Aira’s Point of ViewDalawang linggo na din ang nakalipas, hindi na ako kinontak pa ni Miguel para magpaliwanag. Sinabi niya din naman na hihintayin niya akong tumawag at hahayaan niya akong maging handa. Hindi muna ako umuwi sa mansion ngayon. Nandito muna ako sa condo dahil gusto daw akong makita ni Mama, Miguels Mother. Hindi ko gustong pumunta sa bahay nila dahil ayokong makita si Miguel. Sabi ko sa labas na lang pero ayaw talaga ni Mama, gusto niyang magkausap kami ng private kaya naisip ko dito na lang sa condo. Pinasundo ko na lang siya kay Ken para hindi si Miguel ang maghatid. Well, hindi din aware si Miguel na gusto akong makausap ni Mama, isa din iyon sa dahilan bakit ako pumayag. Mukhang importante e. May kumatok sa pinto kaya agad koi tong binuksan.“Pasok po kayo, hintayin mo ako sa baba. Maguusap lang kaming dalawa ni Mama.” Paalam ko kay Ken. Hindi ko na siya pinapasok. “Pasensya ka na po medyo madumi hehe. Kamusta ka po pala? Anong gusto mong maiinom po? Tea or coffe
Aira Jane’s Point of ViewSigurado na ako.Sure na akong kakausapin ko siya para malinawan na ang isip ko. Alam kong handa na ako kaya nakipagkita ako sa kaniya sa isang private restaurant. Iyon kasi ang gusto niya. Kung hindi niya maipapaliwanag sa akin ng ayos sisiguraduhin kong makakatikim siya sa akin ng magasawang sampal.“Kanina ka pa ba?” nagulat ako ng bahagya ng marinig ko ang boses ko.“Hindi naman.” Tumayo pa ako ngunit ginaya niya lang ako na maupo.“Umorder muna tayo.”“Hindi na. Naka-order na ako kanina para sa atin dalawa. Hintayin na lang natin na dumating.” Sagot ko sa kaniya habang palinga-linga sa paligid.“Kailangan pa natin ng isang order, pero siguro mamaya na lang pagdumating siya.”Ilang sandali pa ay may dumating na isang matipunong lalaki. Sa suot nito ay may mataas na katayuan siya sa lipunan. Pinakilala siya sa akin ni Miguel bilang isang Attorney niya. Mahalaga daw siya ang magpaliwanag sa akin para maniwala ako at hindi na magduda. Hindi ko masyadong naun
Aira’s Point of ViewPagkalipas ng tatlong linggo,“Anong sinabi mo?” tanong kong muli kay Ken. May binalita kasi siya sa akin na hindi ko halos paniwalaan.“Oo. Umalis na si bayaw sa kompanya dahil tutulungan daw ang kapatid niyang si Cheska sa pagpapatakbo ng sarili nilang company dahil sumuko sa mga pulis ang tatay nila. Hindi ko alam ang ibang dahilan ngunit isang bagay ang sigurado ko, iniwan na tayo ni bayaw.” Malungkot na wika ni Ken sa akin.“Wala akong ibang magagawa doon. Kung gusto niya iyon edi doon siya sa kanila. Maganda nga iyon e, madami na siyang alam sa company natin na pwede niyang gamitin sa company nila o kaya naman gamitin niya iyon para mapasama tayo.”“Hindi ganoon si Bayaw ate. Alam mo iyan!” nagkibit balikat lang ako saka naglakad palabas ng mansion.Wala siyang utang na loob. Pagkatapos siyang tanggapin ng buo ni Dad iiwan niya lang basta para lang sa taong dahilan ng problema namin noon. Siguro nga sinusubukan ko ng kalimutan ang nangyari but it doesn’t mean
Aira Jane’s Point of View“Mukhang maaliwalas mukha natin ngayon ah. Nagkabalikan na ba kayo?” Salubong na tanong sa akin ni Meriam.Nagpatuloy lang ako sa paglalakad papunta sa dining area. Hindi ko siya pinansin dahil ayoko ng kung anong kumosyon sa magandang umaga ko. Magaan ang gising ko, pakiramdam ko nawala lahat ng pagaalala ko. Hindi ko sigurado kung dahil ba sa nalaman ko na totoong mahal ako ni Miguel at ako pa din ang taong pahinga niya o dahil nakasama ko siya halos magdamag kagabi.“Alam mo bang trending ka na naman? Alam mo, simula ng nagkaroon kayo ng relasyon ni Miguel hindi ka na nawala sa social media. Ikaw na lang lagi ang topic.” Sumunod siya sa akin habang sinasabi ang lahat ng iyon. Humarap ako sa kaniya bago nagsalita. “Alam mo Meriam, sa haba ng panahon na nabubuhay tayo, hindi ka pa ba sanay na pinaguusapan ng ibang tao? Their opinion is still not matter to me unlike you.” Mataray na sagot ko kaniya, hindi ko man lang siya tinapunan ng tingin.“Talaga ba? Paan
Aira Jane’s Point of View“A-anong oras na?” rinig kong tanong ni Miguel.“Hapon na, magala-singko na. Kamusta tulog mo? Nagugutom ka na ba?” nagaalalang tanong ko.Nakaiglip din ako habang pinagmamasdan siya pero dahil sa sobrang init ay hindi ko magawang matulog ulit. Ito naman si Miguel grabe ang sarap ng tulog, halatang pagod siya. “Pasensya ka na kung naabala kita.” Hinging pasensya niya sa akin.“Wala iyon, basta huli na ito.” Tumayo na ako mula sa tent ng pigilan niya ako. “Maupo ka muna, magusap tayo.” Tiningnan ko siya saka nagsimulang maupo ulit.“Pwede bang umuwi ka sa bahay, samahan mo si Mama.” Nagulat naman ako sa tanong niya.“Bakit may nangyari ba kay Mama?” nagaalala kong tanong.“Wala naman, nagaalala lang akong wala siyang kasama doon, palagi akong nasa trabaho kung umuuwi naman ako palagi sa bahay na binili ni Abby. Kilala mo naman siya di ba? Ang gusto palagi pinapagod ang sarili niya.”“Parang ikaw.” Bulong ko na kinataas ng kilay niya. “Sige, subukan ko siyang i
Aira Jane’s Point of ViewHindi ako nauwi sa mansion. Hindi naman nila ako hahanapin. Dito ako matutulong sa bahay ni Mama. Wala naman siyang kasama, isa pa napagod kaming dalawa na mag-shopping at gumala sa mall. 11pm na ng kami ay nakauwi.“Hays, ito ang pangatlong araw ko sa kwarto na ito, pangalawang beses ko matutulog dito.” Bulong ko sa sarili ko ng sumalampak ako sa malambot na kami.“Aira, iha?” katok ni Mama sa pinto ng kwarto. Bumangon naman ako pero nakapasok na si Mama sa loob ng kwarto. “Gusto ko lang malaman kung kakain ka pa ba? Kasi kung oo ipagluluto kita. Ano bang gusto mo? Uuwi kasi si Miguel dito kaya nagluto ako ng sabaw, lasing nung tumawag e.” napabalikwas naman ako.“Ma, pwede bang umuwi ako?” tanong ni Mama.“Bakit? Iniiwasan mo ba si Miguel.” Bigla akong natameme sa tanong ni Mama. Hindi ko alam pero hindi ko kasi kayang makasama si Miguel ng may ibang tao na nakakita. Pakiramdam ko kasi ginagamit naming sila ni Miguel para lukuhin si Abby, which is I don’t w
Aira Jane’s Point of ViewMatapos ang nangyari sa amin ni Miguel ay wala na kaming sunod na pagkikita. Umalis ako ng gabing iyon habang natutulog siya, hindi na din ako nagpaalam pa kay Mama.“Paano kung malaman ng half-sister mo iyan? Mas magkakagulo lang Aira!” anya ni Raven sa akin. Masakit ang ulo ko ng pumasok ako, ang hirap din pala magpanggap na ayos lang ang lahat.“Paano naman niya malalaman kung walang magsasabi sa kaniya? Malamang hindi rin sasabihin ‘yon ni Miguel.” Wika ko habang nakasapo ang ulo kong nakapatong sa lamesa.“Ay nako! Hindi ka na talaga nadala! Kung hindi mo naman ipaglalaban si Miguel edi sana hindi ka nagpapadala dyan sa damdamin mo. Ang unfair mo sa totoo lang.”“Bakit ako? Bakit ako pa ngayon ang unfair? Hindi ba siya?” gulat kong tanong sa kaniya.“Tsk.” Napairap na lang si Raven ng hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin.“Imagine, tinanggap mo lang mga paliwanag nila without saying what’s inside you! Sa tingin mo ba tama iyon? Sa tingin mo ba h
Miguel Ice's Point of View "Mamaya mo na iyan ituloy, kumain ka na muna." Pasok ni Abby dito sa office ko sa bahay niya. Hindi ko gusto pero para sa ikakatahimik ng isip ng mama ko ginawa ko ang gusto niya. Malambot ang puso ni Mama lalo na sa mga anak na nagmamakaawa. "Busog pa ako." Simula ng tumira ako dito, ni hindi ko man lang siya nagawang tingnan. Nahahawakan niya ako pero gustong-gusto ko siya itulak para palayuin ngunit hindi ko magawa dahil sa awa. Maayos siya pag nandito sa bahay, maasikaso at nakakapagalaga ng anak niya. Kung noon tuwang tuwa akong makipaglaro sa anak niya. Tito-daddy pa nga ang pagpapakilala niya sa akin. Masaya akong makipaglaro sa bata pero noong pinakasalan ko siya dahil sa pananakot niya nawala ang amor nilang magina sa akin. Sabihin na natin na dapat hindi idamay ang bata pero siya ang malaking dahilan bakit pumayag at nagmakaaawa sa akin si Mama. " Hanggang kailan ka ba ganito? Asawa mo ako pero parang tauhan lang ako sa posporo kung ituring mo