Patakbo akong bumalik sa aking silid pagkatapos ng komprontasyon kong iyon kay Joaquin. Mabilis kong ni-lock ang pinto para hindi siya makapasok kung sakali mang maisipan niya akong sundan.
Pagkaupo ko sa kama ay tumunog ang aking cellphone. Isang videocall ang natanggap ko mula kay Liz.
“Couz!” excited niyang saad mula sa kabilang linya. Umayos ako ng upo habang inaaninaw ang pigura niya sa screen.
“We’re gonna be there on Tuesday!” pagbabalita
“It’s a pleasure to meet you Denise,” magalang na pamamaalam sa akin ni Engr. Berdaje pagkatapos nilang mag-usap ni Joaquin. Matamis na ngiti naman ang iginawad sa akin ni Lucy bago nila kami tuluyang talikuran. Akmang maglalakad na sila papunta sa kabilang lamesa nang ako’y tumugon.“It’s also my pleasure sir. Mag-iingat po sana kayo!” masiglang sambit ko habang isang makahulugan at nakakapasong titig ang ipinupukol ko ngayon sa katabi kong si Joaquin. Gusto ko na talagang sumigaw para marinig ni Engr. Berdaje ang mga tumatakbo sa isip ko. Mag-iingat po sana kayo sa mga ahas at higad sa paligid n’yo!
Habang tumatakbo ang aming sasakyan ay umilaw ang screen ng cellphone ni Joaquin na nakalapag sa may dashboard. Nagbaba siya ng tingin doon. Bumagal ang paraan ng aking paghinga nang matanaw ko ang pangalan na nag-appear sa caller id.Luzviminda BerdajeCalling...Itinabi niya ang sasakyan sa gilid ng highway pagkatapos ay nilingon ako.
Change of hearts. Alam kong malabong mangyari iyon sa akin. If someone will rip my heart out right now, there was no second thought it was only James whom I really love. Our five years relationship was built with love, trust and compassion. Kaya naman magpahanggang ngayon ay hindi ko pa rin kayang patawarin ang sarili ko sa napakalaking kasalanang nagawa ko sa kanya.What I didn't understand was the strange feeling that I had towards Joaquin. Why did I feel bothered; especially on his scandalous relationship with Lucy?Mula pa noong Lunes ay hindi na kami muling nagkaroon ng pagkakataon na makapag-usap ni Joaquin. It was either he cam
Naging abala si Manang Maria sa paghahain para sa aming agahan. Habang nakaupo ako sa nakagawian kong pwesto rito sa dining table ay hindi ko mapigilan ang mga mata ko na mapadako sa namamagang pisngi ni Joaquin. Labis na pag-aalala na naman ang naramdaman ko. Kailangan na niya talagang matingnan ng doktor. Kaya naman pagkatapos naming kumain ay inutusan ko si Manang na tawagan ang doktor ng pamilya upang makapunta ito ngayon sa penthouse.Hindi na nagawang tumutol ni Joaquin na matingnan siya ni Doctor Perez. Mga bandang alas diyes ng umaga ito dumating.
Mag-a-alas nuwebe na ng gabi ay hindi pa rin nakakauwi si Joaquin dito sa penthouse. Pinilit ko lang ubusin ang ihinatid na pagkain sa akin ng mga staff kanina. Wala talaga akong gana dahil natutulala pa rin ako sa tuwing naiisip ko ang mga nangyayari ngayon.Murder! It was a very serious accusation. Inosente man si Joaquin ay hindi malayong pag-isipan siya ng masama ng mga kaanak ni Engr. Berdaje lalo pa at kung natuklasan na nila ang imoral na relasyon nilang dalawa ni Lucy.Nilibang ko na lamang ang aking sarili sa panonood ng TV. Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto. Iniluwa noon si Joaquin.
“I will not let my parent’s decision controls mine,” paniniyak ko kay Joaquin. Buong kompiyansya ko iyong sinabi sa kanya sa kabila ng nararamdaman kong bahagyang pagkailang sa tuwing nagtatama ang aming mga mata. Sigurado akong dahil iyon sa ginawa kong paghalik sa kanya kagabi.Nagpahatid ng breakfast si Joaquin sa penthouse para sa aming dalawa. Sa isang linggo pa kasi ang balik ni Manang Maria dahil sa one week vacation leave niya. Umuwi siya sa pamilya niya sa Oslob.Habang nililigpit ko na
Malalaki ang naging paghakbang ko para masundan silang dalawa sa loob ng silid ni Joaquin. Buong tapang kong pinihit ang door knob ngunit hindi ko na itong nagawang buksan dahil sa pagkaka-lock nito. Napaatras ako dahil doon.Kailangan pa talaga nilang mag-lock? Bakit? Dahil ba ayaw nilang maistorbo? Napatulala na lamang ako sa harap ng pinto. Parang sasabog na ang utak ko dahil sa samu't saring bagay na naiisip kong ginagawa nilang dalawa ngayon sa loob. Hindi ko na namalayan ang mga luhang wala ng tigil sa paglalaglagan mula sa aking magkabilang mata. Ang tanga-tanga ko kasi! Nahalikan lang niya ako ma
Pagkapasok ko sa isa sa mga deluxe suite ng Conrad Hotel ay agad kong ini-on ang cellphone kong kaninang umaga pa nakapatay. Kaagad na tumunog ang message alert tone nito. Naagaw ang atensyon ko sa magkakasunod na mga text message galing kay Joaquin.Joaquin: Let’s talk...Joaquin: I’m really worried. Are you mad about last night?J
Joaquin Del Mundo“Putsa talo!” matunog na mura ng katabi kong si Jeff. Malaki ang ngisi ni Mark habang pinapasadahan ng tingin kami isa-isa.Mga kaklase ko sila noong highshool sa isang international school. Kahit na sa ibang bansa ako nag-aral ng kolehiyo ay hindi pa rin nito natibag ang matibay naming samahan.
Ang isang linggong bakasyon ko ay tumagal pa. Halos magtatatlong linggo na ako ngayon dito sa Cebu. Ipinasyal ako ni Joaquin sa iba pang sikat na tourist destination dito. After our trip, we both stayed at Midland Hotel’s penthouse.I could clearly remember the day when I stepped in again on the penthouse. Sobrang salungat iyon sa naging emosyon ko nang nilisan ko ito ilang taon na ang nakalilipas. Kung noong umalis ako ay puno ng galit ang aking puso ngayon naman ay walang pagsidlang kaligayahan ang nadarama ko.
Sabi nila ang isang tao raw na malapit nang mamatay ay nakakakita ng mga yumao nilang kamag-anak.Siguro nga patay na ako dahil sa pagrehistro naman ng imahe ni Daddy ngayon sa harapan ko nang ako’y muling dumilat. Malungkot ang ekspresyon ng kanyang mukha. Dinampian niya gamit ang
Hindi ko na alintana ang ginagawang pagtawag sa pangalan ko nina Troy at Elisse. Mabilis akong nagtatakbo pabalik ng ospital. Panay pagdausdos ng mga luha ko sa tuwing inaalala ko ang mga huling salitang binitiwan ni Mommy sa akin kanina.Halos hawiin ko ang mga taong nakakasalubong ko makarating lang ako agad sa elevator ng ospital. Ngunit hindi pa ito nakakababa sa groundfloor nang makarating ako. Dahil dito ay tinakbo ko kaagad ang kinaroroonan ng hagdanan.
“Denise?” Tila mapupugto ang aking hininga pagkabanggit ni Joaquin sa pangalan ko.“Why are you calling?” nag-aalala pa niyang tanong. I cleared my throat. Kailangan kong pakalmahin ang sarili ko para makapag-usap kami ng maayos. Pero tila unti-unti akong nawawalan ng lakas na ituloy pa ang mga sasabihin ko.
Maingat ang paraan ng paghalik ni Joaquin sa akin. Tila nanantya sa mga susunod niyang gagawin. My mind was clouded with different things. Bakit nangyayari ito? Bakit niya ako hinahalikan?Tinulak ko siya nang malakas. “Joaquin what are you doing?” naiinis kong utas.Hindi siya
Pagkakain namin ni Christian ng lunch ay bumalik na ako sa aking opisina. Tumambad sa akin ang napakaraming for approval na folder na nakapatong sa ibabaw ng office table ko.“Rose,” pagtawag ko sa aking sekretarya.
Maingat kong itinaas mula sa aking likod ang zipper ng suot kong pink pleated dress. Pagkaraan ay nag-retouch na ako ng aking make-up. Alas singko ako nag-out sa opisina kanina. Umuwi muna ako ng bahay para makapagpalit ng damit. Sa loob ng limang taon ito ang maituturing kong “first formal date.”Nagpa-reserve ng dinner si Christian sa Sofitel. Alas siyete ang usapan naming dalawa kaya naman agad na rin akong bumaba pagkatapos kong mag-ayos.Pagdating ko sa sala ay tumaas ang kilay ko nang makita kong bihis na bihis ang aking anak. Nakasuot siya ng asul na polo shirt, itim na pantalon at itim
Mabilis ko silang nilapitan. Mabibikas ang pagkabigla ni James sa mga nagaganap. Sapo niya ang isang pisngi na tinamaan ng malakas na suntok ni Joaquin. Sa kabila noon matatalim na titig ang ipinipukol sa kanya ng kaharap. Patakbong dinaluhan ni Lauren si James na labis ding nabigla sa mga nangyayari.Akmang susuntukin ulit ni Joaquin si James ngunit naunahan siya ng huli. Inundayan ni James ng isang solidong suntok si Joaquin sa pisngi. Mukhang napuruhan niya ito. Pumutok ang ibabaw ng labi ni Joaquin dahil dito.