"M-mommy, what are you doing here?!" napatayong nagtatakang tanong ni Anthony sa ina ng makita niyang nasa harapan na nila ang kanyang mommy."Son, dont worry wala akong gagawin na hindi mo magugustuhan. I came here to see your girl." pagpapakalma ni Mrs. Buenavidez sa anak. Na saglit na yumakap pa kay Anthony."Why? nasa loob si Cherry Lou, Mom. Bakit gusto mo siyang makita?" seryoso pang tanong ng binata sa ina."Mag aapologize ako kay Cherry, Anthony." sagot ng donya sa anak na bumaling ng tingin sa katabi ni Anthony."You must be Joyce ang tiyahin ni Cherry Lou. Im Rebecca, ang mommy ni Anthony." na gusto pang makipagkamay kay aling Joyce na tinanggap naman nito kahit na medyo nahihiya ang ginang."Yes ma'am, ako nga po si Joyce. Nice meeting you Mrs. Buenavidez." at inalok nitong umupo ang donya sa tabi ng inupuan ni Anthony kanina."Paano mong nalaman na narito kami, mommy?" seryoso pa ring tanong ni Anthony sa ina ng makaupo na ito."I guess sa secretary mo." matipid na sagot n
Mabilis na lumipas ang mga araw at nakalabas na ng ospital ang anak anakan ni Cherry Lou na si Ivan. Sa bahay rin ni Anthony tumuloy ang mag lola kasama si Cherry Lou dahil napagkaisahan siya nila aling Joyce at Anthony ng sabay siyang kausapin ng dalawa tungkol sa pansamantalang pag stay nila sa bahay ni Anthony. Pumayag na rin sya dahil na rin sa ibinigay na rason ni Aling Joyce sa kanya, nakikita naman niya ang point ng ginang kaya kahit na nahihiya talaga siya ay nakumbinsi na nga rin siya ng dalawa."Mag ready kayo aalis tayo with in an hour!" saad ni Anthony ng sa pagbaba nito mula sa hagdan ay nakita niyang nasa sala sina Cherry Lou."Bakit?, saan tayo pupunta?" tanong ng dalaga ng makalapit na sa kanya ang nobyo."Nagpabili na ko ng ticket kay Elena papuntang hongkong, Magdidisneyland tayo!" ani ng binata na nakangiting nakatingin sa bata."Yehey! magdidisneyland kami. Lola, pupunta tayo kina Mickey Mouse at Donald duck!? Yehey!!" masayang turan ni Ivan, na sa sobrang saya tal
"Tiyang, si Ivan. Wag kayong lalabas ng sasakyan, kahit na anong mangyari." utos ni Cherry Lou kay aling Joyce na tinanguan ang dalaga at isiniksik sa katawan nito ang batang nakatulog na sa pagod sa byahe at kakadaldal kanina."Kilala n'yo ba ang babaeng nasa labas?" nagtatakang tanong ni Anthony dahil biglang nag iba ang ihip ng hangin ng makita nila Cherry Lou ang babaeng nasa labas ng kanyang bahay."Mamaya na namin sasabihin sayo Anthony, hayaan mo na munang si Cherry ang humarap sa kanya." sabat ni aling Joyce dahil ramdam niya ang galit na nakikita niya sa mukha ng dalaga."Cherry, huminahon ka lang. Hayaan mo na munang makausap ka niya at magpaliwanag sayo at nang malaman mo ang kung anong pakay niya sa atin.""Bakit nandito siya tiyang? bakit nagpakita pa siya?" tanong ng dalaga kay aling Joyce na nag aapoy ang tingin ni Cherry Lou sa babaeng nakaharap na ngayon sa sasakyang kinalululanan nila.Akmang bubuksan na ni Cherry Lou ang kotse ng mahawakan ni Anthony ang dalaga. Nap
"Anong napag-usapan ninyo ni Annika? Bakit raw siya nagpakita pa sa atin at paano niya nalaman na narito tayo, Cherry?" Agad na tanong ni aling Joyce ng salubungin nito sina Anthony at Cherry Lou sa entrance door ng bahay.Matiyaga silang hinintay ng ginang na makapasok sa loob ng bahay dahil hindi rin mapakali ito sa kaalamanang nasa labas lang si Annika at Cherry Lou na nag uusap. Sobra siyang nag aalala para sa dalawa, naisip niyang baka mag away ang dating matalik na magkaibigan ng dahil sa bata at baka kung ano na rin ang nangyayare sa labas ng gate. Kaya kanina ay pinakiusapan na niya si Anthony na puntahan na si Cherry Lou sa labas dahil nagtatagal na ang dalaga roon at upang tignan na rin nito kung okay lang bang nag uusap ang dalawa sa labas at inutos niyang ayain na ng binatang pumasok ang nobya nito. Dahil may tendency talaga na awayin ni Cherry si Annika. Lalo na kung may masabi si Annika na hindi magugustuhan ni Cherry Lou."Umiyak ka ba Cherry!? namumugto yang mga mata m
Pagkarating ni Anthony sa AB TELECOM ay dumiretso na siya sa elevator. Pasakay na siya ng lift ng mapansin niya si Dela Vega na palabas ng kanilang kumpanya. Hindi na niya pinagkaabalahan pang batiin ang lalaki dahil wala siyang balak na makipagplastikan kay Dela Vega.Nang paglabas niya sa elevator ay napansin niya agad ang kanyang secretary na si Elena."Good morning sir Anthony." bati ng babae sa kanya.Napansin ni Anthony ang ayos ni Elena kaya tinitigan niya ang babae. Nakasuot ito ng sunglasses at putok ang labi nito na may bahid pa ng dugo."Sinaktan ka ni Dela Vega?" direktang tanong ni Anthony sa babae."Hindi po sir Anthony, gawa po ito ng katangahan ko kanina." "Nakita ko si Dela Vega sa lobby kanina kaya alam kong nanggaling siya rito Ms. Madrid. Wag mo ng pagtakpan Elena ang lalaking yon dahil halata naman na nag away kayo rito sa opisina ko."Napahiya naman si Elena kaya iniyuko nito ang ulo. "Sorry sir Anthony, hindi na po mauulit.""Dapat lang Ms. Madrid. Next time na
"Ako ang nagsabi kay Anthony, Cherry. Nakikita kong interesado talaga s'ya sayo noon at ramdam kong mapagkakatiwalaan naman s'ya, kaya sinabi ko ang tungkol sa bagay na 'yon." pag amin ni aling Joyce sa dalaga.Napabuntong hininga si Cherry at hinayaan pang makapagpaliwanag sa kanya ang ginang."Alam kong mali na pinangunahan kitang magsabi kay Anthony pero may dahilan ako. Nasabi sa akin ni Anthony noon na may napapansin siya sa iyo na kakaiba kaya siya nagkwento. Naisip kong baka nagkatrauma ka dahil sa masaklap na sinapit ninyo ni Annika noon, kaya ganoon ang behavior mo kapag kayong dalawa lang ang magkasama ni Anthony sa iisang silid."Napasulyap agad si Cherry sa binata na seryoso naman sa tabi niya."Sinabi ko sa kanya ang alam kong maaaring dahilan kung bakit siguro ganoon ka and i think na trauma nga iyon. Hindi naman ako nagkamali ng magtiwala ako kay Anthony hindi ba?. Pagkatapos niyang malaman ang lahat hindi ka niya iniwan, tinulungan ka pa nga niyang maovercome ang takot
Nagising si Cherry Lou na magbubukang liwayliway na. Nakita niya sa mallit na awang ng makapal na kurtina ng kwarto nila na medyo maliwanag na rin kase sa labas. Nakahubo't hubad pa rin siya sa ilalim ng kumot na yakap ng kasintahan mula sa kanyang likuran.Humarap siya sa natutulog na nobyo at nakangiting pinagmasdan ang gwapong mukha ng lalaki. Mahinang binigkas ng dalaga kung gaano niya kamahal si Anthony na ang akala niya ay tulog pa rin ito, yun pala ay gising na rin at nagtutulug-tulugan na lamang. Narinig naman ni Anthony ang kanyang sinabi pero gusto pang ipaulit sa kanya ng binata pero hindi niya na inulit kaya kinubabawan siya ng lalaki at inumpisahan na naman siyang romansahin. Hinalikan nito ang kanyang leeg kaya napahaplos naman si Cherry Lou sa likod ng nobyo, ipinikit niya ang kanyang mga mata na hinahaplos ang balat ni Anthony sa batok at balikat ng lalaki habang ďinadampian ng labi ng binata ang kanyang leeg pababa sa kanyang dibdib. Hinawakan ng dalawang kamay nito
Pagkaalis ni Anthony ay tinawagan ni Cherry Lou ang kanyang inay. Nag usap sila at sinabi niyang magkita na lang sila ng inay niya sa terminal ng bus sa Dau, Pampanga kung saan nag i stop over ang mga bus patungong probinsya at papuntang manila.Pinilit niya ang ina niya na sabihin na sa kanya kung ano ang problema nito, pero nais talagang pag usapan nila ng personal ang problema.Dahil hindi niya mapilit ang ina ay sinabi nga niyang sa Dau na lang sila mag usap para mas malapit lang at hindi na masyadong mahirapan ang kanyang inay sa byahe."Tiyang, may alam po ba kayo sa problema ni inay? ayaw niya talagang sabihin sa akin eh kahit anong pilit ko." tanong niya sa ginang ng makalapit na siya sa mag lola na naglalaro na uli sa may pool."Tinatanong ko nga rin pero ayaw namang magsabi ng inay mo." aning wika ni aling Joyce."Anong sinabi mo sa iyong inay saan kayo magkikita at mag uusap?" tanong pa ng ginang."Sa Dau tiyang, sa may terminal ng bus, sa stop over. Kasama ko kayo tiyang,