Magpinsan lang daw? Sure ka na ba riyan, Celina?
"Ikaw na ang bahala kay, Celina." Kumunot ang noo ni Massimo nang sabihin iyon ni Mexion. Binaba ni Mexion ang empty glass sa bar table at pinunasan ang bibig niya."What?" inis na tanong ni Massimo. Gusto niyang makasigurado na tama ang kaniyang narinig dahil ayaw niyang mag-alaga ng isang babae, lalong-lalo na sa babaeng lasing na lasing."I said, ikaw na ang bahala kay Celina. Huwag mo siya masyadong patagalin sa dance floor, dahil baka may mangyare pang masama sa kaniya. Kailangan na naming umalis ni Celine para sa honeymoon namin." Hindi na nakatanggi si Massimo sa Uncle niya dahil nakaalis na ito papunta sa kaniyang asawa."Naging babysitter pa ako," inis na bulong ni Massimo at ininom ang kaunting martini na natitira sa glass niya. "Masayang maghohoneymoon ang Uncle ko, habang ako ang pinagbantay sa anak nila? What kind of family is this!" Pasaway talaga ang babaeng iyon. Bakit hindi na lang siya maging katulad ng mga babae niya? Iyong mga babaeng nadadaan lang sa tingin at ha
"Wait!" Babalik pa sana si Celina sa lalaking nakahiga sa sahig para tulungan ito, pero mas malakas si Massimo kaysa sa kaniya. "Tutulungan ko lang 'yung lalaki, kawawa naman siya!" "Fvck! Bakit ba ang kulit mo!" Napatigil sa paglalakad si Celina kaya napatigil din si Massimo. "What? Let's go!" "Hindi ko siya pwedeng iwan doon, Massimo. Kailangan niya ng tulong ko." "Leave that asshole, Celina. He doesn't need help," walang ganang sabi ni Massimo at hinila ulit si Celina palabas ng party. "Pero kailangan niya ng tulong ko. Bakit mo ba kasi siya sinuntok?" Napabuntong hininga na lang si Massimo at nagpatuloy sa paglalakad. Ayaw niyang makipagtalo pa sa isang lasing dahil wala rin namang kwenta ang mga sinasabi ni Celina. Hindi niya hahayaan na bumalik pa ulit ang babae sa loob dahil masyado nang madaming navideohan at nakakita sa nangyare ngayong gabi at hindi iyon pwedeng mangyare ng kaniyang tiyuhin. Pagkalabas na pagkalabas nila ng venue, ay nakaparada na agad ang sasakya
Hindi masayang pumasok ng hotel room nila si Celine, dahil sa kaniyang iniisip. Ang dami niyang mga tanong na gusto niya nang malaman ang sagot, pero kailangan niyang magpanggap na masaya sa kanilang mga bisita at para na rin sa kaniyang anak. Gusto niyang maisip ng anak niya na masaya siya sa lalaking pinakasalan niya."Bakit pinaggastosan mo ako, Mexion?" nagtatakang tanong ni Celine sa kaniyang bagong asawa nang makapasok sila sa mismong kwarto nila ng isa sa pinakamagandang hotel sa buong mundo.Honeymoon nilang dalawa kaya pinaghandaan ni Mexion ang gabi na iyon. Ang gusto niya na maging masaya ang gabi nilang dalawa. Kaya naghanap siya ng isang lugar kung saan tahimik at makakapagpahinga silang dalawa."Why are you asking that, Celine?" Kumunot ang noo ni Celine at umupo sa kama. "Of course it's our wedding. Kaya kailangan maganda at perfect. Also, I want you to be perfect, Celine.""Iyon ba talaga ang dahilan? Mexion, alam kong hindi mo ako mahal, pero hindi mo naman kailangan
"How's the honeymoon, Auntie?" tanong ni Meaxiana nang makapasok ng mansion si Celine ng mag-isa. "Nasaan si Dad?" dagdag pa nito. Sa sobrang pagod ni Celine, ay napaupo siya sa sofa at tinignan si Meaxiana na nakatayo pa rin sa kinatatayuan nito at naghihintay ng sagot. "Pumunta sa company niyo ang Daddy mo, pero huwag ka mag-alala. Hindi naman daw siya magtatagal doon. Meroon lang siyang kailangan asikasuhin dahil nagkaroon ng problema." Tumungo si Meaxiana at umupo rin sa kabilang sofa. Kaya magkaharap na sila ngayon."Kaya pala maaga rin umalis si Kuya Maxio at Kuya Massimo, kasi kailangan niya raw pumunta sa company.""Alam mo ba kung ano ang dahilan?""Hindi po, bilang isang babae po kasi ng pamilyang Montanelli. Ang trabaho ko lang po ay mag-aral. Hindi ako sinasama nila Dad sa mga meeting nila dahil hindi ko raw po trabaho 'yun.""Ano ang ibig mong sabihin, iha?" Napakagat labi si Meaxiana dahil nasabi niya ang hindi niya dapat sabihin. "Nasa tradition po kasi ng aming pami
"Saan mo gustong pasukan?" tanong ni Celine sa kaniyang anak nang makapasok sila sa loob ng Grace Mall. Ang mall na pagmamay-ari ng mga Montanelli, pero hindi alam ng mag-ina na sila ang may-ari nito. Habang naglalakad sila, ay pinagtitinginan sila ng mga dahil sa dalawang bodyguard na nakabuntot sa likod nila. Hindi tuloy mapakali si Celina, pero ang kaniyang ina, ay masaya at parang sanay na ito na meroong nakabuntot sa kanila. "Hindi ko alam, pero kailangan ba talaga natin ng bodyguard? Hindi ba pwedeng maghintay na lang sila sa kotse? I hate people staring at us na parang meroon tayong ginawang masama," inis na sabi ni Celina at walang ganang naglakad."Hindi ko rin alam, pero kailangan nating unawain ang kanilang trabaho dahil kapag meroong nangyare sa ating dalawa at hindi wala sila sa tabi natin, ay mawawalan sila ng trabaho." Napabuntong hininga na lang si Celina at hinayaan na lang ang mga taong tinitignan sila. Simple lang din kasi ang suot niya, nakashort at oversized na
"What's your order, Mam?" tanong ng babae kay Celina nang pumunta siya sa harap ng babae para sabihin ang kaniyang oorderin. Meroon itong hawak-hawak na papel at ballpen."Dalawang squid takoyaki," sagot naman ni Celina."Ilang pieces po?""The twenty pieces," confident na sabi ni Celina. Gutom na rin siya dahil hindi siya nakakain simula noong nagising siya kanina. Mabubusog na siguro siya sa twenty pieces na takoyaki, pero kung gutom pa rin siya ay pwede siyang manghingi sa kaniyang Ina, dahil alam niya naman na hindi ito masyadong kumakain ng madami."That would be 250 pesos." Napatigil siya ng saglit dahil naalala niya na wala pala siyang dalang pera. Bakit niya ba kasi naisip na maghanap ng pagkain kahit walang dalang pera?____[Nakita mo na ba ang pera na nilagay ko sa banko mo?] Kumunot ang noo ni Celina nang masagot niya ang tawag ng kaniyang ina dahil sa sinabi nito."Pera?"[Oo, naglagay ako ng pera sa banko mo. Para kung may kailangan o gusto kang bilihin ay mabibili mo a
"Are you ok anak?" nag-aalalang tanong ni Celine nang makita niya ang kaniyang anak/ Agad niya itong nilapitan at niyakap sabay sinuri ang kaniyang mukha. "Anong nangyare sa mukha mo?" dagdag pa nito, pero lumayo si Celina sa kaniyang ina."I'm fine, Mom. Kinabahan lang ako kaya namula ang pisngi ko.""Hindi, alam ko na hindi yon ang dahilan kung bakit namumula ang kaliwang pisngi mo. Alam kong sampal 'yan ng isang tao." Bumuntong hininga si Celina at hinawakan ang kamay ng ina."Ok lang ako, Mom. Hindi naman na masakit ang pisngi ko.""Sabihin mo sa akin kung sino ang may gawa sa'yo niyan!" Tumingin si Celine ka Mexion. "Mexion, do something!"Lumapit si Mexion sa kaniyang asawa at hinawakan ang pisngi nito. "I will take care of it. But you need to relax, Celine. Kakauwi lang natin dito, kaya dapat hindi ka nastress ngayon." Huminga ng malalim si Celine at pinakalma ang kaniyang sarili."Hindi lang ako makapaniwala na nangyare 'yung gano'n. Kung alam ko lang na may mangyayareng gulo
"Xiana!" sigaw ng isang babae kay Meaxiana nang makita siya nito. Sa sobrang lakas ng sigaw, ay ang lahat ng estudyanteng nasa paligid nila, ay tumingin sa kaibigan niya. Tumatakbo ito habang papalapit sa kaniya. Kaya nang makalapit na ang babae sa kaniya, ay hingal na hingal na ito."Bakit ang ingay mo? Nakakahiya sa mga ibang estudyante," mahinang sabi ni Meaxiana sa kaniyang kaibigan. "Ano ba ang dahilan ng pag-ingay mo riyan?" Habang nagsasalita si Meaxiana, ay sobrang laki ng ngiti ng kaibigan niya kaya nacucurious na siya sa gusto sabihin nito."Napansin na ako ng crush ko!" Kumunot ang noo ni Meaxiana at napakamot ng ulo. Ang akala niya, ay magandang balita ang sasabihin sa kaniya ng babae, pero tungkol lang pala ito sa crush niya. Hindi naman niya masisisi ang kaibigan niya matagal na itong may pagtingin sa lalaking hindi naman siya gusto. Ilang beses niya na rin pinagsabihan ang kaibigan niya na huwag na itong umasa pa dahil baka hindi magkagusto ang lalaki sa kaniya, pero ma
"Are you okay?" Napatingin bigla si Celina sa babae nang marinig niya ang boses nito. Dahil siguro sa daming iniisip, ay hindi niya na napansin ang babae. Kanina pa ba ang babaeng iyon sa labas? Narinig niya ba ang usapan nila ni Massimo? Hindi naman niya siguro narinig dahil kanina pa rin siya nakatunganga.Nakaramdam ng kunting kaba at takot si Celina, pero hindi niya iyon ipinakita sa babae just in case na wala itong narinig. Ayaw niya na mag-isip ang babae ng iba tungkol sa kaniya. Saka hindi naman sila magkakilala, pero alam niya na kilala ng babae si Massimo. Kaya kailangan niyang maghinay-hinay sa pananalita o sa ikikilos niya."Napadaan ko lang dito, kaya huwag kang mag-alala. Wala akong alam sa kung ano man ang nangyare sa'yo. Nang makita kasi kita kanina, ay parang paiyak ka na. Ayaw ko namang pabayaan ka na lang." Tinignan lang ni Celina ang babae. Pinagmasdan niya ito ng mabuti at doon niya napansin na may pagkahawig silang dalawa ni Noah. "Are you okay? Pangalawang tanon
"Fuck!" Gulat na sigaw ni Massimo nang makita niya ako. Nakita ko siyang walang suot na tshirt, short, o kaya boxer. Kaya kitang kita ko ang malaki niyang talong. Tinignan ko ang laptop na nasa ibabaw ng kama. Hindi ko man makita kung ano ang pinapanood niya, pero alam ko na iyon ay isang kabastosan dahil sa lakas ng ungol ng babae na naririnig ko sa laptop."What the fvck! Can't you see that I am in the middle of a session here?" Nakaupo pa rin siya sa kama habang hawak-hawak ang kaniyang talong. Gusto ko sanang mahiya, pero nakita ko naman na lahat ang katawan niya. Kaya hindi ako dapat mahiya. Siya dapat ang mahiya sa akin dahil nahuli ko siyang na nagmamasturbate habang manonood ng kabastosan. Tinignan ko ang mga mata niya na nakatingin sa akin na may pagnanais. Kaya nilock ko muna ang pintuan bago dahan-dahang isara ang pintuan ng kwarto. Pagkalapit sa kaniya, ay nakita ko ang pagkaseryoso ng mukha niya nang agad akong pumatong sa kaniya.Nginisian ko siya kaya kumunot ang no
Pagkalabas na pagkalabas ko sa eroplano, ay agad kong nakita ang pangalan ko sa isang white board. Nakataas iyon at hawak hawak siya ng isang lalaking nakashades. Nakabuttones polo siya at nakaslacks. Nakangiti siya sa akin habang pababa ng hagdan ng eroplano. Kaya alam ko na agad na kilala niya ako, pero hindi ko naman siya kilala at never ko pa nakita ang mukha niya. Pagkababa ko, ay agad siyang lumapit sa akin. Kaya naramdaman ko ang mga tinginan ng mga tao. Sino naman kasi ang susundo sa isang babae tapos sa loob pa mismo ng paliparan ng mga eroplano? Saka hindi ko kilala ang lalaking 'to. "Your Uncle contacted me to fetch you." Kumunot ang noo ko sa kaniya. "What? Hindi ka ba naniniwala?" "Hindi kita kilala, kaya hindi ako sasakay sa'yo." Nagsimula na akong maglakad kaya sinundan niya ako. "Come on, kaibigan ako ni Massimo Montanelli. Kamag-anak mo siya hindi ba?" Napatigil ako sa paglalakad at agad na hinarap siya. "Naniniwala ka na ba? Well, hindi lang naman ako kaibigan
Isang linggo na rin ang nakalipas nang mailibing si Mr. Marlon Montanelli at isang linggo ko na rin hindi nakakausap si Massimo. Hindi ko alam kung ano ang nangyare sa kaniya, pero pakiramdam ko, ay isa sa dahilan dito ang Lolo niya. Wala naman na akong naiisip na ibang dahilan para hindi siya magpakita sa amin.Hindi ko pa siya nakikita sa mansion ng mga Montanelli kaya hindi ko rin siya nakakausap. Gusto ko na siyang makita, pero walag nakakaalam kung nasaan siya. Kaya nagbabakasali na lang ako na magtext siya sa akin o kaya tumawag. Kahit sabihin niya lang sa akin na okay lang siya o kaya pangangamusta lang sa akin."I'm sorry for being late, Celina." Napangiti ako nabg makita ko si Jas, ang aking matalik na kaibigan na nakatayo sa harap ko. "It's okay, kakadating ko rin naman dito." Nasa coffee shop kami malapit sa college na papasukan namin. Balak naming magenroll ng mas maaga para hindi na kami makikipagsabayan sa iba. Isa na rin sa iniisip namin na kapag mauna kang mag-enroll,
Last day ng lamay ng lolo nila Massimo kaya lahat kami nandito sa auditorium para lamayan ang lolo nila. Hindi ko kilala ang nga tao rito, pero nasa unahan lahat kaming mga Montanelli at ang mga bisita naman ay nasa huli. "Have you seen Massimo?" Tanong ng tatay ni Massimo. Umiling ako bilang sagot. "Have you talked to him? Hindi ba sinabi mo sa akin noon na nakausap mo na siya? Hanggang ngayon ba hindi niya pa rin titignan ang lolo niya?" Yumuko ako dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kaniya.Nahihiya ako, dahil ang totoong sabi sa akin ni Massimo, ay titignan niya ang lolo niya, pero hindi niya alam kung kailan. Ang gusto niya lang ay maging handa, pero hindi ko naman alam na hanggang ngayon, ay hindi pa rin siya lumalabas sa kwarto niya. Ang naririnig ko kay Meaxiana, ay palagi niyang dinadalahan ng pagkain ang kuya niya. Nilalapag niya na lang sa sahig sa harap ng pintuan nito at nakikita niya naman daw na kinukuha ni Massimo ang pagkain."Please, Celina." Tumingin
"I can't believe this is happening," bulong ni Massimo sa tenga ko habang nakayakap siya sa akin. Nakaunan ako sa braso niya at nakatalikod kaya nararamdaman at naririnig ko ang hininga niya.Parehas kaming nakahiga sa kaniyang kama at nakahubad, maliban lang sa tshirt ko. Hindi ko pa kasi kaya na ipakita sa kaniya ang buong katawan ko na nakahubad. Nahihiya pa ako masyado. Ok naman na ako aa ganitong set up namin at masaya ako na katabi ko siya dahil nararamdaman ko ang kaligtasan kapag kasama ko siya."Should we try again?" Pang-aasar ko sa kaniya. Kaya napatingin siya sa akin at ako naman ay nakangiti lang habang nakatingin sa mga mata niya. "You want more?" Tumawa ako at agad na nikayap siya sabay pumikit. Pinakiramdam ko lang ang init ng kaniyang katawan at tibok ng puso dahil gusto ko siyang maramdaman. Katulad ni Massimo, ay hindi rin ako makapaniwala na nangyayare ito sa aming dalawa. Para bang sabik na sabik ako na makasama si Massimo at unang beses ko lang itong naramdaman
Celina's Point of View"Here hold this," sabi ni Meaxiana sabay ibinigay sa akin ang tray na may nakalagay na carbonara at juice. Sinabi kasi niya sa akin na hindi pa kumakain si Massimo kaya naisipan ko na kuhaan siya ng pagkain just in case na kausapin niya ako. Sinabi niya rin sa akin na wala pang kinakausap si Massimo. Kaya ang nasa isip ni Meaxiana, ay hindi rin ako kakausapin ni Massimo, pero kailangan ko siyang makausap at kailangan niya ring makakain. Sana kausapin niya ako."Iwan na kita rito, dahil ayaw ni Massimo ng may tao sa labas ng kwarto niya... Kumatok ka na lang kapag handa ka nang kausapin siya." Tumungo ako bilang sagot sabay umalis na siya. Inaamin ko na kinakabahan ako, dahil nahihiya ako kay Massimo. Sa totoo lang hindi ko rin alam kung ano ang sasabihin ko sa kaniya. Kaya hindi ko alam kung handa na ba akong makita siya, pero gustong-gusto ko na makita ang mukha niya. Huminga ako ng malalim sabay kumatok ng tatlong beses sa pintuan ng kwarto ni Massimo. Nil
Nagising si Celina na masakit ang ulo, pero ang una niyang napansin, ay ang kaniyang nanay na nakaupo sa kanan niya."Mom?" mahinang sabi ni Celina na narinig agad ni Celine. Kaya agad siyang lumapit kay Celina para tignan ang mukha ni Celina."Kumusta ka na? May nararamdaman ka ba? Ok ka lang ba?" Sunod sunod na tanong ng nanay niya. Kaya hindi agad nakasagot si Celina. Naramdaman din niya kasi ang kirot ng buong katawan niya nang subukan niyang gumalaw. "Ok ka lang ba? May masakit ba sa'yo?"Tinignan ni Celina ang paligid at nasa kwarto niya siya ngayon. Ano ang nangyare? Nawalan ba siya ng malay? Sinubukan alalahanin ni Celina ang nangyare kung bakit siya nahimatay at doon niya naalala si Massimo. Si Massimo ang nagligtas sa kaniya. Hindi siya makapaniwala na nangyare iyon sa kaniya. Muntikan na siyang mawalan ng pagkababae niya. Kung hindi dumating si Massimo sigurado siya na may ginawa na ang lalaking iyon sa kaniya. Nasaan na nga ba siya? Gusto siyang makita agad ni Celina. K
"Huwag no na akong pahirapan!" Sigaw ng lalaki habang hinihila si Celina papasok sa isang kwarto na hindi alam ni Celina kung ano ang nasa loob. Para mapatagal ang kanilang pagpapasok sa loob, ay binibigatan ni Celina ang kaniyang katawan. Para mahirapan ang lalaki na hilahin siya. "Bilisan mo! Tigang na tigang na ako sa'yo! Kanina pa ako nagpipigil.""Napakabagal mong babae ka!" Dahil sa sobrang inis ng lalaki, ay hinila nito si Celina ng malakas palapit sa kaniya para sana buhatin ang babae, pero agad na kinagat ni Celina ang kamay nito ng madiin. Kaya napadaing sa sakit ang lalaki sabay bitaw sa kamay niya.Doon nagkaroon ng chance si Celina na makatakbo. Lahat ng lakas niya, ay ginamit niya para lang makalayo siya sa lalaking 'yun, pero napasigaw siya sa sobrang sakit nang masabunutan siya ng lalaki.Hinila siya ng lalaki palapit habang hawak hawak ang buhok niya. Kaya hindi maiwasan ni Celina na mapadaing sa sobrang sakit. Nararamdaman niya na parang matatanggal lahat ng buhok ni