Share

Chapter 3

Author: Dragon88@
last update Last Updated: 2024-03-15 00:00:30

“Nangibabaw ang isang malakas na sipol sa katahimikan ng burôl at sinundan naman ito ng malakas na huni ng isang Agila na kay tayog ng lipad mula sa himpapawid. Kasing ganda ng mga ngiti ko ang kagandahan ng kalikasan na nakalatag sa aking harapan. Ipinikit ko ang aking mga mata ng humaplos ang malamig at sariwang hangin sa balbon at malagatas kong balat. Ang lugar na aking kinaroroonan ay napapaligiran ng mga kabundukan at matataas na mga puno na hitik sa bunga. Ngunit higit na mataas kaysa sa lahat ang bundok na aking kinaroroonan. Ang nakamamanghang ganda ng kalikasan ang siyang pumapawi sa kalungkutan na nararamdaman ko.

Nakangiti na pinagmasdan ko ang aking alagang agila na kasalukuyang nagpapa-ikot ikot sa kalangitan.

Buong pagmamalaki nitong iniladlad at ibinuka ang kanyang malapad na mga pakpak at malayang lumipad ng pagka taas-taas na wari moy isang hari sa himpapawid. Maya-maya ay mabilis itong lumipad paibaba patungo sa aking direksyon.

Mabilis naman akong tumakbo paakyat sa pinakang i-tuktok ng burôl at mula sa aking likuran ay siya namang pagsulpot ni Sky, ito ang pangalan ng aking kaibigang Agila. Sinasabayan nito ang bilis ng aking pagtakbo.

Pagdating sa tuktok ng burôl ay hinihingal na huminto ako. Habang si Sky ay nilampasān ako nito at malayang nagpatuloy sa kanyang paglipad habang nagpapakawala ng malakas na huni na siyang kinatatakutan ng ibang hayop sa gubat. Walang hirap na nag lambitin ako sa bawat sangâ ng pinakamataas na puno hanggang sa narating ko ang mataas na bahagi nito.

Inilagay ko ang dalawang daliri ko sa pagitan ng aking bibig at muling nagpakawala ng isang marahas at malakas na sipol. Napangiti ako ng muling lumitaw si Sky at humuni rin ito ng malakas bilang tugôn. Halos umawang ang aking bibig, dahil mula dito sa aking kinatatayuan ay nakikita ko ang kabuuang tanawin ng Sierra Madre. Maging ang mga kagubatan na nababalot ng makapal na luntiang dahon ng maraming halaman. Kahali-halina ang natural na ganda ng kalikasan na wari moy isang paraiso.

Ilang sandali pa ay dumapo sa aking balikat ang alaga kong si Sky, hindi alintana ang matalim nitong mga kuko na halos bumaon na sa aking balat. Isa siyang klase ng agilang Haribon na may kayumanggi at puting balahibo. Matapang ang alaga kong ito, at tanging sa akin lang siya nakikinig at lumalapit.

Ako si Zanella, isang simpleng babae na lumaki sa kabundukan ng Sierra Madre, at mula pagkabata ay si Sky na ang lagi kong kasama. Hindi ako tulad ng ibang mga babae na mahinhin at laging may magandang kasuotan na nakikita ko sa tuwing bumababâ ako ng bundok. Hindi ako marunong magbasa dahil hindi ako nakapag-aral. Ang tanging kaya ko lang isulat ay ang aking pangalan.

Ang tanging alam ko lang gawin ay mangahoy at mangaso na natutunan ko mula sa aking Abuela. Pinalaki ako ng aking Abuela na malayo sa lahat, kaya hindi ko naranasan ang magkaroon ng kaibigan, ni ang makipag-usap sa ibang tao.

Kapag bumababâ ako sa bayan para maghatid ng aming mga ani ay sa iisang tao lang ako pumupunta, At iyon ay sa kaibigan ng aking abuela.

“Ang ganda diba?” Nagagalak kong tanong sa aking alaga na parang akala mo ay nauunawaan nito ang mga sinasabi ko. “Sky, nang dagit ka na naman ba ng daga?” Naiinis kong tanong ng makita ko ang mga tuyong dugo mula sa matalas nitong kuko. Humuni ito ng pahapyaw at bago ko pa man siya mahawakan ay mabilis na itong nakalipad palayo. Malakas talaga ang pakiramdam ng ibong ito dahil alam kaagad nito ang gagawin ko.

“Yeah! Bumalik ka dito! Ilang beses ko bang sasabihin sayo na huwag kang papatay!” Naiinis kong sabi sa malakas na tinig habang nagla-lambitin pababa ng puno. Masyado kasing malambot ang puso ko, at sa lahat ng ayoko ay iyong pumapatay. Pero ang alaga kong ito ay matigas ang ulo dahil madalas itong manila ng ibang hayop. Marahil ay iisipin ng iba na isa akong baliw dahil tila isang tao kung itrato ko ang aking alaga. Masisisi ba nila ako kung wala naman akong ibang makausap maliban sa alaga ko?

Isang malakas na sipol ang aking pinakawalan at narinig ko na tumugon naman ito sa akin. Umiiling na naglakad na lang ako pauwi ng bahay dahil siguradong hinahanap na ako ng Lola ko.

Pagdating sa aming maliit na kubo ay sumalubong sa aking paningin ang lola kong nahihirapan na sa pag-ubo. Nagmamadali akong tumungo sa kusina at kumuha ng tubig mula sa takurè na nakasalang sa kalan. May ilang piraso pa ng baga sa ilalim nito upang mapanatilling mainit ang tubig.

“Lola, uminom muna kayo ng tubig.” Nag-aalala kong sabi bago tinulungan siyang makabangon. Masuyo kong hinagod ang kanyang likod upang kahit papaano ay medyo gumaan ang pakiramdam nito. Pagkatapos uminom ay humingā siya ng malalim, saka nakangiti na lumingon sa akin.

“Nagpunta ka na naman ba sa burôl?” Nakangiti niyang tanong sa akin ngunit ang mga ngiti nito ay walang buhay. Dahil halata sa mukha niya na tinitiis lang nito ang kanyang sakit. Hindi ako nakasagot sa kanyang tanong, natatakot kasi ako na baka pagalitan na naman niya ako. Masungit kasi si Lola Iñes at lagi akong nakakatikim ng sermon mula sa kanya. Ang totoo n’yan ay kinatatakutan ng mga tao ang lola ko dahil sa sama ng ugali nito kaya wala ni isa mang tao ang napapagawi dito.

Nauunawaan ko kung bakit siya nagsusungǐt at pilit na tinataboy ang lahat ng nagtatangkâ na lumapit sa aming bakuran. Dahil pinoprotektahan lang ako nito laban sa mga taong may masamang hangarin sa akin. Umangat ang kanyang kamay at masuyong hinaplos ang makinis kong pisngi.

“Ang tigas talaga ng ulo mo, kailan ka ba makikinig sa akin?” Panenermon niya sa akin kaya nagbaba ako ng tingin, kilala talaga ako ni Lola at kahit hindi pa ako sumasagot ay nahulaan na kaagad nito.

“Huh? Lola, paano mo nalaman? Lumabas ka ba kanina at sinundan ako?” Namamangha kong tanong, “ouch! Masakit La.” Reklamo ko ng batukan ako nito sa ulo. Sa totoo lang ay umaarte lang naman ako dahil ang kamay ng lola ko ay wala ng lakas. Tila ito isang papel sa gaan.

“Kita mo na pumunta ka nga sa burol, ilang ulit ko bang sasabihin sayo na delikado ang pumunta ka pa doon, Z-Zanell…” ani nito ngunit saglit itong natigil sa pagsasalita dahil inatake na naman ito ng ubo. Muli kong hinagod ang kanyang likod at kahit nahihirapan itong magsalita ay pinilit pa rin niya.

“M-Makinig ka, Apo, dalaga ka na, at ngayon ang ika labing walong kaarawan mo. Hindi na kayang ikubli ng iyong balabal ang magandang mukha na ‘yan. Kahit magsuot ka pa ng malaking damit araw-araw ay hindi rin mapipigilan nito ang malaking pagbabago ng iyong katawan. Mas lalo kang malalagay sa panganib kung pupunta kang mag-isa sa burôl.” Hinihingal niyang pahayag bago malungkot na ngumiti sa akin.

Natahimik akong bigla dahil labis akong naninibago sa kakaibang awra ng aking lola.

“Ang mga matang ‘yan ang labis na bumighani sa akin, dahil iyan ang pinakamagandang mata na nasilayan ko sa buong buhay ko.” Madamdaming pahayag ni lola kaya matamis akong ngumiti sa kanya at saka masuyo itong niyakap. Bata pa lang ako ay alam ko na isa lang akong ampon at patunay ang pagkakaiba ng aming mga mata. Dahil ako ay mayroong berdeng mga mata habang ang aking lola naman ay may itim na mga mata. Maging sa balat ay malaki rin ang aming pagkakaiba, ika nga gatas ako, kape naman siya. Dahil ang lola ko ay may lahing Ita kaya maitim ang kanyang balat.

Ito ang isa sa dahilan kung bakit inilalayo ako ni lola sa lahat dahil makailang beses na akong kamuntikan ng magahasa. Mabuti na lang ay nandyan si Lola, at si Sky na laging nakabantay sa akin.

“Eh, Lola, kasama ko naman si Sky, eh.” Parang bata na sagot ko sa kanya kaya natawa siya sa akin. “Bakit ba masyado kang tiwala diyan sa alaga mo?” Nakangiti niyang tanong habang inaayos ang buhok ko sa gilid ng aking tenga.

“Lola magaling si Sky, nakita mo naman kung paano niya ako ipinagtanggol noon mula sa lalaking salbahe. Hindi talaga niya tinigilan sa pag-atake ang lalaki hanggang sa tuluyan itong tumakbo palayo.” Humahanga kong kwento habang inaalala ang insidenteng iyon.

“Matanda na ako, Zanell, hindi ko rin alam kung hanggang kailan na lang ang buhay ko dito sa mundo. Kaya lagi mong tatandaan na ingatan mo ang iyong sarili.” Malumanay na pahayag ni Lola kaya biglang lumambong ang expression ng mukha ko. Binalot ng pangamba ang puso ko dahil sa matinding takot. Hindi ko yata kakayanin ang mawala sa akin ang pinakamamahal kong lola. Tanging sila lang ni Sky ang meron ako.

“La, ano ba ‘yang sinasabi mo? Walang mawawala at walang aalis. Ang mabuti pa ay magpahinga ka na lang muna, kukuha lang ako ng mga panggatong diyan sa likod bahay.” Nakangiti kong sabi bago siya inalalayan na humiga. Tahimik naman siyang sumunod sa akin. Nang makita ko na pumikit ang kanyang mga mata ay tumalikod na ako upang lumabas ng bahay. Bitbit ang gulôk na tinungo ang masukal na bahagi ng aming bakuran.

Nakaka-isang putol palang ako ng tuyong sangâ ng makarinig ako ng isang malakas na pagbagsak ng isang bagay. Sa lakas nito ay halos mayanig ang lupa kaya mabilis kong tinungo ang pinanggalingan ng ingay. Hinihingal na huminto ako malapit sa isang matarǐk na bangin. Namangha ako ng makita ko isang helicopter na nasa gilid ng bangin. Mula sa bintana nito ay nakita ko ang isang lalaki na walang malay habang nakayukyok ang ulo. Halos naliligo na ito sa sarili niyang dugo. Mabilis akong lumapit ng marinig ko ang ungol ng tao mula sa loob.

Matinding awa ang naramdaman ko ng makita ko ang isang matandang lalaki na ngayon ay nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung bakit? ngunit saglit akong natulala ng magpanagpo ang aming mga mata.”

Related chapters

  • The Billionaire Conquer My Heart [Book lll]   Chapter 4

    Saglit na natigilan si Don. Rafael ng matitigan ang mga mata ng dalaga na nasa kanyang harapan. Biglang sumikdo ang dibdib ng matanda na wari mo ay kilala ito ng kanyang puso. Nahigit niya ang kanyang hininga at mahigpit na ipinikit ang mga mata ng biglang gumalaw ang kinalululanan niyang chopper. Halos pigil na niya ang hininga habang tinitiis ang sakit mula sa pagkakaipit ng kanyang mga paa sa napiping bahagi ng chopper. Ang bawat segundo ay sadyang makapigil hininga dahil kasalukuyang nasa bingit ng kamatayan ang buhay ni Don. Rafael. Saka pa lang nakahinga ng maluwag ang matanda ng hindi tuluyang nahulog ang chopper sa bangin dahil sumabit ito sa isang puno. Maya-maya ay napalingon siya sa bintana ng chopper ng makarinig siya ng ingay mula roon. Maingat na kumilos ang matanda, kinalas niya ang seatbelt at puno ng pag-iingat na binuksan ang pintuan. Muli siyang napasinghap ng muling gumalaw ang chopper at halos hindi na siya humihinga. Iniisip na lang ni don. Rafael na hanggang

    Last Updated : 2024-03-15
  • The Billionaire Conquer My Heart [Book lll]   Chapter 5

    Zanella’s Point of view“Lola…” halos mamaos na ako dahil sa labis na pag-iyak, habang nakaluhod sa harap ng puntod nang aking lola. Nang mamatay siya kahapon ay kaagad namin itong inilibing sa likod ng bahay. Wala namang ibang pamilya si Lola maliban sa akin, at malaki ang pasasalamat ko sa matandang si Don dahil tinulungan niya akong mailibing ng maayos ang aking abuela. Kung ako lang mag-isa, marahil ay hindi ko kakayanin, O baka, mas gugustuhin ko pang sumama na lang din sa libingan nito. Ano pa ba ang gagawin ko sa buhay? Ang mamuhay na mag-isa sa bundok at hintayin kung kailan ako mamamatay? Mula sa himpapawid ay naririnig ko ang malakas na huni ni Sky, batid ko na maging siya ay nagluluksa rin na tulad ko. “Lola, ang daya mo naman, alam mo naman na ikaw lang ang pamilya namin ni Sky. Pero bakit mo kami iniwan?” Humihikbi kong sabi habang inaayos ang lupa sa ibabaw ng kanyang puntod. Patuloy lang ako sa pagtatanim ng mga rosas habang kinakausap ko ang aking abuela. Gusto ko na

    Last Updated : 2024-03-26
  • The Billionaire Conquer My Heart [Book lll]   Chapter 6

    “Papa!” Ang malakas na palahaw ni Gracia habang patuloy na hinahagod ng asawa nito ang kanyang likod. Maging si Esmeralda ay tahimik na umiiyak dahil sa masaklap na aksidenteng sinapit ng kanilang ama. Ngayong araw ng Lunes ay kumpleto ang buong pamilya sa loob ng mansion. Nagluluksa sila sa pagkamatay ni Don. Rafael. Iniisip nila na malabong makaligtas pa ito mula sa aksidente dahil matanda na ito kaya kahit hindi pa nakikita ang katawan ni don Rafael ay ipinagluluksa na ito ng lahat.Nagulat ang buong bansa ng kumalat ang balita tungkol sa isang chopper na nag crash sa bahagi ng kabundukan ng Sierra madre. Tanging ang walang buhay na tauhan ni Don. Rafael ang nakita ng mga rescue operation mula sa sumabog na chopper. Nabigo sila na makita ang katawan ni Don. Rafael at hanggang ngayon ay pinaghahanap pa rin ang bangkay nito upang mabigyan ng maayos na libing. Malungkot na nakaupo si Alexander mula sa pang-isahang upuan habang nakatitig sa malaking larawan ng kanyang Abuelo na napapa

    Last Updated : 2024-03-27
  • The Billionaire Conquer My Heart [Book lll]   Chapter 7

    “Simulan mo na kumpadre.” Ani ni Lolo sa isa pang lalaki na ipinakilala niya sa akin na Judge daw ang pangalan. Halos hindi nalalayo ang edad nito sa kanya. Hindi ko maunawaan kung ano ang ibig sabihin ng mga nangyayari kaya ipinagkatiwala ko na lang ang lahat kay lolo. Mabait naman si Lolo kaya malaki ang tiwala ko sa kanya at batid ko na hindi ako nito ipapahamak. Apat lang kami na nandito sa loob ng isang silid na halos mapuno ng libro, pati si nanay Asun na katiwala ni Lolo sa bahay nito ay nandito rin upang maging saksi daw sa magaganap na kasalan. “Sigurado ka ba sa nais mong mangyari kumpadre?” Anya ng lalaki bago ito tumingin sa aking mukha. Nang ngumiti ako sa kanya ay ngumiti din siya sa akin. Tulad ni lolo ay mukha din naman itong mabait. Hala sige kung hindi na talaga magbabago ang isip mo, simulan na natin.” Nakangiti niyang sagot bago sinimulang basahin ang hawak nitong libro. “Ikaw Zanella tinatanggap mo ba si Rafael bilang asawa mo sa hirap at ginhawa?” Nakangiti ni

    Last Updated : 2024-03-29
  • The Billionaire Conquer My Heart [Book lll]   Chapter 8

    “Iha, tandaan mo ang bilin ko, huwag na huwag kang lalabas ng gate. Natatakot ako na baka mamaya ay maligâw ka sa labas at mapahamak.” Ito ang mahigpit na bilin ni Don Rafael kay Zanella habang sinusuklay ang mahaba nitong buhok gamit ang kanyang mga daliri. “Bakit kasi kailangan mo pang umalis? Sasama na lang kami ni Sky.” Nakasimangot na tanong ng dalaga kaya naman napangiti si Don Rafael dahil pakiramdam niya ay para siyang may maliit na anak. “Pangako babalik ako kaagad, basta huwag mong susuwayin ang bilin ko, ha. Malawak ang bakuran at malaya kang gawin ang lahat ng gustuhin mo dito..” Ani ni Don Rafael na akala mo ay bata ang kausap kaya hindi nawawala ang ngiti sa mga labi nito. “Mangako ka na babalikan mo ako dito, hindi kasi ako kumportable kapag hindi kita nakikita sa bahay na ‘to. Ikaw lang kasi ang kaibigan namin dito ni Sky.” Malungkot na pahayag ni Zanell, nakadama ng awa ang matanda at wala sa loob na niyakap niya ito. Iniisip niya ngayon kung ano ang magiging kap

    Last Updated : 2024-03-30
  • The Billionaire Conquer My Heart [Book lll]   Chapter 9

    “Ganito pala ang magiging ayos ng lamay ko sa oras na mamatay ako, hm, pero sa susunod maaari bang bawasan ninyo ang mga bulaklak? At ayoko rin ng larawan na ito, mas mainam kung gagamitin n’yo ang larawan ko sa aking silid.” Natatawa na bilin ni Don Rafael habang sinisipat ng tingin ang lahat ng mga tao na umatend para sana sa kanyang huling lamay. “Akalain mo nga naman na nandito ka rin pala Mr. Romero? Sa kabila ng mahigpit na kompetensya ng ating mga kumpanya ay hindi mo pa rin ako natiis. Sadya talagang ang kapatawaran ay pinagkakaloob kung kailan patay na ang isang tao.” Matalinhaga na pahayag ng matanda ng makita niya ang mahigpit niyang kalaban sa negosyo. “Ngayon ako naniniwala Aragon na isa ka talagang masamang damo dahil nagawa mo pa ring makaligtas kay kamatayan.” Natatawa na sabi ni Mr. Romero habang naglalakad ito palapit kay Don. Rafael. Hindi naman ito ikinasama ng loob ni Dob Rafael bagkus ay sinagot niya ito ng isang biro. “Ngayon ka lang tumama sa iyong sinabi.”

    Last Updated : 2024-03-31
  • The Billionaire Conquer My Heart [Book lll]   Chapter 10

    Ang buong kabahayan ng mansion ay nababalot ng matinding kalungkutan dahil sa pagkakataong ito ay totoong pumanaw na si Don. Rafael. Nang mga oras na ito ang lahat ng miyembro ng pamilyang Aragon ay kasalukuyang nasa loob ng library. Hinihintay ng lahat kung kailan babasahin ng abogado ang last will testament ng yumaong si Don. Rafael.“Since kumpleto na ang lahat, makinig, dahil sisimulan ko ng basahin ang mga huling habilin ni Don. Rafael. Hindi lingid sa inyong kaalaman na bago lumitaw si Don Rafael mula sa isang aksidente ay pinabago niya ang lahat ng mga nakasulat sa kanyang last will. Halos ang lahat ay nagulat sa naging pahayag ng abogado, at ibayong kabâ ang lumukob sa puso ng bawat isa. Makapigil hininga ang bawat sandali para sa paghahayag ng yaman ng kanilang amahin. Habang si Alexander at ang kanyang ina na si Rosario ay tahimik lang sa kabilang bahagi. At mula sa kabilang panig ay kalmanteng naghihintay si Esmeralda ganun din ang kanyang mag-ama na si Lucio at Patricia.

    Last Updated : 2024-04-01
  • The Billionaire Conquer My Heart [Book lll]   Chapter 11

    Zanella’s Point of viewMahigit isang linggo na ang lumipas simula ng umalis si Lolo. Nakadama ako ng lungkot dahil pakiramdam ko ay parang kinalimutan na yata ako nito. Malungkot na pumasok ako sa loob ng kanyang kwarto at tumambad sa aking paningin ang maraming larawan na nakadisplay sa ibabaw ng isang estante. Isang matamis na ngiti ang lumitaw sa bibig ko ng makita ko ang magandang ngiti ni Lolo mula sa ibang lawaran, ngunit mas naagaw ng isang larawan ng lalaki ang aking atensyon.Napaka gwapo niya na katulad ni Lolo, subalit ang mukha nito ay masyadong seryoso na parang akala mo ay galít kung makatingin. “Sino ka? Bakit mukha kang masungit? Kapag nagkita kayo ng matandang Don na ‘yun sabihin mo na galit na ako sa kanya. Hmp! Huwag kang mag-alala anak babalikan kitah.” Parang tanga kong sabi sa larawan ng gwapong lalaki bago ginaya ang sinabi ni Lolo sa akin nung araw na umalis ito. Sa kabila ng hinampo na nararamdaman ko ay hindi ko kayng magalit sa kanya, sapagkat siya ay may

    Last Updated : 2024-04-02

Latest chapter

  • The Billionaire Conquer My Heart [Book lll]   Title: Desperate Move

    TEASER“Alas tres ng hapon at katatapos lang ng huling klase ko. Kasalukuyan akong naglalakad sa gilid ng kalsada patungo sa sakayan ng jeep. Ngunit, hindi ko inaasahan ang biglaang pagsulpot ng isang puting kotse sa aking harapan kaya natigil ako sa paghakbang. Napaatras ang aking mga paa ng lumabas ang tatlong lalaki na pawang may mga baril na nakasuksôk sa kanilang mga baywang. “S-Sino kayo?” Nahintakutan kong tanong, ngunit, imbes na sumagot ay mabilis na lumapit sa akin ang mga ito. Tinangka kong tumakbo ngunit napakabilis ng mga pangyayari dahil hawak na nila ako sa magkabilang braso. Nalaglag ang mga libro ko at nagsabog ang mga ito sa lapag. “Bitawan ninyo ako!” Naiiyak kong sigaw habang pilit na nagpupumiglas mula sa mahigpit na pagkakahawak nila sa aking mga braso. Nagsimula na akong mag hysterical ng kaladkarin nila ako papasok sa loob ng sasakyan. “Tulong! Parang awa nyo na! Tulungan ninyo ako!” Halos mabasag na ang boses ko at kulang na lang ay mapatid ang mga litid ko

  • The Billionaire Conquer My Heart [Book lll]   Chapter 102

    Prenteng umupo si Mr. Smith sa isang swivel chair na nasa kabilang dulo ng mahabang lamesa habang ang mga tauhan niya ay nagkalat sa labas ng conference room. Tanging ang dalawang tauhan lang nito ang kanyang kasama sa loob ng silid. Tumitig sa mukha ni Alexander ang seryoso nitong mga mata at ilang sandali pa ay umangat ang sulok ng bibig ni Mr. Smith. “Tulad ng inaasahan ko, Aragon, let’s stop this, we know na walang patutunguhan ang lahat ng ito. Huwag na rin tayong maglokohan pa dito alam naman nating pareho kung ano ang totoong pakay mo sa anak ko.” Diretsahang pahayag ni Mr. Smith, kaya mahigpit na naikuyom ni Alexander ang kanyang mga kamay. Balewala na napako ang tingin ni Mr. Smith sa nakakuyom na kamay ng kanyang manugang. Iniisip niya na nanggagalaiti na ito sa galit dahil nabuko niya ang totoong hangarin nito. Nasaktan si Alexander sa mga salitang lumalabas sa bibig ng kanyang biyenan, dahil nasagi nito ang kanyang ego, para kay Alexander ay isa itong klase ng panghah

  • The Billionaire Conquer My Heart [Book lll]   Chapter 101

    “Kalimutan mo na ang lalaking iyon, Zanella, hindi ka talaga minahal ng iyong asawa, pera lang ang habol niya sa’yo!” Matigas na pahayag ni Harris sa kanyang anak, labis na nasaktan si Zanella sa sinabi ng kanyang ama kaya hindi na maampat ang mga luha nito sa mata. “Mali ka, Dad, mahal ako ni Alexander! At batid ko na babalikan niya ako.” Matatag na sagot ni Zanella habang ang ina niyang si Zaharia ay masuyong hinagod ang likod ng kanyang anak. “Harris, tama na, pabayaan mo na ang anak mo na makasama ang kanyang asawa, lalo na at may anak na sila.” Naaawa na wika ni Zaharia, ngunit matigas ang kanyang asawa. “Hindi ko pwedeng pabayaan ang anak ko sa kamay ng mga kriminal na ‘yun, Zaharia! Hindi ko hahayaan na saktan pa nilang muli ni dulo ng daliri ng aking anak! Kung noong una pa lang ay nalaman ko na ang mga kalokohang ginawa nila sa anak ko ay baka matagal ko na silang inilibing ng buhay!” Umuusok sa galit na pahayag ni Harris, nanlaki ang mga mata ni Zanella dahil hindi niya

  • The Billionaire Conquer My Heart [Book lll]   Chapter 100

    “Sir, hindi makatarungan ang ginawa sa aming mga manggagawa. Ilang dekada na akong empleyado ng kumpanyang ito pero simula ng mamatay si Sr. Smith ay nagsimula na ring bumagsak ang kumpanyang ito. Bigla na lang kaming sinisante ng walang dahilan. At ang masakit pa dun ay naghired sila ng mga bago ngunit ilang buwan lang ay tinanggal din sila sa trabaho. Maayos kaming nagtatrabaho pero para kaming mga basura na basta na lang itinapon na parang akala mo ay mga walang pakinabang.” Naluluha sa galit na pahayag ng matandang lalaki na siyang namumuno sa kanilang grupo. Maging ang tatlo pa nitong mga kasama ay umiiyak na rin. Nag-igting ang aking mga bagâng dahil ngayon ko lang naunawaan kung bakit tila puro mga baguhan ang lahat ng empleyado ng Smith Corporation. “Do you think bakit nila ginagawa ang mga bagay na ‘yun?” Curious kong tanong na ang tinutukoy ay ang kanilang mga Manager at Supervisor. “Sa pagkakaalam namin sir, upang sa kanila mapunta ang aming mga sweldo mula sa long servi

  • The Billionaire Conquer My Heart [Book lll]   Chapter 99

    Alexander’s Point of view “Your fire!” Matigas kong sabi sa isang empleyado na nakatayo sa aking harapan. Halos ganito na lang ang eksena araw-araw at hindi ko na alam kung pang-ilang empleyado na ang nasisante ko. I got a stress sa kumpanyang ito, at parang gusto ko ng patayin ang lahat ng tao na nasa harapan ko. Umuusok sa galit na sinipat ko ng tingin ang mga empleyado na nakahilera sa aking harapan. “Alam ko na may sabwatan na nangyayari dito, kung hindi n’yo titigilan ang pagnanakaw sa kumpanya ay mapipilitan ako na sisantehin kayong lahat. Huwag ninyong ubusin ang pasensya ko dahil may kalalagyan kayo sa akin! Now, Get out!” Nanggagalaiti kong saad sabay turo sa pintuan ng aking opisina. Malakas ang tahip ng dibdib ko dahil sa matinding galit. Hindi ako makapaniwala na may mga ganitong klaseng mga employee na masyadong garapal ang mukha! Dahil harap-harapan na kung pagnakawan ng mga ito ang kumpanya. Paano nga ba ako humantong sa ganitong sitwasyon? Pabagsak na umupo ako

  • The Billionaire Conquer My Heart [Book lll]   Chapter 98

    “Hindi ko matatanggap ang asawa mong ‘yan Zanella! Ngayon din ay hiwalayan mo siya at paalisin mo ‘yan dito.” Matigas na pahayag ni Mr. Smith, makikita mula sa mga mata nito ang di pagka gusto sa kanyang manugang na si Alexander. Ito ang gumimbal sa lahat ng harap-harapang ipagtabuyan ni Mr. Smith ang asawa ni Zanella. “P-Pero, Dad, asawa ko na si Alexander at may anak kami! Kaya hindi pwede ang nais mong mangyari!” Nagugulumihanan na sagot ni Zanella dahil tutol siya sa nais mangyari ng kanyang ama. Kararating lang nila sa mansion ng kanyang mga magulang upang harapin ni Alexander ang kanyang mga biyenan ngunit hindi nila inaasahan ang matinding pagtutol ni Mr. Smith sa kanilang relasyon. Akala ni Zanella ay maayos na ang lahat dahil ni minsan ay hindi niya naringgan ng pagtutol ang kanyang ama ng malaman nito ang tungkol sa kanyang asawa. Kaya labis siyang naguguluhan dahil sa naging pahayag ng kanyang ama. Habang ang kanyang asawa na si Alexander ay nanatili sa kanyang kinatatayu

  • The Billionaire Conquer My Heart [Book lll]   Chapter 97

    “Noong araw na iniligtas ko si Don. Rafael mula sa nahulog niyang chopper ay nagkaroon kami ng kasunduan na tutulungan namin ang isa’t-isa. Upang makabayad ng utang na loob ang inyong ama mula sa pagliligtas namin ni Sky sa kanyang buhay ay inako niya ang lahat ng responsibilidad sa akin ng araw mismo na namatay ang lola Iñes ko. Dahilan kung bakit isinama niya ako pabalik sa lungsod.” Natigalgal si Esmeralda at Gracia sa kanilang mga narinig. Bahagyang nanlaki ang kanilang mga mata habang nakatitig ng mukha ni Zanella. Tukso naman na lumitaw ang imahe ng inosenteng mukha ni Zanella noong una nila itong nasilayan. Binalot ng matinding kilabot ang kanilang sistema dahil nilamon sila ng matinding kahihiyan. Sa isang iglap ay nawalan ng lakas ang mga tuhod ni Esmeralda at nanghihina na napaupo siya sa semento.“K-kung ganun…” si Esmeralda na tila lutang ang utak dahil hindi kaagad tinanggap ng kanyang utak ang mga naging pahayag ni Zanella. Hindi pa man natatapos sa kanyang pagsasalita

  • The Billionaire Conquer My Heart [Book lll]   Chapter 96

    Nakabibinging katahimikan ang namagitan sa kanilang tatlo at hindi nila alam kung paano si-simulan ang kanilang usapan. Si Gracia na nanatiling tahimik at hindi malaman kung paano uumpisahan ang kanyang sasabihin. Alumpihit na ito sa kanyang kinatatayuan habang mahigpit na nakakapit sa laylayan ng suot niyang bestida. Si Esmeralda na ilang ulit na nagpakawala ng buntong hininga. Bumuka-sara ang bibig nito ngunit wala namang lumalabas na anumang salita. Habang si Zanella ay nanatili lang sa kanyang kinatatayuan at matiyagang naghihintay sa kung ano ang sasabihin ng magkapatid. “Ehem, batid ko na sa simula pa lang ay hindi na kami naging mabuti sa’yo, Zanella. Nakakalungkot mang isipin ngunit huli na bago ko pa napagtanto ang lahat ng ito. Nandito ako ngayon sa iyong harapan hindi dahil sa yaman kundi para ibaba ang aking sarili at humingi ng tawad sa lahat ng kasalanan ko sayo. Sa totoo lang, sa tuwing naiisip ko ang lahat ng mga nangyari sa pagitan nating dalawa ay parang gusto kon

  • The Billionaire Conquer My Heart [Book lll]   Chapter 95

    Napatda ang pamilyang Aragon ng huminto ang laruang sasakyan ni Kolly sa mismong tapat nila. Isa-isang sinuri ng batang si Kolly ang mukha ng lahat. Labis na nagtataka ang inosente nitong isipan kung bakit mga nakatulala at hindi gumagalaw sa kanilang kinatatayuan ang lahat ng tao sa kanyang harapan. Halos inabot din ng minuto na nakatulala sa mukha ng isa’t-isa ang batang si Kolly at ang pamilyang Aragon. Pagkatapos tingnan isa-isa ang mukha ng lahat ay bumalik ang tingin ng bata sa mukha ni Alexander. Sa mukha ng kanyang ama napako ang tingin ni Kolly. Masasalamin sa mukha ng bata ang labis na pagkamangha dahil ito ang unang pagkakataon na nasilayan niya sa personal ang gwapong mukha ng kanyang ama. Tila tumigil sa pag-ikot ang mundo ng mag-ama habang nakatitig sa mukha ng isa’t-isa. Kahit luntian ang mga mata ni Kolly ay hindi maikakaila na anak ito ni Alexander, sapagkat ito ay kanyang kawangis. Pagkatapos na matitigan ang mukha ng bata ay sabay na tumingin ang lahat sa mukha

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status