Hindi na siya bumalik sa pagtulog. Sasabayan niya na lamang si Calvin sa pagkain dahil mukhang wala ito’ng balak kumain mag-isa.Tumayo na siya ngunit biglang umikot ang kan’yang paningin. Karaniwan niya na iyong maramdaman tuwing babangon. Akala niya ay noong first trimester niya lang iyon mararanasan ngunit maging sa huling trimester ay magpaparamdam pa din pala iyon.Kumapit siya sa sofa at mariin na pumikit. Mabilis naman siyang nadaluhan ni Calvin.“Are you okay?” bakas ang pag-aalala sa boses nito.Pinaupo siya nito. Halos isang minuto din siyang nakapikit. Dahan-dahan niyang ibinuka ang mga mata nang pakiramdam na hindi na umiikot ang paligid.“Nahilo lang ako.” Unti-unti ay nawawala din ang pagkahilo n’ya.Maselan talaga ang kan’yang pagbubuntis, kung kaya natatakot siyang baka mahirapan din siya sa panganganak.“I’ll just order food,” saad ni Calvin dahil balak sana nilang sa labas na kumain.Lumipas pa ang ilang minuto ay bumuti na ang lagay n’ya. Hindi naman mapakali si Cal
Kagaya nang sinabi ni Calvin ay isinama pa din siya nito sa opisina kinabukasan. Hindi pa tapos ang pagsasaayos ng playroom, kaya maingay pa din sa bahay. Hindi rin sila natuloy kahapon sa pagbili ng iba pa’ng kagamitan kaya nang matapos ang trabaho ni Calvin ay inaya na siyang magtungo sa mall.“Miss pakibigyan nga ako nito ng panbabae at panlalake,” ani Calvin sa saleslady na ipinakita ang isang pares ng sapatos panbaby.“Miss, ‘yong pang unisex na lang na design,” sabat ni Alea.Hindi pa nila alam ang kasarian ng baby dahil tinanggihan niya ang alok noon ni Calvin na engrandeng gender reveal. Nais niya lang sana ay sabihin na lang sa kanila ng doktora ang kasarian nito pero dahil hindi siya pumayag sa gusto ni Calvin, ay nagpasya ito na hintayin na lang ang araw ng kan’yang panganganak para daw ma-surprise pa din sila.Hindi akalain ni Alea na magiging problema niya pa iyon. Paano ba naman kasi ay pang-dalawang kasarian ang kinukuha ng kasama.“Lahat ng gamit ni baby pang-unisex na
Kanina pa pinapaikot ni Calvin ang ballpen sa kan’yang mga daliri. Ganito siya sa tuwing malalim na nag-iisip.Hindi madali ang maging CEO ng kompanyang iniwan ng ama. Hindi lamang iyon dahil paminsan-minsan ay pinagtutuunan niya din ng pansin ang iba pa’ng negosyo na si Pancho ang may hawak. Wala na siyang tiwala sa kapatid matapos ang ginawa nito sa kompanya nang wala siya. Pinalagpas niya na lamang ang perang nawala nito, dahil hindi niya gusto na madagdagan pa ang lamat ng relasyon nila. Kaya ngayon ay doble-doble naman ang hirap niya lalo pa’t wala na siyang maasahan ‘ni isa man sa dalawang kapatid sa ama.Mabuti na lang kahit papaano ay mayroon siyang dahilan para magpatuloy.“Sir, si Ma’am Eunice po,” pagputol ng kan’yang personal assistant na si Jake sa pag-iisip.Iniabot nito sa kan’ya ang cellphone. Nakalimutan niya pala na sabihan ito na huwag sagutin ang tawag mula sa dating nobya, kagaya ng ginawa niya. Kahit sabihin niya pa’ng maayos na siya at hindi na apektado sa ginaw
Pasado alas-otso na nang magising si Alea. Masyado s’yang nalibang sa pag-aayos ng mga gamit ng bata kung kaya malalim na ang gabi nang matulog s’ya.Dahan-dahan s’yang bumaba ng hagdan dahil mas lalong bumigat ang kan’yang tiyan. Hindi na siya makapaghintay na mailabas ang kan’yang dinadala.Nakaalis na si Calvin at ang kan’yang kapatid kaya si Manang Guada na lamang ang naabutan n’ya sa kusina. Nang makita s’ya ay kaagad s’ya nito’ng ipinagtimpla ng gatas at naghain ng pagkain sa kan’yang harapan.“May pupuntahan ka ba o may ipapabili? Magbabayad kasi ako ng kuryente at tubig. Magpapahatid ako kay Cado,” anito.“Wala po,” ngumiti s’ya dito. Nito’ng mga nakaraan ay tinatamad na s’yang lumabas. Makailang ulit na din s’yang inaya ng ginang na sumama tuwing mamamalengke ngunit tumatanggi s’ya dahil mas mabilis na s’yang mapagod. Ayaw n’yang maging alalahanin pa nito.Nagpaalam na ito sa kan’ya pagkalaon.Magana s’yang kumain. Hindi n’ya mapigilan ang sunod-sunod na pagsubo kung kaya mun
“Tama ba ang sagot ko ate?” tanong ni Mayumi sa kan’ya kinahapunan nang samahan niya ito sa sala upang mag-aral.Nakaligtaan n’yang tinuturuan n’ya pala ang kapatid. Natulala siya sa kawalan, hindi niya maiwasan isipin ang magiging sitwasyon kung tagumpay na nagkabalikan si Calvin at Eunice.Kanina nang umalis s’ya sa opisina ay hindi naman siya hinabol pa ng binata ngunit inutusan nito si Jake na ihatid s’ya sa bahay. Marahil ay malalim na ang usapan nito at ng dating nobya nang dumating siya.Hindi naman sa hindi niya gusto ang ideya na magkabalikan nga ang dalawa ngunit hindi maganda ang tingin sa kan’ya ng babae. Kahit pa sabihin na patas lang dahil nagkaanak din ito sa ibang lalaki at si Calvin naman ay sa kan’ya, alam n’yang makakaramdam pa din s’ya dito nang pangmamaliit.Kabuwanan n’ya pa lamang at ilang buwan pa pagkatapos manganak siya pwede magtrabaho. Hindi siya papayag at alam n’yang ganoon din si Eunice kung sa bahay pa din s’ya ni Calvin maninirahan. Kaya kahit mas mahi
‘Can’t sleep tonight ‘cause you’re on my mind, I guess I’m in love once again’Ibinaling ni Alea ang tingin sa nakabukas na bintana ng kwarto kung saan nagmumula ang boses. May kataasan na ang sikat ng araw, sa wari niya ay nagsasampay na ng damit si Ana habang kumakanta.Pinikit n’yang muli ang mga mata sa pag-asang makakaya pa’ng punan ng kaunting minutong pagtulog ang halos buong magdamag n’yang gising na diwa.Gusto n’yang pagtawanan ang sarili sa pekeng paghikab matapos ang pag-amin ni Calvin, para lang makaalis siya sa harapan nito. Ang totoo’y hindi niya alam kung ano ang sasabihin dito, o paano aakto sa sitwasyon na iyon.Hindi naman sa wala pa’ng umamin ng paghanga sa kan’ya, mayroon na din kaya lang kalimitan sa mga ito ay tambay na kapitbahay nila sa squatter, na lahat ng masipat na maganda ay biglang gusto na kaagad.Kakaiba si Calvin. Mayaman ito at may pinag-aralan, mabait, magalang, lahat na yata ng magandang katangian ay taglay nito, pero nabubukod tangi ang dahilan na
Ano nga ba ang sukatan para masabi mo’ng tunay ka’ng nagugustuhan ng isang tao?Sa mga materyal na bagay ba, sa mga kilos nito pagdating sa’yo, o sa mabulaklaking mga pananalita nito?Kung iyon man ang basehan, ibig sabihin ay totoo ang nararamdaman ni Calvin para kay Alea.Hinihintay s’ya nitong gumising sa umaga kahit mahuli pa ito sa trabaho para lamang maalalayan siya sa pagbaba ng hagdan, matimplahan ng gatas, at masabayan sa umagahan. Bago ito umalis ay sinisiguro nitong maayos ang pakiramdam n’ya. Kahit gaano pa ito kaabala sa trabaho ay wala ito’ng mintis sa pagtawag sa kan’ya. Pag-uwi sa gabi, may pasalubong pa siya. Pati ang kapatid na si Mayumi ay nililigawan din.Kaninong puso ang hindi lalambot sa ganitong paraan ni Calvin nang panliligaw?Gayunpaman, mayroong bumabagabag kay Alea upang pagbigyan ang nararamdaman nito. Alam niyang hindi magandang idahilan ang agwat ng estado ng buhay nila subalit para sa kagaya niyang hindi nakapagtapos, walang sariling pagkukuhanan ng per
Wala na yatang mas sasakit pa sa pisikal na sakit na dinaranas ni Alea habang nakahiga sa hospital bed. Hinayaan n’ya ang doctor at mga nurses na gawin ang mga sinasabi nito sa kan’ya kahit ‘ni isa ay wala na s’yang maunawaan pa. Nagpabaling-baling s’ya sa kama, hindi alam kung ano’ng pwesto ba mababawasan ang sakit na nararamdaman. Parang hinihila ang puson n’ya patungo kung saan.“Alea, breath out. Breath in.”Sinundan n’ya ang sinabi ni Calvin. Sinasabayan s’ya nito sa ginagawa.Ipinagpapasalamat n’yang maagap silang naghanda para sa kan’yang panganganak dahil isang buwan bago ang kan’yang due date ay nakasakay na sa kotse ang mga gamit nila ni baby kaya walang naging abala sa pagdala sa kan’ya sa ospital.“Dadalhin na po namin s’ya sa delivery room,” ani nurse at inumpisahan nang itulak ang hospital bed n’ya.Mas lalo siyang kinabahan sa narinig. Ang bilis ng pangyayari, hindi n’ya akalain na manganganak na s’ya ngayong araw.Sa tindi ng sakit ay hindi niya na naramdaman ang pag
Hindi mapalagay ang puso ni Alea. Naghahalong kaba at saya ang kan’yang nadarama habang pinagmamasdan ang isa-isang pagpasok ng mga panauhin sa loob ng simbahan. Kaunti na lang, magiging Mrs. Montejo na s’ya.“Ate, bababa na ako ha,” paalam ni Mayumi na s’yang maid of honor niya. Tumango siya at hinayaan itong lumabas ng sasakyan kung saan sinalubong ito ng wedding coordinator patungo sa pintuan ng simbahan. Kaunti na lamang ang naroon, ibig-sabihin ay nalalapit na ang pagpaso niya.Huminga siya nang malalim at nanalangin nang taimtim.Hindi niya lubos akalain na darating ang araw na may isang lalaking handang ibigay hindi lamang ang apelyido kun’di buong pagmamahal sa kan’ya. Akala niya ay puro pasakit na lamang ang dadanasin niya ngunit mali pala siya. Dahil kay Calvin, nagkaroon muli ng liwanag ang buhay niya.Ang kan’yang pagdarasal ay naputol dahil sa tatlong sunod na pagkatok sa bintana ng sasakyan. Pagdilat niya ay mabilis na dumaloy ang kakaibang kaba sa kan’yang dibdib nang m
Sinindihan ni Calvin ang kandila at itinirik sa puntod ng ama ni Alea. Taimtim siyang nanalangin kasabay nang paghingi ng tawad sa ginawa ng kan’yang ama.Ang totoo’y hindi siya makapaniwala na nagawa iyon ng daddy niya. Mabuti ito sa kan’ya at iyon lang ang tumatak sa isipan niya. Gayunpaman, wala pa din tutumbas sa sakit na naidulot ng kamaliang iyon sa buhay ni Alea.“Sir sigurado po ba kayo? Almost completed na po ang renovation ng resort.” Mula sa kabilang linya ay nararamdaman niya ang panghihinayang sa boses ng engineer na s’yang nagtatrabaho para sa renovation ng kan’yang resort.“I’m serious. Demolish everything there.”Hindi niya na hinayaan pa’ng sumagot ang kausap at binaba na ang telepono. Bumaling siya kay Jake na naghihintay sa kan’yang harapan.“Hanapin mo lahat ng taong sapilitang pinalayas sa lugar na iyon para maitayo ang resort. Ibabalik natin sa kanila ang kanilang mga lupain.”Walang bahid ng kahit anumang pag-aalangan ang desisyon niyang iyon. Handa niyang itama
Alam ni Alea na mali ang paglalayas na kan’yang ginawa, gayunpaman iyon lang ang natatangi niyang paraan upang kahit papaano’y maliwanagan ang isipan. Ang totoo’y wala din kasiguraduhan kung magiging maayos ba s’ya sa ganoong paraan, kung oo man, gaano katagal?Ang paghingi niya ng tulong kay Attorney Arim ay wala sa kan’yang bokabularyo. Sadyang tinadhana lang siguro na magkita sila sa pantalan kung saan s’ya sasakay ng barko patungo sa Isla Irigayo. Nagpumilit ito’ng samahan silang mag-ina nang malaman ang ginawa niyang pag-alis dahil sa personal na problema.“Why did you leave me with him?” Umiigting ang panga ni Calvin at matalim na nakatingin sa kanilang bahay kung nasaan si Attorney Arim at ang kanilang anak na karga-karga ng personal assistant nitong si Jake.Hindi na siya nabigla na natagpuan sila kaagad ni Calvin. Bukod sa wala siyang maisip na ibang lugar na maaaring puntahan, ay sigurado siyang ligtas ang Isla Irigayo para sa kanilang mag-ina kaya doon niya napiling magpunt
Hindi pa man tapos ang dalawang araw na business trip ni Calvin ay umuwi na kaagad ito sa kan’yang mag-ina. Paano’y hindi mapalagay ang kan’yang isipan sa malalamig pa din na pakitungo ni Alea sa kan’ya kahit sa telepono. Kung hindi nga lang mahalaga ang meeting na iyon ay hindi niya dadaluhan.“Manang, nasaan sila?” sabik niyang tanong kay Manang Guada nang hindi makita ang kan’yang mag-ina sa kwarto.Salubong ang kilay na tinitigan siya nito. “Hindi ba’t magkakasama kayo?”Kung hindi lang sobrang seryoso ng mukha ni Manang ay iisipin niyang nakikipagbiruan ito sa kan’ya.“Manang, galing ako sa business trip. Umalis ba sila?” Gusto niyang isipin na pinagtataguan siya ng kan’yang mag-ina sa buong bahay. Kung ganoon man, ibig sabihin ay wala nang bumabagabag sa isipan ni Alea, kaya naiisip na nitong pag-trip-an siya. Sana nga ay lumipas na ang post partum depression nito. Makailang ulit niya na ito’ng pinilit na magpatingin sa doktor ngunit tumatanggi ito, kaya ginagawa niya ang lahat
Mabigat at mabilis ang bawat hakbang ni Alea paakyat ng borol. Matarik ang daan ngunit hindi niya inda ang hapding nadarama sa hubad niyang mga paa.“Itay! Papunta na ako d’yan!” humihikbi niyang sigaw sa amang nakatanaw sa kan’ya mula sa itaas.Humawak siya sa sanga ng kahoy upang magawa ang higit pang malaking hakbang paakyat. Ilang ulit niyang ginawa iyon nang muling tumingin sa itaas kung nasaan ang kan’yang ama. Nakatingin lamang ito sa kan’ya, subalit ang kan’yang pinagtataka ay imbes na lumiit ay mas lalong lumaki ang agwat ng distanya nila.Nilibot niya ang paningin. Kinabahan siya nang mapansing tila nasa parehong lokasyon pa din siya kahit kanina pa siya umaakyat. Muli siyang humakbang pataas, ngunit ganoon pa din ang kan’yang pwesto. Para siyang tumatakbong hindi umaalis sa pwesto.Tumingin siya sa kan’yang ama na unti-unting naglalaho ang itsura.Pumalahaw siya ng iyak sa takot.“Babe. Babe, wake up.”Halos habulin niya ang hininga nang magising mula sa pagtapik ni Calvin
Wala sa sariling nakatingin si Alea kay baby Ali habang masaya itong naglalaro ng mga bulaklak sa hardin. Maaga pa lang ay gising na silang mag-ina.Napapitlag siya nang marinig ang biglaang pag-iyak ng bata. Naunahan na siya ni Calvin sa paglapit sa bata na nakadapa na sa carpet.“Baby, sorry.”Akma niyang kukunin kay Calvin ang bata dahil baka magusot ang suot nitong pag-opisina, ngunit hindi iyon binigay ng lalaki.“Are you okay? Mukhang lumilipad ang isipan mo? Kanina pa kita tinatawag?” nagtatakang tanong nito. “Huh? Ayos lang ako. Naka-pokus kasi ako kay Baby Ali,” palusot niya kahit hindi niya nga namalayan na nadapa na pala ang bata.Tinitigan siya ni Calvin na tila ba binabasa kung nagsasabi siya nang totoo.“Akin na ang bata baka mahuli ka na sa trabaho.”Imbes na ibigay ay mas lalo pa nitong niyakap si baby Ali at dahan-dahan na hinele kasabay nang unti-unting paghina ng iyak nito.“Hindi ba may pasok ka pa ng alas-otso? Quarter to 7 na. Mag-ayos ka na, ako na muna ang bah
Mataas na ang sikat ng araw nang magising s’ya. Naabutan niya si Calvin na naglalakad sa resort habang kausap ang dalawang lalaki at si Jake.Pinalibot niya ang mata sa paligid, ibang-iba na ang lugar na iyon subalit tila nakikita niya pa din ang itsura nito noon. Bawat parte ng tabing dagat ay may iba-ibang memorya. Mayroong masaya ngunit tanging ang malungkot na pangyayari lang ang kan’yang naaalala.Inalok siya ng agahan ng ilang staff na naroon ngunit tumanggi siya at sinabing hihintayin na lang ang nobyo.Habang naghihintay ay dumako ang kan’yang mga mata sa borol. Kahit maganda ang sinag ng araw at buhay na buhay ang paligid ay napakadilim nito para sa kan’ya na animo’y wala siyang ibang kulay na nakikita dahil mas nananaig ang kalungkutan doon.Huminga siya nang malalim at pilit na winawaksi sa isipan ang miserableng memorya sa lugar na iyon. Matagal din niya iyong binaon sa limot dahil nawalan na s’ya ng pag-asa na makamtan ang hustisya, ngunit sa pagbabalik sa lugar na iyon h
Kanina pa s’ya nasa kwarto ngunit hindi niya magawang lapitan ang natutulog na nobyo.Halos dalawang oras na siyang naroon at umiiyak. Kaya pala napakalungkot ng lugar dahil doon nalagutan ng hininga ang ama.Pilit niyang pinakalma ang sarili. Hindi siya maaaring magpakita kay Calvin sa ganoong estado.Nang bahagya siyang naging maayos ay lumapit na s’ya dito. Tumambad sa kan’ya ang mukha nitong puno ng pasa at galos. Napalitan ng kalungkutan niya nang pag-aalala. Kaya pala kahapon pa siya hindi mapakali dahil tama ang hinala niyang may masama ditong nangyari.Hinaplos niya ang sugat nito. Malakas ang kutob niyang ang kapatid nitong si Pancho ang may gawa.Maya pa’y iminulat nito ang mata at tila nagulat nang mukha niya ang masilayan.“Alea, anong ginagawa mo dito?”Malungkot siyang napangiti sa tanong nito. Dalawang rason pala ang dahilan kung bakit may nagtutulak sa kan’yang magpunta doon, una ay dahil sa kalagayan ng nobyo, at pangalawa ay para bumalik ang masakit na alaala sa mala
Kinabukasan ng hapon na ang balik ni Calvin mula sa resort ngunit hindi mapakali si Alea. Para ba’ng mayroong nagtutulak sa kan’ya na sumunod dito.“Bakit hindi ka sumasagot?” Simula kahapon pagkarating nito ay isang mensahe lang ang pinadala sa kan’ya. Kanina naman ay hindi ito pumayag na makipag-videocall. Malakas ang pakiramdam niya na mayroong mali.Bumuntong hininga siya at isang desisyon ang ginawa nang sa ikalimang ring ay hindi sinagot ng lalaki.Tinawagan niya si Jake at sinabi ditong susunod siya patungo sa resort.“Samahan ko na po kayo ma’am,” pagpupumilit nito na tinanggihan n’ya.Ayaw niyang maabala pa ang trabaho nito sa padalos-dalos niyang desisyon.Nagkamot-ulo ito at salubong na ang kilay na animo’y batang ayaw magpaiwan.“Ako po ang malalagot kay Sir Calvin kapag mag-isa lang kayo na bumyahe patungo doon.”Sa huli ay pumayag na lang siyang isama ito. Mas mabuti na din iyon dahil kung s’ya lang ay baka maligaw pa s’ya.Sumakay sila ng eroplano. Hating gabi na nang m