“Iha, tandaan mo ang bilin ko, huwag na huwag kang lalabas ng gate. Natatakot ako na baka mamaya ay maligâw ka sa labas at mapahamak.” Ito ang mahigpit na bilin ni Don Rafael kay Zanella habang sinusuklay ang mahaba nitong buhok gamit ang kanyang mga daliri. “Bakit kasi kailangan mo pang umalis? Sasama na lang kami ni Sky.” Nakasimangot na tanong ng dalaga kaya naman napangiti si Don Rafael dahil pakiramdam niya ay para siyang may maliit na anak. “Pangako babalik ako kaagad, basta huwag mong susuwayin ang bilin ko, ha. Malawak ang bakuran at malaya kang gawin ang lahat ng gustuhin mo dito..” Ani ni Don Rafael na akala mo ay bata ang kausap kaya hindi nawawala ang ngiti sa mga labi nito. “Mangako ka na babalikan mo ako dito, hindi kasi ako kumportable kapag hindi kita nakikita sa bahay na ‘to. Ikaw lang kasi ang kaibigan namin dito ni Sky.” Malungkot na pahayag ni Zanell, nakadama ng awa ang matanda at wala sa loob na niyakap niya ito. Iniisip niya ngayon kung ano ang magiging kap
“Ganito pala ang magiging ayos ng lamay ko sa oras na mamatay ako, hm, pero sa susunod maaari bang bawasan ninyo ang mga bulaklak? At ayoko rin ng larawan na ito, mas mainam kung gagamitin n’yo ang larawan ko sa aking silid.” Natatawa na bilin ni Don Rafael habang sinisipat ng tingin ang lahat ng mga tao na umatend para sana sa kanyang huling lamay. “Akalain mo nga naman na nandito ka rin pala Mr. Romero? Sa kabila ng mahigpit na kompetensya ng ating mga kumpanya ay hindi mo pa rin ako natiis. Sadya talagang ang kapatawaran ay pinagkakaloob kung kailan patay na ang isang tao.” Matalinhaga na pahayag ng matanda ng makita niya ang mahigpit niyang kalaban sa negosyo. “Ngayon ako naniniwala Aragon na isa ka talagang masamang damo dahil nagawa mo pa ring makaligtas kay kamatayan.” Natatawa na sabi ni Mr. Romero habang naglalakad ito palapit kay Don. Rafael. Hindi naman ito ikinasama ng loob ni Dob Rafael bagkus ay sinagot niya ito ng isang biro. “Ngayon ka lang tumama sa iyong sinabi.”
Ang buong kabahayan ng mansion ay nababalot ng matinding kalungkutan dahil sa pagkakataong ito ay totoong pumanaw na si Don. Rafael. Nang mga oras na ito ang lahat ng miyembro ng pamilyang Aragon ay kasalukuyang nasa loob ng library. Hinihintay ng lahat kung kailan babasahin ng abogado ang last will testament ng yumaong si Don. Rafael.“Since kumpleto na ang lahat, makinig, dahil sisimulan ko ng basahin ang mga huling habilin ni Don. Rafael. Hindi lingid sa inyong kaalaman na bago lumitaw si Don Rafael mula sa isang aksidente ay pinabago niya ang lahat ng mga nakasulat sa kanyang last will. Halos ang lahat ay nagulat sa naging pahayag ng abogado, at ibayong kabâ ang lumukob sa puso ng bawat isa. Makapigil hininga ang bawat sandali para sa paghahayag ng yaman ng kanilang amahin. Habang si Alexander at ang kanyang ina na si Rosario ay tahimik lang sa kabilang bahagi. At mula sa kabilang panig ay kalmanteng naghihintay si Esmeralda ganun din ang kanyang mag-ama na si Lucio at Patricia.
Zanella’s Point of viewMahigit isang linggo na ang lumipas simula ng umalis si Lolo. Nakadama ako ng lungkot dahil pakiramdam ko ay parang kinalimutan na yata ako nito. Malungkot na pumasok ako sa loob ng kanyang kwarto at tumambad sa aking paningin ang maraming larawan na nakadisplay sa ibabaw ng isang estante. Isang matamis na ngiti ang lumitaw sa bibig ko ng makita ko ang magandang ngiti ni Lolo mula sa ibang lawaran, ngunit mas naagaw ng isang larawan ng lalaki ang aking atensyon.Napaka gwapo niya na katulad ni Lolo, subalit ang mukha nito ay masyadong seryoso na parang akala mo ay galít kung makatingin. “Sino ka? Bakit mukha kang masungit? Kapag nagkita kayo ng matandang Don na ‘yun sabihin mo na galit na ako sa kanya. Hmp! Huwag kang mag-alala anak babalikan kitah.” Parang tanga kong sabi sa larawan ng gwapong lalaki bago ginaya ang sinabi ni Lolo sa akin nung araw na umalis ito. Sa kabila ng hinampo na nararamdaman ko ay hindi ko kayng magalit sa kanya, sapagkat siya ay may
Alexander Point of view“Nay Asun!” Masaya kong tawag sa katiwala ng aming ancestral house, ilang dekada ng naninilbihan sa amin si Nanay Asun kaya halos kapamilya na ang turing namin dito. “Ay kabayo!” Gulat niyang sigaw at hindi sinasadya na naihagis nito ang hawak na sandok. “Xander!?” Hindi makapaniwala niyang bulalas sa aking pangalan habang nanlalaki ang mga mata nito ng makita ako. Matinding kasiyahan ang lumarawan sa mukha nito at sinugod niya ako ng yakap. “Diyos ko, mahabaging langit! Bakit ngayon ka lang nagpakita sa akin kang bata ka? Dalawampung taon na ang lumipas ng huli kitang nakita at ngayon ay ang laki-laki mo na! Sabihin mo sa akin, may asawa ka na ba?” Sabik niyang tanong sa akin, imbes na sumagot ay nakangiting umiling na lang ako sa kanya. Hindi ko pa masabi sa kanya na iyon talaga ang dahilan kung bakit biglaan ang pag-uwi ko dito. “Nay Asun, bakit parang hindi yata nagbago ang mukha mo? Twenty years na ang lumipas pero parang hindi ka yata tumatanda.” Nakang
Zanella’s Point of viewHindi ko alam kung gaano na katagal kaming nakatitig sa isa’t-isa ng lalaking ito, at halos hindi na kumukurap ang mga mata ko. Gwapo sana ang lalaking ito pero kung makatingin ay parang gusto akong balatan ng buhay. “Nay Asun, may galit ba sa akin si Alexander?” Pasimple kong bulong sa katabi kong matanda habang hindi ina-alis ang tingin sa mukha ng binata. Dahil sa sinabi ko ay bumunghalit ng tawa si nanay Asun na tila tuwang-tuwa sa kanyang narinig.“Naku kang bata ka, kung ano-anong iniisip mo.” Natatawang sabi ni Nanay Asun bago lumingon kay Alexander. Kasalukuyan itong tahimik na nakaupo sa kabilang bahagi ng lamesa.“Siya nga pala, anak, bakit nga pala biglaan ang pag-uwi mo dito?” Curious na tanong ni Nanay Asun na para bang kilala na nito ang binata.“Ehem, Nay Asun, marahil ay hindi n’yo pa alam ang tungkol sa pagkamatay ng aking lolo na si Don Rafael.” Anya ng bruskong tinig nito, mabilis na lumayo ang aking likod mula sa sandalan ng bangko at gali
“Nandyan na sila!” Malakas na sigaw ng katulong mula sa pintuan ng mansion ng makita nito ang paparating na sasakyan ni Alexander. “You don’t need to yell, Stupida!” Naiimbyernang sigaw ni Esmeralda sa pobreng katulong. Tanging ang kanyang pamilya lang at si Rosario ang naroroon sa salas. Dahil si Gracia ay kasalukuyang abalâ sa hotel na minana nito mula sa kanilang ama. Halos sabay na tumayo ang lahat ng humimpil ang sasakyan sa harap ng mansion. Kasiyahan, ito ang makikita sa mukha ng mabait na si Rosario, dahil tanggap niya kahit sino pa ang maging asawa ng kanyang anak. Isa pa ay may tiwala siya kay Don Rafael dahil batid niya na para sa ikabubuti ng lahat ang ginagawa nitong desisyon. Isang matamis na ngiti ang nakahanda sa kanyang mga labi para sa bago niyang manugang. Sa kabilang banda ay kabaliktaran naman ang nararamdaman ng mag-inang Esmeralda at Patricia. Halos hindi na maipinta ang mga mukha nito habang ang kanilang kalooban ay nagpupuyos sa galit dahil sa mga desisyon n
“ Napakaganda mo, Iha.” Nakangiting wika ni Rosario habang pinagmamasdan ang tila manikang imahe ni Zanella. Ang labis na nagustuhan niya sa dalaga ay ang luntian nitong mga mata, para siyang nahi-hipnotismo dito sa tuwing tinititigan niya ang mga mata nito. “Salamat, iyan din ang sabi sa akin ng lola ko, na maganda raw ako, pati ang matandang Don ay lagi rin niyang sinasabi sa akin ‘yan. Kaya alam ko na maganda talaga ako.” Tapat na sagot ng inosenteng si Zanella, ang tinig nito ay hindi mo kariringgan ng tila nagyayabang. Napaka natural ng kanyang pagkakasabi, na para bang normal lang sa kanya ang mga salita na lumalabas sa kanyang bibig. Hindi na napigilan ni Rosario ang sarili at natawa na siya ng malakas. Napangiti na lang si Zanella dahil maging siya ay nagigiliw sa kabaitan ng kanyang kausap. Ramdam niya mula sa Ginang ang magandang pagtanggap nito sa kanya. Ilang sandali pa, biglang natigil ang pag-uusap ng dalawa dahil sa pagdating ng pamilya ni Esmeralda. Nasa pintuan pa l
TEASER“Alas tres ng hapon at katatapos lang ng huling klase ko. Kasalukuyan akong naglalakad sa gilid ng kalsada patungo sa sakayan ng jeep. Ngunit, hindi ko inaasahan ang biglaang pagsulpot ng isang puting kotse sa aking harapan kaya natigil ako sa paghakbang. Napaatras ang aking mga paa ng lumabas ang tatlong lalaki na pawang may mga baril na nakasuksôk sa kanilang mga baywang. “S-Sino kayo?” Nahintakutan kong tanong, ngunit, imbes na sumagot ay mabilis na lumapit sa akin ang mga ito. Tinangka kong tumakbo ngunit napakabilis ng mga pangyayari dahil hawak na nila ako sa magkabilang braso. Nalaglag ang mga libro ko at nagsabog ang mga ito sa lapag. “Bitawan ninyo ako!” Naiiyak kong sigaw habang pilit na nagpupumiglas mula sa mahigpit na pagkakahawak nila sa aking mga braso. Nagsimula na akong mag hysterical ng kaladkarin nila ako papasok sa loob ng sasakyan. “Tulong! Parang awa nyo na! Tulungan ninyo ako!” Halos mabasag na ang boses ko at kulang na lang ay mapatid ang mga litid ko
Prenteng umupo si Mr. Smith sa isang swivel chair na nasa kabilang dulo ng mahabang lamesa habang ang mga tauhan niya ay nagkalat sa labas ng conference room. Tanging ang dalawang tauhan lang nito ang kanyang kasama sa loob ng silid. Tumitig sa mukha ni Alexander ang seryoso nitong mga mata at ilang sandali pa ay umangat ang sulok ng bibig ni Mr. Smith. “Tulad ng inaasahan ko, Aragon, let’s stop this, we know na walang patutunguhan ang lahat ng ito. Huwag na rin tayong maglokohan pa dito alam naman nating pareho kung ano ang totoong pakay mo sa anak ko.” Diretsahang pahayag ni Mr. Smith, kaya mahigpit na naikuyom ni Alexander ang kanyang mga kamay. Balewala na napako ang tingin ni Mr. Smith sa nakakuyom na kamay ng kanyang manugang. Iniisip niya na nanggagalaiti na ito sa galit dahil nabuko niya ang totoong hangarin nito. Nasaktan si Alexander sa mga salitang lumalabas sa bibig ng kanyang biyenan, dahil nasagi nito ang kanyang ego, para kay Alexander ay isa itong klase ng panghah
“Kalimutan mo na ang lalaking iyon, Zanella, hindi ka talaga minahal ng iyong asawa, pera lang ang habol niya sa’yo!” Matigas na pahayag ni Harris sa kanyang anak, labis na nasaktan si Zanella sa sinabi ng kanyang ama kaya hindi na maampat ang mga luha nito sa mata. “Mali ka, Dad, mahal ako ni Alexander! At batid ko na babalikan niya ako.” Matatag na sagot ni Zanella habang ang ina niyang si Zaharia ay masuyong hinagod ang likod ng kanyang anak. “Harris, tama na, pabayaan mo na ang anak mo na makasama ang kanyang asawa, lalo na at may anak na sila.” Naaawa na wika ni Zaharia, ngunit matigas ang kanyang asawa. “Hindi ko pwedeng pabayaan ang anak ko sa kamay ng mga kriminal na ‘yun, Zaharia! Hindi ko hahayaan na saktan pa nilang muli ni dulo ng daliri ng aking anak! Kung noong una pa lang ay nalaman ko na ang mga kalokohang ginawa nila sa anak ko ay baka matagal ko na silang inilibing ng buhay!” Umuusok sa galit na pahayag ni Harris, nanlaki ang mga mata ni Zanella dahil hindi niya
“Sir, hindi makatarungan ang ginawa sa aming mga manggagawa. Ilang dekada na akong empleyado ng kumpanyang ito pero simula ng mamatay si Sr. Smith ay nagsimula na ring bumagsak ang kumpanyang ito. Bigla na lang kaming sinisante ng walang dahilan. At ang masakit pa dun ay naghired sila ng mga bago ngunit ilang buwan lang ay tinanggal din sila sa trabaho. Maayos kaming nagtatrabaho pero para kaming mga basura na basta na lang itinapon na parang akala mo ay mga walang pakinabang.” Naluluha sa galit na pahayag ng matandang lalaki na siyang namumuno sa kanilang grupo. Maging ang tatlo pa nitong mga kasama ay umiiyak na rin. Nag-igting ang aking mga bagâng dahil ngayon ko lang naunawaan kung bakit tila puro mga baguhan ang lahat ng empleyado ng Smith Corporation. “Do you think bakit nila ginagawa ang mga bagay na ‘yun?” Curious kong tanong na ang tinutukoy ay ang kanilang mga Manager at Supervisor. “Sa pagkakaalam namin sir, upang sa kanila mapunta ang aming mga sweldo mula sa long servi
Alexander’s Point of view “Your fire!” Matigas kong sabi sa isang empleyado na nakatayo sa aking harapan. Halos ganito na lang ang eksena araw-araw at hindi ko na alam kung pang-ilang empleyado na ang nasisante ko. I got a stress sa kumpanyang ito, at parang gusto ko ng patayin ang lahat ng tao na nasa harapan ko. Umuusok sa galit na sinipat ko ng tingin ang mga empleyado na nakahilera sa aking harapan. “Alam ko na may sabwatan na nangyayari dito, kung hindi n’yo titigilan ang pagnanakaw sa kumpanya ay mapipilitan ako na sisantehin kayong lahat. Huwag ninyong ubusin ang pasensya ko dahil may kalalagyan kayo sa akin! Now, Get out!” Nanggagalaiti kong saad sabay turo sa pintuan ng aking opisina. Malakas ang tahip ng dibdib ko dahil sa matinding galit. Hindi ako makapaniwala na may mga ganitong klaseng mga employee na masyadong garapal ang mukha! Dahil harap-harapan na kung pagnakawan ng mga ito ang kumpanya. Paano nga ba ako humantong sa ganitong sitwasyon? Pabagsak na umupo ako
“Hindi ko matatanggap ang asawa mong ‘yan Zanella! Ngayon din ay hiwalayan mo siya at paalisin mo ‘yan dito.” Matigas na pahayag ni Mr. Smith, makikita mula sa mga mata nito ang di pagka gusto sa kanyang manugang na si Alexander. Ito ang gumimbal sa lahat ng harap-harapang ipagtabuyan ni Mr. Smith ang asawa ni Zanella. “P-Pero, Dad, asawa ko na si Alexander at may anak kami! Kaya hindi pwede ang nais mong mangyari!” Nagugulumihanan na sagot ni Zanella dahil tutol siya sa nais mangyari ng kanyang ama. Kararating lang nila sa mansion ng kanyang mga magulang upang harapin ni Alexander ang kanyang mga biyenan ngunit hindi nila inaasahan ang matinding pagtutol ni Mr. Smith sa kanilang relasyon. Akala ni Zanella ay maayos na ang lahat dahil ni minsan ay hindi niya naringgan ng pagtutol ang kanyang ama ng malaman nito ang tungkol sa kanyang asawa. Kaya labis siyang naguguluhan dahil sa naging pahayag ng kanyang ama. Habang ang kanyang asawa na si Alexander ay nanatili sa kanyang kinatatayu
“Noong araw na iniligtas ko si Don. Rafael mula sa nahulog niyang chopper ay nagkaroon kami ng kasunduan na tutulungan namin ang isa’t-isa. Upang makabayad ng utang na loob ang inyong ama mula sa pagliligtas namin ni Sky sa kanyang buhay ay inako niya ang lahat ng responsibilidad sa akin ng araw mismo na namatay ang lola Iñes ko. Dahilan kung bakit isinama niya ako pabalik sa lungsod.” Natigalgal si Esmeralda at Gracia sa kanilang mga narinig. Bahagyang nanlaki ang kanilang mga mata habang nakatitig ng mukha ni Zanella. Tukso naman na lumitaw ang imahe ng inosenteng mukha ni Zanella noong una nila itong nasilayan. Binalot ng matinding kilabot ang kanilang sistema dahil nilamon sila ng matinding kahihiyan. Sa isang iglap ay nawalan ng lakas ang mga tuhod ni Esmeralda at nanghihina na napaupo siya sa semento.“K-kung ganun…” si Esmeralda na tila lutang ang utak dahil hindi kaagad tinanggap ng kanyang utak ang mga naging pahayag ni Zanella. Hindi pa man natatapos sa kanyang pagsasalita
Nakabibinging katahimikan ang namagitan sa kanilang tatlo at hindi nila alam kung paano si-simulan ang kanilang usapan. Si Gracia na nanatiling tahimik at hindi malaman kung paano uumpisahan ang kanyang sasabihin. Alumpihit na ito sa kanyang kinatatayuan habang mahigpit na nakakapit sa laylayan ng suot niyang bestida. Si Esmeralda na ilang ulit na nagpakawala ng buntong hininga. Bumuka-sara ang bibig nito ngunit wala namang lumalabas na anumang salita. Habang si Zanella ay nanatili lang sa kanyang kinatatayuan at matiyagang naghihintay sa kung ano ang sasabihin ng magkapatid. “Ehem, batid ko na sa simula pa lang ay hindi na kami naging mabuti sa’yo, Zanella. Nakakalungkot mang isipin ngunit huli na bago ko pa napagtanto ang lahat ng ito. Nandito ako ngayon sa iyong harapan hindi dahil sa yaman kundi para ibaba ang aking sarili at humingi ng tawad sa lahat ng kasalanan ko sayo. Sa totoo lang, sa tuwing naiisip ko ang lahat ng mga nangyari sa pagitan nating dalawa ay parang gusto kon
Napatda ang pamilyang Aragon ng huminto ang laruang sasakyan ni Kolly sa mismong tapat nila. Isa-isang sinuri ng batang si Kolly ang mukha ng lahat. Labis na nagtataka ang inosente nitong isipan kung bakit mga nakatulala at hindi gumagalaw sa kanilang kinatatayuan ang lahat ng tao sa kanyang harapan. Halos inabot din ng minuto na nakatulala sa mukha ng isa’t-isa ang batang si Kolly at ang pamilyang Aragon. Pagkatapos tingnan isa-isa ang mukha ng lahat ay bumalik ang tingin ng bata sa mukha ni Alexander. Sa mukha ng kanyang ama napako ang tingin ni Kolly. Masasalamin sa mukha ng bata ang labis na pagkamangha dahil ito ang unang pagkakataon na nasilayan niya sa personal ang gwapong mukha ng kanyang ama. Tila tumigil sa pag-ikot ang mundo ng mag-ama habang nakatitig sa mukha ng isa’t-isa. Kahit luntian ang mga mata ni Kolly ay hindi maikakaila na anak ito ni Alexander, sapagkat ito ay kanyang kawangis. Pagkatapos na matitigan ang mukha ng bata ay sabay na tumingin ang lahat sa mukha