Sa restaurant ay mag isang naghihintay si Mrs. Rebecca Buenavidez sa isang private investigator na kinontak niya upang alamin ang pagkatao ni Cherry Lou. Tinawagan siya ng p.i. niya kanina na ibibigay na nito sa kanya ang lahat ng information na nakalap nito tungkol sa dalaga. At dahil nasa spa salon siya ay sinabi niyang makipagkita na lamang ito sa kanya sa isang restaurant na malapit lang din sa salon.Sinabihan na siya ng nag iisang anak na si Anthony na wag niyang pakialaman ang love life nito, pero hindi siya nagpatinag sa kanyang unico iho. Naisip pa nga niyang paimbestigahan ang babaeng kinahuhumalingan ni Anthony.Mahalaga para kay Mrs. Buenavidez na malaman kung gold digger ba o isang oportunista ang babaeng ipinakilala ng anak sa kanya. Hindi naman siya talaga matapobre, gusto lang niya na tamang babae ang maging asawa ni Anthony. Hindi na importante sa kanya kung laking hirap ang babaeng pakakasalan ng kanyang anak basta hindi nito lolokohin si Anthony at hindi pera o kaya
Samantala sa site na pinuntahan nila Anthony ay katatapos lang nilang i check ang lahat ng mga post barrier ng signal post ng telecom nila. May idinidiscuss sa kanya ang tatlong engineers na kasama niya nang magvibrate ang kanyang phone."Excuse me, important call." aniya na ikinatigil na muna ng engineer sa pagsasalita.Bahagyang lumayo si Anthony sa tatlo atsaka inaccept ang tawag."Hello, kumusta ang pag uusap n'yo ng mommy ko Mr. Ledesma?""Kakaaljs lang niya Mr. Buenavidez. Mukha naman naniwala na sa ibinigay kong report sa kanya. Nakausap ko na rin naman ang mga makakausap niya sa club kung sakaling mag double check ang iyong ina pati si Madam Leah na manager ng club ay kakausapin ang kanyang mga tauhan upang protektahan ang image ni Ms. Pedroza." ani ng lalaki kay Anthony."Thank you, Mr. Ledesma for being loyal to me." ani pa ng binata."Sir, naiintindihan kita. May anak din akong babae at nakikita ko na tama ka sa pagprotekta mo kay Ms. Pedroza. Mabuti na lang at sa akin uli
Sumapit ang gabi na patulog na sana si Cherry Lou ng mag ring ang kanyang phone. Nakita niyang si Anthony ang tumatawag at nagrerequest ng videocall.Nakangiti siyang sinagot ang tawag ng nobyo.( Good evening Mahal ko! Akala ko tulog ka na, matutulog na nga sana ako, buti naabutan mo pa akong gising. )" aning wika ng dalaga na halata ang saya sa mukha nito.( Kakabalik ko lang dito sa hotel na tinutuluyan ko. Nagkaayaan na mag inuman ang mga kasama ko kanina, nakakahiya namang tumanggi dahil minsan lang mangyari na makasama raw nila ako sa ganitong pagkakataon. Birthday bukas ng isa sa mga engineer ng kumpanya at gustong magcelebrate ngayon kaya pinagbigyan ko na.)( Oh talaga!? eh bakit parang hindi ka naman ata lasing? Dinaya mo sila sa inuman? ) pabirong saad ng dalaga.( Hindi naman ako lasing, nakainom lang!. Hindi rin ako nandaya dahil beer lang naman ang ininom namin at mataas ang alcohol tolerance level ng katawan ko. Ayoko ring magpakalasing ng husto dahil gusto pa kitang ma
"M-mommy, what are you doing here?!" napatayong nagtatakang tanong ni Anthony sa ina ng makita niyang nasa harapan na nila ang kanyang mommy."Son, dont worry wala akong gagawin na hindi mo magugustuhan. I came here to see your girl." pagpapakalma ni Mrs. Buenavidez sa anak. Na saglit na yumakap pa kay Anthony."Why? nasa loob si Cherry Lou, Mom. Bakit gusto mo siyang makita?" seryoso pang tanong ng binata sa ina."Mag aapologize ako kay Cherry, Anthony." sagot ng donya sa anak na bumaling ng tingin sa katabi ni Anthony."You must be Joyce ang tiyahin ni Cherry Lou. Im Rebecca, ang mommy ni Anthony." na gusto pang makipagkamay kay aling Joyce na tinanggap naman nito kahit na medyo nahihiya ang ginang."Yes ma'am, ako nga po si Joyce. Nice meeting you Mrs. Buenavidez." at inalok nitong umupo ang donya sa tabi ng inupuan ni Anthony kanina."Paano mong nalaman na narito kami, mommy?" seryoso pa ring tanong ni Anthony sa ina ng makaupo na ito."I guess sa secretary mo." matipid na sagot n
Mabilis na lumipas ang mga araw at nakalabas na ng ospital ang anak anakan ni Cherry Lou na si Ivan. Sa bahay rin ni Anthony tumuloy ang mag lola kasama si Cherry Lou dahil napagkaisahan siya nila aling Joyce at Anthony ng sabay siyang kausapin ng dalawa tungkol sa pansamantalang pag stay nila sa bahay ni Anthony. Pumayag na rin sya dahil na rin sa ibinigay na rason ni Aling Joyce sa kanya, nakikita naman niya ang point ng ginang kaya kahit na nahihiya talaga siya ay nakumbinsi na nga rin siya ng dalawa."Mag ready kayo aalis tayo with in an hour!" saad ni Anthony ng sa pagbaba nito mula sa hagdan ay nakita niyang nasa sala sina Cherry Lou."Bakit?, saan tayo pupunta?" tanong ng dalaga ng makalapit na sa kanya ang nobyo."Nagpabili na ko ng ticket kay Elena papuntang hongkong, Magdidisneyland tayo!" ani ng binata na nakangiting nakatingin sa bata."Yehey! magdidisneyland kami. Lola, pupunta tayo kina Mickey Mouse at Donald duck!? Yehey!!" masayang turan ni Ivan, na sa sobrang saya tal
"Tiyang, si Ivan. Wag kayong lalabas ng sasakyan, kahit na anong mangyari." utos ni Cherry Lou kay aling Joyce na tinanguan ang dalaga at isiniksik sa katawan nito ang batang nakatulog na sa pagod sa byahe at kakadaldal kanina."Kilala n'yo ba ang babaeng nasa labas?" nagtatakang tanong ni Anthony dahil biglang nag iba ang ihip ng hangin ng makita nila Cherry Lou ang babaeng nasa labas ng kanyang bahay."Mamaya na namin sasabihin sayo Anthony, hayaan mo na munang si Cherry ang humarap sa kanya." sabat ni aling Joyce dahil ramdam niya ang galit na nakikita niya sa mukha ng dalaga."Cherry, huminahon ka lang. Hayaan mo na munang makausap ka niya at magpaliwanag sayo at nang malaman mo ang kung anong pakay niya sa atin.""Bakit nandito siya tiyang? bakit nagpakita pa siya?" tanong ng dalaga kay aling Joyce na nag aapoy ang tingin ni Cherry Lou sa babaeng nakaharap na ngayon sa sasakyang kinalululanan nila.Akmang bubuksan na ni Cherry Lou ang kotse ng mahawakan ni Anthony ang dalaga. Nap
"Anong napag-usapan ninyo ni Annika? Bakit raw siya nagpakita pa sa atin at paano niya nalaman na narito tayo, Cherry?" Agad na tanong ni aling Joyce ng salubungin nito sina Anthony at Cherry Lou sa entrance door ng bahay.Matiyaga silang hinintay ng ginang na makapasok sa loob ng bahay dahil hindi rin mapakali ito sa kaalamanang nasa labas lang si Annika at Cherry Lou na nag uusap. Sobra siyang nag aalala para sa dalawa, naisip niyang baka mag away ang dating matalik na magkaibigan ng dahil sa bata at baka kung ano na rin ang nangyayare sa labas ng gate. Kaya kanina ay pinakiusapan na niya si Anthony na puntahan na si Cherry Lou sa labas dahil nagtatagal na ang dalaga roon at upang tignan na rin nito kung okay lang bang nag uusap ang dalawa sa labas at inutos niyang ayain na ng binatang pumasok ang nobya nito. Dahil may tendency talaga na awayin ni Cherry si Annika. Lalo na kung may masabi si Annika na hindi magugustuhan ni Cherry Lou."Umiyak ka ba Cherry!? namumugto yang mga mata m
Pagkarating ni Anthony sa AB TELECOM ay dumiretso na siya sa elevator. Pasakay na siya ng lift ng mapansin niya si Dela Vega na palabas ng kanilang kumpanya. Hindi na niya pinagkaabalahan pang batiin ang lalaki dahil wala siyang balak na makipagplastikan kay Dela Vega.Nang paglabas niya sa elevator ay napansin niya agad ang kanyang secretary na si Elena."Good morning sir Anthony." bati ng babae sa kanya.Napansin ni Anthony ang ayos ni Elena kaya tinitigan niya ang babae. Nakasuot ito ng sunglasses at putok ang labi nito na may bahid pa ng dugo."Sinaktan ka ni Dela Vega?" direktang tanong ni Anthony sa babae."Hindi po sir Anthony, gawa po ito ng katangahan ko kanina." "Nakita ko si Dela Vega sa lobby kanina kaya alam kong nanggaling siya rito Ms. Madrid. Wag mo ng pagtakpan Elena ang lalaking yon dahil halata naman na nag away kayo rito sa opisina ko."Napahiya naman si Elena kaya iniyuko nito ang ulo. "Sorry sir Anthony, hindi na po mauulit.""Dapat lang Ms. Madrid. Next time na
"Liam, pwede na wag muna natin pag usapan yan?" "Hindi ka ba komportable? okay sige, hindi na muna." tanong at saad ni Liam.Idiniretso na ni Liam si Ivan sa bahay nila Cherry at Anthony dahil mas malapit ang way kesa sa bahay nila Liam at may pasok pa si Ivan bukas.Saglit lang silang nagkamustahan nila Cherry Lou at Anthony at umuwi na rin sila sa bahay ni Liam.Inayos na muna ni Annika si Miley upang makatulog ng maayos ang bata.Nang gabi iyon ay binawian ni Liam si Annika dahil hindi ito pumayag na walang mangyaring love making sa kanilang dalawa kahit pa pagod ang lalaki.Sa loob ng banyo habang naliligo si Annika ay pinasok siya ni Liam at doon ay ilang minuto rin nilang inangkin ang isa't isa. Lumipat lang sila sa kama ng makaraos silang sabay sa loob ng banyo.Mag aalas dos na ng madaling araw ng papagpahingahin ni Liam ang katawan ni Annika. Halos lahat na ata ng position sa pakikipagt*lik ay ginawa nilang dalawa. Kung hindi pa sumuko si Annika ay hindi pa rin siguro siya
Tanghali na ng magpasyang umalis sina Liam sa bahay. Silang tatlo lang nila Miley ang magkakasamang umalis.Nagtaka si Annika ng ihinto ni Liam ang sasakyan nito sa tapat ng school nila Ivan at nagulat din siya ng makita niyang lumabas ang anak niya sa gate ng school."Anong ginagawa natin dito, bakit lumabas ng school si Ivan?" tanong ni Annika ng papalapit si Ivan sa kotseng kinalululanan nila.Lumabas ng kotse si Liam at sinalubong si Ivan para kuhanin ang dalang bag ng bata."Hi Ma, kanina pa kayo? sorry dumaan pa kase ako ng banyo bago ako tuluyang lumabas ng school." bati ni Ivan kay Annika na humalik pa sa pisngi ni Annika bago umayos ng upo sa loob ng kotse."Kararating lang namin, anak." sagot ni Annika kay Ivan."Ipinagpaalam ko si Ivan kina Anthony at Cherry kanina. Sila ang tumawag sa school para payagang makalabas ng maaga si Ivan." paliwanag ni Liam kay Annika ng ito naman ang makabalik ng upo sa drivers seat."Buti napapayag mo?" wika ni Annika."Sinabi kong kasama kita
"Yehey! hindi na aalis si Nurse Annika." masayang turan ni Miley ng ipaalam nila sa bata na hindi na muna aalis si Annika pero agad rin nalungkot ng sabihin ni Annika na kailangan pa rin niyang bumalik sa States."Wag kang mag alala baby Miley, babalik din ako agad. Hindi ako magtatagal doon, may mga kailangan lang talaga akong gawin na importante sa States." paliwanag niya sa bata at napatingin siya kay Liam na tahimik lang sa isang sulok."Promise mo yan, Nurse Annika?""Promise, baby. Babalikan kita.""Okay, thank you po, nurse Annika." masigla ng wika ng bata."Kailan ka aalis?" tanong ni Liam."Gusto ko sanang makasama muna si Ivan bago ako mag flight sa sunod na araw. May ticket na ko Liam, sayang naman kung hindi ko gagamitin hindi ko naman marerefund ang naibayad ko na.""Sasama kami sayo ni Miley." saad ni Liam na seryoso pa rin na nakatingin sa kanya."What?!" bulalas na tanong ni Annika."I said, sasama kami ni Miley sayo sa states.""Are you serious, Liam?""Ayaw mo?" tano
Kinabukasan ng umaga ay magkakasabay na nag almusal sina Annika, Liam at Miley sa dining room. "Liam, baby Miley, sasamantalahin ko na ang oras na ito para makapagpaalam na sa inyong dalawa. Sa isang araw na ang balik ko sa states. Ito ang araw na last day ko ng makakasama kayo. Bukas ng umaga ay aalis na ako, may mga kailangan kase akong gawin bago ako mag flight sa isang araw." aning wika ni Annika na ikinatigil ni Liam sa pagsubo at napasulyap ng tingin kay Annika."I-iiwanan mo rin ako, nurse Annika?!" nalulungkot na tanong agad ng anak ni Liam."I'm sorry baby Miley, kailangan kong bumalik sa states dahil may trabaho akong naiwan doon." paliwanag niya sa bata."Wag mo kong iwan, nurse Annika, please.. Ayokong umalis ka. Daddy, do something ayokong umalis si nurse Annika. Ayokong iwan niya tayo, Daddy..." naiiyak ng wika ni Miley sa kanila.Nagkatinginan sina Liam at Annika."Hindi na ba talaga mababago ang desisyon mo?" seryosong tanong ni Liam kay Annika na hindi na nakakain at
Magdadalawang linggo na ang araw na lumipas.Nakailang bisita na rin kay Annika sina Cherry at Ivan kasama ang mga anak ni Cherry Lou at Anthony na ikinasasaya ng batang si Miley dahil nagkakaroon ito ng kalaro.Naging mas malapit pa ang bata kay Annika. Madalas din si Annika na sa tabi ng bata nakakatulog sa gabi dahil binabasahan niya ito palagi ng story book.Isang gabi ay dumating si Liam na malalim na ang gabi at naisipan niyang silipin na muna ang kanyang anak sa silid nito. Ilang araw din kase siyang nagpakabusy sa work kaya nawalan na naman siya ng panahon kay Miley. Isa pang dahilan ay gusto rin niyang iwasan muna si Annika dahil ramdam niyang nahuhulog na ang loob niya sa hipag ng pinsan niya.Nung nakaraang gabi ay nakipagkita siya kay Anthony sa labas. Tinanong niya ang pinsan niya tungkol kay Annika. Inalam niya ang lahat-lahat sa buhay ng dalaga at inamin niya kay Anthony na may nararamdaman na siyang special kay Annika.Wala namang inilihim si Anthony sa kanya. Dahil an
Tunog ng cellphone ang narinig nila Annika at Manang Lumeng na nasa bulsa pala ng ginang. Mabilis na kinuha ni Manang Lumeng sa bulsa nito ang cellphone at agad ding sinagot ng makita kung sino ang tumatawag."Si Miley, gising na." pagpapabatid muna ng ginang kay Annika."Miley, narito ako sa labas ng silid mo." wika ni Manang Lumeng sa kausap sa cellphone at binuksan ang pintuan sa tabi ng silid ni Annika."Sumunod ka sa akin, Annika." utos sa kanya ng matandang babae."Manang, sino po siya?" tanong ng batang titig na titig sa mukha ni Annika."M-Mommy?!" sambit ng bata na nakatitig pa rin kay Annika.Napatitig na rin si Manang Lumeng kay Annika na napakunot ang noo dahil sa tinawag siyang mommy ni Miley.Napangiti si Manang Lumeng na marealize nitong kahawig niya ang ina ng bata."Kaya naman pala, kahawig mo Annika si Mylene kapag natitigan ka ng matagal." ang sabi sa kanya ni Manang Lumeng."Miley, siya si Miss Annika, ang bago mong nurse. Hindi siya ang mommy mo." saad ng ginang s
"May problema ba?" tanong agad ni Anthony ng isara ni Liam ang pintuan ng opisina nito sa bahay."Sure ka bang nurse yang hipag mo?"Natawa si Anthony sa tanong ni Liam."Dean's lister at with honor si Annika ng mag graduate sa america, Liam. Sure akong nurse siya dahil licensed nurse din ang hipag ko. Why? hindi ba halata sa kanya?""The way she talk to me, hindi ko gusto kung paano niya ako kausapin, Anthony." angal ni Liam sa pinsan.Muling natawa si Anthony sa sinabi ni Liam na akala mo ay ngayon lang ito nasagot ng pabalang."So ayaw mo siyang mag alaga kay Miley? hanap ka na lang ba ng iba? Kase sa akin naman ay okay lang dahil ang totoo ay ayaw sana siyang payagan ni Cherry na magtrabaho dahil sayang ang araw na bakasyon ni Annika dito sa atin. 3 weeks na lang ay babalik na rin siya sa states. Napakiusapan ko lang talaga siya kaya siya pumayag.""Babalik pa pala siya ng states." komento ni Liam."Yes, sinabi ko naman sayo kagabi na pansamantala lang siyang magkicaregiver kay Mi
Kinaumagahan matapos nilang mag almusal ay inihatid na ni Anthony si Annika sa bahay ng pinsan niyang si Liam sa Alabang.Napakalawak at laki ng modern style na bahay na hinintuan nila ng kanyang bayaw. Maganda rin naman at malaki ang bahay nila Anthony pero masasabi niyang mas malaki ang bahay ng pinsan ng bayaw niya."Hindi mo sinabi na mansyon ang bahay ng pinsan mo, Anthony." "Mansyon ba ang tingin mo sa bahay niya. Normal lang kase para sa akin ang ganyang bahay, Annika." seryosong saad ni Anthony."Wow, Oo na, sige na, kayo na ang mga mayayaman at kami na ang mga mahihirap, Anthony." sarkastikong saad ni Annika na tinawanan lang ni Anthony."Hindi pumasok ngayon si Liam sa opisina dahil gusto ka niyang makita at makilala at maibriefing na rin sa magiging trabaho mo." saad ni Anthony na ipinasok na ang kotse nito sa malawak na bakuran ng bahay ng pinsan nito."And that's good for me. Mas okay sa akin na siya mismo ang makausap at makaharap ko muna bago ang iba." aning sagot ni A
Kinabukasan ay nagpaalam si Annika kina Cherry Lou na isasama niya si Ivan sa Tarlac para dalawin ang pamilya ng tunay niyang ina. Pumayag si Cherry Lou pero ang gusto ng kapatid niya ay ihatid sila doon at babalikan na lang kapag uuwi na.Pumayag na rin si Annika sa suhestiyon ni Cherry Lou para maging komportable rin si Ivan sa byahe nila. Maaga silang umalis ng bahay ng araw na yun at gabi naman na sila nakabalik ng bahay nila Cherry.Hindi rin kase sila nagtagal sa Tarlac kinumusta lang niya ang pamilya niya at nagbigay ng pasalubong at binigyan lang sila ng ilang oras ni Cherry Lou para makapagkwentuhan pa kasama si Ivan na kinagiliwan ng ina at ate rin ni Annika kanina. Nag abot na lang din siyaLumipas ang isang linggo at nakakaramdam na ng pagkainip si Annika. Sanay kase siyang palaging inaabala ang sarili sa trabaho sa araw-araw. Parang gusto na nga niyang bumalik sa states dahil hindi rin naman niya nakakasama ng matagal ang anak niya dahil maghapon nasa school si Ivan.Kina