Share

Chapter 6

"Are you done staring my face?" Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Malalim ang boses ng lalaki kaya napabuntong hininga ako.

"Hindi ko tinititigan ang mukha mo." Lumapit siya sa akin kaya mas lalo kong nakita ang malaperpekto niyang katawan.

"Tinignan mo ang batang ito hindi ba?" Tinuro niya ang nakita kong batang lalaki na nakaupo sa lap ng nanay nito. "Ako ang batang ito," dagdag pa nito sabay humarap siya sa akin at tinignan ako sa mata. Kaya wala akong nagawa kung hindi ang makipagtitigan sa kaniya.

"Hindi ko tinanong." Naging seryoso ang mga mata niya at doon ko napagtanto na familliar ang mga mata niya sa akin na para bang nakita ko na iyon.

"You're new here right?" Hindi ko siya sinagot dahil nakaconcentrate ako sa mga mata niya. "Well, madami ka pang malalaman tungkol sa pamilya namin, pero mag-iingat ka. Baka bigla ka na lang tuklawin ng isang ahas na pagala gala rito."

Nilapit niya ang bibig niya sa tenga ko at sinabing.. "Meroon pa naman akong alagang ahas."

Pagkatapos niyang sabihin 'yun, ay agad niya akong nilampasan. Doon ako nakahinga ng maayos.

[Celina!] Nagising ako sa katotohanan nang marinig ko ang mahinang boses ni Jasmin sa cellphone ko. Dahil sa lalaking 'yun. Nakalimutan ko na kausap ko pala si Jasmin. Inilagay ko ang cellphone sa tenga ko at pinakinggan kung ano ang mga sasabihin niya. [Sino 'yun? At anong ahas ang sinasabi niya?]

"Hindi ko rin alam at hindi ko siya kilala."

[Ibang ahas ang nasa isip ko.]

"Meroon daw siyang alagang ahas na umaaligid sa mansion."

[Ibang ahas ang sinasabi niya. Hindi hayop.] Bigla akong napaisip. Kung hindi hayop ang alagang ahas ng lalaking 'yun, ano? [Ang ahas niya, ay ang nasa baba niya.]

"Huh? Teka, Jasmin. Hindi kita maintindihan. Ano ba ang ahas na sinasabi mo?"

[The fvck? Hindi mo alam 'yun? Sino ba ang lalaking 'yun?]

"Mamaya na lang tayo mag-usap, bye." Agad kong pinatay ang tawag at agad na pumasok sa kwarto ko.

Ahas? Tinignan ko ang mukha ko sa salamin at nakita ko ang sobrang pula na mukha ko. Ganito ba ang mukha ko kanina noong kausap ko ang lalaking 'yun?

Ang bastos ng lalaking 'yun. I swear kapag nakita ko ulit 'yun ay masasampal ko na siya dahil sa sinabi niya sa akin kanina. Meroon siyang ahas na pagala gala? Tapos 'yung ahas pala na iyon, ay ang private part niya? Bakit ba napakaslow ko sa part na 'yun?

Sumigaw ako ng malakas at tinakpan ang aking mukha gamit ang aking mga kamay. Nakakahiya, tapos narinig pa ni Jasmin ang usap naming dalawa. Ok sana kung kami lang dalawa, pero narinig ng kaibigan ko. Si Jasmin pa naman ang napakagreen minded sa amin.

Third Person's Point Of View

Pagkaalis ni Massimo sa harap ni Celina, ay agad na napatawa ng mahina ang lalaki dahil sa reaction ng babae. Hindi naman niya gustong sabihin ang mga 'yun sa babae, pero kailangan niyang warningan ang babae tungkol sa nawawala niyang ahas. Hindi naman iyon nanunuklaw, pero baka matakot ang mga kasambahay sa ahas niya at saktan ito.

Bumuntong hininga si Massimo at pumasok na agad sa kaniyang kwarto para pindutin ang maliit na button sa gilid ng kaniyang kama. Agad namang may tumawag sa telephone na nakapatong sa side table ng kama at agad niya iyon sinagot.

[Do you need anything, Lord Massimo?]

"My snake is missing. Tell the others to look for it."

[Python?]

"Yes, make it quick." Pagkababa ng telephone ni Massimo ay bigla niyang naisip si Celina. Kaya agad siyang natawa. Naalala niya kasi ang inosenteng mga mata nito na parang hindi nito naintindihan kung ano ang sinabi niya kanina.

Ang kwarto ni Massimo ay dinisenyo na may makinis at modernong pakiramdam. Ang mga dingding ay kulay matte na itim, at ang sahig ay kulay puting makinis na tiles. Sa gitna naman ng kwarto ay isang king-sized na kama na may itim na leather na headboard at monochromatic bedding. Sa magkabilang gilid ng kama ay may mga itim na nightstand na may mga modernong lamp, alarm clock at telephone. Meroon ding black leather armchair o sleek black couch kung saan palaging nagpapahinga si Massimo, na may maliit na itim na coffee table sa harap ng couch. Sa siling naman ay may isang naka-istilong itim na chandelier o pendant light na nagbibigay liwanag sa kwarto, habang ang recessed lighting at black wall sconce ay nagbibigay lamang ng accent sa wall. Para sa entertainment, mayroong malaking flat-screen TV sa isang black media console at sound system. Meroon ding white study table at gaming chair kung saan minsan nagtatrabaho si Massimo. Ang dalawang glass window ay meroong blackout na kurtina.

Kaya kapag pumasok ka sa kwartong ito, ay malalaman mo agad na lalaki ang may ari nito. Malapit sa tv ang kulungan ng kaniyang Pied Ball Python na kulay white at brown. Isa itong malaking tank at meroong mga grass, bato, at buhangin sa loob ng tank.

Tatlong taon nang na kay Massimo ang alaga niyang ahas kaya napamahal na sa kaniyang ito. Ito kasi ang dream pet ni Massimo except sa babae.

Pagkalabas na pagkalabas niya ng kwarto, ay bumungad agad sa kaniya si Meaxiana na hawak-hawak ang kaniyang malaking ahas.

"Nakita ko sa hallway papunta sa family entertainment area." Agad na kinuha ni Massimo ang alaga niya sa babae. Sabay tumalikod agad. "Hindi mo man lang ako pasasalamatan? Hello... Ako ang nakakita sa munting alaga mo."

Humarap si Massimo kay Meaxiana. "Saying sorry is not my thing, Xia."

"Eww! Stop calling me that. Kapatid ko lang ang pwedeng tumawag sa akin noon."

"Wala ako sa mood makipagtalo sa'yo, Xia." Agad na pumasok si Massimo sa kaniyang kwarto at inilagay si Python sa kulungan nito. Sinigurado niya na hindi na ito basta-basta makakalabas.

Hindi niya alam kung makakabuti ba pamilya nila ang pagdating ng mag-ina sa buhay nila dahil alam ni Massimo na malalagay sa panganig ang dalawang babae. Iyon ang ayaw niyang mangyare.

Madami nang past ang pamilya nila. Madaming nagsasabi sa kanila na isang cursed na mapasama sa pamilya nila dahil palaging namamatay ang mga babae o lalaki na nagiging asawa ng mga Montanelli. In short, ang mga dumadating na tao sa buhay ng pamilyang Montanelli.

Dahil sa rumor na iyon, ay napagdesisyonan ni Massimo na hindi mag-asawa at gawing laruan lamang ang mga babae dahil ayaw niya na may madamay na tao sa dahil sa curse ng pamilya nila.

Naniniwala siya sa curse na iyon dahil ang mga asawa ng kaniyang mga uncle ay namatay kasama na roon ang kaniyang ama. Pagkapanganak ng nanay nila sa kapatid ni Massimo, ay pinatay ang kanilang ina. Kaya walang kinilalang nanay ang lalaki niyang kapatid.

May nagsasabi rin sa pamilya nila na isang curse raw ang pagkakaroon ng anak na babae sa kanilang pamilya, pero hindi siya roon naniniwala. Dahil isang blessing si Meaxiana sa kanilang pamilya. Si Meaxiana ang nagbigay ng kulay sa buhay ng mga Montanelli.

Madami kang maririnig tungkol sa pamilyang Montanelli, pero isa lang ang hindi alam ng mga tao. Ang kanilang sikreto na hindi pwedeng malaman ng kung sino man.

carmiane

What's the secret? Can you guest?

| Like

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status