Tahimik na binabasa ni Alea ang mga maternity magazine na naka-display sa clinic ng kan’yang doktor habang hinihintay si Calvin na dumating. Ngayon ang kan’yang buwanang check-up at nangako ito na sasamahan s’ya.“Alea, sorry. Kanina ka pa ba?” Hindi pa man tuluyang nakakalapit sa kan’ya ay mapaumanhin nang nagsalita si Calvin.Nakasuot ito ng blue crisp dress shirt at leather dress shoes. Medyo nagulo ang pagkakahagod ng buhok nito dahil mukhang tinakbo nito ang parking lot hanggang clinic.“May pasyente pa naman si dok,” ani Alea at inaya itong umupo sa kan’yang tabi.Lumapit siya at inayos ang buhok nito. Tila naman ito naestatwa sa kan’yang ginawa, subalit hinayaan lang siya nito.“Ayan, okay na,” saad niya na para ba’ng hindi iyon ang unang beses na ginawa n’ya iyon.“Ma’am, pasok na daw po kayo,” ani assistant ng doctor nang lumabas na ang pasyente sa opisina nito.Sinuri na siya ng doktor upang masiguro na maayos ang bata sa kan’yang sinapupunan. Kinuha na din nila ang pagkakat
Maaga pa ay bumaba na si Alea upang sana’y labhan ang mga pinamiling damit ng bata, ngunit wala na iyon sa salas, kung saan nila iniwan kagabi.“Nilalabhan na ni Ana,” ani Manang Guada nang magtungo siya sa kusina. Tila natanaw na siya nito mula doon na naghahanap.“Tulungan ko na po siya,” akma na siyang maglalakad patungo sa laundry area nang may magsalita sa kan’yang likuran.“Good morning,” pagbati ni Calvin, na malat pa ang boses dahil kakagising lang nito. Naalala niya tuloy ang ginawang pagbibiro nito kahapon patungkol sa pagkakaroon nila ng baby ulit. Kinabahan pa siya sa pag-aakalang seryoso ito, mabuti na lang ay hindi. Hindi naman siya tanga para ulitin ang isang kamalian kahit pa maganda ang naging bunga nito.“Good morning din,” pagbati n’ya dito bago muling tumalikod.“Kaya na ‘yon ni Ana. Sabay na kayo mag-agahan ni Calvin,” pagpipigil sa kan’ya ni Manang Guada na pinagtitimpla na siya ng gatas habang kape naman kay Calvin.“Sabi naman po ng doktor ay kailangan ko’ng gu
Animo’y may dumaraan na anghel sa sobrang tahimik ng kotse habang binabagtas ni Alea at Calvin ang daan patungo sa kompanya ng huli.Nakakabingi na ang katahimikan at labis na ang pagkailang na nadarama ni Alea kung kaya inilapit niya ang kamay sa car radio upang buksan iyon ngunit tila pareho ang tumatakbo sa kanilang isipan nang lumapit din doon ang kamay ng lalaki, dahilan upang magkadikit ang mga daliri nila.Para ba’ng may dumaloy doon na kuryente kaya sabay nilang inilayo ang kamay sa bawat isa.Hinawakan na lang ni Calvin ang manibela habang si Alea naman ay hinaplos ang tiyan at kapwa itinuon ang tingin sa daan.Pareho pa silang nagulat nang mag-ring ang telepono ng lalaki.“Jake, buti tumawag ka,” ani Calvin na tila tuwang-tuwa pa sa pagtawag ng personal assistant. Tumango-tango ito habang pinapakinggan ang nasa kabilang linya.“Alright, just tell Anj to start the meeting. I’ll be there in five minutes,” anito bago ibaba ang tawag.Tumikhim si Alea upang masiguro na mayroon
Hindi na siya bumalik sa pagtulog. Sasabayan niya na lamang si Calvin sa pagkain dahil mukhang wala ito’ng balak kumain mag-isa.Tumayo na siya ngunit biglang umikot ang kan’yang paningin. Karaniwan niya na iyong maramdaman tuwing babangon. Akala niya ay noong first trimester niya lang iyon mararanasan ngunit maging sa huling trimester ay magpaparamdam pa din pala iyon.Kumapit siya sa sofa at mariin na pumikit. Mabilis naman siyang nadaluhan ni Calvin.“Are you okay?” bakas ang pag-aalala sa boses nito.Pinaupo siya nito. Halos isang minuto din siyang nakapikit. Dahan-dahan niyang ibinuka ang mga mata nang pakiramdam na hindi na umiikot ang paligid.“Nahilo lang ako.” Unti-unti ay nawawala din ang pagkahilo n’ya.Maselan talaga ang kan’yang pagbubuntis, kung kaya natatakot siyang baka mahirapan din siya sa panganganak.“I’ll just order food,” saad ni Calvin dahil balak sana nilang sa labas na kumain.Lumipas pa ang ilang minuto ay bumuti na ang lagay n’ya. Hindi naman mapakali si Cal
Kagaya nang sinabi ni Calvin ay isinama pa din siya nito sa opisina kinabukasan. Hindi pa tapos ang pagsasaayos ng playroom, kaya maingay pa din sa bahay. Hindi rin sila natuloy kahapon sa pagbili ng iba pa’ng kagamitan kaya nang matapos ang trabaho ni Calvin ay inaya na siyang magtungo sa mall.“Miss pakibigyan nga ako nito ng panbabae at panlalake,” ani Calvin sa saleslady na ipinakita ang isang pares ng sapatos panbaby.“Miss, ‘yong pang unisex na lang na design,” sabat ni Alea.Hindi pa nila alam ang kasarian ng baby dahil tinanggihan niya ang alok noon ni Calvin na engrandeng gender reveal. Nais niya lang sana ay sabihin na lang sa kanila ng doktora ang kasarian nito pero dahil hindi siya pumayag sa gusto ni Calvin, ay nagpasya ito na hintayin na lang ang araw ng kan’yang panganganak para daw ma-surprise pa din sila.Hindi akalain ni Alea na magiging problema niya pa iyon. Paano ba naman kasi ay pang-dalawang kasarian ang kinukuha ng kasama.“Lahat ng gamit ni baby pang-unisex na
Kanina pa pinapaikot ni Calvin ang ballpen sa kan’yang mga daliri. Ganito siya sa tuwing malalim na nag-iisip.Hindi madali ang maging CEO ng kompanyang iniwan ng ama. Hindi lamang iyon dahil paminsan-minsan ay pinagtutuunan niya din ng pansin ang iba pa’ng negosyo na si Pancho ang may hawak. Wala na siyang tiwala sa kapatid matapos ang ginawa nito sa kompanya nang wala siya. Pinalagpas niya na lamang ang perang nawala nito, dahil hindi niya gusto na madagdagan pa ang lamat ng relasyon nila. Kaya ngayon ay doble-doble naman ang hirap niya lalo pa’t wala na siyang maasahan ‘ni isa man sa dalawang kapatid sa ama.Mabuti na lang kahit papaano ay mayroon siyang dahilan para magpatuloy.“Sir, si Ma’am Eunice po,” pagputol ng kan’yang personal assistant na si Jake sa pag-iisip.Iniabot nito sa kan’ya ang cellphone. Nakalimutan niya pala na sabihan ito na huwag sagutin ang tawag mula sa dating nobya, kagaya ng ginawa niya. Kahit sabihin niya pa’ng maayos na siya at hindi na apektado sa ginaw
Pasado alas-otso na nang magising si Alea. Masyado s’yang nalibang sa pag-aayos ng mga gamit ng bata kung kaya malalim na ang gabi nang matulog s’ya.Dahan-dahan s’yang bumaba ng hagdan dahil mas lalong bumigat ang kan’yang tiyan. Hindi na siya makapaghintay na mailabas ang kan’yang dinadala.Nakaalis na si Calvin at ang kan’yang kapatid kaya si Manang Guada na lamang ang naabutan n’ya sa kusina. Nang makita s’ya ay kaagad s’ya nito’ng ipinagtimpla ng gatas at naghain ng pagkain sa kan’yang harapan.“May pupuntahan ka ba o may ipapabili? Magbabayad kasi ako ng kuryente at tubig. Magpapahatid ako kay Cado,” anito.“Wala po,” ngumiti s’ya dito. Nito’ng mga nakaraan ay tinatamad na s’yang lumabas. Makailang ulit na din s’yang inaya ng ginang na sumama tuwing mamamalengke ngunit tumatanggi s’ya dahil mas mabilis na s’yang mapagod. Ayaw n’yang maging alalahanin pa nito.Nagpaalam na ito sa kan’ya pagkalaon.Magana s’yang kumain. Hindi n’ya mapigilan ang sunod-sunod na pagsubo kung kaya mun
“Tama ba ang sagot ko ate?” tanong ni Mayumi sa kan’ya kinahapunan nang samahan niya ito sa sala upang mag-aral.Nakaligtaan n’yang tinuturuan n’ya pala ang kapatid. Natulala siya sa kawalan, hindi niya maiwasan isipin ang magiging sitwasyon kung tagumpay na nagkabalikan si Calvin at Eunice.Kanina nang umalis s’ya sa opisina ay hindi naman siya hinabol pa ng binata ngunit inutusan nito si Jake na ihatid s’ya sa bahay. Marahil ay malalim na ang usapan nito at ng dating nobya nang dumating siya.Hindi naman sa hindi niya gusto ang ideya na magkabalikan nga ang dalawa ngunit hindi maganda ang tingin sa kan’ya ng babae. Kahit pa sabihin na patas lang dahil nagkaanak din ito sa ibang lalaki at si Calvin naman ay sa kan’ya, alam n’yang makakaramdam pa din s’ya dito nang pangmamaliit.Kabuwanan n’ya pa lamang at ilang buwan pa pagkatapos manganak siya pwede magtrabaho. Hindi siya papayag at alam n’yang ganoon din si Eunice kung sa bahay pa din s’ya ni Calvin maninirahan. Kaya kahit mas mahi
Mataas na ang sikat ng araw nang magising s’ya. Naabutan niya si Calvin na naglalakad sa resort habang kausap ang dalawang lalaki at si Jake.Pinalibot niya ang mata sa paligid, ibang-iba na ang lugar na iyon subalit tila nakikita niya pa din ang itsura nito noon. Bawat parte ng tabing dagat ay may iba-ibang memorya. Mayroong masaya ngunit tanging ang malungkot na pangyayari lang ang kan’yang naaalala.Inalok siya ng agahan ng ilang staff na naroon ngunit tumanggi siya at sinabing hihintayin na lang ang nobyo.Habang naghihintay ay dumako ang kan’yang mga mata sa borol. Kahit maganda ang sinag ng araw at buhay na buhay ang paligid ay napakadilim nito para sa kan’ya na animo’y wala siyang ibang kulay na nakikita dahil mas nananaig ang kalungkutan doon.Huminga siya nang malalim at pilit na winawaksi sa isipan ang miserableng memorya sa lugar na iyon. Matagal din niya iyong binaon sa limot dahil nawalan na s’ya ng pag-asa na makamtan ang hustisya, ngunit sa pagbabalik sa lugar na iyon h
Kanina pa s’ya nasa kwarto ngunit hindi niya magawang lapitan ang natutulog na nobyo.Halos dalawang oras na siyang naroon at umiiyak. Kaya pala napakalungkot ng lugar dahil doon nalagutan ng hininga ang ama.Pilit niyang pinakalma ang sarili. Hindi siya maaaring magpakita kay Calvin sa ganoong estado.Nang bahagya siyang naging maayos ay lumapit na s’ya dito. Tumambad sa kan’ya ang mukha nitong puno ng pasa at galos. Napalitan ng kalungkutan niya nang pag-aalala. Kaya pala kahapon pa siya hindi mapakali dahil tama ang hinala niyang may masama ditong nangyari.Hinaplos niya ang sugat nito. Malakas ang kutob niyang ang kapatid nitong si Pancho ang may gawa.Maya pa’y iminulat nito ang mata at tila nagulat nang mukha niya ang masilayan.“Alea, anong ginagawa mo dito?”Malungkot siyang napangiti sa tanong nito. Dalawang rason pala ang dahilan kung bakit may nagtutulak sa kan’yang magpunta doon, una ay dahil sa kalagayan ng nobyo, at pangalawa ay para bumalik ang masakit na alaala sa mala
Kinabukasan ng hapon na ang balik ni Calvin mula sa resort ngunit hindi mapakali si Alea. Para ba’ng mayroong nagtutulak sa kan’ya na sumunod dito.“Bakit hindi ka sumasagot?” Simula kahapon pagkarating nito ay isang mensahe lang ang pinadala sa kan’ya. Kanina naman ay hindi ito pumayag na makipag-videocall. Malakas ang pakiramdam niya na mayroong mali.Bumuntong hininga siya at isang desisyon ang ginawa nang sa ikalimang ring ay hindi sinagot ng lalaki.Tinawagan niya si Jake at sinabi ditong susunod siya patungo sa resort.“Samahan ko na po kayo ma’am,” pagpupumilit nito na tinanggihan n’ya.Ayaw niyang maabala pa ang trabaho nito sa padalos-dalos niyang desisyon.Nagkamot-ulo ito at salubong na ang kilay na animo’y batang ayaw magpaiwan.“Ako po ang malalagot kay Sir Calvin kapag mag-isa lang kayo na bumyahe patungo doon.”Sa huli ay pumayag na lang siyang isama ito. Mas mabuti na din iyon dahil kung s’ya lang ay baka maligaw pa s’ya.Sumakay sila ng eroplano. Hating gabi na nang m
“Sa wakas bumalik na din ang alaala ng anak sa labas,” pagak ito’ng tumawa na animo’y hindi alintana ang bagsik ng galit na pinapakita ng kan’yang mukha.“Walang hiya ka!” nangangalaiti niyang saad.Sinalubong nito ang namumula niyang mga mata dahil sa matinding emosyon na nararamdaman.“Gusto ko pa nga sanang ulitin ngayon ang ginawa ko sa’yo. Baka sa ikalawang pagkakataon, magtagumpay na akong patayin ka,” dagdag nito.Hindi na siya nakapagpigil at marahas itong tinulak dahilan para matumba ito sa sahig.“Bakit? Gan’yan na ba kalala ang inggit mo sa’kin, ha?” sigaw niya dito.Ngumisi ito pagkatapos ay tumayo at inambahan siya ng suntok na tumama sa gilid ng kan’yang labi.“Bakit ako maiinggit sa isang kagaya mo?” Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa na tila ba walang dapat ikainggit sa kan’ya.“Then why are doing this?”Hindi siya gumanti ng suntok kahit pa kating-kati na s’yang gumanti dito.“Dahil ninakaw mo ang dapat ay sa akin! Dapat sa akin pinamana ni dad ang kompanya at
“Sir ayos lang po ba kayo?” tanong sa kan’ya ng manager ng resort nang mahigpit siyang kumapit sa hamba ng pintuan papasok sa opisina.Inalalayan siya nito at tinawag ang isa sa mga tauhan para kumuha ng tubig.Biglang may mga pamilyar na eksena ang pumasok sa kan’yang isipan. Pilit niyang inaalala ang mga iyon lalo pa’t hindi pa buong bumabalik ang alaala niya bago mapadpad sa Isla Irigayo.Tinanaw niya ang mataas na lugar sa ‘di kalayuan na nagpa-trigger nang pananakit ng kan’yang ulo. Matagal niya iyong tinitigan kasabay nang matinding pagkahilo at bigla ay nawalan siya nang ulirat.“Kahit sana dumaan ka man lang,” saad niya sa nakakabatang kapatid sa ama na si Bret sa kabilang linya. Sinabi nitong hindi ito makakapunta sa resort para gunitain ang death anniversary ng ama dahil baka hindi na ito umabot sa gig na pupuntahan.“Bumisita na ako sa puntod,” anito bago ibinaba ang tawag.Bumuntong hininga siya at mag-isang inakyat ang 400 steps na pinagawa noon ng kan’yang ama para matan
Hindi pumasok sa isipan ni Calvin na isantabi muna ang kasal nila ni Alea dahil higit iyon na mas mahalaga sa anumang bagay, ngunit mapilit ang babae. Katwiran nito na hindi rin nito gusto na mayroong bumabagabag sa isipan niya sa araw mismo ng kasal.Sa huli ay wala na din naman siyang nagawa nang kausapin na nito ang wedding coordinator na i-cancel muna ang araw ng pag-iisang dibdib nila. Mabuti na lamang ay hindi pa nila naipapamigay ang mga imbitasyon.“Tawagan mo ako kapag nakarating ka na doon,” bilin ni Alea sa kan’ya matapos nitong isara ang maliit niyang maleta.Ito ang nag-empake ng damit niya para sa dalawang araw na pananatili sa resort. Pakiramdam niya nga ay baka bumalik din siya kaagad matapos ang isang araw. Hindi niya yata kayang matulog nang hindi katabi ang mag-ina.Nakaupo siya sa kama at pinagmamasdan ito na mabusising inaayos naman ang laman ng kan’yang bag.Hinawakan niya ang beywang nito at kinabig paupo sa kan’yang mga binti.“Hindi pa nga tayo kasal pakiramda
Tila nasa cloud nine pa din si Calvin matapos ang biglaang proposal niya kay Alea. Ang totoo ay matapos siyang sagutin nito ay bumili na kaagad siya ng singsing. Alam niyang ang babae na ang makakasama sa habangbuhay at wala nang dapat pa’ng hintayin na tamang panahon para pakasalan ito, ngunit hindi niya naman gusto na ma-pressure ito lalo pa’t nagsisimula pa lang itong mag-aral kaya natagalan nang ilang buwan bago niya binalak na alukin ito ng kasal.Nang gabing sinundo niya ito at nakita niya pa’ng tinanggap nito ang yakap ng abogadong si Arim ay nakadama siya ng selos. Tiwala naman s’ya sa pagmamahal nito, hindi lang siya komportable na dumidikit dito ang lalaki.Subalit nang biglaan siyang hagkan ni Alea ay nawala lahat ng pangamba niya. Para ba’ng sa bawat araw ay nakikita niya kung paano magmahal ang nobya. Hindi niya maiwasan isipin na hindi pa nito naibibigay ang lubos na pagmamahal pero parang siya na ang pinakamasayang lalaki sa mundo, paano pa kaya kung buo na nitong ipada
Akala niya ay mahihirapan siya sa pagpasok sa kolehiyo lalo pa’t bukod sa mas bata ang mga magiging kaklase ay mayayaman din ang mga ito, ngunit hindi pala. Sa loob ng unang apat na buwan ay madali siyang nakibagay sa unibersidad.“Alea?” isang pagtawag mula sa likod ang nagpalingon sa kan’ya.Kakatapos lang ng huli niyang klase para sa araw na iyon. Naglalakad na s’ya palabas ng campus kung saan naghihintay na si Calvin para sunduin s’ya.Isang malawak na ngiti ang binigay niya kay Arim na siyang tumawag sa kan’ya.Tumakbo ito palapit sa kan’ya.“Kumusta? Anong ginagawa mo dito?” tanong nito.Itinaas niya ang ID. “Nag-aaral na ako,” masaya niyang balita.Sumilay ang malawak na ngiti sa labi nito.“That’s good! Mabuti pala tinanggap ko ‘yong pagsubstitute kay Miss Labuanan kun’di hindi ako magagawi dito sa building n’yo. Hindi sana kita makikita.”Alam niyang nagtuturo din ito ng law, hindi niya lang alam na sa parehong paaralan pala.Sinabayan siya nito sa paglalakad habang nagkwekwe
Ang bilis ng panahon. Lagpas kalahating taon na ang kanilang anak at magtatatlong buwan na silang mag-nobyo at nobya ni Calvin.“Pwede naman sigurong huwag na kaming sumama. Ipasundo mo na lang kami mamaya.” Kanina pa s’ya nag-iisip ng rason para makatanggi sa pag-alok ni Calvin na isama sila sa pagpasok nito sa opisina.Kahit kasi sila na ay may nadarama pa din s’yang insecurity sa sarili. Alam niyang hindi naman na siya makakarinig ng negatibong komento mula sa mga empleyado nito dahil takot na ang mga ito, ngunit hindi n’ya maiwasan isipin na sa paglabas nito ng kompanya ay siya ang pag-uusapan.“Pagbigyan mo na ako, please. Stressful sa kompanya ngayon, I need you and baby Ali to be there, para marelax man lang ako,” anito na pinagpatuloy ang paglalagay ng gamit ng bata sa bag.Malungkot s’yang napangiti. Hindi ito nagkwekwento ng problema sa kompanya. Kahit siguro magkwento ito ay wala naman s’yang maitutulong.“Kung naiintindihan ko lang ang trabaho mo, sana matutulungan kita.”