"Sigurado ka na ba dito?" tanong ni Raven habang naglalakad kami papunta sa kotse niya. Sinundo niya kasi ako sa airport dahil bumalik na ako ng pilipinas. Sila Mom at dyson ay una ng umuwi dahil ayaw nilang makitang kasama ko. Secret agent si Dyson kaya hindi siya pwede madikit sa isang kagaya ko na layag sa buong mundo ang kwento ng buhay. Tulad ng inaasahan madaming camera ang nasa paligid at nagpapanggap na normal na pasahero. Ganyan tumakbo ang entertainment industry. Gagawa sila ng isang malaking scope at iyon ang pagbabalik ng isang Villanueva. Naging usapan ang pagbubuntis ng isa sa mga tagapagmana ng isang malaking kompanya at tinakbuhan ng lalaki. Ang lalaking nakabuntis ay anak ng kanilang katunggali sa business. Ganyan ang naging issue, madaming nagsabi na hindi kami ni Miguel ngunit noong nawala ako mas umingay na ako daw ang nabuntis at umalis ng bansa para manganak. Pitong buwan na simula ng umalis ako. Pitong buwan akong hindi nagpakita at nagparamdam sa kanila. Ang
"Palabasin niyo siya! Kailangan namin magusap!" sigaw ng babae mula sa gate namin. Sinisigawan niya ang guard namin na papasukin siya. Kanina pa siya nagsisigawan at hinahayaan ko lang dahil alam kong mapapalis iyon ng aming guard. Ngunit limang minuto na at nagiiskandalo na siya dito sa exclusive subdivision namin. Kaya naisipan ko ng lumabas. "Anong problema dito?" tanong ko sa kanila. "Ito po kasi ma'am nagwawala gusto daw makausap si Sir, di ba po wala naman dyan." Sagot ng guard namin. "Anong kailangan mo sa asawa ko?" "Asawa-"Oo asawa ko! Te-teka ikaw iyong babaeng walang damit noong nakaraang linggo na dinala ni Miguel dito?""Anong problema mo ba? Kanina ka pa nagwaawala dito! Hindi ka ba nahihiya? Side chick ka na nga nag skandalo ka pa?" dagdag ko. Umiikot naman ang mata ko. "Bakit? Kasal na ba kayo? Wala siyang sing-"Hindi pa kami nakakasal pero nagsasama kami sa iisang bu-"Aagawin ko siya sa-"Kung kaya mo bakit hindi?" sabi ko ng may lakas kilay pa. Kay ate Je
"Mooooom!" sigaw ko ng makarating kami sa farm ni Mama. Lahat ng pinapadala ni Miguel sa kaniya ay hindi niya ginagamit sa pagpapagamot dahil wala naman talaga siyang sakit. Noong nga ay ayoko maniwala at gusto ko siyang ipachecup ngunit siya na mismo nagsabing ayaw niya daw. "Ang aga niyo naman nakarating!" bati ni MomNagdidilig siya ng mga halaman ng makarating kami dito. Malayong probinsya na ito ng pilipinas. "Excited siyang makita ka. Akala mo'y batang hindi nabigya-"Araay! Bakit naman nangungurot Aira?!" kumento ni Dyson. Sobrang daldal niya kasi kaya pinigilan ko siya. Niyakap ko si Mama ng makalapit na siya sa amin. Nakipagbeso naman si Raven, Ken, Dyson at angelica. "Kumain na ba kayo?" tanong ni Mom. "Hindi pa! Namimiss na namin ang mga luto mo po. Si Aira hindi iyan kumain kahapon pa dahil alam niyang uuwi kami dito.Araaaaay! Ano ba Aira!" sigaw ni dyson habang binabato ko siya ng lupa. Pinagtatawanan kami nila Mom, Raven at ken. Si angela kasi ayon nagiikot na sa
Tatlong araw din kaming nagbakasyon sa farm ng nanay ni Miguel na kayo'y tinuturing ko na ding Ina. Naging masaya naman naging bakasyon namin kaya lang katulad ng ibang nagbabakasyon hindi madali ang mawalay sa bagay na nakakapagpasaya sa iyo. Simula noong nakuha sa akin ang anak ko naging mahirap na sa akin ang mga ganitong bagay. Sobrang takot mawalan ng kasama, umiiyak ng walang sapat na dahilan at lalo akong nagiging sensitive. Naalala ko pa paano ako nakunan. FLASHBACKThird Person P.O.VFive months ago..."Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!" "Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa" "Huhuhuhuhuhuhu waaaaaaaaaaaaah!" Sunod-sunod na sigaw iyak ni Aira. Nagising kasi siyang basang-basa ang higaan niya. Nakita niya ang mga dugo na kumalat mula sa may kaniyang bewang hanggang sa paanan. Mas lalo akong naiyak at nagsisigaw ng maalala ko ang anak niya at doon na siya nagsimulang umiyak at magsisigaw. "Bakit? Tita Mich! Oh shit! Ateee!" sigaw ni Ken, kaniyang kapatid."Dyson! Tita Miccccccccccch!
Sa unang pagkakataon simula umalis ako ay ngayon lang ako makikipagkita sa pamilya ko maliban kay Ken. "Magandang araw po Ma'am. Welcome back po" bati sa akin ng guard at ilang tauhan nila dito sa mansyon. Lumapit ako kay Mommy upang makipagbeso at ganoon din kay Daddy. Nakita ko rin sila ate Shane, kuya Jan at ate May. Nginitian ko lang sila dahil nasa kabilang side sila ng table. "Saan ka ba nagpunta? Ang tagal mo ding nawala ah." Tanong ni ate Shane. So means wala silang alam sa nangyayari? O baka nagpapanggap lang sila. "Nasaan ang anak mo? Hindi ka ba buntis o nagpanggap ka lang na buntis para maangkin si Miguel. Kaso nga lang hindi ka nagwagi. Sa huli sa akin pa din siya ikakasal!" Sulpot ni Meriam mula sa likuran ko. Bumuntong hininga na lang ako. Tulad ng dati ayokong nakikipagsagutan lalo na sa kaniya. " Buntis ka pala noong nawala ka? Pero impossibleng nanganak ka na agad sa loob ng 7 or 8 months? " Ngayon nasisiguro ko ng wala ngang alam si ate Shane sa nangyayari.
"Naipadala mo na?" Tanong ko kay Dyson. " Yes boss. Baka ngayon hinahanap na nila sino ang nagpadala ng mga papeles na iyon!" Sagot niya sa kabilang linya. "Mabuti. Sa ngayon baka nagwawala na siya sa takot na may nakakaalam ng mga pinagagawa niya." Sagot ko naman. Ibinaba ko ang tawag at nag-focus ako sa trabaho ko."Ma'am Mr. Santiago was looking for some schedule. What time do you prefer?" Tanong ni Ms. Pen sa akin. Napangiti naman ako. Ang bilis naman niyang malaman na ako ang may kagagawan ng lahat." Give him the 2pm tomorrow." Sagot ko. "Dyson! I need you tomorrow at 2pm!" Text ko kay dyson. Hindi na ako nagaksaya pang tingnan ang ibang messsages ng phone ko. Kung tungkol sa trabaho kay Ms. Pen makukuha ang sagot. Kung sa personal things naman ay hindi ako nag intertain ng iba unless ako ang may kailangan. Nag store visit ako pagkatapos ng work ko sa office. Mamayang gabi naman balak kong pumunta sa barr. After many months ngayon lang ako nagkaroon ng chance na bisitahin
Nagising ako ng liwanag na nagmumula sa labas ng bintana. Mataas na pala ang araw, sa wari ko'y tanghaling tapat na. Bumangon ako kaya napansin ko na wala ako sa sarili kong condo. Inikot ko ang aking mata at doon ko na pagtanto na nasa bahay pala ako ng mag Asawang Angela at Raven. Siya siguro ang naguwi sa akin mula sa bar. Ang dapat celebration namin ay nauwi sa wala. Pakiramdam ko bumabalik ako sa pagkabata. Bumabalik ako sa panahon na ako lagi ang inaalagaan ni Raven. "Gising ka na pala. Halika na kumain na tayo!" aya sa akin ni Angela. Tumango naman ako dahil hindi ko maibuka ang bibig ko, pakiramdam ko kasi amoy alak pa rin dahil hindi pa ako nagtotoothbrush. May nakita ako towel, bagong toothbrush sa maliit na sofa dito sa kwarto. Siguro ay pinasok nila kanina habang tulog pa ako. Kaya naman nagmadali na akong magasikaso ng katawan, nakita ko sa cabinet dito na may mga new undies at damit kaya hindi na ako nahiyang gamit. Lumabas ako ng kwarto at nadatnan ko sa dining tab
"Kung nakipagmeeting ka for personal things, hindi ito ang inaasahan ni Ai- ni Ms. Aira na meeting. If you want to talk personal things about you or her. May i know what's your relationship with her?" maangas na sagot ni Dyson. Hindi ko naman siya pinigilan dahil hindi ko naman alam paano sisingit sa usapan nila. Ayoko pagusapan ang bagay tungkol sa akin lalo na kung sa kaniya. Hindi siya parte ng buhay ko mula noong hindi niya kami napanindigan ng kaniyang magiging Ina. "I am her ex Boyfriend." Kita ko ang taas noo ni Miguel. "Ex? Means her past so? " tanong ni Dyson. "I just want to know what happ-"What happened ? saan?" Putol ni Dyson. "My child." rinig ko ang lungkot sa boses ni Miguel o baka nag expect lang ako na malulungkot siya pag pinaguusapan ang kaniyang magiging anak."For what reason?" tanong ni Dyson. Hindi nagsalita si Miguel, ganoon din naman ako dahil sa kaba hindi ko na nagawang magsalita pa. "I just wanna ask kung nasaan ang anak ko. Hindi niyo naman siguro