“ Napakaganda mo, Iha.” Nakangiting wika ni Rosario habang pinagmamasdan ang tila manikang imahe ni Zanella. Ang labis na nagustuhan niya sa dalaga ay ang luntian nitong mga mata, para siyang nahi-hipnotismo dito sa tuwing tinititigan niya ang mga mata nito. “Salamat, iyan din ang sabi sa akin ng lola ko, na maganda raw ako, pati ang matandang Don ay lagi rin niyang sinasabi sa akin ‘yan. Kaya alam ko na maganda talaga ako.” Tapat na sagot ng inosenteng si Zanella, ang tinig nito ay hindi mo kariringgan ng tila nagyayabang. Napaka natural ng kanyang pagkakasabi, na para bang normal lang sa kanya ang mga salita na lumalabas sa kanyang bibig. Hindi na napigilan ni Rosario ang sarili at natawa na siya ng malakas. Napangiti na lang si Zanella dahil maging siya ay nagigiliw sa kabaitan ng kanyang kausap. Ramdam niya mula sa Ginang ang magandang pagtanggap nito sa kanya. Ilang sandali pa, biglang natigil ang pag-uusap ng dalawa dahil sa pagdating ng pamilya ni Esmeralda. Nasa pintuan pa l
“Mom, ako na lang ang magpapakasal sa kanya.” Ani ni Athan sa ina habang buing paghanga na pinagmamasdan si Zanella at si Alexander na kasalukuyan na nasa harap ng Judge. “Tumahimik ka, alam mo naman kung ano ang kondisyon ng Lolo mo, kaya hindi mo pwedeng ipilit ang gusto mo.” Matigas na sagot ni Gracia sa sinabi ng anak. Tumiim ang mga bagâng ni Athan at matinding inggit ang nararamdaman niya para sa kanyang pinsan. “Halos nasa kanya na ang lahat, wala ng ibinigay sa akin si Lolo kahit na isang kumpanya. Pati ba naman si Zanella ay sa kanya rin napunta? Tell me Mom, anak ka ba talaga ni Lolo?” Curious na tanong ni Athan sa kanyang ina, impit na natawa naman si Esmeralda sa tinuran ng kanyang pamangkin. Mabilis na tinakpan nito ang bibig upang hindi bumunghalit ng tawa. Pinukol naman siya ng isang matalim na tingin ni Gracia bago sinagot ang anak. “Bastos kang bata ka, at anong palagay mo sa akin ampon?” Anya sabay batok sa ulo ng anak bago ito pinandilatan ng mata. Kumakamot sa u
“Ate, ngayong kasal na ang baliw na babaeng iyon ay ano na ang gagawin natin? Hindi ako papayag na may ibang tao ang makikinabang sa yaman ng ating pamilya!” Nanggagalaiting wika ni Gracia habang pabalik-balik na naglalakad sa harap ng kanyang kapatid. “Could you please stop being paranoid! Kanina pa ako nahihilo sayo.” Irritableng bulyaw ni Esmeralda sa kanyang kapatid. “Paano akong kakalma kung pati ang taga bundok na ‘yun ay magkakaroon ng shares sa mga ari-arian natin? My god, ano ba kasi ang pumasok sa utak ni papa at mas pinagkatiwalaan pa niya ang ibang tao kaysa sa sarili niyang mga anak?” Naiinis na pahayag ni Gracia, ang tinig niya ay puno ng hinanakit para sa kanyang ama. Tila nais ng pumalahaw ni Gracia ng iyak dahil sa matinding frustration. “Look, you don’t need to worry, okay? May naisip akong paraan para tuluyang mawala sa landas natin ang babaeng ‘yan. Sa ngayon hanggat hindi pa natatapos ang pagbasa sa last will ni Papâ ay hayaan muna natin na manatili sa mans
Pagpasok ni Zanella sa loob ng banyo ay lumipad naman si Sky palabas ng bintana. Mabilis na kumilos si Alexander at kaagad na isinarado ang bintana upang hindi makapasok ang ibon ng dalaga. Isang makahulugang ngiti ang lumitaw sa kanyang bibig habang naglalaro sa isipan ang magandang imahe ng babaeng taga bundok na ngayon ay asawa na niya. Tinanggal niya ang mga butones ng kanyang polo hanggang sa tuluyan na niyang hinubad ang lahat ng suot niyang damit at tanging brief lang ang natirang saplot sa kanyang katawan.Makalipas ang ilang minuto ay lumabas si Zanella na nakabalot ng tuwalya ang katawan habang nakalugay ang basâ at mahaba nitong buhok na lagpas bewang. “Huh? Hindi ko makita ang damit ko, napansin mo ba kung nasaan?” Nagtataka na tanong ni Zanella habang iniikot ang tingin sa kabuuan ng kwarto, hindi alintana ang maskuladong katawan ng kanyang asawa. “Wala man lang bang epekto sa kanya ang aking katawan? Samantalang ang ibang mga babae ay halos mabaliw sa oras na makita n
Ilang sandali pa ay lumabas si Alexander mula sa pintuan ng banyo. Lalong sumamâ ang mukha nito ng makita ang ibon na nakapasok na sa loob ng kanilang silid. Nagdadabog na humiga na lang siya sa kama, kaagad namang sumampa si Zanella sa king size bed ni Alexander at labis siyang namangha ng kumubog ang kanyang katawan dahil sa sobrang lambot nito. Sa labis na katuwaan ay nagtatalon pa ito kaya mas lalong nairita si Alexander dahil pakiramdam niya ay may kasama siyang abnormal. “Could you please stop jumping on my bed!” Naiinis na sabi nito sa kanyang asawa. Huminto si Zanella at pumwesto sa kanyang harapan, hindi alintana ang galit ng kanyang asawa maging ang pagsinghal nito sa kanyang dahil hindi naman niya nauunawaan kung ano ang sinabi nito. “Bakit hindi natin gawin kung ano ang ginawa namin ni lolo pagkatapos ng kasal namin?” Nakangiting pahayag ni Zanella, nang matitigan ni Alexander ang inosenteng mukha ng dalaga ay lumambong ang ekspresyon ng mukha nito. “Hindi kasalanan
“Mamâ, where’s Zanella?” Naiinis kong tanong dahil kanina pa ako naghahanap sa babaeng iyon pero hindi ko ito makita. “Naku iho, I’m sure nandyan lang sa paligid ang batang ‘yun.” Natatawa na sabi ni Mama, tumayo ito at tumungo sa pintuan para personal na hanapin ang makulit kong asawa. Halos sabay pa kaming lumabas ng pintuan para lang mabigla dahil sa isang magarang sasakyan na humimpil sa mismong tapat naming mag-ina. Huminto kami sa paghakbang at hinintay na bumaba ang sakay ng puting kotse. Ewan ko ba, kung bakit bigla akong kinabahan na hindi ko mawari. Kahit hindi ko pa nakikita ang may-ari ng kotse ay mukhang alam ko na kung sino ito. Curious na lumapit ang aking ina habang ang mga mata nito ay nagtatanong na nakatingin sa akin. “Babe!” Napalunok ako ng wala sa oras nang bumaba mula sa sasakyan ang fiance kong si Samantha. Masaya itong kumakaway sa akin bago nagmamadali na sinugod ako ng yakap. Wala sa sarili na napayakap na lang din ako sa kanya habang ang mga mata ko ay
“Zanella!” Galit na tawag ni Alexander sa kanyang asawa kaya napalingon ito sa kanyang direksyon. “Alexander!” Tawag ni Zanella at mabilis na tumakbo patungo sa kinatatayuan ni Alexander. Ramdam ni Zanella na gahibla na lang ang pagitan nila ng asong humahabol sa kanya kaya nai-pikit na lang niya ang kanyang mga mata sabay dambâ sa kanyang asawa. “S**t!” Ang tanging nasambit ni Alexander ng sabay silang bumagsak sa lupa ni Zanell. Napangiwi pa ang mukha nito dahil sa sakit mula sa pagkakabagsak nila sa lupa. Habang si Samantha ay natatakot na umatras. “Sit!” Matigas na sabi ni Alexander pagkatapos nitong sumipol. Sumunod naman ang aso kay Alexander ngunit kapansin-pansin ang masamang tingin nito kay Zanella. Hingal kabayo na nagmulat ng kanyang mga mata si Zanella habang mahigpit na nakayakap sa ulo ng kanyang asawa kaya ang mukha nito ay mariǐn na nakabaon sa pagitan ng kanyang dibdib. “Muntik na ko dun, huh! Bakit ka ba nagagalit sa akin eh hindi naman ako ang nanakit sayo
“May problema ba?” Nag-aalala na tanong sa akin ni Zanella ng bigla na lang itong sumulpot sa likuran ko. Kanina pa kasi ako nakatulala sa kawalan habang iniisip ang mga nangyayari sa buhay ko. Masyadong kumplikado ang lahat lalo na pagdating sa amin ni Samantha.“Flashback…Pak! Pak! Mag-asawang sampal ang natanggap ko mula kay Samantha, namumugto ang mga mata nito dahil sa labis na pag-iyak. “Bakit mo nagawa sa akin ‘to? Tell me, ano ang kulang sa akin, Alexander?” Ang tinig nito ay puno ng hinanakit, at makikita mula sa kanyang mga mata ang matinding sakit.“I’m sorry, believe me, hindi kita niloko, naipit lang ako sa sitwasyon na ito. Gustuhin ko man na ituloy ang kasal natin ay hindi na pwede dahil kasal na ako kay Zanella.” Malungkot kong sagot, mas pinili ko na lang ang tumingin sa sahig kaysa ang makita itong nagdurusa. Kahit papaano ay may pinagsamahan pa rin naman kami ni Samantha at totoong minahal ko rin siya. Naging tapat din naman ako sa kanya at thankful ako dahil ibini
TEASER“Alas tres ng hapon at katatapos lang ng huling klase ko. Kasalukuyan akong naglalakad sa gilid ng kalsada patungo sa sakayan ng jeep. Ngunit, hindi ko inaasahan ang biglaang pagsulpot ng isang puting kotse sa aking harapan kaya natigil ako sa paghakbang. Napaatras ang aking mga paa ng lumabas ang tatlong lalaki na pawang may mga baril na nakasuksôk sa kanilang mga baywang. “S-Sino kayo?” Nahintakutan kong tanong, ngunit, imbes na sumagot ay mabilis na lumapit sa akin ang mga ito. Tinangka kong tumakbo ngunit napakabilis ng mga pangyayari dahil hawak na nila ako sa magkabilang braso. Nalaglag ang mga libro ko at nagsabog ang mga ito sa lapag. “Bitawan ninyo ako!” Naiiyak kong sigaw habang pilit na nagpupumiglas mula sa mahigpit na pagkakahawak nila sa aking mga braso. Nagsimula na akong mag hysterical ng kaladkarin nila ako papasok sa loob ng sasakyan. “Tulong! Parang awa nyo na! Tulungan ninyo ako!” Halos mabasag na ang boses ko at kulang na lang ay mapatid ang mga litid ko
Prenteng umupo si Mr. Smith sa isang swivel chair na nasa kabilang dulo ng mahabang lamesa habang ang mga tauhan niya ay nagkalat sa labas ng conference room. Tanging ang dalawang tauhan lang nito ang kanyang kasama sa loob ng silid. Tumitig sa mukha ni Alexander ang seryoso nitong mga mata at ilang sandali pa ay umangat ang sulok ng bibig ni Mr. Smith. “Tulad ng inaasahan ko, Aragon, let’s stop this, we know na walang patutunguhan ang lahat ng ito. Huwag na rin tayong maglokohan pa dito alam naman nating pareho kung ano ang totoong pakay mo sa anak ko.” Diretsahang pahayag ni Mr. Smith, kaya mahigpit na naikuyom ni Alexander ang kanyang mga kamay. Balewala na napako ang tingin ni Mr. Smith sa nakakuyom na kamay ng kanyang manugang. Iniisip niya na nanggagalaiti na ito sa galit dahil nabuko niya ang totoong hangarin nito. Nasaktan si Alexander sa mga salitang lumalabas sa bibig ng kanyang biyenan, dahil nasagi nito ang kanyang ego, para kay Alexander ay isa itong klase ng panghah
“Kalimutan mo na ang lalaking iyon, Zanella, hindi ka talaga minahal ng iyong asawa, pera lang ang habol niya sa’yo!” Matigas na pahayag ni Harris sa kanyang anak, labis na nasaktan si Zanella sa sinabi ng kanyang ama kaya hindi na maampat ang mga luha nito sa mata. “Mali ka, Dad, mahal ako ni Alexander! At batid ko na babalikan niya ako.” Matatag na sagot ni Zanella habang ang ina niyang si Zaharia ay masuyong hinagod ang likod ng kanyang anak. “Harris, tama na, pabayaan mo na ang anak mo na makasama ang kanyang asawa, lalo na at may anak na sila.” Naaawa na wika ni Zaharia, ngunit matigas ang kanyang asawa. “Hindi ko pwedeng pabayaan ang anak ko sa kamay ng mga kriminal na ‘yun, Zaharia! Hindi ko hahayaan na saktan pa nilang muli ni dulo ng daliri ng aking anak! Kung noong una pa lang ay nalaman ko na ang mga kalokohang ginawa nila sa anak ko ay baka matagal ko na silang inilibing ng buhay!” Umuusok sa galit na pahayag ni Harris, nanlaki ang mga mata ni Zanella dahil hindi niya
“Sir, hindi makatarungan ang ginawa sa aming mga manggagawa. Ilang dekada na akong empleyado ng kumpanyang ito pero simula ng mamatay si Sr. Smith ay nagsimula na ring bumagsak ang kumpanyang ito. Bigla na lang kaming sinisante ng walang dahilan. At ang masakit pa dun ay naghired sila ng mga bago ngunit ilang buwan lang ay tinanggal din sila sa trabaho. Maayos kaming nagtatrabaho pero para kaming mga basura na basta na lang itinapon na parang akala mo ay mga walang pakinabang.” Naluluha sa galit na pahayag ng matandang lalaki na siyang namumuno sa kanilang grupo. Maging ang tatlo pa nitong mga kasama ay umiiyak na rin. Nag-igting ang aking mga bagâng dahil ngayon ko lang naunawaan kung bakit tila puro mga baguhan ang lahat ng empleyado ng Smith Corporation. “Do you think bakit nila ginagawa ang mga bagay na ‘yun?” Curious kong tanong na ang tinutukoy ay ang kanilang mga Manager at Supervisor. “Sa pagkakaalam namin sir, upang sa kanila mapunta ang aming mga sweldo mula sa long servi
Alexander’s Point of view “Your fire!” Matigas kong sabi sa isang empleyado na nakatayo sa aking harapan. Halos ganito na lang ang eksena araw-araw at hindi ko na alam kung pang-ilang empleyado na ang nasisante ko. I got a stress sa kumpanyang ito, at parang gusto ko ng patayin ang lahat ng tao na nasa harapan ko. Umuusok sa galit na sinipat ko ng tingin ang mga empleyado na nakahilera sa aking harapan. “Alam ko na may sabwatan na nangyayari dito, kung hindi n’yo titigilan ang pagnanakaw sa kumpanya ay mapipilitan ako na sisantehin kayong lahat. Huwag ninyong ubusin ang pasensya ko dahil may kalalagyan kayo sa akin! Now, Get out!” Nanggagalaiti kong saad sabay turo sa pintuan ng aking opisina. Malakas ang tahip ng dibdib ko dahil sa matinding galit. Hindi ako makapaniwala na may mga ganitong klaseng mga employee na masyadong garapal ang mukha! Dahil harap-harapan na kung pagnakawan ng mga ito ang kumpanya. Paano nga ba ako humantong sa ganitong sitwasyon? Pabagsak na umupo ako
“Hindi ko matatanggap ang asawa mong ‘yan Zanella! Ngayon din ay hiwalayan mo siya at paalisin mo ‘yan dito.” Matigas na pahayag ni Mr. Smith, makikita mula sa mga mata nito ang di pagka gusto sa kanyang manugang na si Alexander. Ito ang gumimbal sa lahat ng harap-harapang ipagtabuyan ni Mr. Smith ang asawa ni Zanella. “P-Pero, Dad, asawa ko na si Alexander at may anak kami! Kaya hindi pwede ang nais mong mangyari!” Nagugulumihanan na sagot ni Zanella dahil tutol siya sa nais mangyari ng kanyang ama. Kararating lang nila sa mansion ng kanyang mga magulang upang harapin ni Alexander ang kanyang mga biyenan ngunit hindi nila inaasahan ang matinding pagtutol ni Mr. Smith sa kanilang relasyon. Akala ni Zanella ay maayos na ang lahat dahil ni minsan ay hindi niya naringgan ng pagtutol ang kanyang ama ng malaman nito ang tungkol sa kanyang asawa. Kaya labis siyang naguguluhan dahil sa naging pahayag ng kanyang ama. Habang ang kanyang asawa na si Alexander ay nanatili sa kanyang kinatatayu
“Noong araw na iniligtas ko si Don. Rafael mula sa nahulog niyang chopper ay nagkaroon kami ng kasunduan na tutulungan namin ang isa’t-isa. Upang makabayad ng utang na loob ang inyong ama mula sa pagliligtas namin ni Sky sa kanyang buhay ay inako niya ang lahat ng responsibilidad sa akin ng araw mismo na namatay ang lola Iñes ko. Dahilan kung bakit isinama niya ako pabalik sa lungsod.” Natigalgal si Esmeralda at Gracia sa kanilang mga narinig. Bahagyang nanlaki ang kanilang mga mata habang nakatitig ng mukha ni Zanella. Tukso naman na lumitaw ang imahe ng inosenteng mukha ni Zanella noong una nila itong nasilayan. Binalot ng matinding kilabot ang kanilang sistema dahil nilamon sila ng matinding kahihiyan. Sa isang iglap ay nawalan ng lakas ang mga tuhod ni Esmeralda at nanghihina na napaupo siya sa semento.“K-kung ganun…” si Esmeralda na tila lutang ang utak dahil hindi kaagad tinanggap ng kanyang utak ang mga naging pahayag ni Zanella. Hindi pa man natatapos sa kanyang pagsasalita
Nakabibinging katahimikan ang namagitan sa kanilang tatlo at hindi nila alam kung paano si-simulan ang kanilang usapan. Si Gracia na nanatiling tahimik at hindi malaman kung paano uumpisahan ang kanyang sasabihin. Alumpihit na ito sa kanyang kinatatayuan habang mahigpit na nakakapit sa laylayan ng suot niyang bestida. Si Esmeralda na ilang ulit na nagpakawala ng buntong hininga. Bumuka-sara ang bibig nito ngunit wala namang lumalabas na anumang salita. Habang si Zanella ay nanatili lang sa kanyang kinatatayuan at matiyagang naghihintay sa kung ano ang sasabihin ng magkapatid. “Ehem, batid ko na sa simula pa lang ay hindi na kami naging mabuti sa’yo, Zanella. Nakakalungkot mang isipin ngunit huli na bago ko pa napagtanto ang lahat ng ito. Nandito ako ngayon sa iyong harapan hindi dahil sa yaman kundi para ibaba ang aking sarili at humingi ng tawad sa lahat ng kasalanan ko sayo. Sa totoo lang, sa tuwing naiisip ko ang lahat ng mga nangyari sa pagitan nating dalawa ay parang gusto kon
Napatda ang pamilyang Aragon ng huminto ang laruang sasakyan ni Kolly sa mismong tapat nila. Isa-isang sinuri ng batang si Kolly ang mukha ng lahat. Labis na nagtataka ang inosente nitong isipan kung bakit mga nakatulala at hindi gumagalaw sa kanilang kinatatayuan ang lahat ng tao sa kanyang harapan. Halos inabot din ng minuto na nakatulala sa mukha ng isa’t-isa ang batang si Kolly at ang pamilyang Aragon. Pagkatapos tingnan isa-isa ang mukha ng lahat ay bumalik ang tingin ng bata sa mukha ni Alexander. Sa mukha ng kanyang ama napako ang tingin ni Kolly. Masasalamin sa mukha ng bata ang labis na pagkamangha dahil ito ang unang pagkakataon na nasilayan niya sa personal ang gwapong mukha ng kanyang ama. Tila tumigil sa pag-ikot ang mundo ng mag-ama habang nakatitig sa mukha ng isa’t-isa. Kahit luntian ang mga mata ni Kolly ay hindi maikakaila na anak ito ni Alexander, sapagkat ito ay kanyang kawangis. Pagkatapos na matitigan ang mukha ng bata ay sabay na tumingin ang lahat sa mukha