Home / Romance / The Accidental Connection / Pagkakasundo at kabayaran

Share

Pagkakasundo at kabayaran

One Month Later..

Lalong nabaon sa utang ang kumpanya nila at wala na silang magagawa kundi magsara na lamang. Nakakalungkot man pero, hanggang dito na lang talaga sila. Kanina pa nga naiyak si Colleen sa kan'ya habang nagliligpit ng gamit. Wala rito ang daddy niya at tanging siya lang ang humarap sa mga employees para magpaalam at ipaalam rito ang tunay na estado ng kumpanya na kanilang minahal. Ang iba kasi rito ay halos tumanda na rin sa pagseserbisyo. Wala naman kasing mapipintas sa kumpanya nila gayong ginagawa nila at ibinibigay nila ng tama ang nararapat para sa lahat ng kanilang mang gagawa. Nahihiya kasi ang daddy niya na ipakita ang mukha niya dahil wala itong mukhang maihaharap sa lahat.

Niyakap ni Colleen si Hailey dahil parang kapatid niya na rin ito. Mahirap man tanggapin pero, ganon talaga ang buhay.

Hanggang sa natigil silang lahat sa pagdating ng daddy niya at kasama nito ang isang di katangkarang matanda na ngayon niya lang rin yatang nakita.

"Everyone, back to work. Walang aalis sige na at Colleen iwan mo muna kaming tatlo." mariing utos ng kanyang daddy. Agad namang sumunod ito at ngumiti lamang sakanila.

Naiwan namang takang taka si Hailey sa pagsulpot ng kan'yang ama dito. Ang alam niya ay ayaw nitong lumabas ng bahay kaya paanong napapayag siyang lumabas ng kasama nitong matanda.

"Dad, I thought we are living today." kunot noong tanong niya.

"Yes hija but not now. Here's Mr. Hiroshima our business partner. He save our company in one condition." sagot ng dad niya at napatigil sa pagsasalita.

"What condition, dad?" ulit na tanong niya rito hanggang sa manlumo siya sa narinig niya mula sa matandang kasama nitong Japanese.

"Marry, Me!! And I'll save Montecillo company." sagot nito at kahit english ang ginamit nitong lengwahe e, bakas pa rin sa pananalita ng tono ng boses niya ang dugong hapon. Pero, wala siyang pakialam roon ang point niya ang sinabi nito.

"W-What did you say???! ulit niya.

"Sorry hija, this is the best way that I can do." sagot ng daddy niya. Biglang nagpanting ang dalawang ears niya sa narinig.

"Ano kamo dad best way. Bullshit!! This is bullshit, ikaw ang gumawa ng malaking problema bakit ako ang masa suffer??" galit na tanong niya dito. At totoo naman kasi anf lahat ng sinabi niya.

"Sorry hija, whether you like it or not pakakasal ka sa kan'ya. Binayaran niya na ang lahat ng utang natin hija."

Mas lalo siyang nagalit sa daddy niya sabay walk-out. Wala na siyang pakialam kung maging bastos siya sa paningin ng Mr. Hiroshima na 'yon. Pero, hindi siya papayag na maikasal sa halos lolo na niya ang kaedad. Hindi nga siya pumasok sa seryosong relasyon mag-asawa pa kaya.

Mabilis niyang pinasibat ang sasakyan at hindi niya alam ang kan'yang gagawin. Binuhos niya ang lahat ng galit na nararamdaman niya sa daddy niya na naging paladesisyon na naman sa buhay niya. Alam niyang gusto na nitong mag-asawa siya pero, hindi niya gusto sa kagaya ng matandang 'yon. "No! Way! Mamatay muna ako bago magpakasal sa matandang 'yon." sigaw niya sabay pabilis ng pabilis ang pagmamaneho niya hanggang sa makarinig na siya ng sirene ng police car tanda na hindi na siya nasa normal speed of driving at anytime pwede na siyang maaksidente sa mga pinag gagawa niya ng sandaling 'yon. Pero, mas gusto pa niya talaga ito kaysa matali sa buhay na alam niyang hindi naman siya magiging masaya kahit na mayaman pa ang matandang 'yon. Kung si Quatro nga na napakagwapo at simpatiko na magaling pa sa kama ay hindi niya pakakasalan ayon pa kaya na hukluban na.. "Kadiri!" usal niya ng sumagi sa isipan niya ang mukha nito. Ngayon pa lang nandidiri na siya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status