Share

Chapter 53

Dahan-dahang binuksan ni Ivy ang pintuan ng silid. Tumambad sa kanya si Berta na nakaupong de-kwatro habang nanonood ng TV. Dinig sa silid na iyon ang malakas na halakhak nito hanggang sa mahulog na siya mula sa kinauupuan niya.

Napangiwi si Ivy sa kanyang nakita. Sa sobrang pangit ng itsura ni Berta ay hindi niya ito matingnan nang matagal, lalo kapag tumatawa ito. Sigurado siyang kapag tinitigan niya ito ay masusuka lamang siya.

“Sinabi ko bang pumasok ka rito? Umalis ka na.”

Natigilan si Ivy sa kanyang narinig at tila lalong kinilabutan nang marinig ang boses na iyon ni Berta. Pati ang kanyang boses ay sobrang sama gaya ng kanyang itsura! Wala bang maganda sa taong ito?

Halos ihagis ni Ivy ang tray ng pagkain na dala at tumakbo palabas!

Sinubukan niyang kalmahin ang kanyang sarili, ngunit tumatapon na ang pagkain sa tray dahil sa labis na pangangatal ng kanyang mga kamay.

“Um… B-Berta, dinalhan lang kita ng pagkain” Nanginginig niyang sinabi at walang tingin na pinatong ang tray sa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Lorac Brown
kelan ka mag update????
goodnovel comment avatar
calistazoe
Hello! Puwede bang makahingi ng konting time niyo to give this story a review? I’m excited to read your opinions about this. Thank you in advance! 🫶
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status