Share

Chapter 54

Sa restaurant ay mag isang naghihintay si Mrs. Rebecca Buenavidez sa isang private investigator na kinontak niya upang alamin ang pagkatao ni Cherry Lou. Tinawagan siya ng p.i. niya kanina na ibibigay na nito sa kanya ang lahat ng information na nakalap nito tungkol sa dalaga. At dahil nasa spa salon siya ay sinabi niyang makipagkita na lamang ito sa kanya sa isang restaurant na malapit lang din sa salon.

Sinabihan na siya ng nag iisang anak na si Anthony na wag niyang pakialaman ang love life nito, pero hindi siya nagpatinag sa kanyang unico iho. Naisip pa nga niyang paimbestigahan ang babaeng kinahuhumalingan ni Anthony.

Mahalaga para kay Mrs. Buenavidez na malaman kung gold digger ba o isang oportunista ang babaeng ipinakilala ng anak sa kanya. Hindi naman siya talaga matapobre, gusto lang niya na tamang babae ang maging asawa ni Anthony. Hindi na importante sa kanya kung laking hirap ang babaeng pakakasalan ng kanyang anak basta hindi nito lolokohin si Anthony at hindi pera o kaya
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status