Third Person's Point of View"Ano ba namang babaeng ito. Natulog ng sobrang lamig ng kwarto," mahinang sabi ni Celine nang makapasok siya sa kwarto ng kaniyang anak.Tinignan niya ang paligid ng kwarto at naisip niya na kahit hindi totoong anak ni Mexion si Celina, ay pinaparamdam nito sa kaniyang anak na anak din niya ito. Kaya habang tumatagal, ay minamahal niya si Mexion at hindi siya nagsisisi na magpakasal sa lalaki.Makita niya lang ang anak niya na masaya at nakukuha ang gusto nito, ay masaya na siya. Dahil noong wala silang pera, ay naaawa siya sa kaniyang anak dahil hindi niya mabili ang mga bagay na gusto ni Celina. Ngayon na meroon na silang pera, ay ibibigay niya ang lahat para sa anak niya.Napangiti siya nang makita niya si Celina na nakataklob ang buong katawan ng kumot. Sobrang lamig kasi ng kwarto. Nakacentralized aircon kasi ang buong mansion, pero ang hindi maintindihan ni Celine kung bakit ang kwarto lang ni Celina ang sobrang lamig."Celina, you need to wake up,"
"Lady Celine, it's great to finally meet you. You're so beautiful pala in person," nakangiting bati ng isang babae. Lumapit ang babae kay Celine at nagbeso-beso silang dalawa. Meroon itong kasamang mga tauhang mga babae at lahat sila, ay may mga dalang gamit. "I'm Bethy, and Mr. Mexion Montanelli called me to help you sa wedding niyo.""Welcome to our humble mansion, Miss Bethy. It's also nice to finally meet you," bati ni Celine at nakipagkamayan kay Bethy. "Thank you for helping me Miss Bethy. Shall we start? Ano ang uunahin natin?" "Uunahin muna natin ang pagpipili ng cake, ang theme at magiging program ng wedding. Actually madami pa tayong kailangan pag-usapan, pero sure ako na makakapili at masusukatan ka na ng wedding dress ngayon pati na rin ang mga bridesmaid at maid of honor niyo. Kasama na rin doon ang magiging suot ng magiging asawa mo." Medyo nahilo si Celine sa sobrang dami ng gagawin niya ngayon, pero excited siya dahil ito ang wedding na hinihintay niya. "Don't worry,
Wedding Day* Celina's Point of View Ito na 'yung araw na magiging pamilya ko ang mga Montanelli. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon dahil meroong pakiramdam na ayaw ko silang maging pamilya. Meroon akong kutob na hindi makakabuti sa akin na kasama ko sila, pero nakakasigurado naman ako na hindi masama ang mga Montanelli, dahil tao rin sila may pakiramdam. Kita ko rin sa nga mata ni Uncle Mexion na mahal niya ang nanay ko. Kaya hindi ako pwedeng mag-isip ng masamang bagay tungkol sa pamilyang Montanelli. "Kinakabahan ka ba? Huwag kang kabahan," sabi ni Mom habang hawak-hawak ang kamay ko. Hinihintay na lang namin na bumukas ang dalawang pintuan ng simbahan para makapag-umpisa na kaming maglakad. Nakatayo kami sa harap ng pintuan at nasa loob na ang mga bisita. "Irelax mo nga ang sarili mo, Celina. Ikaw pa ang mas kinakabahan kaysa sa akin. Ako ang ikakasal kaya ako dapat ang kinakabahan. Huwag mong agawain sa akin ang eksena na ito. Kailangan ako lang ang bi
"Gan'yan ka ba talaga?" tanong ko kay Massimo habang nagdadrive siya ng kotse papunta sa mansion. "What?" "Gan'yan ka ba talaga sa mga babae?" "Anong gan'yan sa mga babae?" Malapit na akong mainis sa lalaking ito. Common sense naman, hindi niya ba alam kung ano ang ibig kong sabihin? Bumuntong hininga na lang ako para pigilan ang inis na nararamdaman ko. "Chill ka lang, ang bilis mo naman mainis." "Iyong malapit sa mga babae." Tumingin siya sa akin habang tumatawa, pero binaling niya agad ang tingin niya sa kalsada. "Ano ba ang gusto mong malaman? Saka ano naman kung malapit sa akin ang mga babae? Sila naman ang lumalapit sa akin, hindi ako." "Wala naman akong gustong malaman, curious lang ako. Saka imposible naman kasing lumapit sa'yo ang mga babae." Doon napagtanto ni Massimo na inosente si Celina dahil hindi alam nito ang dahilan kung bakit lumalapit sa kaniya ang mga babae. Malalaman agad ng isang tao kung bakit lumalapit kay Massimo ang isang babae, at iyon ay ang makipags*
"Ikaw na ang bahala kay, Celina." Kumunot ang noo ni Massimo nang sabihin iyon ni Mexion. Binaba ni Mexion ang empty glass sa bar table at pinunasan ang bibig niya."What?" inis na tanong ni Massimo. Gusto niyang makasigurado na tama ang kaniyang narinig dahil ayaw niyang mag-alaga ng isang babae, lalong-lalo na sa babaeng lasing na lasing."I said, ikaw na ang bahala kay Celina. Huwag mo siya masyadong patagalin sa dance floor, dahil baka may mangyare pang masama sa kaniya. Kailangan na naming umalis ni Celine para sa honeymoon namin." Hindi na nakatanggi si Massimo sa Uncle niya dahil nakaalis na ito papunta sa kaniyang asawa."Naging babysitter pa ako," inis na bulong ni Massimo at ininom ang kaunting martini na natitira sa glass niya. "Masayang maghohoneymoon ang Uncle ko, habang ako ang pinagbantay sa anak nila? What kind of family is this!" Pasaway talaga ang babaeng iyon. Bakit hindi na lang siya maging katulad ng mga babae niya? Iyong mga babaeng nadadaan lang sa tingin at ha
"Wait!" Babalik pa sana si Celina sa lalaking nakahiga sa sahig para tulungan ito, pero mas malakas si Massimo kaysa sa kaniya. "Tutulungan ko lang 'yung lalaki, kawawa naman siya!" "Fvck! Bakit ba ang kulit mo!" Napatigil sa paglalakad si Celina kaya napatigil din si Massimo. "What? Let's go!" "Hindi ko siya pwedeng iwan doon, Massimo. Kailangan niya ng tulong ko." "Leave that asshole, Celina. He doesn't need help," walang ganang sabi ni Massimo at hinila ulit si Celina palabas ng party. "Pero kailangan niya ng tulong ko. Bakit mo ba kasi siya sinuntok?" Napabuntong hininga na lang si Massimo at nagpatuloy sa paglalakad. Ayaw niyang makipagtalo pa sa isang lasing dahil wala rin namang kwenta ang mga sinasabi ni Celina. Hindi niya hahayaan na bumalik pa ulit ang babae sa loob dahil masyado nang madaming navideohan at nakakita sa nangyare ngayong gabi at hindi iyon pwedeng mangyare ng kaniyang tiyuhin. Pagkalabas na pagkalabas nila ng venue, ay nakaparada na agad ang sasakya
Hindi masayang pumasok ng hotel room nila si Celine, dahil sa kaniyang iniisip. Ang dami niyang mga tanong na gusto niya nang malaman ang sagot, pero kailangan niyang magpanggap na masaya sa kanilang mga bisita at para na rin sa kaniyang anak. Gusto niyang maisip ng anak niya na masaya siya sa lalaking pinakasalan niya."Bakit pinaggastosan mo ako, Mexion?" nagtatakang tanong ni Celine sa kaniyang bagong asawa nang makapasok sila sa mismong kwarto nila ng isa sa pinakamagandang hotel sa buong mundo.Honeymoon nilang dalawa kaya pinaghandaan ni Mexion ang gabi na iyon. Ang gusto niya na maging masaya ang gabi nilang dalawa. Kaya naghanap siya ng isang lugar kung saan tahimik at makakapagpahinga silang dalawa."Why are you asking that, Celine?" Kumunot ang noo ni Celine at umupo sa kama. "Of course it's our wedding. Kaya kailangan maganda at perfect. Also, I want you to be perfect, Celine.""Iyon ba talaga ang dahilan? Mexion, alam kong hindi mo ako mahal, pero hindi mo naman kailangan
"How's the honeymoon, Auntie?" tanong ni Meaxiana nang makapasok ng mansion si Celine ng mag-isa. "Nasaan si Dad?" dagdag pa nito. Sa sobrang pagod ni Celine, ay napaupo siya sa sofa at tinignan si Meaxiana na nakatayo pa rin sa kinatatayuan nito at naghihintay ng sagot. "Pumunta sa company niyo ang Daddy mo, pero huwag ka mag-alala. Hindi naman daw siya magtatagal doon. Meroon lang siyang kailangan asikasuhin dahil nagkaroon ng problema." Tumungo si Meaxiana at umupo rin sa kabilang sofa. Kaya magkaharap na sila ngayon."Kaya pala maaga rin umalis si Kuya Maxio at Kuya Massimo, kasi kailangan niya raw pumunta sa company.""Alam mo ba kung ano ang dahilan?""Hindi po, bilang isang babae po kasi ng pamilyang Montanelli. Ang trabaho ko lang po ay mag-aral. Hindi ako sinasama nila Dad sa mga meeting nila dahil hindi ko raw po trabaho 'yun.""Ano ang ibig mong sabihin, iha?" Napakagat labi si Meaxiana dahil nasabi niya ang hindi niya dapat sabihin. "Nasa tradition po kasi ng aming pami