Share

Chapter 5

Celina's POV

"Miss Eli, please escort Celina to her room," utos ni Uncle Mexion sa isang kasambahay na kanina pa nakatayo sa likod niya.

"Yes, Sir." Nagbow si Eli kay Uncle Mexion at lumapit sa akin. "This way, Lady Celina," sabi niya sa akin.

Si Miss Eli, ay mukhang bata pa, pero sigurado ako na hindi kami magkasing idad. Siguro mga nasa 20's pa lang siya?

Sinundan ko na lang si Miss Eli kung saan siya papunta. Hindi ko mapigilan ang hindi tumingin sa paligid ko, dahil kahit saan ako tumingin, ay makikita akong mga ginto na gamit. Katulad ng nga vase, ilaw sa siling nila, at bawat sulok ng mga dingding at lamesa. Nakakaliit ang mansion na ito. Para akong sinasampal ng kahirapan.

"Curse you, for hitting me." Napatingin ako sa harap ni Miss Eli dahil meroon akong narinig na boses ng babae. Meroon itong kasamang matangkad na nakangiting lalaki at padaan sila sa amin.

"I'm sorry, pero wala akong magagawa. It's my job." Bago pa sila makadaan sa amin, ay agad na gumilid si Miss Eli para makadaan ng maayos ang dalawa. Kaya 'yun din ang ginawa ko. .

"Curse your job, Rovert." Tumawa ng malakas ang lalaki. Nang makadaan sila sa amin, ay nagbow si Miss Eli. Kaya iyon din ang ginawa ko.

"Wait." Biglang tumigil sa paglalakad ang babae, sabay humarap sa akin. "Are you new here? Because I know na bawal ang maid na dumaan dito, pwera na lang kung pinapunta ka ng isa samin."

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Mukha ba akong kasambahay para pagkamalan niya? Alam kong mumurahin ang suot ko, pero hindi naman ito mukhang pang kasambahay.

"I'm sorry, Lady Meaxiana. But this is Lady Celina daughter of your soon to be mother Madam Celine." Nakita ko ang pagkagulat ng mga mata ni Meaxiana kaua nginitian kl na lang siya.

Kahit gusto ko siyang irapan at magtaray sa kaniya, ay hindi ko pwedeng gawin dahil unang beses lang ng pagkikita namin. Gusto kong maging maayos ang relasyon namin. Hindi ako pwedeng maging kontrabida rito dahil sampid lang ako.

"Oh! So you're Celina! My soon to be sister!" Sa sobrang saya niya, ay agad niya akong niyakap. "I'm so sorry! Hindi ko sinasadya na pagkamalan kang kasambahay. Sa sobrang pagod ko kasi nakalimutan ko na na ngayon pala ang dating niyo."

"Ok lang, hindi naman kita masisisi."

"No, I really am sorry. You're my soon to be sister. Kaya dapat ginagalang kita... I'll take a bath na lang muna, then punta ako sa room mo. Para magchikahan tayo." Ang daldal pala ng babaeng ito. Kaya mukhang magiging close kami. Hindi naman siya mahirap pakisamahan.

"May training pa tayo." Tinignan ng masama ni Meaxiana ang lalaking kasama niya at tumingin ulit sa akin sabay ngiti.

"Don't worry, tatapusin ko agad ang training ko para makapunta agad ako sa'yo. Bye!!" Nang mawala si Meaxiana sa paningin ko, ay sinundan ko ulit si Miss Eli.

Ang ineexpect kong ugali ng mga batang mayaman, ay mga matataray at mga spoiled brat, pero sa mga nakita ko kay Meaxiana, ay parang hindi naman siya gano'n. Kahit gano'n siya, ay hindi ko pa rin makakalimutan ang pagsabi niya sa akin ng maid.

"This is your room, Lady Celina." Dalawang pinto ang pintuan ng room ko at malaki ito. Pagkabukas ni Miss Eli ng dalawang pintuan, ay namangha ako sa sobrang laki nito.

Pabilog ang hugis ng kwarto ko, at nasa gilid ng gitna ang isang pang prinsesa na malaking kama. Meroon ding malaking study table at vanity mirror sa mga gilid. Kulay baby pink ang kulay ng kwarto pink, white, and gold. Kaya malalaman mo agad na babae ang may ari ng kwarto na ito.

"Pindutin niyo po ang button na malapit sa kama niyo. Kapag may kailangan po kayo." Tinignan ko ang button na sinasabi ni Miss Eli at nakita ko siya sa gilid ng kama. Kaya tumungo at nagpasalamat sa kaniya bago siya lumabas ng kwarto.

Para akong isang prinsesa sa mansion na ito. Totoo bang nangyayare sa akin 'to? O panaginip lang? Saka Lady Celina ang tawag sa akin katulad ng tawag nila kay Meaxiana.

Makakasanayan ko ba ang buhay na ito? Hindi ko naman hiniling na magkaroon ng napakagandang buhay.

Inilapag ko ang bagback ko sa kama at kinuha ang cellphone para tawagan si Jasmin. Ang daldal ko rin na kaibigan.

[Lina! Akala ko naman hindi mo na ako tatawagan. Ano na nangyare riyan?]

"Ok lang naman ako rito."

[Magkwento ka naman sa akin. Hindi 'yung tatawag ka sa akin tapos 'yan lang ang sasabihin mo.]

"Sobrang laki ng kwarto ko."

[Talaga? Meroon ka bang walk in closet at sariling banyo?]

Tinignan ko ang isang glass window kung saan nakalagay ang mga magagandang damit. Pumasok ako roon at doon ko nakita ang isa pa lang glass window sa gilid. Makikita mo roon ang malaking banyo na meroong bathtub.

"Mero'n."

[Seryoso ba? Pwede ba akong pumunta riyan para tignan?]

"Hindi ko alam, pero mukhang bawal dahil madaming nakapaligid na mga tao sa labas ng mansion."

[Mansion?]

"Oo, halos punong-puno ng ginto ang mansion na ito. Para akong prinsesa."

[Sobrang yaman mo na, Celina. Baka naman malilibre mo na ako niyan.]

"Mayaman ang napang-asawa ng nanay ko, hindi ako. Kaya wala pa rin akong pera." Nakarinig ako ng malakas na tawa mula kay Jasmin.

[Ano ka ba, sigurado ako na bibigyan ka ng pera ng magiging tatay mo dahil magpapakasal na sila ng nanay mo. In short, mayaman ka na.]

"Bahala ka kung ano ang gusto mong sabihin."

[Tell me about your new family. Ano ang unang expression mo sa kanila?]

"Hindi ko pa nakikilala ang lahat, pero nakilala ko na ang anak ni Uncle Mexion."

[Maganda o pogi?]

"Maganda, pero bata pa siya."

[Ang pangit mo magkwento. Naging mayaman ka lang gan'yan na ang pakikitungo mo sa akin.]

Pinipigilan ko ang aking pagtawa dahil sa sinabi sa akin ng kaibigan ko. Kilala ko si Jasmin, nagiging pabebe lang siya. Kailangan lang niya ng lambing para tumino ulit.

[Huy! Binibiro lang kita, magkwento ka pa sa akin.] Habang pinapakinggan ko ang nga sinasabi ni Jasmin, ay napagdesisyonan kong lumabas para magtingin-tingin pa sa loob ng bahay.

"Kung nandito ka, mamangha ka sa mga gintong makikita mo dahil sobrang yaman talaga ng pamilyang ito."

[Ibig sabihin napakayaman talaga ng napang-asawa ng nanay mo? Napakaswerte mo talaga.]

"Hindi ako swerte, dahil hindi naman ako mayaman. Hindi pa nagpapakasal ang nanay ko. Kaya hindi pa ako mayaman. Saka naka-ilang sabi mo na 'yan."

[Ano ka ba, kaya tayo paulit-ulit dahil palagi mong sinasabi na hindi ka mayaman. Ikakasal na ang nanay mo kaya magiging mayaman ka na. Magkwento ka pa]

"Lady Celina ang tawag sa akin ng mga kasambahay dito. Kaya nagmumukha akong seniorita." Malakas na tumawa si Jasmin at ako naman ay nahiya. Hindi ko naman kasi inaasahan na tawagin akong lady dahil hindi naman ako totoong pamilya ng mga taong pinagsisilbihan nila. "Pinagkamalan pa ako na kasambahay ng anak ni uncle Mexion." Mas lalong lumakas ang tawa ni Jasmin kaya napakamot na lang ako ng ulo.

[Ang pangit siguro ng suot mo kaya napagkamalan kang kasambahay.]

Napatigil ako sa paglalakad sa hallway dahil may nakita akong napakalaking family picture na may nakasulat na Montanelli Family. Nakita ko roon si Uncle Mexion na may hawak na sanggol. Nakaupo naman sa tabi niya ang dati niya sigurong asawa. Nakita ko rin ang isang batang lalaki na parang amerikano na nakaupo sa isang babae habang ang tatay naman nito, ay nakatayo sa likod ng babae. Meroon ding matandang lalaki at babae na sigurado ako na ito ang lolo at lola. Meroon pang dalawang pamilya ang hindi familliar sa sa akin dahil unang beses ko pa lang nakilala ang pamilyang Montanelli, pero ang hindi mawala sa isip ko, ay seryosong mga mukha ng mga ito.

[Hello? Nand'yan ka pa ba, Celina?] Sasagutin ko na sana si Jasmin nang biglang may napansin akong tao sa aking gilid. Pagkatingin ko sa kaniya, ay nagbago ang aura ng tingin nito sa akin at itinaas ang kaliwang kamay nito sa pader.

"Are you done staring my face?"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status