"How's the honeymoon, Auntie?" tanong ni Meaxiana nang makapasok ng mansion si Celine ng mag-isa. "Nasaan si Dad?" dagdag pa nito. Sa sobrang pagod ni Celine, ay napaupo siya sa sofa at tinignan si Meaxiana na nakatayo pa rin sa kinatatayuan nito at naghihintay ng sagot. "Pumunta sa company niyo ang Daddy mo, pero huwag ka mag-alala. Hindi naman daw siya magtatagal doon. Meroon lang siyang kailangan asikasuhin dahil nagkaroon ng problema." Tumungo si Meaxiana at umupo rin sa kabilang sofa. Kaya magkaharap na sila ngayon."Kaya pala maaga rin umalis si Kuya Maxio at Kuya Massimo, kasi kailangan niya raw pumunta sa company.""Alam mo ba kung ano ang dahilan?""Hindi po, bilang isang babae po kasi ng pamilyang Montanelli. Ang trabaho ko lang po ay mag-aral. Hindi ako sinasama nila Dad sa mga meeting nila dahil hindi ko raw po trabaho 'yun.""Ano ang ibig mong sabihin, iha?" Napakagat labi si Meaxiana dahil nasabi niya ang hindi niya dapat sabihin. "Nasa tradition po kasi ng aming pami
"Saan mo gustong pasukan?" tanong ni Celine sa kaniyang anak nang makapasok sila sa loob ng Grace Mall. Ang mall na pagmamay-ari ng mga Montanelli, pero hindi alam ng mag-ina na sila ang may-ari nito. Habang naglalakad sila, ay pinagtitinginan sila ng mga dahil sa dalawang bodyguard na nakabuntot sa likod nila. Hindi tuloy mapakali si Celina, pero ang kaniyang ina, ay masaya at parang sanay na ito na meroong nakabuntot sa kanila. "Hindi ko alam, pero kailangan ba talaga natin ng bodyguard? Hindi ba pwedeng maghintay na lang sila sa kotse? I hate people staring at us na parang meroon tayong ginawang masama," inis na sabi ni Celina at walang ganang naglakad."Hindi ko rin alam, pero kailangan nating unawain ang kanilang trabaho dahil kapag meroong nangyare sa ating dalawa at hindi wala sila sa tabi natin, ay mawawalan sila ng trabaho." Napabuntong hininga na lang si Celina at hinayaan na lang ang mga taong tinitignan sila. Simple lang din kasi ang suot niya, nakashort at oversized na
"What's your order, Mam?" tanong ng babae kay Celina nang pumunta siya sa harap ng babae para sabihin ang kaniyang oorderin. Meroon itong hawak-hawak na papel at ballpen."Dalawang squid takoyaki," sagot naman ni Celina."Ilang pieces po?""The twenty pieces," confident na sabi ni Celina. Gutom na rin siya dahil hindi siya nakakain simula noong nagising siya kanina. Mabubusog na siguro siya sa twenty pieces na takoyaki, pero kung gutom pa rin siya ay pwede siyang manghingi sa kaniyang Ina, dahil alam niya naman na hindi ito masyadong kumakain ng madami."That would be 250 pesos." Napatigil siya ng saglit dahil naalala niya na wala pala siyang dalang pera. Bakit niya ba kasi naisip na maghanap ng pagkain kahit walang dalang pera?____[Nakita mo na ba ang pera na nilagay ko sa banko mo?] Kumunot ang noo ni Celina nang masagot niya ang tawag ng kaniyang ina dahil sa sinabi nito."Pera?"[Oo, naglagay ako ng pera sa banko mo. Para kung may kailangan o gusto kang bilihin ay mabibili mo a
"Are you ok anak?" nag-aalalang tanong ni Celine nang makita niya ang kaniyang anak/ Agad niya itong nilapitan at niyakap sabay sinuri ang kaniyang mukha. "Anong nangyare sa mukha mo?" dagdag pa nito, pero lumayo si Celina sa kaniyang ina."I'm fine, Mom. Kinabahan lang ako kaya namula ang pisngi ko.""Hindi, alam ko na hindi yon ang dahilan kung bakit namumula ang kaliwang pisngi mo. Alam kong sampal 'yan ng isang tao." Bumuntong hininga si Celina at hinawakan ang kamay ng ina."Ok lang ako, Mom. Hindi naman na masakit ang pisngi ko.""Sabihin mo sa akin kung sino ang may gawa sa'yo niyan!" Tumingin si Celine ka Mexion. "Mexion, do something!"Lumapit si Mexion sa kaniyang asawa at hinawakan ang pisngi nito. "I will take care of it. But you need to relax, Celine. Kakauwi lang natin dito, kaya dapat hindi ka nastress ngayon." Huminga ng malalim si Celine at pinakalma ang kaniyang sarili."Hindi lang ako makapaniwala na nangyare 'yung gano'n. Kung alam ko lang na may mangyayareng gulo
"Xiana!" sigaw ng isang babae kay Meaxiana nang makita siya nito. Sa sobrang lakas ng sigaw, ay ang lahat ng estudyanteng nasa paligid nila, ay tumingin sa kaibigan niya. Tumatakbo ito habang papalapit sa kaniya. Kaya nang makalapit na ang babae sa kaniya, ay hingal na hingal na ito."Bakit ang ingay mo? Nakakahiya sa mga ibang estudyante," mahinang sabi ni Meaxiana sa kaniyang kaibigan. "Ano ba ang dahilan ng pag-ingay mo riyan?" Habang nagsasalita si Meaxiana, ay sobrang laki ng ngiti ng kaibigan niya kaya nacucurious na siya sa gusto sabihin nito."Napansin na ako ng crush ko!" Kumunot ang noo ni Meaxiana at napakamot ng ulo. Ang akala niya, ay magandang balita ang sasabihin sa kaniya ng babae, pero tungkol lang pala ito sa crush niya. Hindi naman niya masisisi ang kaibigan niya matagal na itong may pagtingin sa lalaking hindi naman siya gusto. Ilang beses niya na rin pinagsabihan ang kaibigan niya na huwag na itong umasa pa dahil baka hindi magkagusto ang lalaki sa kaniya, pero ma
Paglabas na paglabas ni Celina sa kaniyang kwarto, ay bumungad sa kaniya si Massimo. Seryoso itong nakatingin sa kaniya habang nakatayo sa harap niya. "Ano ang ginagawa mo rito?" nagtatakang tanong ni Celina, pero hindi siya sinagot ng lalaki dahil nakatingin lang ito sa kaniyang labi. "Ano ang kailangan mo? May kailangan ka ba?" Tumingin ng nang aakit si Massimo kay Celina at hinawakan ang labi ng babae."You asked me what I want," bulong na sabi ni Massimo. "Kung sabihin ko na gusto ko ang labi mo... Ibibigay mo ba?" Tinignan ng may pagtataka ni Celina si Massimo. Hindi niya alam kung ano ang sinasabi ng lalaki, pero alam niya lang, ay gusto siyang halikan ng lalaki.Nagtinginan silang dalawa, sabay naghalikan. Hindi nila iniisip kung meroong makakakita sa kanilang dalawa, dahil ang mahalaga sa kanila, ay maghalikan.Nagulat si Celina nang buhatin siya ng lalaki at ipasok sa loob ng kwarto niya."Ughh," mahinang ungol ng babae nang halikan siya sa leeg ng lalaki at iupo siya nito
"Ate Celina?" Nalapag ni Celina ang cellphone na nakabox na hawak niya nang marinig niya ang boses ni Meaxiana. "Nasa loob ka po ba?" pag-uulit ng babae. Tumayo si Celina at agad na binuksan ang pintuan ng kaniyang kwarto. Doon bumungad si Meaxiana na may hawak-hawak na meryenda at juice. "Dinalahan kita ng cheese burger with fries and juice. Baka kasi nagugutom ka na. Hindi ka pa rin daw lumalabas ng kwarto mo sabi ni Mom."Nilakihan ni Celina ang bukas ng pintuan para makapasok si Meaxiana. Kaya agad na nilagay ng babae ang tray sa side table ng kama ni Celina. "Hindi mo naman kailangan gawin 'yan. Pwede naman akong bumaba na lang sa kitchen at kumuha ng pagkain." mahinang sabi ni Celina at umupo sa kama sabay kinuha ang cellphone na binigay ni Massimo. Pati na rin si Meaxiana, ay umupo sa tabi niya."I insist, Ate. Gusto ko lang makasigurado na nakakakain ka ng maayos at hindi ka nadedepress sa loob ng kwarto mo... Ikaw lang ang sister ko rito sa mansion kaya gusto kong imake sur
"We're here." Tinignan ni Celina ang labas ng kotse sa bintana at nakita niya na nasa tapat sila ng isang malaking condominium."Bakit tayo nandito?" nagtatakang tanong ni Celina at tumingin ng nakakunot na noo kay Magnus. Nagtataka siya kung bakit nasa condominium building sila at hindi lang ito basta basta na condominium building. Isa ito sa pinakamahal, malaki, at magandang condo sa buong bansa o mundo. Halos mayayaman ang mga nandito at walang sinuman ang nakakaafford na mahirap dito o kahit may kaya pa man ang isang tao."Hindi ba gusto mong makita si Massimo?" Tumungo si Celina bilang sagot. Kaya napangiti si Magnus. "Nandiyan siya sa condo niya. Tanungin mo na lang kung saan ang number ng condo ni Massimo Montanelli at sasabihin na nila kung anong number.""Hindi ba strict ang security dito? Papapasukin ba ako? Baka hindi ako papasukin." Pinanood ni Celina si Magnus na kinuha ang cellphone nito at may tinawagan.Minsan iniisip ni Celina kung ilang taon na si Magmus, dahil mukh