Share

The Accidental Connection
The Accidental Connection
Author: Bratinela17

Y.O.L.O

"Woooooh! Let's drink... Cheers!!" malakas na sigaw ni Hailey. Habang gumagalaw ang kan'yang balingkinitang katawan na may malapad na balakang at umbok na likuran. Kaya naman kinababaliwan siya ng bawat lalaking mga napapatingin sa kan'ya. Pero, kasama niya ngayon ang mga friends niya at si Quatro.

Katabi niya ito at nakalingkis sa baywang niya. Medyo nangalay siya sa kakatayo kaya hinila niya ito sa upuan. Kasabay nang pag halik niya sa labi nito. Naghalikan silang dalawa at hindi alintana ang mga tao sa kanilang paligid. Sanay na sila at kilala naman sila sa loob ng bar at hwag ng magpaka ipokrito/ta lahat rito ay gawain rin ang ginagawa nila.

"Uhmm!" anas niya ng bumaba ang kamay nito sa loob ng brassiere na suot niya. Hinahayaan niya lang ito at hindi naman ito ang unang beses na nangyari sa kanila ito at mas malala pa nga ang mga nakalipas na buwan.

"Babe, can we go out??" tanong nito sa paos na boses. At kapag ganito ito alam niyang kailangan nilang magsex. Kaso wala siya sa mood ngayon kaya sinabi niya na lang na; "Babe, some other time na lang. Let just enjoy the night." nakangiting wika niya sabay tapik ng tatlong beses sa pisngi nito. Nakita niyang sumimangot ito pero, wala naman itong magagawa kung ayaw niya at wala siya sa mood. Ayon rin naman talaga ang nagustuhan niya rito kay Quatro hindi mapilit kapag ayaw niya.

Kasalukuyang nasa bar si Hailey ng tawagan ng Mommy nito. Labag man sa kalooban na sagutin ang tawag pero, hindi niya pwedeng irefuse ito at matinding sermon ang aabutin niya dito. Someone is kissing her neck at the moment. "Uhmmp! Babe, wait I'll just pick-up this call." bulong niya sa punong tainga nito. By the way Quatro is his past time. We f*ck but no label. Hanggang ganyan lang siya at ang married ay isang napakalaking bullshit para sa kan'ya. Hindi niyo naman siya masisi dahil lumaki siyang nakikita niya ang toxic na relationship ng mga magulang. Ang daddy niya ay may other woman.

"Hi! Mom, what's up???" bati niya dito sakto paglabas niya sa loob ng bar. Ayaw niya kasing ipaalam dito kung nasaan siya ngayon pihadong kagagalitan siya nito. At isa pa nakapa ingay sa loob ng bar at ang gulo ni Quatro.

"Where are you, hija? Can I talk to you?" tanong nito sa kan'ya. At gets naman niya ang gusto ng mommy niya. Pinapauwi na siya dito at hula niya nasa other woman na naman nito ang dad niya. Mula pagkabata mulat na siya sa magulong estado ng pamilya nila. Pero, hwag ka sa mgaata ng tao pag humaharap ang dad, mommy at siya ay para silang isang buo, masaya at matatag na pamilya. Yah! Akala niya rin noon pero, ng malaman niyang nagka other woman ang dad niya hindi na siya naniwala na seryoso ang buhay.

"Fine! Mom, wait for me. Magpapa alam lang ako sa mga friends ko sa loob." sagot niya at sabay off nang call.

Hindi talaga niya matanggihan ang mommy niya kapag dumaing na ito sa kan'ya. Hindi kasi niya ito nakitaan ng pagiging mahina noon pa man. Pero, kapag nagsabi na ito alam niya na kailangan siya nito.. Bukod sa solong anak lang naman siya nito. Wala ng iba pang malalapitan ang mommy niya na nakaka alam ng sitwasyon ng pamilya niya. Malabong sabihin pa nito sa mga friends and family nila lalong magugulo at makakaladkad sa eskandalo ang pamilya nila at ang pangalang iniingatan ng kan'yang daddy na siya rin naman ang nagparumi.

Pagpasok niya sa loob ng bar pinaikot niya ang mga mata niya at hinanap si Quatro ngunit wala na ito. What did she expect about him. Ano bang meron sila e, wala naman. Kaya lumabas na lang siya ng bara matapos niyang kunin ang pouch niya.

Mabilisan siyang nag drive palayo ng bar pabalik ng Mansyon nila.

Medyo maayos naman ang byahe niya at sobrang luwag ng kalsada marahil late na rin kasi kaya mas gusto talaga niyang naglalabas sa gabi para hindi hassle.

Wala pang one hour nakarating na siya ng Mansyon nila. Nag park lang siya ng mabilisan at naglakad na papasok sa loob. Naabutan niyang problemado ang mukha ng mommy niya habang nilalagok ang bote ng alak na hawak nito. "Nothing changes." napa sabi na lang siya at pilit pinasaya ang sarili ng lumapit sa kan'yang mommy at hindi pinahalatang malungkot siya para dito.

"Hi! Mom, medyo late na bakit gising ka pa?" patay malisyang tanong niya. Sabay beso dito at naupo sa tabi nito.

"Hmm! Hindi kasi ako makatulog hija. Sorry kung naabala kita. Alam mo naman na wala ang daddy mo nasa business venture." sagot nito at napayuko dahil alam niyang itatago nito ang lungkot nito. Na noon pa man ay alam niya na hindi lang niya pinapahalata.

"Mom, it's okay if may problema ka tell me. I'm here to listen. Matanda na ako at hindi mo na kailangang protektahan ang nararamdaman ko katulad noon." wika niya at hindi na rin niya kasi kailangang itago pa sa mommy niya na wala siyang alam dahil highs school pa lang alam niya nang nang babae ang daddy niya. Hindi lang talaga niya sinabi sa mommy niya at ayaw niyang masaktan ito.

Humarap ito sa kan'ya sabay sabi na; "Sorry hija, If I'm failed to protect our family. But, I don't have a choice. I love your dad. He was my first love and everything." garalgal ang boses nito na tanda na paiyak na rin ito.

Agad niyang niyakap ang kan'yang mommy sabay sabi na; "Go ahead mom. You can cry on my shoulders. I'm always here for you mom no matter what. I love you so much, mom." bulong niya rito kasabay ng pag-aalo niya sa likuran nito hanggang sa nagsisimula ng mabasa ang damit niya. Alam niyang umiiyak na ang mommy niya at hinayaan niya na lang ito para gumaan gaan na naman ang nararamdaman nito.

Maya maya lang kumalas ito sa pagkakayakap sa kan'ya sabay sabi na; " Tama na nga 'to at nakakapangit mag drama. Hahaha." sagot ng mommy niya sabay tawa. Tawa na pilit at hindi pa rin nababakasan na masaya talaga siya.

"Yan! Tawa lang palagi mom libre naman hehehe. Anyway, mom! Ubusin na natin 'to ng makapag pahing ka na rin at gabi na. Hayaan muna si dad uuwi naman 'yon kung gusto niya." sagot niya.

Hindi na umimik ang mommy niya at nilalagok na nito ang alak na hawak hanggang sa maubos. "Thank you, hija." usal nito.

Inalalayan niya na ang mommy niya sa pagtayo hanggang sa makapanhik sila sa taas ng kwarto nito. Pumasok sila sa loob at hiniga niya ito sa kama. "Sleep tight, mom. Nandito lang ako sa tabi mo." sagot niya.

"Good night, hija." sagot ng mommy niya sabay halik sa noo niya bago nito ipikit ang mga mata.

Habang nakaupo si Hailey katabi ng mommy niya hinaplos haplos niya ang buhok nito. Habang inaalala ang lahat ng sinakripisyo nito hwag lang silang maging broken family. Bakit ba niya nalaman na may other woman ang dad niya.

Way back 2017

Pauwi na sila ng mga classmates niya sana galing school ng mapag desisyunan nilang magpunta ng Mall kaya nagpahatid sila sa driver niya since siya ay hatid at sundo pa rin sa edad na 17 years old. Ang natatandaan niya fourth years highschool siya noon. At doon niya unang nakitang may kasamang iba ang daddy niya gusto sana niyang lumapit kaso naisip niya malalaman ng mga friends niya kaya mabilis niyang iniwas ang mga ito roon. Kaya bilib siya sa tatag ng mommy niya kaso ngayon parang hindi na tama at nakakagago na ang ginagawa ng dad niya dito. Isa yan sa dahilan kung bakit ayaw niyang makasal. Bull shit ang married life hindi mo magagawa ang gusto mo dahil kasal ka. Hindi katulad ng buhay niya ngayon. No pressure at sabi nga ng motto niya na -You only live once kaya gawin mo na ang lahat ng mga bagay na alam mong magpapasaya sayo habang buhay ka pa. Yolo life kumbaga at kung darating man ang panahon na tumandang dalaga siya atlis wala siyang pinagsisihan sa buhay niya. At sa palagay niya hindi siya pang wife material like her mom na martir. Hindi niya ugaling magpa api o ma agrabyado ng ibang tao sa paligid niya.

Nang makitang tulog na ang mommy niya dahan dahan siyang tumayo at naglakad ng maingat palabas ng kwarto nito. At kailangan na rin niyang matulog para pumasok ng opisina. Kapag wala ang dad niya siya ang nagmamanage ng lahat kaya hindi siya pwedeng mahuli sa mga meeting at malilintakan siya dito.

Pumasok siya sa loob ng kwarto niya sabay salampak. "Wooooh! This is my fucking life!!!" usal niya kasabay ng pagpikit ng kan'yang mga mata.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Bratinela17
Thank youuu so much.
goodnovel comment avatar
Secret Admirer
Nice story...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status