Share

The Accidental Wedding
The Accidental Wedding
Penulis: Lunayvaiine

CHAPTER 1

Penulis: Lunayvaiine
last update Terakhir Diperbarui: 2022-11-03 18:00:52

Tunog ng alarm clock ang nagpagising sa natutulog niyang diwa. Pasado alas sais na nang umaga. Araw niyon ng sabado.

Nakaugalian na ni Theia na pumunta sa farm ng mga magulang niya. Nasa abroad kasi ang mga magulang niya ngayon. Nagbabakasyon regalo ng Daddy niya sa Mommy niya ang mag-out of the country. Wedding anniversary kasi ng mga magulang niya noong nakaraan.

Dahil hindi niya maasahan ang kuya niya wala na kasi ibang ginawa iyon kun'di ang gumala at sumama sa barkada.

Matapos niyang maghanda saka na siya umalis patungo sa farm nila. Hindi naman iyon gaanong kalayuan mula sa tinitirhan niyang apartment. Wala na kasi siya sa puder ng magulang niya simula n'ong grumaduate siya ay nagpaalam siya sa mga magulang na bumukod na. Bibisita na lang siya kada weekend sa kanila or sa farm. Pumayag naman ang mga magulang niya sa hiling niya. Wala naman siyang hiniling na hindi pinayagan ng magulang niya. Bukod na naging mabuti siyang anak, lahat ng gusto ng magulang niya ay sinusunod naman niya. Wala din siyang binigay na sakit ng ulo sa mga magulang niya kahit noong nag-aaral pa lang siya.

"Good Morning Miss. Theia." bati sa kaniya ni Mang Ernes.

"Magandang Umaga ho, kumusta naman kayo dito?"

"Maayos naman po Miss. Nga po pala bilin po ni Sir. Agusto na kapag nandito na po kayo pumunta raw po kayo sa office niya may mga papeles raw po doon tingnan niyo na lang po."

"Sige ho Mang Ernes salamat."

Agad na pumasok si Theia sa rest house nila at nagtungo sa opisina ng Daddy niya. Wala naman sinabi sa kaniya ang Daddy niya sa kaniya kaya nagtataka siya kung anong papeles iyon.

Kahit tuwing weekend siya pumupunta sa farm nila humahanga pa din si Theia kung paano alagaan ng mga tauhan nila ang rest house na minana pa nila mula sa lolo at lola niyang namayapa na. Ito na lang kasi ang natirang alaala nila sa mga magulang ng Daddy niya.

Umupo siya sa office table ng Daddy niya saka binuklat ang folder na nakalagay doon. Nanlaki ang mata niya ng makita kung ano iyon.

Last will and testament ng Daddy niya sa kanilang magkakapatid.

Isa sa umagaw ng atensyon niya sa papel na iyon ay ang manang matatanggap niya. Ang gusto ng Daddy niya bago siya tumuntong sa edad na trenta ay nakapag-asawa na siya. Gusto rin ng Daddy niya na bigyan niya ito ng apo na lalaki. Ganoon din sa kuya niya. Saka lang nila makukuha ang mana mula sa mga magulang nila kapag naibigay na nila ang nasa last will and testament.

Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon kaaga gagawa ng last will and testament ang magulang niya.

Agad niyang tinawagan ang Daddy niya para alamin ang dahilan kung bakit gan'on ang nasa last will and testament na binigay sa kaniya. Pero bigo siyang makausap ang magulang out of coverage ito. Siguro ay ayaw nitong magpa-istorbo sa nakasyon nila. Siguro ay saka na lang niya ito kakausapin kapag nakauwi na ang mag ito.

Hapon na nang makauwi siya. Bigla naman siyang tinawagan ng kaibigan niya.

"Hoy gaga! nasaan ka ba? kanina ka pa namin tinatawagan. Hindi ka man lang sumasagot. Iisipin na sana namin na nakidnap kana." inilayo niya ang cellphone sa tenga sa lakas ng boses ng kaibigan.

"Tigilan mo ako sa kakornyhan mo Matthea alam niyo naman na nasa farm lang ako tuwing sabado. Bakit ba? ano bang kailangan mo?"

"Naku! huli na talaga 'to sa balita ayan kasi nagsosolo ka lagi hindi kana sumasama sa'min."

"Matthea Imree ---"

"STOP!"

ayaw na ayaw ng kaibigan niya na babanggitin neto ang buo niyang pangalan. Maganda naman ang pangalan neto. Sadyang hindi lang neto gusto na tinatawag siya sa buo niyang pangalan.

"Sabihin mo na kasi anong meron?"

"Invited daw tayo sa kasal ng pinsan ni Qiana. Iyong pinsan niyang kinukwento sa atin dati na nasa Dubai. Eh hindi ba? tinutukso ka pa namin doon dati kasi nga ikaw na lang ang single sa atin. Kasi nga ang choosy mo."

"Hoy hindi ako choosy no? ayaw ko lang ng distraction kasi nga nag-aaral pa ako noon at ayoko madisappoint ko sila Daddy."

"Sayang ka talaga girl, ang gwapo ng pinsan ni Qiana kung sana pinatulan mo nalang iyong panunukso namin sayo dati e 'di sana ikaw na ang ikakasal ngayon sa kaniya."

Napahilot si Theia sa sintido niya, hindi niya malaman kung kaibigan ba talaga niya ang mga ito o sadyang nambubugaw lang. E kasi naman siya lagi ang binubugaw kung kani-kanino. Porque may mga partner na ang mga ito kasi siya kasi ang tinutukso.

"Tigilan mo na pambubugaw mo sa'kin. Hindi naman ako nagmamadali sa ganiyang bagay at isa pa hindi ko pa natutupad ang pangarap kong magkaroon ng sariling coffee shop no?"

"Ah basta sa next saturday magkita tayo. Samahan mo akong mamili ng isusuot alam ko naman na magaling ka pagdating sa pananamit. Hindi ko kasi bet minsan kapag ako namimili. Busy din ang jowa ko kaya wala akong kasama. Alam ko din na hindi ka busy at nasa farm ka lang naman kaya samahan mo na ako okay? bye!"

Saka siya binabaan.

Humiga agad siya sa kama pagpasok niya sa kwarto. Sumakit bigla ang ulo niya kahit wala naman siyang masyadong ginawa sa araw na iyon. Isa talaga sa nagpapagulo ng isip niya ang tungkol sa last will and testament.

Masyado pa kasi talagang maaga para doon. Gusto din sana niya tanungin ang kuya niya tungkol doon pero hindi naman niya mahagilap kung nasaan ito. Huling natatandaan niya ay pumunta ito ng Siargao. Tumawag kasi ito sa mga magulang niya kahit papano ay nagpapaalam pa din ang kuya niya. Ayaw kasi ng Mommy niya mag-aalala kung nasaan sila. Kailangan pa din nila magpaalam. Pinapayagan naman sila ang mahalaga magpapaalam lang.

Ang bunso naman niyang kapatid ay nasa bahay nila kasama ang yaya. Malaki na ang kapatid niya kaya na niyon ang sarili nila. Kasama din niya doon ang yaya Mercy niya. Ang mayordoma ng pamilya nila. Minsan ay kinukumusta niya ang kapatid. Tuwing may activity sa school siya ang tinatawagan neto dahil alam niyang hindi talaga makakadalo ang magulang dahil nag-aasikaso din ito ng mga negosyo nila.

Naiintindihan naman nila iyon pinaintindi na din niya sa kapatid niya na huwag magtatampo dahil lahat naman binibigay sa kanila. Kapag may espesyal naman na okasyon ay lagi naman present ang mga magulang niya. Sa gan'ong paraan makakabawi ang mga ito. Pero bilang lang sa isang taon sila na magkasamang kompletong pamilya.

Masasabi niyang hindi perfect ang pamilyang meron siya pero hindi niya naman naramdaman na may kulang kasi gumagawa naman ng paraan ang mga magulang nila na makabawi sa kanila kahit papaano.

Bab terkait

  • The Accidental Wedding   CHAPTER 2

    "Matthea! bilisan mo naman diyan ilang damit pa ba ang susukatin mo? e lahat naman iyan bagay sa'yo akala ko ba may tiwala ka sa'kin pagdating sa taste ng mga damit." reklamo niya sa kaibigan niya na lagpas isang oras na sa fitting room. "Teka lang naman ito na nga binibilisan na, ano ba't nagmamadali ka?" "Diyos ko naman mag-dadalawang oras kana diyan girl tapos tatanungin mo ako bakit ako nagmamadali e alam mo naman pupunta pa ako sa farm." Kaya minsan ayaw niya talaga samahan ang mga kaibigan niya sa mga ganitong bagay kasi halos abutin sila ng isang buong araw tapos tig iisang damit lang ang bibilhin, bawat minuto kasi sa kaniya ay mahalaga kaya ayaw niyang nasasayang ang araw niya. At dahil may kaibigan siyang may balat sa pwet hindi mapirmi sa iisang lugar lang gusto laging may ginagawa. Pero ang problema gusto naman puro shopping inaatupag. Sabagay nakasanayan naman nila iyan noon pa. Siya lang ang naiiba kasi simula noong grumaduate siya ay hindi na niya nagagawang mag-shop

    Terakhir Diperbarui : 2022-11-03
  • The Accidental Wedding   CHAPTER 3

    Nagising si Theia sa tunog ng cellphone niya. Pilit niyang binubuka ang mata niya na antok na antok pa. Hindi na niya nagawang tingnan kung sino ang tumawag basta na lang niyang sinagot ang cellphone."Hello sino 'to?""Hello Autheia anak si Nanay Mercy mo ito, pasensya kana at maaga akong napatawag, uuwi kasi ako sa probinsya may emergency sa bahay. Maari ka bang umuwi muna walang makakasama si Austin e." "Sige ho Nay antayin niyo na lang ho ako diyan saka na kayo umalis. Maliligo lang muna ako." Pagkatapos nila mag-usap ay walang nagawa si Autheia kundi ang piliting ibangon ang sarili kahit antok na antok pa siya. Alas singko pa lang iyon ng umaga. Alas nwebe pa ang pasok niya at Alas syete naman ang pasok ng kapatid niya kaya may oras pa siya para ihatid ito. Pagdating niya sa Mansion nila ay nakahanda na ang almusal. Gan'on talaga ang Nanay Mercy niya kapag uuwi siya ay ang daming pagkain ang hinahanda kahit tatlo lang silang kakain."Nay, anong oras ho ba ang alis niyo?" tanon

    Terakhir Diperbarui : 2022-11-03
  • The Accidental Wedding   CHAPTER 4

    "Teka lang Matthy, naiihi ako punta muna akong restroom." paalam niya kay Matthea.Habang naglalakad siya papuntang restroom naisip niya bigla bakit kaya hindi sumipot ang bride. Akala niya sa teleserye lang nangyayare ang gan'on iyong hindi sisiputin ng bride ang groom dahil ayaw talaga neto magpakasal o hindi naman kaya napilitan lang kaya hindi sumipot. Pero sa setwasyon ng pinsan ni Qiana hindi nila alam kung bakit hindi sumipot ang bride. Sayang ang ganda pa man din ng set up at halatang ginastusan at pinaghandaan talaga ng mabuti para sa araw na ito.Palabas na siya ng simbahan ng makasalubong ang isang gwapong lalaki, kung hindi siya nagkakamali ay ito ang pinsan ni Qiana. Bigla siyang nagtago para hindi makita. Nahihiya siya hindi niya alam bakit. Sa tagal kasi ng panahon na hindi niya ito nakita. Totoo nga ang sabi sa kaniya ng mga kaibigan. Sobrang gwapo neto at mukhang mas muputi pa lalo.Halata sa mukha neto ang galit at pagka-dismaya. Ikaw ba naman ang hindi siputin sa ar

    Terakhir Diperbarui : 2022-11-03
  • The Accidental Wedding   CHAPTER 5

    Sobrang aga nagising ni Theia dahil may ilang gamit pa siyang ihahanda. Inisa-isa niyang nilista ang mga dadalhin baka kasi may makalimutan siya. Nang masiguro niyang kompleto na ay saka niya ginising ang kapatid niya para makapag-handa na.Hindi naman mahirap gisingin ang kapatid niya lalo na't sanay na ito. "Ate I'm ready.""Sige mauna kana sa sasakyan. Isasara ko lang ang mga pinto."Excited na din siyang makasama ang mga magulang niya bilang lang kasi talaga sa kamay niya ang makompleto sila sa isang taon. Hindi rin siya palaging nagbabakasyon, siguro sa isang taon isang beses lang din maisipan ng magulang nila na magbakasyon silang magpamilya.Wala na kasi ito halos oras pa sa mga bagay na gan'on. Isa din sa mahirap hagilapin ang kuya niyang hindi maka-permi sa isang lugar. Gusto yata libutin buong bansa syempre ayaw mag-trabaho at puro hingi na lang sa magulang niya ng pera. Sa isip ni Autheia kaya din siguro maagang gumawa ng Will and Testament ang Daddy niya ay baka iniisip n

    Terakhir Diperbarui : 2022-11-22

Bab terbaru

  • The Accidental Wedding   CHAPTER 1

    Tunog ng alarm clock ang nagpagising sa natutulog niyang diwa. Pasado alas sais na nang umaga. Araw niyon ng sabado.Nakaugalian na ni Theia na pumunta sa farm ng mga magulang niya. Nasa abroad kasi ang mga magulang niya ngayon. Nagbabakasyon regalo ng Daddy niya sa Mommy niya ang mag-out of the country. Wedding anniversary kasi ng mga magulang niya noong nakaraan. Dahil hindi niya maasahan ang kuya niya wala na kasi ibang ginawa iyon kun'di ang gumala at sumama sa barkada. Matapos niyang maghanda saka na siya umalis patungo sa farm nila. Hindi naman iyon gaanong kalayuan mula sa tinitirhan niyang apartment. Wala na kasi siya sa puder ng magulang niya simula n'ong grumaduate siya ay nagpaalam siya sa mga magulang na bumukod na. Bibisita na lang siya kada weekend sa kanila or sa farm. Pumayag naman ang mga magulang niya sa hiling niya. Wala naman siyang hiniling na hindi pinayagan ng magulang niya. Bukod na naging mabuti siyang anak, lahat ng gusto ng magulang niya ay sinusunod naman

DMCA.com Protection Status