She was married! Parang isang sirang plaka na paulit-ulit na nagp-play sa utak ko ang mga sinabing iyon ni Manang Maria.
Kung tama nga ang kutob ko na may relasyon silang dalawa ibig sabihin lang no’n ay... Kabit ni Lucy si Joaquin!
Masyado ng imoral ang mga bagay na pumapasok ngayon sa isip ko. Nagkibit-balikat na lamang ako. Ayokong magpaka-stress pa dahil doon. Siguro ay kailangan ko na lang hayaan na lumabas ang katotohanan sa tamang panahon.
Bandang alas sais ay
Ang presensya ni Manang Maria rito sa loob ng penthouse ni Joaquin ang nagsilbing distraction ko. Kahit mahirap, wala akong ibang dapat gawin kundi ang piliting mag-move on at tanggapin na lang na hindi talaga siguro kami ni James ang nakatadhana para sa isa't isa."Naibalita sa akin ni Henry na lasing na lasing daw si Sir kagabi."Natigil ako sa malalim na pag-iisip nang magsalita si Manang; abala siya sa pagsasalin ng orange juice sa aking baso. Agad akong tumango."Opo, n
Pagkatapos ng misa ay nagtulos kami ng kandila sa gilid ng basilica. May ilang nagtitinda ng kandila ang nag-aalok ng padasal sa pamamagitan ng pagsasayaw ng Sinulog ritual. Pagkalabas namin ng simbahan ay nilakad namin ni Manang ang daan papuntang Plaza Sugbo; hindi ito kalayuan mula sa basilica. Dito raw matatagpuan ang isang chapel kung saan naroroon ang replica ng makasaysayang Magellan’s cross. Nakakahanga dahil na-preserve talaga ng lungsod ang history ng lugar na ito sa kabila ng modernisasyon ng makabagong panahon. Dahil sa ginawa naming pamamasyal kahit papaano ay naibsan ang nararamdaman kong pagkainis kay Joaquin ka
Patakbo akong bumalik sa aking silid pagkatapos ng komprontasyon kong iyon kay Joaquin. Mabilis kong ni-lock ang pinto para hindi siya makapasok kung sakali mang maisipan niya akong sundan.Pagkaupo ko sa kama ay tumunog ang aking cellphone. Isang videocall ang natanggap ko mula kay Liz.“Couz!” excited niyang saad mula sa kabilang linya. Umayos ako ng upo habang inaaninaw ang pigura niya sa screen.“We’re gonna be there on Tuesday!” pagbabalita
“It’s a pleasure to meet you Denise,” magalang na pamamaalam sa akin ni Engr. Berdaje pagkatapos nilang mag-usap ni Joaquin. Matamis na ngiti naman ang iginawad sa akin ni Lucy bago nila kami tuluyang talikuran. Akmang maglalakad na sila papunta sa kabilang lamesa nang ako’y tumugon.“It’s also my pleasure sir. Mag-iingat po sana kayo!” masiglang sambit ko habang isang makahulugan at nakakapasong titig ang ipinupukol ko ngayon sa katabi kong si Joaquin. Gusto ko na talagang sumigaw para marinig ni Engr. Berdaje ang mga tumatakbo sa isip ko. Mag-iingat po sana kayo sa mga ahas at higad sa paligid n’yo!
Habang tumatakbo ang aming sasakyan ay umilaw ang screen ng cellphone ni Joaquin na nakalapag sa may dashboard. Nagbaba siya ng tingin doon. Bumagal ang paraan ng aking paghinga nang matanaw ko ang pangalan na nag-appear sa caller id.Luzviminda BerdajeCalling...Itinabi niya ang sasakyan sa gilid ng highway pagkatapos ay nilingon ako.
Change of hearts. Alam kong malabong mangyari iyon sa akin. If someone will rip my heart out right now, there was no second thought it was only James whom I really love. Our five years relationship was built with love, trust and compassion. Kaya naman magpahanggang ngayon ay hindi ko pa rin kayang patawarin ang sarili ko sa napakalaking kasalanang nagawa ko sa kanya.What I didn't understand was the strange feeling that I had towards Joaquin. Why did I feel bothered; especially on his scandalous relationship with Lucy?Mula pa noong Lunes ay hindi na kami muling nagkaroon ng pagkakataon na makapag-usap ni Joaquin. It was either he cam
Naging abala si Manang Maria sa paghahain para sa aming agahan. Habang nakaupo ako sa nakagawian kong pwesto rito sa dining table ay hindi ko mapigilan ang mga mata ko na mapadako sa namamagang pisngi ni Joaquin. Labis na pag-aalala na naman ang naramdaman ko. Kailangan na niya talagang matingnan ng doktor. Kaya naman pagkatapos naming kumain ay inutusan ko si Manang na tawagan ang doktor ng pamilya upang makapunta ito ngayon sa penthouse.Hindi na nagawang tumutol ni Joaquin na matingnan siya ni Doctor Perez. Mga bandang alas diyes ng umaga ito dumating.
Mag-a-alas nuwebe na ng gabi ay hindi pa rin nakakauwi si Joaquin dito sa penthouse. Pinilit ko lang ubusin ang ihinatid na pagkain sa akin ng mga staff kanina. Wala talaga akong gana dahil natutulala pa rin ako sa tuwing naiisip ko ang mga nangyayari ngayon.Murder! It was a very serious accusation. Inosente man si Joaquin ay hindi malayong pag-isipan siya ng masama ng mga kaanak ni Engr. Berdaje lalo pa at kung natuklasan na nila ang imoral na relasyon nilang dalawa ni Lucy.Nilibang ko na lamang ang aking sarili sa panonood ng TV. Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto. Iniluwa noon si Joaquin.
Joaquin Del Mundo“Putsa talo!” matunog na mura ng katabi kong si Jeff. Malaki ang ngisi ni Mark habang pinapasadahan ng tingin kami isa-isa.Mga kaklase ko sila noong highshool sa isang international school. Kahit na sa ibang bansa ako nag-aral ng kolehiyo ay hindi pa rin nito natibag ang matibay naming samahan.
Ang isang linggong bakasyon ko ay tumagal pa. Halos magtatatlong linggo na ako ngayon dito sa Cebu. Ipinasyal ako ni Joaquin sa iba pang sikat na tourist destination dito. After our trip, we both stayed at Midland Hotel’s penthouse.I could clearly remember the day when I stepped in again on the penthouse. Sobrang salungat iyon sa naging emosyon ko nang nilisan ko ito ilang taon na ang nakalilipas. Kung noong umalis ako ay puno ng galit ang aking puso ngayon naman ay walang pagsidlang kaligayahan ang nadarama ko.
Sabi nila ang isang tao raw na malapit nang mamatay ay nakakakita ng mga yumao nilang kamag-anak.Siguro nga patay na ako dahil sa pagrehistro naman ng imahe ni Daddy ngayon sa harapan ko nang ako’y muling dumilat. Malungkot ang ekspresyon ng kanyang mukha. Dinampian niya gamit ang
Hindi ko na alintana ang ginagawang pagtawag sa pangalan ko nina Troy at Elisse. Mabilis akong nagtatakbo pabalik ng ospital. Panay pagdausdos ng mga luha ko sa tuwing inaalala ko ang mga huling salitang binitiwan ni Mommy sa akin kanina.Halos hawiin ko ang mga taong nakakasalubong ko makarating lang ako agad sa elevator ng ospital. Ngunit hindi pa ito nakakababa sa groundfloor nang makarating ako. Dahil dito ay tinakbo ko kaagad ang kinaroroonan ng hagdanan.
“Denise?” Tila mapupugto ang aking hininga pagkabanggit ni Joaquin sa pangalan ko.“Why are you calling?” nag-aalala pa niyang tanong. I cleared my throat. Kailangan kong pakalmahin ang sarili ko para makapag-usap kami ng maayos. Pero tila unti-unti akong nawawalan ng lakas na ituloy pa ang mga sasabihin ko.
Maingat ang paraan ng paghalik ni Joaquin sa akin. Tila nanantya sa mga susunod niyang gagawin. My mind was clouded with different things. Bakit nangyayari ito? Bakit niya ako hinahalikan?Tinulak ko siya nang malakas. “Joaquin what are you doing?” naiinis kong utas.Hindi siya
Pagkakain namin ni Christian ng lunch ay bumalik na ako sa aking opisina. Tumambad sa akin ang napakaraming for approval na folder na nakapatong sa ibabaw ng office table ko.“Rose,” pagtawag ko sa aking sekretarya.
Maingat kong itinaas mula sa aking likod ang zipper ng suot kong pink pleated dress. Pagkaraan ay nag-retouch na ako ng aking make-up. Alas singko ako nag-out sa opisina kanina. Umuwi muna ako ng bahay para makapagpalit ng damit. Sa loob ng limang taon ito ang maituturing kong “first formal date.”Nagpa-reserve ng dinner si Christian sa Sofitel. Alas siyete ang usapan naming dalawa kaya naman agad na rin akong bumaba pagkatapos kong mag-ayos.Pagdating ko sa sala ay tumaas ang kilay ko nang makita kong bihis na bihis ang aking anak. Nakasuot siya ng asul na polo shirt, itim na pantalon at itim
Mabilis ko silang nilapitan. Mabibikas ang pagkabigla ni James sa mga nagaganap. Sapo niya ang isang pisngi na tinamaan ng malakas na suntok ni Joaquin. Sa kabila noon matatalim na titig ang ipinipukol sa kanya ng kaharap. Patakbong dinaluhan ni Lauren si James na labis ding nabigla sa mga nangyayari.Akmang susuntukin ulit ni Joaquin si James ngunit naunahan siya ng huli. Inundayan ni James ng isang solidong suntok si Joaquin sa pisngi. Mukhang napuruhan niya ito. Pumutok ang ibabaw ng labi ni Joaquin dahil dito.