang muna sa akin at pag aralan ang mga ginagawa ko para sa susunod ay alam mo na ang gagawin." bilin naman sa kanya ni Tinay.May mga cctv nga pala sa bawat sulok ng club. Kaya wag kang tatamad tamad ha dahil makikita ka ni Madam Leah sa monitor. Magdamag lang yun si Manager sa loob ng room niya na nanunuod sa cctv. Lumalabas lang siya kapag may nagpatawag ng manager o may naghanap sa kanyang big time na costumer.Tumango tango si Cherry na mataman na pinakikinggan ang mga sinasabi nila Tinay at Maricel."Malapit na ang oras natin magready ka na Cherry." saad ni Tinay."Teka, Cherry ba talaga ang gagamitin mong name dito sa club? Kase kami hindi tunay na pangalan ang pakilala namin rito. Alam mo na para sa seguridad na rin. Hindi talaga Maricel ang pangalan ko kahit naman si Tinay nakasanayan na lang niya ang palayaw niya ikaw ba?" litanya pa muna ni Maricel sa kanya."Ganun ba? Pwede kaya na Cherry na lang ang itawag ninyo sa akin, sanay ako sa Cherry. Kase ang full name ko naman ay Cherry Lou talaga." suhestiyon niya sa katrabaho."Ayus rin naman yan, sige Cherry na nga lang ang itatawag namin sayo." wika na ni Tinay."Tara na sa labas, ipapakilala pa kita kina kuya Roy at Arthur." pag aaya na nito sa kanila ni Maricel.Nahihiya man si Cherry ay nilakasan na rin niya ang loob at sinabi pa sa sarili na. "Narito na ko, wala nang atrasan. Para makaipon para sa pag-aaral."Tulad nga ng sinabi ni Tinay ay ipinakilala siya nito sa bouncer ng club na si Roy. Nanlaki ang mata niya sa sobrang lalaki ng muscle ng lalaki at medyo kinabahan pa siya nung una dahil sa pagkakatingin ng lalaki sa kanya pero nagbiro lamang pala at mabait ang awra nito sa kanya.Sunod siyang ipinakilala kay Arthur ang bar tender ng club na may pagkamahangin ang dating para sa kanya dahil piling pogi ang lalaki.Naipakilala na rin siya sa ibang waitress na nakita nila sa nadaanan nila ni Tinay.Madami-dami na rin ang mga costumer na pumapasok na kahit na ordinaryong araw ay halos mapuno na rin ang buong club.Napatingin si Cherry sa mga babaeng sumasayaw sa stage. Unang beses niyang makakita ng ganoon kaya ganon na lang ang pagkakaawang ng bibig niya na napansin ni Tinay. "bibig mo, wag ka magpahalata na inosente ka rito. Kapag napansin ka ng mga babaeng yan pagtutulungan ka ng mga yan. Umarte ka na balewala lang sayo ang mga nakikita mo." muling bilin ni Tinay."Sige, Tinay. Alam ko na ang gagawin ko." sagot niya."Ito, ballpen at papel. Ikaw ang magsulat ng mga orders ng costumer. Dapat alerto ka at mabilis." pagtuturo pa sa kanya ni Tinay."Ayun may bagong pasok, Sumunod ka sa'kin. Watch and learn." ani pa ni Tinay."Good evening sir, Your order, sir?" bati at unang tanong ni Tinay sa mga costumer."Ah yes, give us 2 buckets ng light pilsen miss and ano bang mga pulutan niyo rito?" Sagot ng isa sa mga lalaking nilapitan nila.Mabilis naman ang naging galaw niya ibinigay niya ang tatlong menu na hawak niya.Napansin siya ng isa sa mga lalaki. "Bagong waitress dito? Maganda ka miss, bakit hindi ka na lang nag g.r.o dito sayang naman hindi ka namin pwedeng makatable." ani ng lalaki na siguro ay matagal ng costumer sa club.Hindi siya sumagot at hindi rin siya tumingin sa nagsalita. Hinawakan ni Tinay ang kamay niya at pinisil. "Sir, respeto naman po. Nagtatrabaho po kami ng maayos dito. Matagal na rin po kayong costumer dito at may rules po kaming pinatutupad dito sa club siguro naman po ay alam nyo na iyon." pakiusap ni Tinay at sumulyap sa pwesto ng bouncer."Sorry miss, mag order na lang tayo mga pare. Baka lapitan pa tayo dito ng manager nila masira pa ang kasiyahan natin. Pero siguro naman ay pwede namin siyang makilala." ani naman ng isa sa mga lalaki. Tumingin si Tinay kay Cherry at tumango."Cherry po ang pangalan ko sir." pagpapakilala niya."Cherry? ang ganda ng name mo, kasing ganda mo. Masarap din ang cherry." Sambit ng kasama ng nagtanong ng pangalan niya."Ehemm sir, nakilala niyo na siya oorder na po ba kayo o mamaya na?" pagtikhim ni Tinay upang maputol na ang usapan at matapos na sila sa pagkuha ng orders sa mga lalaking makulit.Nagkatawanan ang mga lalaki. IIang saglit pa ay lumapit si Roy sa pwesto nila. "May problema ba rito, Tinay? Ginugulo ba kayo ng mga 'to?""Teka, nagpakilala lang naman kami sa bago ninyong waitress." paliwanag ng lalaking nag order kanina ng pilsen.Tumingin si Roy sa kanila ni Tinay. "O- oo kuya Roy, nagtanong lang sila." ang sabi naman niya sa bouncer."Tawagin n'yo lang kami kapag may nanggulo sa inyo rito, Tinay." tumango sila kay Roy at iniwan na sila sa mga costumer at naglakad na pabalik sa pwesto nito."Magseryoso na tayo mukhang may nagmamay ari na rin kay Ms. Beautiful." wika ng isa sa mga costumer na hindi na lang pinansin ni Cherry."Oorder na po ba kayo mga sir?" tanong muli ni Tinay na medyo naiirita na."Sisig at calamares at buttered chicken na lang miss taray." sagot ng isa sa tanong ni Tinay na isinulat naman ni Cherry.Nang makuha na nila lahat ng orders ay umalis na sila sa table ng mga lalaki. Upang ibigay sa cook ang inorder na pulutan at kunin ang 2 buckets ng pilsen iniabot naman sa kanila ang mga plates at baso na gagamitin ng mga costumer. Bumalik sila ni Tinay roon at inayos ang mga baso at 2 buckets. Nang maramdaman ni Cherry na may humipo sa kanyang hita."Sir, wala naman pong bastusan. Kaya nga po waitress pinasok ko rito at hindi g.r.o ay ayokong may hahawak sa akin. Respeto naman sir."Mahinahon pero halata ang inis sa tono na sabi ni Cherry na naluluha pa. Bigla kase ay bumalik sa ala ala niya ang panghahalay na ginawa sa kanya ng lalaking may tattoo.Mabilis siyang umalis at tumakbo papasok ng locker. Napatingin pa sa kanya ang kasamahang waitress na namamahinga ng mga oras na yon.Tahimik siyang umiiyak at pinapahid ang luha na hindi niya mapigilan na tumulo sa kanyang pisngi.May isa na lumapit sa kanya at inabutan siya ng tissue na tinanggap niya. Tinapik tapik pa ang likuran niya para lumuwag at mawala ang paninikip ng kanyang dibdib."Okay ka na?" tanong sa kanya."Thank you, Oo salamat okay na ko." sagot niya."Ano bang nangyare? Hulaan ko may nambastos sayong costumer?" muling tanong ng babae sa kanya.Tumango siya rito at matipid na nginitian."Siguro kailangan kong sanayin ang sarili ko sa ganitong lugar. Kailangan kong magtiis ng ilang buwan para makaipon ako. Ang hirap naman!." wika niya na humugot pa ng malalim na hininga.Napangiti naman sa kanya ang babae."Ganun talaga! Tiis lang. Maganda ka, marami magkakainteres sayo rito at dapat ay mag iingat ka rin kung gusto mong pangalagaan ang sarili mo sa ganitong lugar. Payo lang din wag kang magtitiwala kahit na kanino.Tandaan mo yan sis." makahulugang wika nito sa kanya.Natigilan siya pero nagpasalamat uli sa babae."Ako nga pala si Cherry, ikaw?" pakilala niya."Melai ang pangalan ko. Balikan mo na si Tinay don at baka hinahanap ka na rin non. Nakita kita kanina na kasama ka niya. Busy lang ako kaya hindi ko kayo nalapitan sa labas. Huwag mong intindihin ang mga costumer na bastos. Umiwas ka na lang. Wala eh! iba kase mga mindset ng mga lalaking ganun. Iniisip nila na porket dito sa club nagtatrabaho ay bastusin na lahat. Balik ka na sa trabaho baka mapansin ni Madam Leah na wala ka roon at baka ma question ka pa." wika uli nito sa kanya.Tumayo siya at inayos ang sarili. Nagpaalam siyang lalabas na at tinanguan lang siya ni Melai."Kumusta ang unang sabak sa pagwiwaitress, Cherry?" bungad na tanong sa kanya ni aling Joyce ng makauwi na sila ng bahay ni Tinay."Good morning po, Tiyang." bati niya muna sa ginang at dumiretso sila ng upo ni Tinay sa mahabang upuan."Ay naku tiyang, medyo nahirapan akong protektahan si Cherry sa mga costumer sa club. Masyado siyang pansinin dahil sa ganda niya." wika ni Tinay na tumayo sa pagkakaupo at kumuha ng tuwalya at inayos ang pamalit na damit upang asikasuhin ang sarili."Bakit, anong nangyari?" pag aalalang tanong ng ginang na nakatingin kay Cherry."Masasanay din po ako sa trabaho. Pansamantala lang naman din po ito kapag may ipon na po ako at kapag pwede na ko mag apply sa iba, kahit po tagalinis ng banyo ay papasukin ko po." aniya kay aling Joyce."Ikaw ang bahala Cherry, basta palagi kang mag iingat sa trabaho sa club. Hindi maiiwasan don ang inggitan iha lalo na at sinabi ni Tinay na pansinin ka roon. Sabagay sa ganda mong iyan napakaimposible talaga na walang costume
May isang buwan na rin magmula ng tumuntong ng manila si Cherry Lou. At sa isang buwan na yun ay marami na rin siyang pinalagpas na pambabastos sa kanya sa club na madalas ay binabalewala na lang niya.May naipon na siya dahil sa mga tip ng costumer na natatanggap niya bukod sa sinasahod niya sa pagiging waitress na kada linggo ay naipapadala niya sa pamilya niya sa probinsiya at nakakapag ambag na rin siya kina aling Joyce at Tinay para sa bahay.Malapit na ang kanyang ikalabing walong kaarawan kaya naman nag iipon siya ng panghanda man lang para sa araw ng kanyang kapanganakan.At higit sa lahat ay masaya siya na malapit na niyang iwan ang pag wi waitress sa club na inilihim niya sa kanyang ama't ina.Ang alam kase ng kanyang inay ay naipasok siyang Janitress sa pinapasukang trabaho ng kaibigan nitong si aling Joyce. Kilala kase niya ang ina na hindi papayag na mag trabaho siya sa club kaya kinuntsaba niya pa noon ang kaibigan ng ina na naiintindihan naman siya.Hindi kase niya alam
Ika labing walong kaarawan ni Cherry Lou na sila lang ni aling Joyce ang nag celebrate nang araw na iyon.Nagpadala lang siya sa kanyang pamilya ng pera upang may ipanghanda ang mga ito para sa maliit na salu salo para sa kanya.Tuwang tuwa ang kanyang mga kapatid na ng makita niya sa videocall ang iniluto at biniling cake ng inay niya para sa kanyang kaarawan.Naluluha naman siyang natutuwa rin sa kanyang nakikita sa pamilya niya na kumpleto roon habang siya ay nasa malayo naman. Mas naramdaman niya pa ang pagka miss sa pamilya.Madalang lang kase ang may pa cake at maraming handa kapag may birthday sa kanilang mag anak. Kaya naman ang makitang masaya ang mga nakababatang kapatid ay sobrang kagalakan na sa kanyang puso.Nagpapasalamat siya kay aling Joyce na sinamahan siya nitong mamasyal kahit na alam niyang nalulungkot pa rin ito sa pagkawala ng pamangkin at pinipilit na magmukhang okay sa kanyang harapan.Kung nabubuhay pa rin sana si Tinay ay mas masaya sana ang kanyang kaarawan.
"Annika.." pagtawag ni Cherry sa pangalan ng kaibigan na nakatayo sa isang sulok ng terminal ng bus."Cherry Lou.." bigkas rin ni Annika sa kanyang pangalan."Kanina ka pa ba rito o kakarating mo lang din?" tanong ni Cherry kay Annika."Kanina kanina lang. Siguro ay kulang kalahating oras na rin ng dumating ang bus na sinakyan ko patungo rito. Natuluyang nalowbat ang phone ko kaya hindi na ko nakapag chat sayo." sagot ni Annika sa kanya."Mabuti at dito ka sa puwestong ito naghintay, madali kitang nakita. Pagbaba ko pa lang ng jeep namataan na agad kita." ani ni Cherry na tinanguan ni Annika na tipid na ngumiti pa sa kaibigan."Nagugutom ka ba? Gusto mo ba kumain na muna tayo sa fastfood na malapit dito?" muling tanong ni Cherry."Hindi pa naman ako gutom Cherry Lou baka pwedeng dalhin mo na ko sa bahay nyo. Napagod ata ako sa byahe, mas gusto kong magpahinga. Okay lang ba!?" ani ni Annika na mukha ngang namumutla pa."Oo naman okay lang! Tara, doon tayo sasakay sa sakayan ng jeep pau
"Cherry, gusto kong mawala ang bata sa aking sinapupunan. Hindi ko matatanggap kailanman ang pagkakaroon nang anak sa mga hayop na bumaboy sa akin. Mga demonyo sila Cherry, mga hayop sila!. Kaya itong nasa tiyan ko hindi dapat matuloy at hindi dapat mabuhay dahil anak ito ng mga lalaking umabuso sa pagkakababae ko. Ayoko sa pinagbubuntis ko cherry, ayoko!" umiiyak na wika sa kanya ni Annika."Pero Annika, anak mo rin yan. Maghunos dili ka! Kasalanan sa nasa itaas yang iniisip mo. Huwag kang gumawa ng bagay na pagsisihan mo balang araw. Kakayanin mong lagpasan ito ha!. Huwag mong idamay ang magiging anak mo Annika sa ginawa sa'yo ng ama niyan. Walang kasalanan sayo ang ipinagbubuntis mo." ani ya sa kaibigan na malabo na ang pag iisip."Nasasabi mo yan Cherry Lou dahil hindi sayo nangyari 'to! Hindi ka nabuntis ng mga walang awang demonyong gumahasa rin sayo. Maswerte ka dahil hindi mo nararanasan ang dinanadanas ko ngayon. Bakit ako pa! Sana hindi na lang kita sinamahan maghanap ng tra
Pinagpahinga na muna ni aling Joyce ang magkaibigan upang makapag isip na rin ng maayos si Annika. Pero umaasa ang ginang na sana ay makumbinsi nila ni Cherry si Annika habang nag iisip pa sila nang maaari nitong gawin o idahilan sa pamilya ng hindi mag aalala ang mga magulang ng dalaga.Nasa sala ang ginang at inaayos ang mga tikluping damit nila ni Cherry ng mapansin niyang palapit sa kanya ang dalaga."Tiyang, pwede ko po ba kayong makausap?" mahinang sambit ni Cherry kay aling Joyce na halos pabulong.Ayaw ni Cherry na marinig ni Annika ang sasabihin niya sa ginang. Kakalabas lang niya sa kanilang silid at iniwan niyang mahimbing na sa pagkakatulog ang kaibigan ng makita niya ang tiyahin na nakaupo sa may sala."Nakatulog na ba si Annika?" balik tanong naman ng ginang sa kanya.Tumango siya at naglakad palabas ng bahay at sumunod si aling Joyce sa kanya. Hindi naman sila lumayo pa ng bahay, sapat lang ang distansya na hindi maririnig ni Annika ang sasabihin niya kay aling Joyce."
Nagtigil nang ilang araw pa si Annika sa apartment nila Cherry. Ngunit hindi na tinitigilan ng magulang niya si Annika sa pagpipilit ng mga ito na bumalik na sa kanila, dahil nanghihinayang sa kanyang pag aaral ang kanyang kapatid na nasa ibang bansa. Sinabi ng kanyang ina na susunduin ito kung nasaan siya sa manila at hindi naniniwala na hindi sila magkasama ni Cherry Lou.Inihatid ni aling Joyce sa Quezon si Annika upang doon na muna magtago at nangako sa dalaga na dadalasan ang pagdalaw roon. May makakasama naman si Annika na dalawang matanda na tiyuhin at tiyahin ni aling Joyce na nasa ibang bansa ang mga anak at dalawang apo na bata pa na inaalagaan din ng matandang mag asawa dahil nasa abroad ang mga magulang ng dalawang bata.Ilang buwan ang lumipas ay sumuko na rin ang mga magulang ni Annika at hinayaan na ang dalaga sa desisyon na mag isa na muna sa buhay dahil nagsimula na rin ang pasukan at hindi na makakahabol pa sa klase si Annika.Naisipan din ni aling Joyce na lumipat u
Binalikan na nila sa ward si Annika, na natutulog pa rin. Nagpaalam si aling Joyce kay Cherry at iniwanan na muna siya ni aling Joyce kay Annika dahil aasikasuhin raw nito ang pagpapalibing sa namatay na sanggol ng kanyang kaibigan.Nang magising si Annika ay nasa tabi niya na si Cherry Lou na nakaupo sa monoblock chair at nakalugmok ang ulunan sa kanyang kinahihigaan at nakatulog ata sa pagbabantay sa kanya.Hinawi ni Annika ang buhok ni Cherry kaya naalimpungatan ang dalaga."Gising ka na pala, kanina ka pa ba nagising? nakatulog pala ako." ani Cherry na inayos ang sarili at tumayo."Kakagising ko lang." sagot ni Annika."Kumusta pakiramdam mo? May gusto ka ba? Nagugutom ka ba o nauuhaw ka?" hindi magkandaugagang tanong ni Cherry kay Annika."Nauuhaw, medyo nagugutom din ako." sagot muli sa kanya ni Annika.Pinainom ni Cherry ang kaibigan gamit ang straw at nagpaalam siya kay Annika na ibibili muna ito ng pagkain sa labas.Pagbalik ni Cherry ay inalalayan niya ang kaibigan at pakaka
"Liam, pwede na wag muna natin pag usapan yan?" "Hindi ka ba komportable? okay sige, hindi na muna." tanong at saad ni Liam.Idiniretso na ni Liam si Ivan sa bahay nila Cherry at Anthony dahil mas malapit ang way kesa sa bahay nila Liam at may pasok pa si Ivan bukas.Saglit lang silang nagkamustahan nila Cherry Lou at Anthony at umuwi na rin sila sa bahay ni Liam.Inayos na muna ni Annika si Miley upang makatulog ng maayos ang bata.Nang gabi iyon ay binawian ni Liam si Annika dahil hindi ito pumayag na walang mangyaring love making sa kanilang dalawa kahit pa pagod ang lalaki.Sa loob ng banyo habang naliligo si Annika ay pinasok siya ni Liam at doon ay ilang minuto rin nilang inangkin ang isa't isa. Lumipat lang sila sa kama ng makaraos silang sabay sa loob ng banyo.Mag aalas dos na ng madaling araw ng papagpahingahin ni Liam ang katawan ni Annika. Halos lahat na ata ng position sa pakikipagt*lik ay ginawa nilang dalawa. Kung hindi pa sumuko si Annika ay hindi pa rin siguro siya
Tanghali na ng magpasyang umalis sina Liam sa bahay. Silang tatlo lang nila Miley ang magkakasamang umalis.Nagtaka si Annika ng ihinto ni Liam ang sasakyan nito sa tapat ng school nila Ivan at nagulat din siya ng makita niyang lumabas ang anak niya sa gate ng school."Anong ginagawa natin dito, bakit lumabas ng school si Ivan?" tanong ni Annika ng papalapit si Ivan sa kotseng kinalululanan nila.Lumabas ng kotse si Liam at sinalubong si Ivan para kuhanin ang dalang bag ng bata."Hi Ma, kanina pa kayo? sorry dumaan pa kase ako ng banyo bago ako tuluyang lumabas ng school." bati ni Ivan kay Annika na humalik pa sa pisngi ni Annika bago umayos ng upo sa loob ng kotse."Kararating lang namin, anak." sagot ni Annika kay Ivan."Ipinagpaalam ko si Ivan kina Anthony at Cherry kanina. Sila ang tumawag sa school para payagang makalabas ng maaga si Ivan." paliwanag ni Liam kay Annika ng ito naman ang makabalik ng upo sa drivers seat."Buti napapayag mo?" wika ni Annika."Sinabi kong kasama kita
"Yehey! hindi na aalis si Nurse Annika." masayang turan ni Miley ng ipaalam nila sa bata na hindi na muna aalis si Annika pero agad rin nalungkot ng sabihin ni Annika na kailangan pa rin niyang bumalik sa States."Wag kang mag alala baby Miley, babalik din ako agad. Hindi ako magtatagal doon, may mga kailangan lang talaga akong gawin na importante sa States." paliwanag niya sa bata at napatingin siya kay Liam na tahimik lang sa isang sulok."Promise mo yan, Nurse Annika?""Promise, baby. Babalikan kita.""Okay, thank you po, nurse Annika." masigla ng wika ng bata."Kailan ka aalis?" tanong ni Liam."Gusto ko sanang makasama muna si Ivan bago ako mag flight sa sunod na araw. May ticket na ko Liam, sayang naman kung hindi ko gagamitin hindi ko naman marerefund ang naibayad ko na.""Sasama kami sayo ni Miley." saad ni Liam na seryoso pa rin na nakatingin sa kanya."What?!" bulalas na tanong ni Annika."I said, sasama kami ni Miley sayo sa states.""Are you serious, Liam?""Ayaw mo?" tano
Kinabukasan ng umaga ay magkakasabay na nag almusal sina Annika, Liam at Miley sa dining room. "Liam, baby Miley, sasamantalahin ko na ang oras na ito para makapagpaalam na sa inyong dalawa. Sa isang araw na ang balik ko sa states. Ito ang araw na last day ko ng makakasama kayo. Bukas ng umaga ay aalis na ako, may mga kailangan kase akong gawin bago ako mag flight sa isang araw." aning wika ni Annika na ikinatigil ni Liam sa pagsubo at napasulyap ng tingin kay Annika."I-iiwanan mo rin ako, nurse Annika?!" nalulungkot na tanong agad ng anak ni Liam."I'm sorry baby Miley, kailangan kong bumalik sa states dahil may trabaho akong naiwan doon." paliwanag niya sa bata."Wag mo kong iwan, nurse Annika, please.. Ayokong umalis ka. Daddy, do something ayokong umalis si nurse Annika. Ayokong iwan niya tayo, Daddy..." naiiyak ng wika ni Miley sa kanila.Nagkatinginan sina Liam at Annika."Hindi na ba talaga mababago ang desisyon mo?" seryosong tanong ni Liam kay Annika na hindi na nakakain at
Magdadalawang linggo na ang araw na lumipas.Nakailang bisita na rin kay Annika sina Cherry at Ivan kasama ang mga anak ni Cherry Lou at Anthony na ikinasasaya ng batang si Miley dahil nagkakaroon ito ng kalaro.Naging mas malapit pa ang bata kay Annika. Madalas din si Annika na sa tabi ng bata nakakatulog sa gabi dahil binabasahan niya ito palagi ng story book.Isang gabi ay dumating si Liam na malalim na ang gabi at naisipan niyang silipin na muna ang kanyang anak sa silid nito. Ilang araw din kase siyang nagpakabusy sa work kaya nawalan na naman siya ng panahon kay Miley. Isa pang dahilan ay gusto rin niyang iwasan muna si Annika dahil ramdam niyang nahuhulog na ang loob niya sa hipag ng pinsan niya.Nung nakaraang gabi ay nakipagkita siya kay Anthony sa labas. Tinanong niya ang pinsan niya tungkol kay Annika. Inalam niya ang lahat-lahat sa buhay ng dalaga at inamin niya kay Anthony na may nararamdaman na siyang special kay Annika.Wala namang inilihim si Anthony sa kanya. Dahil an
Tunog ng cellphone ang narinig nila Annika at Manang Lumeng na nasa bulsa pala ng ginang. Mabilis na kinuha ni Manang Lumeng sa bulsa nito ang cellphone at agad ding sinagot ng makita kung sino ang tumatawag."Si Miley, gising na." pagpapabatid muna ng ginang kay Annika."Miley, narito ako sa labas ng silid mo." wika ni Manang Lumeng sa kausap sa cellphone at binuksan ang pintuan sa tabi ng silid ni Annika."Sumunod ka sa akin, Annika." utos sa kanya ng matandang babae."Manang, sino po siya?" tanong ng batang titig na titig sa mukha ni Annika."M-Mommy?!" sambit ng bata na nakatitig pa rin kay Annika.Napatitig na rin si Manang Lumeng kay Annika na napakunot ang noo dahil sa tinawag siyang mommy ni Miley.Napangiti si Manang Lumeng na marealize nitong kahawig niya ang ina ng bata."Kaya naman pala, kahawig mo Annika si Mylene kapag natitigan ka ng matagal." ang sabi sa kanya ni Manang Lumeng."Miley, siya si Miss Annika, ang bago mong nurse. Hindi siya ang mommy mo." saad ng ginang s
"May problema ba?" tanong agad ni Anthony ng isara ni Liam ang pintuan ng opisina nito sa bahay."Sure ka bang nurse yang hipag mo?"Natawa si Anthony sa tanong ni Liam."Dean's lister at with honor si Annika ng mag graduate sa america, Liam. Sure akong nurse siya dahil licensed nurse din ang hipag ko. Why? hindi ba halata sa kanya?""The way she talk to me, hindi ko gusto kung paano niya ako kausapin, Anthony." angal ni Liam sa pinsan.Muling natawa si Anthony sa sinabi ni Liam na akala mo ay ngayon lang ito nasagot ng pabalang."So ayaw mo siyang mag alaga kay Miley? hanap ka na lang ba ng iba? Kase sa akin naman ay okay lang dahil ang totoo ay ayaw sana siyang payagan ni Cherry na magtrabaho dahil sayang ang araw na bakasyon ni Annika dito sa atin. 3 weeks na lang ay babalik na rin siya sa states. Napakiusapan ko lang talaga siya kaya siya pumayag.""Babalik pa pala siya ng states." komento ni Liam."Yes, sinabi ko naman sayo kagabi na pansamantala lang siyang magkicaregiver kay Mi
Kinaumagahan matapos nilang mag almusal ay inihatid na ni Anthony si Annika sa bahay ng pinsan niyang si Liam sa Alabang.Napakalawak at laki ng modern style na bahay na hinintuan nila ng kanyang bayaw. Maganda rin naman at malaki ang bahay nila Anthony pero masasabi niyang mas malaki ang bahay ng pinsan ng bayaw niya."Hindi mo sinabi na mansyon ang bahay ng pinsan mo, Anthony." "Mansyon ba ang tingin mo sa bahay niya. Normal lang kase para sa akin ang ganyang bahay, Annika." seryosong saad ni Anthony."Wow, Oo na, sige na, kayo na ang mga mayayaman at kami na ang mga mahihirap, Anthony." sarkastikong saad ni Annika na tinawanan lang ni Anthony."Hindi pumasok ngayon si Liam sa opisina dahil gusto ka niyang makita at makilala at maibriefing na rin sa magiging trabaho mo." saad ni Anthony na ipinasok na ang kotse nito sa malawak na bakuran ng bahay ng pinsan nito."And that's good for me. Mas okay sa akin na siya mismo ang makausap at makaharap ko muna bago ang iba." aning sagot ni A
Kinabukasan ay nagpaalam si Annika kina Cherry Lou na isasama niya si Ivan sa Tarlac para dalawin ang pamilya ng tunay niyang ina. Pumayag si Cherry Lou pero ang gusto ng kapatid niya ay ihatid sila doon at babalikan na lang kapag uuwi na.Pumayag na rin si Annika sa suhestiyon ni Cherry Lou para maging komportable rin si Ivan sa byahe nila. Maaga silang umalis ng bahay ng araw na yun at gabi naman na sila nakabalik ng bahay nila Cherry.Hindi rin kase sila nagtagal sa Tarlac kinumusta lang niya ang pamilya niya at nagbigay ng pasalubong at binigyan lang sila ng ilang oras ni Cherry Lou para makapagkwentuhan pa kasama si Ivan na kinagiliwan ng ina at ate rin ni Annika kanina. Nag abot na lang din siyaLumipas ang isang linggo at nakakaramdam na ng pagkainip si Annika. Sanay kase siyang palaging inaabala ang sarili sa trabaho sa araw-araw. Parang gusto na nga niyang bumalik sa states dahil hindi rin naman niya nakakasama ng matagal ang anak niya dahil maghapon nasa school si Ivan.Kina