Share

Chapter 49

Sinubukang tawagan muli ni Sebastian ang numero, ngunit hindi na niya ito macontact pa. Tanda na hindi na siya nais makausap pang muli ni Spectra.

Inutusan pa niya ang kanyang tauhan upang i-trace ang numero at kung sino talaga ang may-ari nito. Ilang minuto lang ang lumipas ay bumalik kaagad ang lalaki.

“Boss, nasa Manila naka-pin ang location ng number. Luma na dahil limang taon nang ginagamit ng may-ari na si Ayanna Trinidad,” pahayag ng kanyang tauhan sa kanya.

Inaasahan ni Sebastian na magrereact ang kanyang puso sa oras na marinig ang pangalan na iyon, ngunit hindi na. Marahil ay dahil napatunayan na rin niya na hindi nga talaga ito si Ayanna at totoong ginagamit lamang ni Spectra ang impormasyon ng dati niyang nobya.

Padarag na naupo si Sebastian sa sofa habang hinihilot ang kanyang ulo. Isa lang ang ibig-sabihin ng kanyang nalaman ngayon. Ayanna is indeed dead at hindi na ito babalik pa sa kanya. Sobrang tanga niya para paniwalaan na maaari pang buhay ito.

“Hello, Mr. Trinidad
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status