Pinipigilan ni Alea ang ngumiti nang matanaw n’ya na mula sa parking area ang usok ng mga iniihaw na pagkain sa ‘di kalayuan. Gusto n’yang ipakita na hindi pa din s’ya okay dahil baka biglang magbago ang desisyon ni Calvin at hindi na siya payagan na kumain ng pinaglilihian n’ya.“Wait, Alea.” Pinigilan s’ya nitong bumaba ng sasakyan.Nakasimangot siyang humarap dito sa pag-aakalang nagbago ang isip nito, ngunit isusuot lang pala ang sumbrero sa kan’ya.“Bawal kang maambunan,” saad nito.Kinurot pa nito ang ilong n’ya pagkatapos maisuot ang sumbrero. Lumabas tuloy siya na hinahaplos iyon. Mukha yatang nasasanay na ang lalaki sa pagpisil sa kan’yang ilong, at hindi n’ya alam kung bakit kailangan pa nitong gawin iyon.Habang papalapit sila sa barbecue stalls sa plaza ay mas lalong gumaganda ang mood niya. Unti-unti ay sumisilay na ang ngiti sa kan’yang labi habang naaamoy ang mga inihaw na pagkain.“Tig-dalawang isaw at betamax po.” Si Calvin na ang nagsabi ng order sa tindero.Ang malak
Ibinaba ni Alea ang hawak na libro nang makita niyang naghahanda na ng sasakyan si Mang Cado upang sunduin ang kan’yang kapatid.Nasa hardin siya ng bahay ni Calvin, nakaupo habang nagbabasa ng libro na hiniram niya mula sa munting library ng binata. Tama ang desisyon n’yang pumayag na lumipat doon dahil pakiramdam n’ya ay buhay na buhay ang paligid kumpara sa condominium na apat na sulok lamang ang kan’yang nakikita araw-araw.“Ako na po ang magliligpit n’yan ma’am,” ani Ana na katulong din sa bahay bukod kay Manang Guada.“Alea na lang, saka ako na. Ilalagay ko lang naman ito sa kusina.” Kinuha niya ang platong pinaglagyan niya ng prutas kanina upang kainin habang nagbabasa ng libro. Naiilang pa din s’ya na amo ang turing sa kan’ya ng mga kasama sa bahay, lalo pa’t hindi naman siya mayaman at nagpapasahod sa mga ito.Dumako na siya sa garahe matapos magpaalam kay Manang Guada, na nag-aayos sa kusina. Hinihintay na lamang siya ni Mang Cado, na nakakakwentuhan n’ya madalas kapag walang
Dumating na ang arroz caldo na pare-pareho nilang order sa karinderia, kaya naging abala silang apat sa pag-ihip dito bago isubo.“Dito po ako dinadala ni ate sa tuwing may award ako sa school.” Narinig n’yang kwento ni Mayumi kay Calvin na nasa tabi nito.“So ibig ba’ng sabihin mataas ulit ang grade mo kaya nandito ka?” tanong ni Arim na nasa kabilang tabi naman ni Mayumi.Napapagitnaan ng dalawang lalaki ang kapatid niya habang siya naman ay nasa tabi ni Calvin.“Opo,” nahihiyang sagot ng kan’yang kapatid.“Kung gayon pala, dapat palaging mataas ang marka mo para palagi ko kayong nakakasabay kumain ni Alea dito,” saad ni Arim na binalingan pa siya ng tingin.Sinalubong niya ang tingin nito at binigyan ng matamis na ngiti, ngunit naputol iyon nang humarang si Calvin.“Gusto mo ng softdrinks?” tanong nito sa kan’ya.Nangunot ang kan’yang noo. “Bawal ‘di ba?” paalala n’ya dito.“Oo nga pala,” saad nito kahit mukhang alam naman nito iyon.Tanging ang tatlo lamang ang nag-uusap, habang si
Tahimik na binabasa ni Alea ang mga maternity magazine na naka-display sa clinic ng kan’yang doktor habang hinihintay si Calvin na dumating. Ngayon ang kan’yang buwanang check-up at nangako ito na sasamahan s’ya.“Alea, sorry. Kanina ka pa ba?” Hindi pa man tuluyang nakakalapit sa kan’ya ay mapaumanhin nang nagsalita si Calvin.Nakasuot ito ng blue crisp dress shirt at leather dress shoes. Medyo nagulo ang pagkakahagod ng buhok nito dahil mukhang tinakbo nito ang parking lot hanggang clinic.“May pasyente pa naman si dok,” ani Alea at inaya itong umupo sa kan’yang tabi.Lumapit siya at inayos ang buhok nito. Tila naman ito naestatwa sa kan’yang ginawa, subalit hinayaan lang siya nito.“Ayan, okay na,” saad niya na para ba’ng hindi iyon ang unang beses na ginawa n’ya iyon.“Ma’am, pasok na daw po kayo,” ani assistant ng doctor nang lumabas na ang pasyente sa opisina nito.Sinuri na siya ng doktor upang masiguro na maayos ang bata sa kan’yang sinapupunan. Kinuha na din nila ang pagkakat
Maaga pa ay bumaba na si Alea upang sana’y labhan ang mga pinamiling damit ng bata, ngunit wala na iyon sa salas, kung saan nila iniwan kagabi.“Nilalabhan na ni Ana,” ani Manang Guada nang magtungo siya sa kusina. Tila natanaw na siya nito mula doon na naghahanap.“Tulungan ko na po siya,” akma na siyang maglalakad patungo sa laundry area nang may magsalita sa kan’yang likuran.“Good morning,” pagbati ni Calvin, na malat pa ang boses dahil kakagising lang nito. Naalala niya tuloy ang ginawang pagbibiro nito kahapon patungkol sa pagkakaroon nila ng baby ulit. Kinabahan pa siya sa pag-aakalang seryoso ito, mabuti na lang ay hindi. Hindi naman siya tanga para ulitin ang isang kamalian kahit pa maganda ang naging bunga nito.“Good morning din,” pagbati n’ya dito bago muling tumalikod.“Kaya na ‘yon ni Ana. Sabay na kayo mag-agahan ni Calvin,” pagpipigil sa kan’ya ni Manang Guada na pinagtitimpla na siya ng gatas habang kape naman kay Calvin.“Sabi naman po ng doktor ay kailangan ko’ng gu
Animo’y may dumaraan na anghel sa sobrang tahimik ng kotse habang binabagtas ni Alea at Calvin ang daan patungo sa kompanya ng huli.Nakakabingi na ang katahimikan at labis na ang pagkailang na nadarama ni Alea kung kaya inilapit niya ang kamay sa car radio upang buksan iyon ngunit tila pareho ang tumatakbo sa kanilang isipan nang lumapit din doon ang kamay ng lalaki, dahilan upang magkadikit ang mga daliri nila.Para ba’ng may dumaloy doon na kuryente kaya sabay nilang inilayo ang kamay sa bawat isa.Hinawakan na lang ni Calvin ang manibela habang si Alea naman ay hinaplos ang tiyan at kapwa itinuon ang tingin sa daan.Pareho pa silang nagulat nang mag-ring ang telepono ng lalaki.“Jake, buti tumawag ka,” ani Calvin na tila tuwang-tuwa pa sa pagtawag ng personal assistant. Tumango-tango ito habang pinapakinggan ang nasa kabilang linya.“Alright, just tell Anj to start the meeting. I’ll be there in five minutes,” anito bago ibaba ang tawag.Tumikhim si Alea upang masiguro na mayroon
Hindi na siya bumalik sa pagtulog. Sasabayan niya na lamang si Calvin sa pagkain dahil mukhang wala ito’ng balak kumain mag-isa.Tumayo na siya ngunit biglang umikot ang kan’yang paningin. Karaniwan niya na iyong maramdaman tuwing babangon. Akala niya ay noong first trimester niya lang iyon mararanasan ngunit maging sa huling trimester ay magpaparamdam pa din pala iyon.Kumapit siya sa sofa at mariin na pumikit. Mabilis naman siyang nadaluhan ni Calvin.“Are you okay?” bakas ang pag-aalala sa boses nito.Pinaupo siya nito. Halos isang minuto din siyang nakapikit. Dahan-dahan niyang ibinuka ang mga mata nang pakiramdam na hindi na umiikot ang paligid.“Nahilo lang ako.” Unti-unti ay nawawala din ang pagkahilo n’ya.Maselan talaga ang kan’yang pagbubuntis, kung kaya natatakot siyang baka mahirapan din siya sa panganganak.“I’ll just order food,” saad ni Calvin dahil balak sana nilang sa labas na kumain.Lumipas pa ang ilang minuto ay bumuti na ang lagay n’ya. Hindi naman mapakali si Cal
Kagaya nang sinabi ni Calvin ay isinama pa din siya nito sa opisina kinabukasan. Hindi pa tapos ang pagsasaayos ng playroom, kaya maingay pa din sa bahay. Hindi rin sila natuloy kahapon sa pagbili ng iba pa’ng kagamitan kaya nang matapos ang trabaho ni Calvin ay inaya na siyang magtungo sa mall.“Miss pakibigyan nga ako nito ng panbabae at panlalake,” ani Calvin sa saleslady na ipinakita ang isang pares ng sapatos panbaby.“Miss, ‘yong pang unisex na lang na design,” sabat ni Alea.Hindi pa nila alam ang kasarian ng baby dahil tinanggihan niya ang alok noon ni Calvin na engrandeng gender reveal. Nais niya lang sana ay sabihin na lang sa kanila ng doktora ang kasarian nito pero dahil hindi siya pumayag sa gusto ni Calvin, ay nagpasya ito na hintayin na lang ang araw ng kan’yang panganganak para daw ma-surprise pa din sila.Hindi akalain ni Alea na magiging problema niya pa iyon. Paano ba naman kasi ay pang-dalawang kasarian ang kinukuha ng kasama.“Lahat ng gamit ni baby pang-unisex na
Hindi mapalagay ang puso ni Alea. Naghahalong kaba at saya ang kan’yang nadarama habang pinagmamasdan ang isa-isang pagpasok ng mga panauhin sa loob ng simbahan. Kaunti na lang, magiging Mrs. Montejo na s’ya.“Ate, bababa na ako ha,” paalam ni Mayumi na s’yang maid of honor niya. Tumango siya at hinayaan itong lumabas ng sasakyan kung saan sinalubong ito ng wedding coordinator patungo sa pintuan ng simbahan. Kaunti na lamang ang naroon, ibig-sabihin ay nalalapit na ang pagpaso niya.Huminga siya nang malalim at nanalangin nang taimtim.Hindi niya lubos akalain na darating ang araw na may isang lalaking handang ibigay hindi lamang ang apelyido kun’di buong pagmamahal sa kan’ya. Akala niya ay puro pasakit na lamang ang dadanasin niya ngunit mali pala siya. Dahil kay Calvin, nagkaroon muli ng liwanag ang buhay niya.Ang kan’yang pagdarasal ay naputol dahil sa tatlong sunod na pagkatok sa bintana ng sasakyan. Pagdilat niya ay mabilis na dumaloy ang kakaibang kaba sa kan’yang dibdib nang m
Sinindihan ni Calvin ang kandila at itinirik sa puntod ng ama ni Alea. Taimtim siyang nanalangin kasabay nang paghingi ng tawad sa ginawa ng kan’yang ama.Ang totoo’y hindi siya makapaniwala na nagawa iyon ng daddy niya. Mabuti ito sa kan’ya at iyon lang ang tumatak sa isipan niya. Gayunpaman, wala pa din tutumbas sa sakit na naidulot ng kamaliang iyon sa buhay ni Alea.“Sir sigurado po ba kayo? Almost completed na po ang renovation ng resort.” Mula sa kabilang linya ay nararamdaman niya ang panghihinayang sa boses ng engineer na s’yang nagtatrabaho para sa renovation ng kan’yang resort.“I’m serious. Demolish everything there.”Hindi niya na hinayaan pa’ng sumagot ang kausap at binaba na ang telepono. Bumaling siya kay Jake na naghihintay sa kan’yang harapan.“Hanapin mo lahat ng taong sapilitang pinalayas sa lugar na iyon para maitayo ang resort. Ibabalik natin sa kanila ang kanilang mga lupain.”Walang bahid ng kahit anumang pag-aalangan ang desisyon niyang iyon. Handa niyang itama
Alam ni Alea na mali ang paglalayas na kan’yang ginawa, gayunpaman iyon lang ang natatangi niyang paraan upang kahit papaano’y maliwanagan ang isipan. Ang totoo’y wala din kasiguraduhan kung magiging maayos ba s’ya sa ganoong paraan, kung oo man, gaano katagal?Ang paghingi niya ng tulong kay Attorney Arim ay wala sa kan’yang bokabularyo. Sadyang tinadhana lang siguro na magkita sila sa pantalan kung saan s’ya sasakay ng barko patungo sa Isla Irigayo. Nagpumilit ito’ng samahan silang mag-ina nang malaman ang ginawa niyang pag-alis dahil sa personal na problema.“Why did you leave me with him?” Umiigting ang panga ni Calvin at matalim na nakatingin sa kanilang bahay kung nasaan si Attorney Arim at ang kanilang anak na karga-karga ng personal assistant nitong si Jake.Hindi na siya nabigla na natagpuan sila kaagad ni Calvin. Bukod sa wala siyang maisip na ibang lugar na maaaring puntahan, ay sigurado siyang ligtas ang Isla Irigayo para sa kanilang mag-ina kaya doon niya napiling magpunt
Hindi pa man tapos ang dalawang araw na business trip ni Calvin ay umuwi na kaagad ito sa kan’yang mag-ina. Paano’y hindi mapalagay ang kan’yang isipan sa malalamig pa din na pakitungo ni Alea sa kan’ya kahit sa telepono. Kung hindi nga lang mahalaga ang meeting na iyon ay hindi niya dadaluhan.“Manang, nasaan sila?” sabik niyang tanong kay Manang Guada nang hindi makita ang kan’yang mag-ina sa kwarto.Salubong ang kilay na tinitigan siya nito. “Hindi ba’t magkakasama kayo?”Kung hindi lang sobrang seryoso ng mukha ni Manang ay iisipin niyang nakikipagbiruan ito sa kan’ya.“Manang, galing ako sa business trip. Umalis ba sila?” Gusto niyang isipin na pinagtataguan siya ng kan’yang mag-ina sa buong bahay. Kung ganoon man, ibig sabihin ay wala nang bumabagabag sa isipan ni Alea, kaya naiisip na nitong pag-trip-an siya. Sana nga ay lumipas na ang post partum depression nito. Makailang ulit niya na ito’ng pinilit na magpatingin sa doktor ngunit tumatanggi ito, kaya ginagawa niya ang lahat
Mabigat at mabilis ang bawat hakbang ni Alea paakyat ng borol. Matarik ang daan ngunit hindi niya inda ang hapding nadarama sa hubad niyang mga paa.“Itay! Papunta na ako d’yan!” humihikbi niyang sigaw sa amang nakatanaw sa kan’ya mula sa itaas.Humawak siya sa sanga ng kahoy upang magawa ang higit pang malaking hakbang paakyat. Ilang ulit niyang ginawa iyon nang muling tumingin sa itaas kung nasaan ang kan’yang ama. Nakatingin lamang ito sa kan’ya, subalit ang kan’yang pinagtataka ay imbes na lumiit ay mas lalong lumaki ang agwat ng distanya nila.Nilibot niya ang paningin. Kinabahan siya nang mapansing tila nasa parehong lokasyon pa din siya kahit kanina pa siya umaakyat. Muli siyang humakbang pataas, ngunit ganoon pa din ang kan’yang pwesto. Para siyang tumatakbong hindi umaalis sa pwesto.Tumingin siya sa kan’yang ama na unti-unting naglalaho ang itsura.Pumalahaw siya ng iyak sa takot.“Babe. Babe, wake up.”Halos habulin niya ang hininga nang magising mula sa pagtapik ni Calvin
Wala sa sariling nakatingin si Alea kay baby Ali habang masaya itong naglalaro ng mga bulaklak sa hardin. Maaga pa lang ay gising na silang mag-ina.Napapitlag siya nang marinig ang biglaang pag-iyak ng bata. Naunahan na siya ni Calvin sa paglapit sa bata na nakadapa na sa carpet.“Baby, sorry.”Akma niyang kukunin kay Calvin ang bata dahil baka magusot ang suot nitong pag-opisina, ngunit hindi iyon binigay ng lalaki.“Are you okay? Mukhang lumilipad ang isipan mo? Kanina pa kita tinatawag?” nagtatakang tanong nito. “Huh? Ayos lang ako. Naka-pokus kasi ako kay Baby Ali,” palusot niya kahit hindi niya nga namalayan na nadapa na pala ang bata.Tinitigan siya ni Calvin na tila ba binabasa kung nagsasabi siya nang totoo.“Akin na ang bata baka mahuli ka na sa trabaho.”Imbes na ibigay ay mas lalo pa nitong niyakap si baby Ali at dahan-dahan na hinele kasabay nang unti-unting paghina ng iyak nito.“Hindi ba may pasok ka pa ng alas-otso? Quarter to 7 na. Mag-ayos ka na, ako na muna ang bah
Mataas na ang sikat ng araw nang magising s’ya. Naabutan niya si Calvin na naglalakad sa resort habang kausap ang dalawang lalaki at si Jake.Pinalibot niya ang mata sa paligid, ibang-iba na ang lugar na iyon subalit tila nakikita niya pa din ang itsura nito noon. Bawat parte ng tabing dagat ay may iba-ibang memorya. Mayroong masaya ngunit tanging ang malungkot na pangyayari lang ang kan’yang naaalala.Inalok siya ng agahan ng ilang staff na naroon ngunit tumanggi siya at sinabing hihintayin na lang ang nobyo.Habang naghihintay ay dumako ang kan’yang mga mata sa borol. Kahit maganda ang sinag ng araw at buhay na buhay ang paligid ay napakadilim nito para sa kan’ya na animo’y wala siyang ibang kulay na nakikita dahil mas nananaig ang kalungkutan doon.Huminga siya nang malalim at pilit na winawaksi sa isipan ang miserableng memorya sa lugar na iyon. Matagal din niya iyong binaon sa limot dahil nawalan na s’ya ng pag-asa na makamtan ang hustisya, ngunit sa pagbabalik sa lugar na iyon h
Kanina pa s’ya nasa kwarto ngunit hindi niya magawang lapitan ang natutulog na nobyo.Halos dalawang oras na siyang naroon at umiiyak. Kaya pala napakalungkot ng lugar dahil doon nalagutan ng hininga ang ama.Pilit niyang pinakalma ang sarili. Hindi siya maaaring magpakita kay Calvin sa ganoong estado.Nang bahagya siyang naging maayos ay lumapit na s’ya dito. Tumambad sa kan’ya ang mukha nitong puno ng pasa at galos. Napalitan ng kalungkutan niya nang pag-aalala. Kaya pala kahapon pa siya hindi mapakali dahil tama ang hinala niyang may masama ditong nangyari.Hinaplos niya ang sugat nito. Malakas ang kutob niyang ang kapatid nitong si Pancho ang may gawa.Maya pa’y iminulat nito ang mata at tila nagulat nang mukha niya ang masilayan.“Alea, anong ginagawa mo dito?”Malungkot siyang napangiti sa tanong nito. Dalawang rason pala ang dahilan kung bakit may nagtutulak sa kan’yang magpunta doon, una ay dahil sa kalagayan ng nobyo, at pangalawa ay para bumalik ang masakit na alaala sa mala
Kinabukasan ng hapon na ang balik ni Calvin mula sa resort ngunit hindi mapakali si Alea. Para ba’ng mayroong nagtutulak sa kan’ya na sumunod dito.“Bakit hindi ka sumasagot?” Simula kahapon pagkarating nito ay isang mensahe lang ang pinadala sa kan’ya. Kanina naman ay hindi ito pumayag na makipag-videocall. Malakas ang pakiramdam niya na mayroong mali.Bumuntong hininga siya at isang desisyon ang ginawa nang sa ikalimang ring ay hindi sinagot ng lalaki.Tinawagan niya si Jake at sinabi ditong susunod siya patungo sa resort.“Samahan ko na po kayo ma’am,” pagpupumilit nito na tinanggihan n’ya.Ayaw niyang maabala pa ang trabaho nito sa padalos-dalos niyang desisyon.Nagkamot-ulo ito at salubong na ang kilay na animo’y batang ayaw magpaiwan.“Ako po ang malalagot kay Sir Calvin kapag mag-isa lang kayo na bumyahe patungo doon.”Sa huli ay pumayag na lang siyang isama ito. Mas mabuti na din iyon dahil kung s’ya lang ay baka maligaw pa s’ya.Sumakay sila ng eroplano. Hating gabi na nang m