Share

Chapter 3

Mabilis pa sa alas kuwatro akong nagbihis ng damit kahit pa medyo nanginginig pa ang tuhod ko. Tangina talaga. Problema nga talaga ito. Dapat hindi ako nagpadala sa tukso. Buwesit na 'to.

Pero kasalan ko rin naman. Masiyadong masarap kahit hindi dapat gawin--lalo na sa katulad kong mahirap lang.

"Aalis ka na?" hindi makapaniwalang tanong ni Lucas sa akin. 

Isinuot ko muna ang corset top ko bago siya sagutin. "Yes. May gagawin papala ako."

"This late?" 

Nilingon ko siya, "Oo."

Binuksan ko agad ang pinto ng kotse niya saka mabilis na naglakad paalis. As much as I wanted to stay at magpaalipin ulit sa libog ay hindi maaari. 

Ito na ang huli.

"Sandali!" rinig kong sambit ni Lucas pero nakalayo na ako at wala na akong plano pang lumingon sa kinaroroonan niya.

Hindi na ako bumalik sa club at dumiretso na ng uwi sa inuupahan kong apartment. Nakapagdesisyon na ako. Kailangan ko na putulin ang ugnayan namin ni Lucas. Hindi na dapat patagalin ito. Lilipat na ako ng trabaho. Siguro naman ay mabubuhay pa ako sa loob ng isang linggo kung hindi man ako makakita ng trabaho agad. Ang importante, makatakas ako sa temtasyon na dala dala ni Lucas.

Maaga akong umalis sa apartment ko at pumunta sa club kinabukasan upang magresign.

"Pagkatapos ng eskandalo mo, mag-reresign ka?" tanong ng manager namin sa club. 

"Kaya nga po aalis nalang po ako sa club. Alam kong medyo hindi maganda ang naging dulot ng eskandalo ko kagabi. Pasensiya na po," sagot ko sa manager namin. Nakayuko ako habang sinasabi ang katagang iyon. Hindi ko kasi magawang i-angat ang mukha ko dahil baka makita niyang namumula ang pisngi ko. 

Hindi kasi maalis sa isip ko ang nangyari kagabi.

"Hindi naman nagalit sa iyo ang may-ari ng club. Bagkus, banned na 'yung nambastos sa iyo kagabi."

Napaangat ako ng mukha ko. "Po?!"

"Kaya nga nagtataka ako kung bakit ka mag-reresign e wala ka namang ginawang mali," nagtataka ang mukhang tanong niya sa akin habang gulat naman ang nababakas sa mukha ko.

Masiyado naman yatang imposible na papanigan ng may-ari ang empleyado niya.

"Huwag mo na ituloy, Lucy. Sayang ka, marami pa naman nagtitip sa iyo."

Napakagat ako sa ibabang labi ko. Pinipigilan ko ang isip kong bumigay. Tangina ang hirap naman nito. 

"Kailangan ko na po kasing lumipat ng bagong uupahan. Bukod sa hindi na kasya ng kita ko ang upa, kailangan ko rin mapalapit sa nanay ko. May sakit kasi siya at walang makakapag-alaga sa kanya..." Kung may paligsahan lang ng kasalanan, malamang sa malamang, ako na isusunod kay satanas. 

Wala na akong ibang maisip na dahilan. At saka, totoo rin namang may sakit ang nanay ko--sakit sa ulo nga lang kasi walang pera. Kung bibigyan ko yan ng pera, wala agad sakit ng ulo niya.

Sa kabutihang palad, napapayag ko rin naman ang manager namin at binigyan niya ako ng sweldo ko bago ako tuluyang umalis. Pagka-uwi ko sa apartment ko ay nag-impake agad ako ng gamit ko na konti lang naman. Kasya lang sa isang luggage na binigay lang nung nakatrabaho ko sa isang coffee shop dati na flight attendant. Luma na ito pero para pa ring bago dahil iniingat-ingatan ko ang maletang ito. May isa rin akong malaking bag dahil hindi na nagkasya ang gamit ko sa maleta.

Nang makarating ako sa inuupahan ring bahay ng nanay at mga kapatid ko ay bungad sa akin ang mabahong amoy ng kanal na nasa gilid ng bahay. Inilibot ko ang aking paningin sa mga kapitbahay na nanonood sa akin. Pinagmamasdan ang galaw ko. Kahit ako rin naman ay mapapalingon rin ako kung may biglang dadating na makinis at naka maleta na babae sa tila iskwater na lugar namin. Mapapamarites ka talaga sa kung ano ang nais ng dilag na ito.

"Lucinda!"

Napalingon ako harap ko nang marinig ko ang boses ng nanay ko. Galit ang mukha nito habang nakatingin sa dala kong gamit. Pumasok ako sa loob ng walang imik. Nang makapasok ay agad akong tinanong ni nanay.

"Ba't ka nandito? Iniwan mo ba ang trabaho mo sa syudad? Paano na tayo nito?" aligagang tanong niya. Galit man ay pinatili nitong mahinahon ang boses.

"Napromote ako sa trabaho banda dito kaya naisipan kong dito muna tumuloy habang naghahanap ako ng medyo magandang uupahan," pagsisinungaling ko. Although hindi rin naman siya purely kasinungalingan kasi natext ko na yung kaibigan kong si Jessa. Raraket ako sa club na pinagta-trabahuan niya bilang pole dancer. Medyo mahirap ito pero kailangan kong kumayod. Baka rin magustuhan ng manager ang performance ko at alukin akong magtrabaho.

Wala na rin namang naging katanungan pa ang nanay ko kaya dumiretso na ako sa isang kwarto na medyo maluwag pa. 

"Diyan ka na muna. Ipapahakot ko mga gamit ng kapatid mo diyan papunta sa kwarto ko. Nasa skwelahan pa kasi mga kapatid mo."

Tumango lamang ako sa itinuran ng nanay ko. Inihimlay ko ang katawan ko sa matigas na papag na tanging banig lamang ang nakalantad.

Nagising ako bandang alas siyete na ng gabi. Agad akong nag gayak para umalis at pumunta sa trabaho. Suot ko ang pulang pole costume na parang halter top na may sequence at kulay pula rin na shorts na may sequence rin. Pinakaseductive tignan ang butas sa top ko sa bandang dibdib na disenyo ng costume kung saan binabalandra nito ang malusog kong dibdib. Pinatungan ko ito ng jacket at nagsuot na rin ako ng pajama para takpan ang suot ko.

Paglabas ko sa bahay ay hinatid ako ng kapatid kong lalaki na labing-pitong taong gulang sa sakayan ng tricycle. 

"Masaya ako na nadito ka na sa bahay, ate. Ilang buwan ka rin naming hindi nakita... na miss ka namin." 

Napatigil ako sa paglalakad nang marinig kong magsalita ang kapatid ko. Hindi kami masiyadong close ng mga kapatid ko dahil hindi ko sila nakakabonding sa dalas kong nasa trabaho. Sampung taong gulang ako nang magsimula akong humanap ng raket. Yung mga kapatid ko naman ay bata pa kaya hindi ko na maalala ang huling pakihimamat ko sa kanila noon. At dahil hindi naman kami masiyadong close, wala akong maapuhap na salita. 

"Alam namin na dahil sa amin tutok na tutok ka sa trabaho. Ni pakikipagboyfriend, hindi mo magawa, ate," pagtutuloy pa nito.

Naglakad akong muli at ganon na rin siya. "Kung hindi ako kakayod, malamang sa malamang, matagal na tayong namatay sa gutom."

"Alam namin 'yan, ate. Nagpapasalamat kami na kahit na mahirap tayo ay may kapatid kaming katulad mo, hindi mo kami pinapabayaan. At saka, kahit pa ilang beses ka na inaalipusta ng mga kamag-anak natin ay hindi ka pa rin nagpapatinag."

Tila naman may nakabara sa lalamunan ko upang hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam na ganito pala ang iniisip ng kapatid ko--na gaya ko, maagang nag matured mag-isip. Ganon na siguro talaga, kapag mahirap ka madali ka talagang mamumulat sa reyalidad.

Nilingon ko ang kapatid ko nang nasa harap na kami ng sakayan ng tricycle. "Dito na... sasakay na ako. Ingat ka pauwi," sabi ko sa kapatid ko.

Tumango naman siya sa akin at hinintay muna niyang umalis ang sinasakyan kong tricycle bago tumalikod pauwi.

Kinakailangan ko talagang kumayod. Para sa pamilya ko, para sa kapatid ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status