Saglit na natigilan si Don. Rafael ng matitigan ang mga mata ng dalaga na nasa kanyang harapan. Biglang sumikdo ang dibdib ng matanda na wari mo ay kilala ito ng kanyang puso. Nahigit niya ang kanyang hininga at mahigpit na ipinikit ang mga mata ng biglang gumalaw ang kinalululanan niyang chopper. Halos pigil na niya ang hininga habang tinitiis ang sakit mula sa pagkakaipit ng kanyang mga paa sa napiping bahagi ng chopper.
Ang bawat segundo ay sadyang makapigil hininga dahil kasalukuyang nasa bingit ng kamatayan ang buhay ni Don. Rafael. Saka pa lang nakahinga ng maluwag ang matanda ng hindi tuluyang nahulog ang chopper sa bangin dahil sumabit ito sa isang puno. Maya-maya ay napalingon siya sa bintana ng chopper ng makarinig siya ng ingay mula roon. Maingat na kumilos ang matanda, kinalas niya ang seatbelt at puno ng pag-iingat na binuksan ang pintuan. Muli siyang napasinghap ng muling gumalaw ang chopper at halos hindi na siya humihinga. Iniisip na lang ni don. Rafael na hanggang dito na lang talaga ang buhay niya at mamamatay siya sa masaklap na paraan. Ngunit ilang sandali lang ay nagulat siya ng may isang malaking agila ang pumasok mula sa pintuan ng chopper. Dumapo ang agila sa kanyang harapan at namangha siya ng makita ang lubid na nakaipit mula sa bibig nito. Maingat na kinuha niya ang lubid at saka pa lang umalis ang agila, hindi makapaniwala si Don. Rafael sa matalinong ibon. “Lolo! Itali mo ‘yan sa baywang mo, bilis!” Malakas na sigaw ni Zanella na kaagad namang sinunod ng matanda. Nakita niya na mabilis na umikot ang dalaga sa puno bago itinali ang lubid. Maingat na kumilos si Don. Rafael upang subukan na makalabas ng chopper. Tiniis niya ang matinding sakit na nararamdaman mula sa kanyang mga paa. Nang makita niyang inilahad ng dalaga ang palad nito habang ang kaliwang kamay ay nakahawak sa isang sanga ay naglakas loob siya na abutin ito. Subalit ng nasa pintuan na siya ay muling gumalaw ang chopper. Bago pa tuluyang mahulog sa bangin kasama ng chopper ay nakahawak na siya ng mahigpit sa malambot na palad ng dalaga. Mabilis na kinapitan ni Don. Rafael ang lubid upang hindi masyadong mahirapan si Zanella. Dala ng katandaan ay nahirapan pa itong makasampa sa lupa. “Huh! Okay ka lang ba?” Hinihingal na tanong ni Zanella kay Don. Rafael ng ligtas na itong nakaupo sa lupa. “U-utang ko sayo ang buhay ko, Iha. Maraming, maraming salamat!” Naluluha na wika ng matanda, “Zanella ang pangalan ko hindi Iha.” Natatawang sagot naman ng inosenteng dalaga. Biglang humalakhak ng tawa si Don. Rafael dahil sa labis na pagkagiliw sa kanyang kausap. “Okay, Zanella, maraming salamat. “Walang anuman, pero dapat ka ring magpasalamat kay Sky, dahil isinugal din niya ang kanyang buhay para lang matulungan ka.” Mahabang pahayag ni Zanella. Lumalim ang gatla sa noo ng matanda dahil labis siyang naguguluhan sa sinasabi ni Zanella. Inilibot niya ang kanyang mga mata ngunit wala naman siyang nakitang ibang tao sa paligid. Natigilan siya ng maalala ang agila kanina, “marahil ay iyon ang tinutukoy niyang si Sky.” Anya ng matanda mula sa kanyang isipan. Pakiramdam niya ay para siyang nasa isang fairytale at ang dalaga sa harap ay isang diwata na nagligtas sa kanyang buhay. Nakita ni Don. Rafael ng ilagay ni Zanella ang dalawang daliri sa bibig nito saka nagpakawala ng isang malakas na sipol. Narinig niya ang isang huni ng ibon kasunod nun ay ang mabilis na pagdapo ni Sky sa balikat ni Zanella. Halos manlaki ang mga mata ng matanda dahil sa labis na paghanga. Ngayon lang siya nakakita ng isang agila na napakaamo. Umangat ang kanyang kamay upang sanay haplusin ang balahibo nito, ngunit nagulat si Don. Rafael ng bigla siyang tukain nito. “Ouch!” Malakas niyang sigaw dahil nasaktan siya sa panunuka na ginawa ng ibon sa kanyang daliri. Muling namangha ang matanda ng nangibabaw sa paligid ang malakas na halakhak ni Zanella. “Ayaw ni Sky na may ibang taong lalapit sa amin.” Natatawa na sabi ni Zanella bago nito hinalikan ang masungit na agila. Napangiti ang Don at natutuwa na pinagmasdan ang dalawa. “Naku! Magagalit sa akin si lola, dahil hindi pa ako nakaka pagluto ng pagkain para sa pananghalian! Umuwi na tayo, Sky!” Ani ni Zanella ngunit naudlot ang akmang paghakbang nito ng maalala ang matanda. “Hm, oo nga pala wala ka palang matutuluyan, marahil, pansamantala ka munang tumuloy sa bahay namin. Ipapaliwanag ko na lang kay lola ang lahat ng nangyari.” Nakangiting wika ni Zanella habang sa kanang balikat nito ay nanatili si Sky. Sinikap ni Don. Rafael na makalakad, mabilis na lumapit si Zanella sa matanda upang sanay tulungan ito ngunit biglang lumipad si Sky at nagagalit na lumipat ito sa ulunan ng dalaga. “Sky! Ano ba! masakit!” Nagagalit na saway ni Zanella ngunit ayaw tumigil ng ibon kaya nasasaktan na siya sa talas ng kuko nito. “Oo na hindi na!” Naiinis na sigaw ni Zanella at nakakatuwa na saka pa lang umalis ang ibon sa kanyang ulunan. “Pasensya na lolo, ayaw ni Sky na hahawakan ko kayo.” Malungkot na sabi ng dalaga habang hinihimas ang nasaktang ulo. “It’s okay, Iha, kaya ko pa namang maglakad.” Natatawang sagot ng matanda, makikita sa mukha nito ang labis na pagkagiliw sa dalaga at sa masungit nitong ibon. “Lola!”tawag ni Zanella sa kanyang abuela habang papasok sa loob ng maliit na kubo. Sa kanyang likuran naman ay paika-ikang nakasunod ni Don. Rafael. Lumapit si Zanella sa higaan ng kanyang lola at pilit na ginising ito ngunit ilang minuto na ang lumipas ay hindi man lang nagising ang matanda. Base na rin sa kulay ng mukha ni lola Iñes ay tila nahuhulaan na ni Don. Rafael kung ano ang nangyayari. Lumapit siya sa maglola at maingat na dinampot ang kamay ng matanda saka dinama ang palapsuhan nito. Isang malalim na buntong hininga ang kanyang pinakawalan bago hinarap ang dalaga. “I’m sorry, Zanella ngunit, patay na ang lola mo.” Malungkot na pahayag ni Don. Rafael. Halos magkulay suka ang mukha ni Zanella at saglit na natulala ito sa kawalan. Sinisikap ng dalaga na unawain ang sinabi sa kanya ng Don. “H-Hindi… Lola!” Ito ang tanging nasambit ni Zanella dahil tuluyan na siyang humagulgol ng iyak bago mahigpit na niyakap ang katawan ng yumaong matanda.Zanella’s Point of view“Lola…” halos mamaos na ako dahil sa labis na pag-iyak, habang nakaluhod sa harap ng puntod nang aking lola. Nang mamatay siya kahapon ay kaagad namin itong inilibing sa likod ng bahay. Wala namang ibang pamilya si Lola maliban sa akin, at malaki ang pasasalamat ko sa matandang si Don dahil tinulungan niya akong mailibing ng maayos ang aking abuela. Kung ako lang mag-isa, marahil ay hindi ko kakayanin, O baka, mas gugustuhin ko pang sumama na lang din sa libingan nito. Ano pa ba ang gagawin ko sa buhay? Ang mamuhay na mag-isa sa bundok at hintayin kung kailan ako mamamatay? Mula sa himpapawid ay naririnig ko ang malakas na huni ni Sky, batid ko na maging siya ay nagluluksa rin na tulad ko. “Lola, ang daya mo naman, alam mo naman na ikaw lang ang pamilya namin ni Sky. Pero bakit mo kami iniwan?” Humihikbi kong sabi habang inaayos ang lupa sa ibabaw ng kanyang puntod. Patuloy lang ako sa pagtatanim ng mga rosas habang kinakausap ko ang aking abuela. Gusto ko na
“Papa!” Ang malakas na palahaw ni Gracia habang patuloy na hinahagod ng asawa nito ang kanyang likod. Maging si Esmeralda ay tahimik na umiiyak dahil sa masaklap na aksidenteng sinapit ng kanilang ama. Ngayong araw ng Lunes ay kumpleto ang buong pamilya sa loob ng mansion. Nagluluksa sila sa pagkamatay ni Don. Rafael. Iniisip nila na malabong makaligtas pa ito mula sa aksidente dahil matanda na ito kaya kahit hindi pa nakikita ang katawan ni don Rafael ay ipinagluluksa na ito ng lahat.Nagulat ang buong bansa ng kumalat ang balita tungkol sa isang chopper na nag crash sa bahagi ng kabundukan ng Sierra madre. Tanging ang walang buhay na tauhan ni Don. Rafael ang nakita ng mga rescue operation mula sa sumabog na chopper. Nabigo sila na makita ang katawan ni Don. Rafael at hanggang ngayon ay pinaghahanap pa rin ang bangkay nito upang mabigyan ng maayos na libing. Malungkot na nakaupo si Alexander mula sa pang-isahang upuan habang nakatitig sa malaking larawan ng kanyang Abuelo na napapa
“Simulan mo na kumpadre.” Ani ni Lolo sa isa pang lalaki na ipinakilala niya sa akin na Judge daw ang pangalan. Halos hindi nalalayo ang edad nito sa kanya. Hindi ko maunawaan kung ano ang ibig sabihin ng mga nangyayari kaya ipinagkatiwala ko na lang ang lahat kay lolo. Mabait naman si Lolo kaya malaki ang tiwala ko sa kanya at batid ko na hindi ako nito ipapahamak. Apat lang kami na nandito sa loob ng isang silid na halos mapuno ng libro, pati si nanay Asun na katiwala ni Lolo sa bahay nito ay nandito rin upang maging saksi daw sa magaganap na kasalan. “Sigurado ka ba sa nais mong mangyari kumpadre?” Anya ng lalaki bago ito tumingin sa aking mukha. Nang ngumiti ako sa kanya ay ngumiti din siya sa akin. Tulad ni lolo ay mukha din naman itong mabait. Hala sige kung hindi na talaga magbabago ang isip mo, simulan na natin.” Nakangiti niyang sagot bago sinimulang basahin ang hawak nitong libro. “Ikaw Zanella tinatanggap mo ba si Rafael bilang asawa mo sa hirap at ginhawa?” Nakangiti ni
“Iha, tandaan mo ang bilin ko, huwag na huwag kang lalabas ng gate. Natatakot ako na baka mamaya ay maligâw ka sa labas at mapahamak.” Ito ang mahigpit na bilin ni Don Rafael kay Zanella habang sinusuklay ang mahaba nitong buhok gamit ang kanyang mga daliri. “Bakit kasi kailangan mo pang umalis? Sasama na lang kami ni Sky.” Nakasimangot na tanong ng dalaga kaya naman napangiti si Don Rafael dahil pakiramdam niya ay para siyang may maliit na anak. “Pangako babalik ako kaagad, basta huwag mong susuwayin ang bilin ko, ha. Malawak ang bakuran at malaya kang gawin ang lahat ng gustuhin mo dito..” Ani ni Don Rafael na akala mo ay bata ang kausap kaya hindi nawawala ang ngiti sa mga labi nito. “Mangako ka na babalikan mo ako dito, hindi kasi ako kumportable kapag hindi kita nakikita sa bahay na ‘to. Ikaw lang kasi ang kaibigan namin dito ni Sky.” Malungkot na pahayag ni Zanell, nakadama ng awa ang matanda at wala sa loob na niyakap niya ito. Iniisip niya ngayon kung ano ang magiging kap
“Ganito pala ang magiging ayos ng lamay ko sa oras na mamatay ako, hm, pero sa susunod maaari bang bawasan ninyo ang mga bulaklak? At ayoko rin ng larawan na ito, mas mainam kung gagamitin n’yo ang larawan ko sa aking silid.” Natatawa na bilin ni Don Rafael habang sinisipat ng tingin ang lahat ng mga tao na umatend para sana sa kanyang huling lamay. “Akalain mo nga naman na nandito ka rin pala Mr. Romero? Sa kabila ng mahigpit na kompetensya ng ating mga kumpanya ay hindi mo pa rin ako natiis. Sadya talagang ang kapatawaran ay pinagkakaloob kung kailan patay na ang isang tao.” Matalinhaga na pahayag ng matanda ng makita niya ang mahigpit niyang kalaban sa negosyo. “Ngayon ako naniniwala Aragon na isa ka talagang masamang damo dahil nagawa mo pa ring makaligtas kay kamatayan.” Natatawa na sabi ni Mr. Romero habang naglalakad ito palapit kay Don. Rafael. Hindi naman ito ikinasama ng loob ni Dob Rafael bagkus ay sinagot niya ito ng isang biro. “Ngayon ka lang tumama sa iyong sinabi.”
Ang buong kabahayan ng mansion ay nababalot ng matinding kalungkutan dahil sa pagkakataong ito ay totoong pumanaw na si Don. Rafael. Nang mga oras na ito ang lahat ng miyembro ng pamilyang Aragon ay kasalukuyang nasa loob ng library. Hinihintay ng lahat kung kailan babasahin ng abogado ang last will testament ng yumaong si Don. Rafael.“Since kumpleto na ang lahat, makinig, dahil sisimulan ko ng basahin ang mga huling habilin ni Don. Rafael. Hindi lingid sa inyong kaalaman na bago lumitaw si Don Rafael mula sa isang aksidente ay pinabago niya ang lahat ng mga nakasulat sa kanyang last will. Halos ang lahat ay nagulat sa naging pahayag ng abogado, at ibayong kabâ ang lumukob sa puso ng bawat isa. Makapigil hininga ang bawat sandali para sa paghahayag ng yaman ng kanilang amahin. Habang si Alexander at ang kanyang ina na si Rosario ay tahimik lang sa kabilang bahagi. At mula sa kabilang panig ay kalmanteng naghihintay si Esmeralda ganun din ang kanyang mag-ama na si Lucio at Patricia.
Zanella’s Point of viewMahigit isang linggo na ang lumipas simula ng umalis si Lolo. Nakadama ako ng lungkot dahil pakiramdam ko ay parang kinalimutan na yata ako nito. Malungkot na pumasok ako sa loob ng kanyang kwarto at tumambad sa aking paningin ang maraming larawan na nakadisplay sa ibabaw ng isang estante. Isang matamis na ngiti ang lumitaw sa bibig ko ng makita ko ang magandang ngiti ni Lolo mula sa ibang lawaran, ngunit mas naagaw ng isang larawan ng lalaki ang aking atensyon.Napaka gwapo niya na katulad ni Lolo, subalit ang mukha nito ay masyadong seryoso na parang akala mo ay galít kung makatingin. “Sino ka? Bakit mukha kang masungit? Kapag nagkita kayo ng matandang Don na ‘yun sabihin mo na galit na ako sa kanya. Hmp! Huwag kang mag-alala anak babalikan kitah.” Parang tanga kong sabi sa larawan ng gwapong lalaki bago ginaya ang sinabi ni Lolo sa akin nung araw na umalis ito. Sa kabila ng hinampo na nararamdaman ko ay hindi ko kayng magalit sa kanya, sapagkat siya ay may
Alexander Point of view“Nay Asun!” Masaya kong tawag sa katiwala ng aming ancestral house, ilang dekada ng naninilbihan sa amin si Nanay Asun kaya halos kapamilya na ang turing namin dito. “Ay kabayo!” Gulat niyang sigaw at hindi sinasadya na naihagis nito ang hawak na sandok. “Xander!?” Hindi makapaniwala niyang bulalas sa aking pangalan habang nanlalaki ang mga mata nito ng makita ako. Matinding kasiyahan ang lumarawan sa mukha nito at sinugod niya ako ng yakap. “Diyos ko, mahabaging langit! Bakit ngayon ka lang nagpakita sa akin kang bata ka? Dalawampung taon na ang lumipas ng huli kitang nakita at ngayon ay ang laki-laki mo na! Sabihin mo sa akin, may asawa ka na ba?” Sabik niyang tanong sa akin, imbes na sumagot ay nakangiting umiling na lang ako sa kanya. Hindi ko pa masabi sa kanya na iyon talaga ang dahilan kung bakit biglaan ang pag-uwi ko dito. “Nay Asun, bakit parang hindi yata nagbago ang mukha mo? Twenty years na ang lumipas pero parang hindi ka yata tumatanda.” Nakang
TEASER“Alas tres ng hapon at katatapos lang ng huling klase ko. Kasalukuyan akong naglalakad sa gilid ng kalsada patungo sa sakayan ng jeep. Ngunit, hindi ko inaasahan ang biglaang pagsulpot ng isang puting kotse sa aking harapan kaya natigil ako sa paghakbang. Napaatras ang aking mga paa ng lumabas ang tatlong lalaki na pawang may mga baril na nakasuksôk sa kanilang mga baywang. “S-Sino kayo?” Nahintakutan kong tanong, ngunit, imbes na sumagot ay mabilis na lumapit sa akin ang mga ito. Tinangka kong tumakbo ngunit napakabilis ng mga pangyayari dahil hawak na nila ako sa magkabilang braso. Nalaglag ang mga libro ko at nagsabog ang mga ito sa lapag. “Bitawan ninyo ako!” Naiiyak kong sigaw habang pilit na nagpupumiglas mula sa mahigpit na pagkakahawak nila sa aking mga braso. Nagsimula na akong mag hysterical ng kaladkarin nila ako papasok sa loob ng sasakyan. “Tulong! Parang awa nyo na! Tulungan ninyo ako!” Halos mabasag na ang boses ko at kulang na lang ay mapatid ang mga litid ko
Prenteng umupo si Mr. Smith sa isang swivel chair na nasa kabilang dulo ng mahabang lamesa habang ang mga tauhan niya ay nagkalat sa labas ng conference room. Tanging ang dalawang tauhan lang nito ang kanyang kasama sa loob ng silid. Tumitig sa mukha ni Alexander ang seryoso nitong mga mata at ilang sandali pa ay umangat ang sulok ng bibig ni Mr. Smith. “Tulad ng inaasahan ko, Aragon, let’s stop this, we know na walang patutunguhan ang lahat ng ito. Huwag na rin tayong maglokohan pa dito alam naman nating pareho kung ano ang totoong pakay mo sa anak ko.” Diretsahang pahayag ni Mr. Smith, kaya mahigpit na naikuyom ni Alexander ang kanyang mga kamay. Balewala na napako ang tingin ni Mr. Smith sa nakakuyom na kamay ng kanyang manugang. Iniisip niya na nanggagalaiti na ito sa galit dahil nabuko niya ang totoong hangarin nito. Nasaktan si Alexander sa mga salitang lumalabas sa bibig ng kanyang biyenan, dahil nasagi nito ang kanyang ego, para kay Alexander ay isa itong klase ng panghah
“Kalimutan mo na ang lalaking iyon, Zanella, hindi ka talaga minahal ng iyong asawa, pera lang ang habol niya sa’yo!” Matigas na pahayag ni Harris sa kanyang anak, labis na nasaktan si Zanella sa sinabi ng kanyang ama kaya hindi na maampat ang mga luha nito sa mata. “Mali ka, Dad, mahal ako ni Alexander! At batid ko na babalikan niya ako.” Matatag na sagot ni Zanella habang ang ina niyang si Zaharia ay masuyong hinagod ang likod ng kanyang anak. “Harris, tama na, pabayaan mo na ang anak mo na makasama ang kanyang asawa, lalo na at may anak na sila.” Naaawa na wika ni Zaharia, ngunit matigas ang kanyang asawa. “Hindi ko pwedeng pabayaan ang anak ko sa kamay ng mga kriminal na ‘yun, Zaharia! Hindi ko hahayaan na saktan pa nilang muli ni dulo ng daliri ng aking anak! Kung noong una pa lang ay nalaman ko na ang mga kalokohang ginawa nila sa anak ko ay baka matagal ko na silang inilibing ng buhay!” Umuusok sa galit na pahayag ni Harris, nanlaki ang mga mata ni Zanella dahil hindi niya
“Sir, hindi makatarungan ang ginawa sa aming mga manggagawa. Ilang dekada na akong empleyado ng kumpanyang ito pero simula ng mamatay si Sr. Smith ay nagsimula na ring bumagsak ang kumpanyang ito. Bigla na lang kaming sinisante ng walang dahilan. At ang masakit pa dun ay naghired sila ng mga bago ngunit ilang buwan lang ay tinanggal din sila sa trabaho. Maayos kaming nagtatrabaho pero para kaming mga basura na basta na lang itinapon na parang akala mo ay mga walang pakinabang.” Naluluha sa galit na pahayag ng matandang lalaki na siyang namumuno sa kanilang grupo. Maging ang tatlo pa nitong mga kasama ay umiiyak na rin. Nag-igting ang aking mga bagâng dahil ngayon ko lang naunawaan kung bakit tila puro mga baguhan ang lahat ng empleyado ng Smith Corporation. “Do you think bakit nila ginagawa ang mga bagay na ‘yun?” Curious kong tanong na ang tinutukoy ay ang kanilang mga Manager at Supervisor. “Sa pagkakaalam namin sir, upang sa kanila mapunta ang aming mga sweldo mula sa long servi
Alexander’s Point of view “Your fire!” Matigas kong sabi sa isang empleyado na nakatayo sa aking harapan. Halos ganito na lang ang eksena araw-araw at hindi ko na alam kung pang-ilang empleyado na ang nasisante ko. I got a stress sa kumpanyang ito, at parang gusto ko ng patayin ang lahat ng tao na nasa harapan ko. Umuusok sa galit na sinipat ko ng tingin ang mga empleyado na nakahilera sa aking harapan. “Alam ko na may sabwatan na nangyayari dito, kung hindi n’yo titigilan ang pagnanakaw sa kumpanya ay mapipilitan ako na sisantehin kayong lahat. Huwag ninyong ubusin ang pasensya ko dahil may kalalagyan kayo sa akin! Now, Get out!” Nanggagalaiti kong saad sabay turo sa pintuan ng aking opisina. Malakas ang tahip ng dibdib ko dahil sa matinding galit. Hindi ako makapaniwala na may mga ganitong klaseng mga employee na masyadong garapal ang mukha! Dahil harap-harapan na kung pagnakawan ng mga ito ang kumpanya. Paano nga ba ako humantong sa ganitong sitwasyon? Pabagsak na umupo ako
“Hindi ko matatanggap ang asawa mong ‘yan Zanella! Ngayon din ay hiwalayan mo siya at paalisin mo ‘yan dito.” Matigas na pahayag ni Mr. Smith, makikita mula sa mga mata nito ang di pagka gusto sa kanyang manugang na si Alexander. Ito ang gumimbal sa lahat ng harap-harapang ipagtabuyan ni Mr. Smith ang asawa ni Zanella. “P-Pero, Dad, asawa ko na si Alexander at may anak kami! Kaya hindi pwede ang nais mong mangyari!” Nagugulumihanan na sagot ni Zanella dahil tutol siya sa nais mangyari ng kanyang ama. Kararating lang nila sa mansion ng kanyang mga magulang upang harapin ni Alexander ang kanyang mga biyenan ngunit hindi nila inaasahan ang matinding pagtutol ni Mr. Smith sa kanilang relasyon. Akala ni Zanella ay maayos na ang lahat dahil ni minsan ay hindi niya naringgan ng pagtutol ang kanyang ama ng malaman nito ang tungkol sa kanyang asawa. Kaya labis siyang naguguluhan dahil sa naging pahayag ng kanyang ama. Habang ang kanyang asawa na si Alexander ay nanatili sa kanyang kinatatayu
“Noong araw na iniligtas ko si Don. Rafael mula sa nahulog niyang chopper ay nagkaroon kami ng kasunduan na tutulungan namin ang isa’t-isa. Upang makabayad ng utang na loob ang inyong ama mula sa pagliligtas namin ni Sky sa kanyang buhay ay inako niya ang lahat ng responsibilidad sa akin ng araw mismo na namatay ang lola Iñes ko. Dahilan kung bakit isinama niya ako pabalik sa lungsod.” Natigalgal si Esmeralda at Gracia sa kanilang mga narinig. Bahagyang nanlaki ang kanilang mga mata habang nakatitig ng mukha ni Zanella. Tukso naman na lumitaw ang imahe ng inosenteng mukha ni Zanella noong una nila itong nasilayan. Binalot ng matinding kilabot ang kanilang sistema dahil nilamon sila ng matinding kahihiyan. Sa isang iglap ay nawalan ng lakas ang mga tuhod ni Esmeralda at nanghihina na napaupo siya sa semento.“K-kung ganun…” si Esmeralda na tila lutang ang utak dahil hindi kaagad tinanggap ng kanyang utak ang mga naging pahayag ni Zanella. Hindi pa man natatapos sa kanyang pagsasalita
Nakabibinging katahimikan ang namagitan sa kanilang tatlo at hindi nila alam kung paano si-simulan ang kanilang usapan. Si Gracia na nanatiling tahimik at hindi malaman kung paano uumpisahan ang kanyang sasabihin. Alumpihit na ito sa kanyang kinatatayuan habang mahigpit na nakakapit sa laylayan ng suot niyang bestida. Si Esmeralda na ilang ulit na nagpakawala ng buntong hininga. Bumuka-sara ang bibig nito ngunit wala namang lumalabas na anumang salita. Habang si Zanella ay nanatili lang sa kanyang kinatatayuan at matiyagang naghihintay sa kung ano ang sasabihin ng magkapatid. “Ehem, batid ko na sa simula pa lang ay hindi na kami naging mabuti sa’yo, Zanella. Nakakalungkot mang isipin ngunit huli na bago ko pa napagtanto ang lahat ng ito. Nandito ako ngayon sa iyong harapan hindi dahil sa yaman kundi para ibaba ang aking sarili at humingi ng tawad sa lahat ng kasalanan ko sayo. Sa totoo lang, sa tuwing naiisip ko ang lahat ng mga nangyari sa pagitan nating dalawa ay parang gusto kon
Napatda ang pamilyang Aragon ng huminto ang laruang sasakyan ni Kolly sa mismong tapat nila. Isa-isang sinuri ng batang si Kolly ang mukha ng lahat. Labis na nagtataka ang inosente nitong isipan kung bakit mga nakatulala at hindi gumagalaw sa kanilang kinatatayuan ang lahat ng tao sa kanyang harapan. Halos inabot din ng minuto na nakatulala sa mukha ng isa’t-isa ang batang si Kolly at ang pamilyang Aragon. Pagkatapos tingnan isa-isa ang mukha ng lahat ay bumalik ang tingin ng bata sa mukha ni Alexander. Sa mukha ng kanyang ama napako ang tingin ni Kolly. Masasalamin sa mukha ng bata ang labis na pagkamangha dahil ito ang unang pagkakataon na nasilayan niya sa personal ang gwapong mukha ng kanyang ama. Tila tumigil sa pag-ikot ang mundo ng mag-ama habang nakatitig sa mukha ng isa’t-isa. Kahit luntian ang mga mata ni Kolly ay hindi maikakaila na anak ito ni Alexander, sapagkat ito ay kanyang kawangis. Pagkatapos na matitigan ang mukha ng bata ay sabay na tumingin ang lahat sa mukha